30/08/2026
MAMAYA NA | HARANA KAY MARIA AT PASINAYA NG KORONA
Inaanyayahan po ang lahat na dumalo sa isang gabi ng panalangin, awitin at pagpaparangal sa ating Patrona, Ina at Reynang si Maria.
Ito ay inihahandog ng Parokya ng Santiago Apostol, Komite ng Koronasyon, Cofradia de Nuestra Señora Consolacion y Correa, Paombong Marian Exhibit & Procession Committee tampok ang mga mang-aawit mula sa ating Music Ministry.
Matutunghayan din natin ang pagpapasinaya sa Koronang Episkopal ng ating Patronang Pandangal, Ina at Reynang Mapang-aliw ng Bayan ng Paombong, Nuestra Señora de la Consolacion y Correa.
Ito ay gaganapin matapos ang Banal na Misa ng ika-6:00 ng gabi. Magkita-kita po tayo mamaya sa ating Parokya!
Viva la Virgen!