27/08/2026
PANALANGIN SA MAPAGPAGALING AT MAPAGHIMALANG SEÑOR SANTO CRISTO DE KAPITANGAN
Mapagpagaling at Mapaghimalang Señor Santo Cristo, katamis-tamisan kong Manunubos, sa harap mo ngayo'y naririto kami nakaluhod at nagsisi ng taos-puso sa aming pagwawalang bahala sa Iyo at sa aming paglimot sa hindi na mabilang na mga biyaya Mo, lalong-lalo na sa hindi namin pagpapahalaga sa biyaya ng pagtubos Mo sa amin. Pinagsisihan ko ng labis, Panginoon ko ang pagkakasala sa lyo. Ikinalulungkot ko ang pagiging dahilan ko lyong pagpapasan ng Krus, sa gitna ng mga hirap at kapaitan, hanggang sa bundok ng Kalbaryo. Tunghayan Mo akong naninikluhod sa Iyong harapan, nakikiusap at nagsusumamo sa aking mga kahilingan at panalangin ay lyong ipagkaloob.
(Banggitin ang sariling kahilingan o panalangin.)
Mapagpagaling at Mapaghimalang Señor Santo Cristo, pagsusumamo ko ay dinggin Mo, Iligtas mo kami sa lahat ng uri ng panganib at kapahamakan.
Ibigin Mo, Mapagpagaling at Mapaghimalang Señor Santo Cristo na kami ay gumaling sa aming mga karamdaman, malampasan ko ang mga pagsubok na aking madadaanan, ipagtanggol at iiwas Mo kami sa lahat ng uri ng kasamaan.
Mapagpagaling at Mapaghimalang Señor Santo Cristo, nabayubay at namatay ka sa Krus upang kami ay mabuhay, kaya naniniwala kami na hindi Mo kami pababayaan sapagkat kami ay lyong kapit at tangan, Huwag Mo hayaang kami ay mawalay ng sa Iyo magpakailanman.
Amen.
(Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Luwalhati sa Ama..... ulitin ng 3 beses.)
Mapagpagaling at Mapaghimalang Señor Santo Cristo,
Dalangin namin Iyong dinggin.
Namumuno: Purihin ang Pangalan ng Panginoon.
Lahat: Ngayon at magpasawalang hanggan.
Namumuno: +Pagpalain nawa tayo ng Panginoon, iligtas tayo mula sa lahat ng kasamaan, at akayin tayo sa buhay na walang hanggan.
Lahat: Amen.