San Marcos Ebanghelista

San Marcos  Ebanghelista catholic parish church

16/04/2020

Ang Tanda ng Krus..
Panginoon kong Hesukristo…
O Diyos ko.! Ako’y nasa harapan na taglay sa aking kaluluwa ang maitim na batik ng kasalana. Hindi ako karapat-dapat humarap sa iyo, ngunit saan ako paroroon kundi sa iyo, O Diyos ko. O Hesus, batid ko na hindi ka naparito sa lupa upang sumpain at lipulin ang makasalanan, kundi upang hanapin ang mga tupang napaligaw. Naparito ka sa daigdig upang tawagin mo akong makasalanan. Inihandog mo ang iyong sarili sa malupit na kamatayan sa krus dahil sa akin,
O Hesus, batid ko na hindi ka naparito sa lupa upang sumpain at lipulin ang makasalanan, kundi upang hanapin ang mga tupang napaligaw. Naparito ka sa daigdig upang tawagin mo akong makasalanan. Inihandog mo ang iyong sarili sa malupit na kamatayan sa krus dahil sa akin, Oo nga, dahil sa mga kasalanan ko’y humaharap sa iyo, sakbibi ng lumbay, sa pagsisisi. Mula sa kaibuturan ng aking puso ay hinihiling ko ang kapatawaran sa aking mga kasalanan at ipinangangako kong hindi na ako babalik sa pagkakasala.

PANALNGIN SA ARAW-ARAW
O maluwalhating Evangelistang San Marcos, Leon sa katapangan sa pag-hahasik upang maisagawa at matupad mo ang mga aral ng iyong ebanghelyo. O dakilang evangelista patnubayan mo ako sa gitna ng kadiliman ng mga di binyagan,patnubayan mo ako sa gitna ng kadiliman ng kamalian, at ipagkamit mo ako ng liwanag na tunay na pagkilala at pagtalima sa aral ni Hesus na nalalathala sa iyong ebanghelyo. Ikaw na nagkaroon ng katangitanging kapalaran na maging isa sa pitumpung alagad ng Mananakop noong nabubuhay pa sa daigdig.Ikaw na nakatalamitan sa mga sariling usapan niya at sa ganito’y natutuhan ang katotohanan ng relihiyon sa kanyang mga labi, turuan mo ako ng kawili-wiling katotohanang iyan. Ituro mo sa akin ang tunay na landas ng kabanalan at ipanuto mo akong mabuhay lamang sa Diyos sa pamamagitan ng isang walang bahid kasalanang pamumuhay. Sa Iyo nga, O maluwalhating San Marcos , sa iyo ako dumudulog sa pagsisiyam na ito upang sa pamamagitan mo’y pumailanlang ang aking panalangin sa karurukan ng Panginoong Diyos. Inaasahan ko ang tulong at saklolo ng iyong pamamagitan at isinasamo ko sa iyo na ipagkaloob mo sa akin ang biyayang ninanais kong kamtan sa pagsisiyam na ito kung ikararangal ng Diyos at ikabubuti ng aking kaluluwa. Siya Nawa.

