14/09/2026
Sa paanan ng Krus, doon natin maaaring ilapag ang mga sakit na matagal nating kinikimkim.
Ang Krus ay hindi lamang tanda ng sakripisyo, ito rin ay tahanan ng pusong sugatan.
Kapag pagod na ang puso, lumapit sa Krus. Kapag hindi mo na kayang magpatawad, lumapit sa Krus. Kapag may sugat na ayaw gumaling, ilapit mo sa Kanya.
Sapagkat sa Krus, ipinapaalala ni HESUS na
walang pusong masyadong sugatan para Kanyang pagalingin, walang kasalanang masyadong mabigat para Kanyang patawarin, at walang buhay na hindi na kayang baguhin ng Kanyang biyaya.
Minsan, hindi agad nawawala ang sakit.
Ngunit habang nananatili tayo sa paanan ng Krus, unti-unting natututo ang puso na muling magtiwala, magpatawad, at magmahal.
Sa Krus, hindi lamang tayo iniligtas, doon din unti-unting naghihilom ang ating puso. ❤️‍🩹