Christ Alone Saves Christian Fellowship

Christ Alone Saves Christian Fellowship Evangelistic efforts in Panganiban, Catanduanes. We aim to grow and bear fruit in God’s will, with the goal of becoming a local church in the community one day.

LD23 Bible StudyPaksa: Ang Buhay kay Cristo (Part 1)Teksto: Tito 3:1-8Pinaalalahanan ni Pablo ang mga Cristiano sa Creta...
07/06/2026

LD23 Bible Study
Paksa: Ang Buhay kay Cristo (Part 1)
Teksto: Tito 3:1-8

Pinaalalahanan ni Pablo ang mga Cristiano sa Creta na pinangangasiwaan ni Tito na kamanggagawa niya noon kung paano nang dapat mamuhay ang isang tinubos ni Jesus.

1. SA PAMAHALAAN

Kinilala ni Pablo na may tungkulin tayo sa kabuuan ng lipunan, maging sa pamahalaan na ayon din sa sulat niya sa iglesya sa Roma ay itinatag ng Diyos (Roma 13:1-4). Binigyang-diin niya na dapat ay igalang at magpasakop tayo sa gobyerno at maging handa sa paggawa ng mabuting gawa na naaayon sa batas sa lipunan.

Tandaan natin ang pag-udyok ni Pablo: paggawa ng mabuti. Nangangahulugang hindi niya ibig na magkaroon tayo ng bulag na pagsunod, bagkus dapat na isaalang-alang pa rin natin kung ano ang kalugod-lugod sa Diyos at kapaki-pakinabang sa lipunan. Dahil pinanghawakan din ng mga apostol na “Kailangang sa Diyos kami sumunod, sa halip na sa mga tao” (Gawa 5:29).

2. SA UNBELIEVING SOCIETY

Nariyan ding inudyukan ni Pablo kung paano sila dapat makitungo sa mga hindi mananampalataya. Ang paninirang-puri at pakikipag-away sa mga taong katulad nila ay mariin niyang dinesmaya sa mga Cristiano. Sa halip, ayon kay Pablo dapat na maging tagapagtaguyod tayo ng kapayapaan, magalang, at mahinahon sa kanila.

Ibinigay niyang motibasyon kung bakit tayo dapat na magpakita ng ganito sa mga 'di mananampalataya: dahil tayo din noon ay katulad nila (v. 3). At silang mga nagbahagi at nagmalasakit sa atin para malaman natin ang Ebanghelyo ay iginalang at naging mahinahon sa atin kahit na napakasama natin noon. Dahil Cristiano na tayo, ito na rin ang dapat na ipamalas natin sa kanila.

Walang puwang sa pagmamayabang sa pananampalatayang Cristiano. Tayo ay naligtas at hindi na katulad ng mga taong wala pa rin kay Cristo ngayon dahil kinahabagan tayo ng Diyos. Tayo'y ay binago na, at kung hindi tayo iniligtas ng Diyos, mananatili pa rin sana tayo sa lumang buhay na ipinamumuhay natin noon.

Salamat sa Diyos sa kaligtasang idinulot Niya sa atin sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.

IS A SIN WORTH CELEBRATING?Ginawa nang parang Christmas or Easter Sunday ang buwan (na hindi naman dapat) ng mga naniniw...
02/06/2026

IS A SIN WORTH CELEBRATING?

Ginawa nang parang Christmas or Easter Sunday ang buwan (na hindi naman dapat) ng mga naniniwalang opposite s*x sila ng ibinigay na kasarian sa kanila ng Diyos. Ang lala, napakasama, kahit anong ahensya o grupo, pagbati para sa kasalanang “pride” ang ipinapaabot para sa mga miyembro ng LGBTQ+. Lantaran ang pagmamataas nila. May nabasa pa ako kanina na guilt-tripping daw ang paggamit ng Bibliya para labanan ang homos*xuality at pride. See, they know that they're guilty, but they're wrong about Christians. Because more than anything else, Christians are coming from a concerned and loving position rather than haughtiness and hate.

