07/10/2026
โ๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก | GSP Panitan NHS, matagumpay na isinagawa ang 3-Day Ultimate Senior/Cadet School Camp
โ
โMatagumpay na isinagawa ng Girl Scout of the Philippines ng Panitan National High School ang The Ultimate Senior/Cadet School Camp 2026 kung saan nagbigay ito ng makabuluhang karanasan, bagong kaalaman at masasayang alaala sa bawat mag-aaral, Oktubre 2-4.
โ
โSa ilalim ng temang โLEAD ON: Girl Scouts Carrying Our Legacy, Leading the Future,โ naging daan ang nasabing programa upang higit na malinang ang diwa ng pamumuno at pagkakaibigan.
โ
โTampok sa tatlong araw na ito ang iba't-ibang makabuluhang gawain tulad ng Campfire, Team Building, Hike Out/Cook Out at iba pang aktibidad na humamon sa kanilang kakayahan at nagpatibay sa kanilang samahan.
Sa pamamagitan ng mga gawaing ito ay nahasa ang kanilang pagiging mapamaraan, responsable at handang mamuno sa bawat hamon. Gayundin, binigyang-halaga rin dito ang paglilingkod, disiplina at pagkakaisa ng bawat Girl Scout.
โ
โSa pagtatapos ng tatlong araw ay baon ng bawat Girl Scout ang masasayang alaala at mahahalagang aral na magsisilbing gabay sa kanilang patuloy na paglalakbay bilang mga kabataang lider.
โ
โ
โโ๏ธ| Mary Antonette Balgos
โ๐ท| Quin Ashley Deocampo & Mary Antonette Balgos