PAGNINILAY SA UNANG ARAW
ANG BUHAY PANANAMPALATAYA NI SAN MARCOS
Ang pananampalataya sa ating bayang Pilipinas, tanging bansang Katoliko sa dulong silangan, ay uti-unting naglalaman at nanglalamig. Ang mahalagang hiyas na ito, katangi-tanging kayaman ng diwa at kaluluwa, ay lubhang kailangan natin, sapagka’t kung wala tayong pananampalataya ay wala tayong makakamtan sa Diyos, hindi tayo makakapagbibigay lugod sa kanyang kamahalan: “ Sine fide impossibile est placer Deo”. Naglalamlam at nanglalambing ang katoliko lamang sa pangalan at hindi sa gawa. Hindi natatalos at nababatid ng marami ang mga katotohanag katoliko na siyang tanging makapagdudulot ng kaligayahang walang hanggan.
Ang pananampalataya katoliko ay dapat magtaglay ng 3 katangian:
Una: Maging matibay ang ating panaanampalataya, alalaon baga’y sampalatayanan ng walang kahalong alinlangan ang lahat ng ipinahayag ng Diyos.
Ikalawa: Dapat maging matatag at wagas , ibig sabihin ay nalalaan tayong mamatay bago talikuran an gating pananampalataya.
Ikatlo: Kinakailangan maging tunay at wagas, na lagging nating gagawain ang mabubuti at iiwasan ang masama sang-ayon sa ipinag-uutos ng ating pananampalataya.
Si San Marcos, na ating Patron, ay kinasihan ng Diyos upang ang kanyang pananampalataya ay maging isang matibay na moong laban sa mararahas na tukso. Ang kadalisayan ng kanyang pananampalataya ay hindi nalahian ng anumang anino ng pag aalinlangan. Ipinakilala niya sa gawa ang kawagasan ng kanyang pananampalataya sa ating Panginoong Hesukristo, noong ipangaral niya nag kanyang ebanghelyo sa taga Alehandriya, Pentapolis at Ehipto.
At ikaw katoto kong taga-Balian, gaano katibay at kalinis ang iyong pananampatalaya? Ang tibay ban g iyong pananampalataya ay sapat na makapagbigay lakas sa iyo upang pasanin ang lahat ng krus sa buhay, na batid mong maghahatid sa iyo sa Diyos at sa ikabubuti ng iyong kaluluwa? Buhayin at papagningasin ninyo nga, mga kinakandili kong mga taga-balian, ang iyong pananampalataya, lalong lalo na sa mga sandal ng “ kaaway ng iyong kaluluwa” na mag alinlanagan kayo sa mga katotohanang tinuro sa inyong banal na relihiyon katolika.

UNANG ARAW
PANALANGIN
O maluwalhating San Marcos, ikaw na nataglay ng isang wagas, buhay at matibay na pananampalatya samantalang nabubuhay ka sa gitna ng kadiliman ng panganismo, ipagkamit mo ako ng isang maningas na pananampalataya sa gitna ng mga panganib, hilahin at baganag sa buhay. Isamo sa Panginoong Diyos na buhayin sa aking kaluluwa ang isang matibay na pananampalataya sa aking banal na relihiyong kinagisnan. Huwag mong itulot, O Dakilang Patron n gaming barrio, na ang pananampalatayang katoliko ay maglamlam at lumamig sa kaluluwa ng mga mamamayan. Bigayan mo ng liwanag ng diwa ang lahat ng tao dito sa aming bayan uapang lalaong umunlad at magningning ang pananampalatayang aming tinataglay, upang sa oras ng kamatayan ay ikaw an gaming makapisan sa kaluluwalhatiang walang hanggan sa langit. Siya Nawa

DALIT KAY SAN MARCOS EVANGELISTA
Oh! Santong galling sa Gloria Patron naming sinasamba
*Coro
Ampunin kami’t ipag-adya San Marcos Evangelista.
Marcos na dakilang Santo Marangal naming deboto
Na patron nitong barrio
Kami po’y ampunin mo.
Ang dakilang iyong mata
Ilingap sa amin tuwina.
*Coro
Ikaw nga ang naging boto
Dependencias naming dito
Sambahin ang pangalan mo
Hanggang sa aming inapo.
Puso namin ay nagsasaya
Tugtugin ang alala.
*Coro
Loob mo ay di pinasok
Ni kaunting pagkatakot
Sa mga lilo ngang loob
At gentil na felisteos.
Pangungusap mong maganda
Tumutuhog ng pagsinta
*Coro
At sa Leon ibinagay
Loob mo ng katapangan
Sa paglalathalang tunay
Ng kay Kristong mga buhay.
Marupok naming pag-asa
Libutin ang prophesia
*Coro
Pinagpala kang totoo
Nang may lalang nitong mundo
Siyang (nagturo) nag utos sa iyo
Sulatin ang ebanghelo.
Sa apat na kinungsagra
Haligi ng mundo ay is aka.
*Coro
At iyo ngang sinabugan
Itong mundong kabilugan
Santong Ebanghelyong mahal
At ngang may paniwalaan.
Yaon Santong alaala
Palagiin mo tuwina
*Coro
Nang panahong unang araw
Itong barrio’y lolooban
Ng may akalang kataksilan
Ng awa mo ang inihadlang.
Ang wawa ay di Makita
At hindi masumpungan nila.
*Coro
Pagpipilit ng pagpasok
Umahon sila ng bundok
Ang sukal ay di masuot
Ang landas ay di matalos
Sa tulong mo’y ang pag-asa
May kapangyarihang isangga.
*Coro
Ang awa’y ibinakod mo
Sa nasasakop ng barrio
Ng manalig na totoo
Sa santong kalooban
Ngayon ay binabati ka
Naming mga umaasa
*Coro
Yamang ikaw rin ang tawag
Araw-gabi naming lahat
Pintakasing magliligtas
Sa kabuhayan at hirap.
Huwag mong kinababalisa
Pagtawag naming tuwina
*Coro
Yamang ating pinaghanap
Si San Marcos na mapalad
Patangkilik kayong lahat
At ng tayo’y maging dapat
Ang hingi naming lahat na
Ibigay mo’t ipakita.
*Coro
Huwag mong kalilimutan
Itong barriong kinalalagyan
Gawara’t pagkalooban
Ng sandatang ilalaban
Sa kaaway na lahat na
Nitong aming kaluluwa
*Coro
Oh! Santong galling sa Gloria
Patron naming sinisinta
Ampunin kami’y ipag-adya
San Marcos Evangelista.
*********************************************

