Capilla del Santisimo Rosario de Paombong

Capilla del Santisimo Rosario de Paombong Ang Opisyal na pahina ng Capilla ng Mahal na Birhen ng Santo Rosario de Paombong. Sto. Rosario, Paombong, Bulacan. (Misa Anticipado)

Ave Maria!

Regular na Misa sa ating Capilla:
Tuwing Sabado sa ganap na ika-7:30 N.G.

SYMPOSIUM 2026: SULYAP SA KORONASa mga huling bahagi ng ating paghahanda, tayo ay inaanyayahan muli na makiisa at matuto...
19/08/2026

SYMPOSIUM 2026: SULYAP SA KORONA

Sa mga huling bahagi ng ating paghahanda, tayo ay inaanyayahan muli na makiisa at matuto sa huling panayam patungkol sa nalalapit na Koronasyong Episkopal ng Nuestra Señora de la Consolacion y Correa.

Ikatlong bahagi • Pagdiriwang
"Corona y Correa: Parangal at Pagdiriwang ng Bayang Bigkis sa Pag-ibig kay Maria"

Linggo, Agosto 23, 2026, 1:00 ng hapon
Parokya ng Santiago Apostol
Paombong, Bulacan

Tagapagsalita: Bro. Kendrick Ivan Panganiban









SRDP | Gunita AGOSTO 18 - PAGGUNITA KAY SANTA ELENA EMPERATRIZ Si Santa Elena ay isang Emperatriz sa Roma na nabuhay noo...
18/08/2026

SRDP | Gunita

AGOSTO 18 - PAGGUNITA KAY SANTA ELENA EMPERATRIZ

Si Santa Elena ay isang Emperatriz sa Roma na nabuhay noong ikatlong siglo, siya rin ang ina ni haring Constantino. Siya ang pinaniniwalaang nakatagpo sa orihinal na krus na pinagpakuan ng Panginoon. Ginamit niya ang kanyang yaman upang ipalaganap ang pananampalatayang kristyano noong ikatlong siglo. Siya ay ipinagdiriwang tuwing ika-18 ng Agosto.

SANTA ELENA EMPERATRIZ, Ipanalangin mo kami.




SRDP | Gunita - Santong DominikanoAGOSTO 17 - PAGGUNITA KAY SAN JASINTO DE POLONIASi San Jasinto ay kilala rin bilang "P...
17/08/2026

SRDP | Gunita - Santong Dominikano

AGOSTO 17 - PAGGUNITA KAY SAN JASINTO DE POLONIA

Si San Jasinto ay kilala rin bilang "Polish Saint Dominic," siya ay nagmula sa marangal na pamilya ng Odrowatz sa Poland. Nagsagawa siya ng mga kahanga-hangang himala at pagpapagaling. Tulad ng marami pang ibang santo ng Ordeng Dominikano, nagkaroon din siya ng malalim at mapagmahal na debosyon sa Mahal na Ina. Sa bawat yugto ng kanyang buhay, gumaan ang kanyang mga pasanin sa tulong ng Mahal na Birheng Maria; at bilang huling biyaya, nagpakita ang Mahal na Ina upang ipaalam sa kanya na siya ay papanaw sa Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit. Isa sa kaniyang mga nagawa ay ang kanyang pagsalba sa Santisimo Sakramento, at ang himala niyang pagkabuhat sa isang imahen ng Mahal na Birhen na yari sa bato noong kasagsagan ng isang giyera. Siya ay ipinagdiriwang tuwing ika-17 ng Agosto.

SAN JASINTO DE POLONIA, Ipanalangin mo kami.




SRDP | Gunita AGOSTO 16 - PAGGUNITA KAY SAN ROQUE MONTPELLIERSi San Roque ay magmula sa ma impluwensyang pamilya sa Mont...
16/08/2026

SRDP | Gunita

AGOSTO 16 - PAGGUNITA KAY SAN ROQUE MONTPELLIER
Si San Roque ay magmula sa ma impluwensyang pamilya sa Montpellier Pransya. Pinaniniwalaang siya ay naglakbay patungong Italya upang tumulong sa mga taong may sakit na salot. Nahawa rin siya sa sakit at pumunta sa kagubatan upang lumayo sa iba. Pinakain at pinagaling siya sa kagubatan ng isang a*o na nagdadala ng tinapay araw-araw. Siya ay kinikilalang patron laban sa mga sakit at salot.
Siya ay ipinagdiriwang tuwing ika-15 ng Agosto.

