Grex Juvenum 2021-2022

Grex Juvenum 2021-2022 Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Grex Juvenum 2021-2022, Religious organisation, Poblacion, Barangay Natividad, Pangil.

GREX JUVENUM 2021-2022 TURNOVER CEREMONYTAPUSAN 202205.29.2022Congratulations, Hermano Pao & Hermana Carmina!Maraming ma...
30/05/2022

GREX JUVENUM 2021-2022 TURNOVER CEREMONY
TAPUSAN 2022
05.29.2022

Congratulations, Hermano Pao & Hermana Carmina!

Maraming maraming salamat po sa lahat ng taong sumusuporta sa samahan ng Grex Juvenum 2021-2022!
God Bless us all!

Magandang Umaga po sa lahat, ang samahang Grex Juvenum 2021-2022 ay naghahanap po ng mga sponsors para po sa mga School ...
14/05/2022

Magandang Umaga po sa lahat, ang samahang Grex Juvenum 2021-2022 ay naghahanap po ng mga sponsors para po sa mga School Supplies na ipapamahagi po sa mga bata sa pagtatapos ng Flores De Maria 2022. Sa mga bukas palad na nais pong magpaabot ng kanilang donasyon mangyare lamang pong makipag ugnayan kanila Hermano Pao at Hermana Carmina ValiΓ±a, Ang inyo pong ipagkakaloob na school supplies para sa mga bata at lubos po naming pasasalamatanπŸ™πŸ™πŸ™

Maraming maraming Salamat po πŸ™πŸ™πŸ™

07/05/2022

𝐓𝐀𝐏𝐔𝐒𝐀𝐍 𝟐𝟎𝟐𝟏 at 𝐆𝐑𝐄𝐗 π‰π”π•π„ππ”πŒ 𝟐𝟎𝟐𝟏 - 𝟐𝟎𝟐𝟐

Ang Tradisyunal na Tapusan sa bayan ng Pangil ay isinasagawa sa Huling Linggo ng Mayo o sa pinakamalapit na Linggo sa Hunyo. Ito ay nilalahukan ng mga Kagawad, mga Tagapayo (Advisers), mga Opisyales, at ang mga Hermano y Hermana Mayor sa pamunuang ito, at mga papalit na Hermano y Hermana Mayor sa susunod na pamunuan.

Tuwing sasapit ng alas-3 ng hapon ay susunduin ang Hermano at Hermana Mayor ng Grex Juvenum at saka tutungo sa bahay kung saan nakalagak ang Birhen de las Flores (bahay ng Pamilya Manzana), kakikitaan ang mga opisyales ng Grex Juvenum na nakasuot na magagarang damit. Pagkatapos ng Sunduan sa Mahal na Birhen de las Flores ay tutungo na ito sa simbahan.

Ito ay prestihiyosong pagdiriwang sa ating Parokya, kung saan, punong-puno ng mga nagbabanguhang bulaklak ang altar at nakasuot ng magandang damit ang Birhen de las Flores. Pagkatapos ng misa isinasagawa ang Palitan ng Pamunuan saka gagawin ang pag-aalay. Pagkatapos ng mga seremonya ay isasagawa ang Tapusan kung saan lilibot sa buong Poblacion ang Mahal na Birhen de las Flores kasama ang buong kasapi ng Grex Juvenum.

Ang 𝐆𝐑𝐄𝐗 π‰π”π•π„ππ”πŒ ay ang opisyal na kalipunan ng nagkakaisang kadalagahan at kabinataan ng Parokya ng Nuestra SeΓ±ora de la Natividad ng bayan ng Pangil, Laguna. Ang kapisanang ito ay buong pagkakaisang binigyan ng pangalang "𝐆𝐑𝐄𝐗 π‰π”π•π„ππ”πŒ" na nangangahulugang "Pangkat o Pulutong ng mga Kabataan".

Taong 1958 nang itatag ang Grex Juvenum sa pamamagitan ni Padre Herbert Elliott at itinalaga bilang unang Hermano Mayor si G. Nemesio B. Manzana at unang Hermana Mayor si Bb. Estella RaΓ±oa.

Pili at katangi-tanging mga binata at dalaga ang namumuno taun-taon upang makapaglingkod.

Ang samahang ito ang nangangasiwa sa pagsasaayos at paggayak sa Simbahan tuwing may kasal, libing ng binata/dalaga (paglalagay ng bandilaan), mga panahon ng Pasko, Bagong Taon, Mahal na Araw, Fiesta, Intramuros Grand Marian Procession, maringal at prestihiyosong Flores de Maria; at iba pang gawaing pansimbahan.

Sa taong 2021-2022, buwan ng Mayo, ay itinalaga ng ating Kura Paroko, Reberendo Padre Jessie Somosierra Jr. bilang Hermano Mayor si G. John Paolo ValiΓ±a, taal na taga-Isla, Pangil, Laguna at bilang Hermana Mayor si Bb. Carmina ValiΓ±a, taal na taga-Isla, Pangil, Laguna.

