25/01/2023
๐๐๐ฆ๐๐๐๐ก | ๐๐ฒ๐ฝ๐๐ฑ, ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ธ๐ฑ๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ถ๐ฐ ๐๐ฑ๐๐ฐ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฅ๐ฒ๐ฝ๐ผ๐ฟ๐ ๐๐ฎ ๐๐ป๐ฒ๐ฟ๐ผ ๐ฏ๐ฌ
LUNGSOD NG PASIG, Enero 23, 2023 โ Nakatakdang isagawa ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang Basic Education Report (BER) 2023 sa Enero 30 upang ilahad ang mga kasalukuyang hamon at mga priyoridad na sektor ng ahensya.
Sa press briefing ng Kagawaran, inihayag ni DepEd Spokesperson Atty. Michael Wesley T. Poa nasi Pangalawang Pangulo at Kalihim ng Edukasyon Sara Z. Duterte ang maghahatid ng BER 2023.
โGusto natin ilahad sa general public kung ano talaga โyong current state of education kasi po lagi natin naririnig na ang daming challenges ng basic education. So, dito po natin iisa-isahin sa publiko kung ano โyong mga specific challenges ng basic education,โ pagbibigay-diin ni Atty. Poa.
โAside from that, siyempre pagkalatag natin ng challenges, ang Department po natin ay maglulunsad ng Education Agenda. Tinutukoy nito ang mga plans and initiatives natin upang maresolba โyong mga challenges na ito,โ dagdag ni Atty. Poa.
Bukod pa rito, ilulunsad ng DepEd ang panibagong call to action para sa lahat ng Pilipino na nakaangkla sa BER 2023.
โItโs really to give the public an idea of the steps that this administration will take and also the direction of this administration towards resolving issues in basic education,โ ani Atty. Poa.