SAN ROQUE MONTPELLIER, Ipanalangin mo kami.

Isa rin pong pagbati sa SPPC San Roque sa kanilang pagdiriwang ng kanyang kapistahan. Viva Apo Roque!




OFFICIAL POSTER | KORONASYONG EPISKOPALDulce Madre del Consuelo!Buong kagalakang inihahayag ng ating Parokya ang Opisyal...
16/08/2026

OFFICIAL POSTER | KORONASYONG EPISKOPAL

Dulce Madre del Consuelo!

Buong kagalakang inihahayag ng ating Parokya ang Opisyal na Poster para sa nalalapit na Koronasyong Episkopal ng ating Patronang Pandangal, Ina at Reynang Mapang-aliw ng Bayan ng Paombong—ang Nuestra Señora de la Consolacion y Correa.

Sa mahabang panahon at pagdaan ng maraming henerasyon, ang Mahal na Virgen ng Consolacion y Correa ay patuloy na nakatunghay, nananalangin, at nagpaparamdam ng kanyang maka-inang pagmamahal sa buong Sambayanan ng Paombong at sa lahat ng kanyang mga deboto. Sa pamamagitan ng Mahal na Ina, ating natatamo ang kaaliwang ating kailangan, lalo na sa oras ng mga pagsubok sa ating buhay.

Ngayon taon ay itinuturing na makasaysayan at natatangi ang ating pagdiriwang, sapagkat kasabay ng araw ng kanyang kapistahan ay igagawad ang Koronasyong Episkopal sa Veneradang Imahen ng Nuestra Señora de la Consolacion y Correa de Paombong.

Setyembre 6, 2026, ika-6:00 ng gabi
Parokya ng Santiago Apostol
Paombong, Bulacan

Ang Misa Pontipikal at Rito ng Koronasyon ay pangungunahan ng Obispo ng Malolos, Lub. Kgg. Dennis C. Villarojo, D.D.

Inaanyayahan ang buong Sambayanang Paombongueño at lahat ng mga deboto na makiisa sa panalangin at sa makasaysayang pagdiriwang na ito ng ating bayan at Parokya.

Viva la Virgen!

“Pag-alala. Pananampalataya. Pagdiriwang.”









OFFICIAL POSTER | KORONASYONG EPISKOPAL

Dulce Madre del Consuelo!

Buong kagalakang inihahayag ng ating Parokya ang Opisyal na Poster para sa nalalapit na Koronasyong Episkopal ng ating Patronang Pandangal, Ina at Reynang Mapang-aliw ng Bayan ng Paombong—ang Nuestra Señora de la Consolacion y Correa.

Sa mahabang panahon at pagdaan ng maraming henerasyon, ang Mahal na Virgen ng Consolacion y Correa ay patuloy na nakatunghay, nananalangin, at nagpaparamdam ng kanyang maka-inang pagmamahal sa buong Sambayanan ng Paombong at sa lahat ng kanyang mga deboto. Sa pamamagitan ng Mahal na Ina, ating natatamo ang kaaliwang ating kailangan, lalo na sa oras ng mga pagsubok sa ating buhay.

Ngayong taon ay itinuturing na makasaysayan at natatangi ang ating pagdiriwang, sapagkat kasabay ng araw ng kanyang kapistahan ay igagawad ang Koronasyong Episkopal sa Veneradang Imahen ng Nuestra Señora de la Consolacion y Correa de Paombong.

Setyembre 6, 2026, ika-6:00 ng gabi
Parokya ng Santiago Apostol
Paombong, Bulacan

Ang Misa Pontipikal at Rito ng Koronasyon ay pangungunahan ng Obispo ng Malolos, Lub. Kgg. Dennis C. Villarojo, D.D.

Inaanyayahan ang buong Sambayanang Paombongueño at lahat ng mga deboto na makiisa sa panalangin at sa makasaysayang pagdiriwang na ito ng ating bayan at Parokya.

