09/08/2026
Sa gitna ng tuloy-tuloy na pag-ulan at malawakang pagbaha sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas, inaalala po namin kayo at ipinananalangin, JRAM Asia Kapamilya. Nawa'y makasumpong tayong lahat ng kaligtasan, kapayapaan, at katiwasayan sa presensya't pagsama ng ating Diyos na ating Kanlungan magpakailanman.
Ang pag-ibig ng Diyos Ama, ang biyaya't pagpapala ng Diyos Anak na si JesuCristo, at ang patuloy na patnubay at pakikipag-isa ng Banal na Espiritu ang palagi nating maranasan. Amen.