San Vicente Ferrer Chapel -Paombong, Bulacan

San Vicente Ferrer Chapel -Paombong, Bulacan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from San Vicente Ferrer Chapel -Paombong, Bulacan, Religious organisation, Paombong.

23/08/2026

SYMPOSIUM 2026: SULYAP SA KORONA
Sa mga huling bahagi ng ating paghahanda, tayo ay inaanyayahan muli na makiisa at matuto sa huling panayam patungkol sa nalalapit na Koronasyong Episkopal ng Nuestra Señora de la Consolacion y Correa.
Ikatlong bahagi • Pagdiriwang
"Corona y Correa: Parangal at Pagdiriwang ng Bayang Bigkis sa Pag-ibig kay Maria"
Linggo, Agosto 23, 2026, 1:00 ng hapon
Parokya ng Santiago Apostol
Paombong, Bulacan
Tagapagsalita: Bro. Kendrick Ivan Panganiban








22/08/2026

Live: Misa Anticipado

Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado, Agosto 22, 2026
7:30 ng gabi









𝗠𝗔𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗧𝗥𝗢𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗗𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟!
22/08/2026

𝗠𝗔𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗧𝗥𝗢𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗗𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟!

MABUHAY ANG MAHAL NA BIRHENG MARIA, ANG ATING INA AT REYNA!

Ang Dekreto ng Koronasyong Episkopal na iginawad ni Lub. Kgg. Dennis C. Villarojo, D.D., Obispo ng Malolos sa Patronang Pandangal, Ina at Reynang Mapang-aliw ng Bayan ng Paombong, Nuestra Señora de la Consolacion y Correa.

Viva la Virgen!









OFFICIAL POSTER | KORONASYONG EPISKOPALDulce Madre del Consuelo!Buong kagalakang inihahayag ng ating Parokya ang Opisyal...
16/08/2026

OFFICIAL POSTER | KORONASYONG EPISKOPAL

Dulce Madre del Consuelo!

Buong kagalakang inihahayag ng ating Parokya ang Opisyal na Poster para sa nalalapit na Koronasyong Episkopal ng ating Patronang Pandangal, Ina at Reynang Mapang-aliw ng Bayan ng Paombong—ang Nuestra Señora de la Consolacion y Correa.

Sa mahabang panahon at pagdaan ng maraming henerasyon, ang Mahal na Virgen ng Consolacion y Correa ay patuloy na nakatunghay, nananalangin, at nagpaparamdam ng kanyang maka-inang pagmamahal sa buong Sambayanan ng Paombong at sa lahat ng kanyang mga deboto. Sa pamamagitan ng Mahal na Ina, ating natatamo ang kaaliwang ating kailangan, lalo na sa oras ng mga pagsubok sa ating buhay.

Ngayon taon ay itinuturing na makasaysayan at natatangi ang ating pagdiriwang, sapagkat kasabay ng araw ng kanyang kapistahan ay igagawad ang Koronasyong Episkopal sa Veneradang Imahen ng Nuestra Señora de la Consolacion y Correa de Paombong.

Setyembre 6, 2026, ika-6:00 ng gabi
Parokya ng Santiago Apostol
Paombong, Bulacan

Ang Misa Pontipikal at Rito ng Koronasyon ay pangungunahan ng Obispo ng Malolos, Lub. Kgg. Dennis C. Villarojo, D.D.

Inaanyayahan ang buong Sambayanang Paombongueño at lahat ng mga deboto na makiisa sa panalangin at sa makasaysayang pagdiriwang na ito ng ating bayan at Parokya.

Viva la Virgen!

“Pag-alala. Pananampalataya. Pagdiriwang.”









OFFICIAL POSTER | KORONASYONG EPISKOPAL

Dulce Madre del Consuelo!

Buong kagalakang inihahayag ng ating Parokya ang Opisyal na Poster para sa nalalapit na Koronasyong Episkopal ng ating Patronang Pandangal, Ina at Reynang Mapang-aliw ng Bayan ng Paombong—ang Nuestra Señora de la Consolacion y Correa.

Sa mahabang panahon at pagdaan ng maraming henerasyon, ang Mahal na Virgen ng Consolacion y Correa ay patuloy na nakatunghay, nananalangin, at nagpaparamdam ng kanyang maka-inang pagmamahal sa buong Sambayanan ng Paombong at sa lahat ng kanyang mga deboto. Sa pamamagitan ng Mahal na Ina, ating natatamo ang kaaliwang ating kailangan, lalo na sa oras ng mga pagsubok sa ating buhay.