Viva la Virgen!

“Pag-alala. Pananampalataya. Pagdiriwang.”









15/08/2026

Live: Banal na Misa
Ikadalawangpung Linggo sa Karaniwang Panahon

Agosto 16, 2026 | 8:00 ng Umaga








Mahal na Birheng Iniakyat sa Langit, Ipanalangin mo kami.PANALANGIN SA NUESTRA SEÑORA DE LA ASUNCIONAma naming makapangy...
15/08/2026

Mahal na Birheng Iniakyat sa Langit, Ipanalangin mo kami.

PANALANGIN SA NUESTRA SEÑORA DE LA ASUNCION

Ama naming makapangyarihan sa Iyong kaningningan naakit ang Mahal na Birheng Maria, sa tulong ng iyong mga biyaya, namuhay Siyang kalinis-linisan at karapat-dapat sa Iyong mga itinakda kaya’t pinagpala Mo Siyang iniakyat sa kalangitan taglay ang kaluluwa at katawan. Ibinigay Mo siya sa aming Ina at huwaran, sa tulong ng kanyang mga panalangin at sa pagsasaloob namin ng mga bagay sa kaitaasan, pagindapatin Mong kami’y mamuhay rin sa kalinisan at karapat-dapat sa Iyong mga itinakda at kaisa Niya’y magtamasa sa Iyong piling ng kaningningang walang maliw sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.








WALANG MISA SA MGA SUMUSUNOD NA BISITA NGAYONG ARAW NG SABADO:San Roque - TinaadSto. RosarioSto. Kristo - KapitanganSan ...
15/08/2026

WALANG MISA SA MGA SUMUSUNOD NA BISITA NGAYONG ARAW NG SABADO:

San Roque - Tinaad
Sto. Rosario
Sto. Kristo - Kapitangan
San Isidro
San Jose
Banal na Krus - Malumot
Sagrada Familia - Pantay
INLS - Pinalagdan
Sto. Niño
Birhen ng Fatima - Gusi

Dahil ito sa naging epekto ng habagat at mga pagbaha.

Samantala, tuloy naman ang Misa sa mga Bisita ng San Roque - Proper at San Roque - Pulo.

Salamat po sa inyong pang-unawa.








SRDP | Gunita AGOSTO 15 - PAGGUNITA KAY SAN TARCISIO NG ROMA - MARTYRSi San Tarcisio ng Roma ay kinikilala bilang patron...
14/08/2026

SRDP | Gunita

AGOSTO 15 - PAGGUNITA KAY SAN TARCISIO NG ROMA - MARTYR

Si San Tarcisio ng Roma ay kinikilala bilang patron ng mga tagapaglingkod sa dambana. Si San Tarcisio ay nabuhay noong panahong inuusig ang mga Kristyano noong ika-3 siglo. Pinaniniwalaang si San Tarcisio ay inutiusan na kuhanin ang Banal na Sakramento upang gamitin sa isang katakumba kung saan idaraos ipamamahagi ang Banal na Sakramento sa mga preso, si San Tarcisio ay nakita ng mga pagano at nakita ang tangan niyang santisimo, pinilit nila itong kunin ngunit hindi ito ibinigay ni Tarcisio kaya siya ay pinagbabato hanggang sa siya ay bawian ng buhay habang yakap ang sakramento.
Siya ay ipinagdiriwang tuwing ika-15 ng Agosto.

SAN TARCISIO NG ROMA, Ipanalangin mo kami.




SRDP | UpdatesNarito po ang kasalukuyang lagay ng ating Santa Bisita, ito rin po ay nagsisilbing Evacuation Center ng il...
14/08/2026

SRDP | Updates

Narito po ang kasalukuyang lagay ng ating Santa Bisita, ito rin po ay nagsisilbing Evacuation Center ng ilan nating mga ka barangay.

Patuloy po tayong manalangin sa ikapapayapa ng panahon at sa ikahuhupa ng baha.



Address

Sitio Central, Sto. Rosario
Paombong
3001

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Capilla del Santisimo Rosario de Paombong posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share