DALIT SA NUESTRA SENORA DE LA O
Oh! Devota naming De La o
Bulaklak ng langit dito
*Coro
Nuestra Senora De La O
Kami po’y kaawaan mo
Huwag nawang malimutan
Kagalanggalang mong ngalan
Araw-gabi ay tawagan
At kaming mga lingkod mo
Subukan ng iyong manto.

*Coro
Na huwag kumalat-kalat
Kay Ebang mga inanak
Bakuran ng iyong lingap
At bigay ng iyong habag
Sa awa at paglingap mo
Kami’y puwing sa mata mo.
*Coro
Ang mata mo Inang Birhen
Iyong iligap sa amin
Nang di kami alipinin
Ng mga demonyong taksil
At agawin ng kamay mo
At ng mahal na ngalan mo.
*Coro
Ikaw angt binahaginan
Sa Diyos na makapangyarihan
Kami naman ay subugan
Hamog ng kapatawan
Hirap man o saklolo
Magdadaan sa kayam mo.
*Coro
Sa diyos ay iyong idaing
Kaming kampo’y timawain
Sa sakit at madlang hilahil
Dahil sa sala namin
Kamtan namin at matamo
Yaong langit na imperio
*Coro
Sa awing lubhang laganap
Sa aming obejas
Sa archibo’y nasulat
Milagro mong napagmalas
Medaling araw ng Sabado
Naligo ang iyong rebulto.
*Coro
Nang matalastas ng kura
At saangbayanang lahat na
Ginawa agad ang misa
At nag ubos kapagdaka
Bata at matandang tao
Nagsipaligong totoo.
*Coro
Ang naisipan ng kura
Rebulto mo’y ipa-encarna
Sa ilog ibinatad ka
Baha’y umugong pagdaka.
Ipinaahong totoo
At iniuli sa trono.
*Coro
Sa awa mo Inang Birhen
De La Ong Devota naming
Ang baha’y agad tumigil
Sakit ng bayan ay gayon din
Maawain kang totoo
Sa tumatawag sa inyo.
*Coro
At sag alit ng Maykapal
Gawa naming kamalian
Ikaw ang inaasahan
Magtanggol nitong bayan
At sa pamamagitan mo
Ang hatol ay hadlang mo.
*Coro
De La Ong lubhang dakila
De La Ong pinagsasadya
De La Ong hinihingan ng awa
Nang sino mang may dalita
At sa kapangyarihan mo
Nangininig ang impierno
*Coro
Ang pinto ng kapalaluan
Sarhan mo’t iyong susian
At ang santong pamumuhay
Ang siya naming makamtan
At ang baying paraiso
Ang siya naming matamo
*Coro
O Devota naming De La O
Bulaklak ng langit dito.
**************

PANALANGIN
O maluwalhating San Marcos, pagkaloob mo kami ng matibay at buong loob, ng kami’y matutong umalinsunod sa gawa’t aral ni jesus na nalalaman sa Santo Ebanghelyo, pagkaingat- ingatan mo ang bibig ko ng di ako mangusap ng di magaling na wika sa kapwa ko tao, kundi bagkus na pawing bubukalan ng awa at mahal na grasya ng Diyos, kilalanin, igalang, purihin at pasalamatan ang lahat ng gawa ng naglalaang nitong mundong kabilugan magpasawalang hanggan sa kaluwalhatian sa langit. Siya nawa

Address

San Marcos Cor Candelaria Street
Pangil

Telephone

+63495570774

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Marcos Ebanghelista posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to San Marcos Ebanghelista:

Share