Ngayong taon ay itinuturing na makasaysayan at natatangi ang ating pagdiriwang, sapagkat kasabay ng araw ng kanyang kapistahan ay igagawad ang Koronasyong Episkopal sa Veneradang Imahen ng Nuestra Señora de la Consolacion y Correa de Paombong.

Setyembre 6, 2026, ika-6:00 ng gabi
Parokya ng Santiago Apostol
Paombong, Bulacan

Ang Misa Pontipikal at Rito ng Koronasyon ay pangungunahan ng Obispo ng Malolos, Lub. Kgg. Dennis C. Villarojo, D.D.

Inaanyayahan ang buong Sambayanang Paombongueño at lahat ng mga deboto na makiisa sa panalangin at sa makasaysayang pagdiriwang na ito ng ating bayan at Parokya.

Viva la Virgen!

“Pag-alala. Pananampalataya. Pagdiriwang.”









15/08/2026

Live: Banal na Misa
Ikadalawangpung Linggo sa Karaniwang Panahon

Agosto 16, 2026 | 8:00 ng Umaga








MASDAN |  Kasalukuyang kalagayan ng ating Sta. Bisita dahil sa patuloy na pag ulan.
10/08/2026

MASDAN | Kasalukuyang kalagayan ng ating Sta. Bisita dahil sa patuloy na pag ulan.







ORATIO IMPERATA PARA SA BAGYOAmang Makapangyarihan, hindi mo kailanman ninais na kami'y mapahamak. Ngayong kami'y nahaha...
09/08/2026

ORATIO IMPERATA PARA SA BAGYO

Amang Makapangyarihan, hindi mo kailanman ninais na kami'y mapahamak. Ngayong kami'y nahaharap sa bagyo, pawiin Mo ang aming takot at pangamba, ipagsanggalang kami sa hagupit ng unos at pinsalang dulot nito, Sa Iyong kapangyarihan, ibalik ang kaayusan at kapayapaan sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

N. Panginoon naming Diyos, ipakita mo na ang pag-ibig mong wagas.

B. Kami ay lingapin at sa kahirapan ay iyong iligtas.

Maria, Ina ng Simbahan, ipanalangin mo kami.
San Miguel Arkanghel, ipanalangin mo kami.
San Roque, ipanalangin mo kami.
San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami.
San Pedro Calungsod, ipanalangin mo kami.
Santiago Apostol, ipanalangin mo kami.
San Vicente Ferrer, ipanalangin mo kami.

09/08/2026

Live: Banal na Misa

Ikalabing-walong Linggo sa Karaniwang Panahon

Agosto 09, 2026 | 8:00 ng Umaga








ANG OPISYAL NA SAGISAG NG KORONASYONG EPISKOPALNarito ang opisyal na sagisag ng Koronasyong Episkopal ng Patronang Panda...
06/08/2026

ANG OPISYAL NA SAGISAG NG KORONASYONG EPISKOPAL

Narito ang opisyal na sagisag ng Koronasyong Episkopal ng Patronang Pandangal, Ina at Reynang Mapang-aliw ng Bayan ng Paombong, Nuestra Señora de la Consolacion y Correa. Ito ay inilunsad noong ika-7 ng Setyembre ng nakaraang taon, kasabay ng Kapistahan ng Mahal na Virgen Consolacion de Paombong at ito ay idisenyo ng Obra ni Jose.

Narito ang pagpapaliwanag sa mga elemento na bumubuo sa Opisyal na Sagisag ng Koronasyong Episkopal ng Nuestra Señora de la Consolacion y Correa:

• Krus - sumasagisag ito sa Kristiyanismo at tagumpay ni Kristo laban sa kasalanan at kamatayan. Ang Krus, sa pakikipag-isa kay Maria, ay nagiging sagisag ng pananampalataya, pag-asa, at consolacion o kaaliwan.

• Korona at Doce Estrellas (12 Bituin) - ang korona ay sumasagisag sa Koronasyong Episkopal ng Nuestra Señora de la Consolacion y Correa de Paombong, ng kanyang pagiging Reyna, at ng maka-Inang pag-aaruga sa Simbahan. Sa Pahayag kabanata 12, ang “babaeng nababalutan ng araw” ay may koronang may labindalawang bituin—simbolo ng 12 lipi sa Lumang Tipan at 12 apostol sa Bagong Tipan.