Ngayon magtatapos na ang kanilang termino bilang mga Hermano at Hermana Mayor, atin silang bigyang-pugay sa mga taong nakapagsilbi sila ng lubos sa ating Panginoon.

Isasagawa sa ika-29 ng Mayo, 2022 ang Tapusan 2022 ng Grex Juvenum.

Narito ang mga talatakdaan ng mga Gawain sa darating na Tapusan 2022:

β€’ 2:00 PM - Sunduan

β€’ 3:00 PM - Banal na Misa, Alayang Bayan at Grex Juvenum Turnover Ceremony

β€’ 4:30 PM - Maringal na Prusisyon sa Karangalan ng Virgen de las Flores

Panatilihin po ang safety protocols sa tuwing papasok sa loob ng ating Simbahan. Maraming Salamat po.

Viva la Virgen de las Flores!
Mabuhay ang Grex Juvenum!




🌺Flores de Maria 2022🌺Tapusan at palitan ng pamunuan ng Grex JuvenumMay 29, 2022
07/05/2022

🌺Flores de Maria 2022🌺

Tapusan at palitan ng pamunuan ng Grex Juvenum

May 29, 2022

02/05/2022
Happy Birthday, Hermano!
18/01/2022

Happy Birthday, Hermano!

May God's love and grace continue to nourish your ministry which touches the lives of many. And may the Light of Jesus shine through you on your Birthday!

Happy Birthday po, Hermano Paolo!

God bless po!


NEW YEAR 2022! Tunay nga pong kay Buti ng Panginoon, Muli po taos puso po ang pasasalamat ng buong Grex Juvenum 2021- 20...
03/01/2022

NEW YEAR 2022!

Tunay nga pong kay Buti ng Panginoon, Muli po taos puso po ang pasasalamat ng buong Grex Juvenum 2021- 2022, sa aming mga kapamilya, kaibigan, at mga dating hermano at hermana sa pagkakaloob ng kanilang tulong para po maisakatuparan ang mga gayak na prutas sa altar noong disperas ng bagong taon.

Maraming maraming Salamat po sa inyong lahat, nawa ay maging masagana ang ating bagong taon na puno ng biyaya galing sa poong May kapal.

Happy New Year Everyone!

PASKUHAN 2021 Isang matandang tradisyon na sa bayan ng Pangil ang pagdiriwang ng Pasko ng mga kadalagahan at kabinataan ...
28/12/2021

PASKUHAN 2021

Isang matandang tradisyon na sa bayan ng Pangil ang pagdiriwang ng Pasko ng mga kadalagahan at kabinataan tuwing Disyembre 26.Nagiikot sa buong kabayanan ng pangil ang mga dalaga at binata upang mamasko, Na magpahanggang ngayon ay ipinagpapatuloy sa pangunguna ng Grex Juvenum.

Nagpapasalamat po ang buong Grex Juvenum 2021-2022 sa pangunguna ni Hermano John Paolo ValiΓ±a at Hermana Carmina ValiΓ±a at Bise Hermano James Theodore Diaz at Bise Hermana Karen Ann Acaylar, sa lahat po ng nagbigay ng kanila pong pamasko para sa mga kabinataan at kadalagahan ng Grex Juvenum, makakaasa po kayong ang nalikom pong napamaskuhan ay mapupunta sa isang makabuluhang proyektong pansimbahan.

Maligayang Pasko po sa ating lahat!

Maligayang pasko po sa ating lahat! Una po sa lahat lubos po ang ang pasasalamat ng buong Grex Juvenum sa mga nagkaloob ...
25/12/2021

Maligayang pasko po sa ating lahat!

Una po sa lahat lubos po ang ang pasasalamat ng buong Grex Juvenum sa mga nagkaloob ng tulong pinansyal para po maisakatuparan ang sa Belen ng ating simbahan. Maraming maraming salamat po sa inyong palagiang pagsuporta sa events ng Grex Juvenum.

Labis din po ang aming pasasalamat sa pamilyang nagsponsor ng bulaklak na amin pong ginayak ngayong pasko, Marami pong salamat kay Mr.Kenneth Balobalo & Family.
Maraming Salamat po!

Pati na din po kay Maam Aileen Buenaseda para po sa bulaklak sa karosa ng panuluyan.
Marami pong salamat maam.

Lubos po ang pasasalamat ng buong Grex Juvenum 2021-2022 sa inyo pong lahat!

Panuluyan 2021Grex Juvenum x St.Therese Choir x LNDWe just want to express our sincere gratitude to Vincent James Punzal...
25/12/2021

Panuluyan 2021

Grex Juvenum x St.Therese Choir x LND

We just want to express our sincere gratitude to Vincent James Punzalan & Princess Bantay for portraying Mary and Joseph in this years Panuluyan..

Thank you also to Kuya Bren Adre and Kuya Richmond Samson for the assistance and support in this event.

Merry Christmas Everyone!

Greeting from Grex Juvenum 2021-2022 πŸŒ²πŸ€Άβ˜ƒοΈ

Address

Poblacion, Barangay Natividad
Pangil
4018

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Grex Juvenum 2021-2022 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share