• Kabibe - sumasagisag kay Santiago Apostol, ang Patron ng Parokya.

• Insignia ni Obispo Dennis, Diyosesis ng Malolos at Parokya ng Santiago Apostol - sumasagisag sa Obispo ng Diyosesis ng Malolos na nagkaloob Koronasyong Episkopal; ang Diyosesis kung saan tayo nabibilang at ang Parokya kung saan nakaluklok ang pinipintuho nating imahen ng Virgen Consolacion.

• Mga Sinag - sumasagisag sa Espiritu Santo at sa walang hanggang pag-ibig ng Diyos na ibinuhos sa Kanyang bayan.

• Kalupaan, katubigan at ang mga Kabibe - sumisimbolo sa Bayan ng Paombong at ang 14 na Barrio na nasasakupan nito.

• Auspice Maria at Sintas - ang kahulugan ng simbolong ito ay “Sa Pagkalinga ni Maria.” Ang sintas ay sagisag ng proteksyon sa Ordeng Agustino at aliw para sa mga deboto at mananampalatayang Paombongeño.

• Sasa - kumakatawan sa mga deboto ng Virgen Consolacion at mga mananampalataya ng Paombong na siyang nakatunghay sa Virgen; ito rin ang pinagmumulan ng tanyag na Sukang Paombong na siyang nagpabantog sa bayang ito.

• Koronasyong Episkopal - ito ay isang pagkilala na iginagawad ng Obispo o Arsobispo ng isang diyosesis o arkidiyosesis. Ito ay pormal na ipinahahayag sa pamamagitan ng isang Dekreto ng Koronasyon mula sa Tanggapan ng Kansilyer. Kinikilala ng dekretong ito ang debosyon at pagpipitagan sa isang imahen ng Mahal na Birhen sa isang natatanging titulo at pook.

• Patronang Pandangal - noong 1988, ipinroklama ang Nuestra Señora de la Consolacion y Correa bilang Patronang Pandangal ng Paombong, Bulacan, na lalo pang nagpatatag noon ng debosyon sa kanya.

• Taong 1639 at 2026 - ang debosyon sa Nuestra Señora de la Consolacion y Correa sa Paombong, Bulacan ay pinaniniwalaang dinala ng mga paring Agustino mula sa España noong ang bisita ng Paombong ay itinatag bilang Parokya taong 1639. Taong 2026 itinakda ang Episkopal na Koronasyon ng Nuestra Señora de la Consolacion y Correa de Paombong. Mula noon hanggang ngayon, ang debosyon sa Birheng Consolacion ay nanatiling buhay at masigasig.

• Simbolo ni San Agustin - kumakatawan sa Orden ng mga Agustino. Sinasabing ipinakilala ng mga Paring Agustino mula sa España ang debosyon sa Virgen Consolacion sa Paombong.

Manatiling nakasubaybay sa ating page para sa mga updates at gawain kaugnay ng Koronasyong Episkopal ng Mahal na Virgen Consolacion de Paombong.

Viva la Virgen!









AGOSTO 4 | ARAW NG MGA PARI AT KAPISTAHAN NI SAN JUAN MARIA VIANNEYIsang pagbati po ng Maligaya at Mapagpalang Araw ng m...
04/08/2026

AGOSTO 4 | ARAW NG MGA PARI AT KAPISTAHAN NI SAN JUAN MARIA VIANNEY

Isang pagbati po ng Maligaya at Mapagpalang Araw ng mga Pari sa inyo:

Rdo. P. Gener S.R. Garcia (Kura Paroko)
Rdo. P. Jerome Robles (Bikaryo Paroko)
Rdo. P. Danilo Sta. Maria (Pastor Emeritus)
Rdo. P. Anacleto Ignacio (Pastor Emeritus)

Ang amin pong taos-pusong pasasalamat sa inyong paglilingkod at paggabay sa buong Parokya ng Santiago Apostol - Paombong. Asahan po ninyo na kayo ay kasama sa aming mga panalangin.

San Juan Maria Vianney, ipanalangin mo kami lalong higit ang mga pari.









Address

Paombong

Opening Hours

6:30am - 8:30am

Telephone

+639561627335

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Vicente Ferrer Chapel -Paombong, Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share