Mananatili ang pabor ng Diyos sa mga nagpapakumbaba: “A man’s pride will bring him low, but a humble spirit will obtain honor” (Proverbs 29:23). Hangga't hindi kikilalanin ng mga katulad nila na sila ay makasalanan, mananatiling nakatali sa kanila ang kahatulan ng Diyos, at hindi lamang sila guilty sa homos*xuality at pride kundi sa maraming pang kasalanang nagagawa nila mula nang sila'y magkaisip at hanggang ngayon. Ngunit napakalinaw na kasalanan ang homos*xuality (so**my):

“Or do you not know that the unrighteous will not inherit the kingdom of God? Do not be deceived; NEITHER fornicators, nor idolaters, nor adulterers, nor EFFEMINATE, nor HOMOSEXUALS, nor thieves, nor the covetous, nor drunkards, nor revilers, nor swindlers, WILL INHERIT THE KINGDOM OF GOD” (1 Corinthians 6:9-10).

Do not be deceived, at kahit kayong mga nagto-tolerate sa kanila, bumabati, nagdiriwang sa kanila ay hinahatulan ng Salita ng Diyos: “and although they know the ordinance of God, that those who practice such things are worthy of death, they not only do the same, BUT ALSO GIVE HEARTY APPROVAL TO THOSE WHO PRACTICE THEM” (Romans 1:32).

Hindi dapat ipinagdiriwang ang kasamaang katulad nito, dahil para lang ding sinasabi ninyong mabuting ipagdiwang ang anumang klase ng kasalanan; ipagdiriwang mo ba ang mga pumapatay, nananamantala, magnanakaw, atbp? Hindi, diba? Ang homos*xuality at pride ay kahelera lang din ng mga kasalanang ito, kaya't bakit natin ipagdiriwang? Hindi dapat sinusuportahan ang kasalanan bagkus ay nilalabanan. Hindi dapat ito tino-tolerate, ito ay dapat dini-discourage.

Dapat nang matigil ang kasamaan at pagdiriwang nito. Tanging ang makapangyarihang Diyos lamang ang makapagpapabago sa isang taong nags-struggle sa kasalanang ito at iba pang mga kasalanan. Sa halip na araw ng pagmamataas, dapat na maging araw ng pagpapakumbaba sa paraan ng pagsisisi at pagtalikod sa kasalanan at pagsampalataya sa Kanyang Anak na si Jesus na Siyang Cristo ang araw na ito para sa mga miyembro nito!

Kung inaakala nating nagbabago ang Diyos at naga-adapt Siya sa pagbabago ng mga pananaw sa lipunan, nagkakamali tayo. Ang Diyos ay immutable, hindi Siya capable sa pagbabago. Kung kaya't kung ang pagtuturing Niya noon sa isang gawi ay unholy at namumuhi Siya rito, ganito Niya pa rin ito titingnan hanggang sa walang hanggan.

Kay Jesus ay may kapatawaran, may kaligtasan, may paglaya, may bagong buhay, at may buhay na walang hanggan. Kay Cristo ika'y magpasakop at ililigtas ka Niya!





LD22 Bible StudyPaksa: Ang Makapaglilinis ng Ating KarumihanTeksto: Lucas 5:12-16Ang ketong ay isang malubhang sakit sa ...
31/05/2026

LD22 Bible Study
Paksa: Ang Makapaglilinis ng Ating Karumihan
Teksto: Lucas 5:12-16

Ang ketong ay isang malubhang sakit sa balat na nakakahawa. Sa Lumang Tipan, ibinigay ang batas sa mga Israelita bilang pag-iingat upang 'di na ito kumalat sa bayan. In general, sa Levitico 13 ay itinagubilin ang mga hakbang sa pagtuklas nito at paraan upang 'di na ito lumaganap pa. Kailangang pasuri sa pari ang isang tao na may pamamaga ng balat, nana, o singaw upang malaman kung ito ay ketong o hindi. Kung ito'y makumpirmang ketong, ang infected ay magsusuot ng punit na damit, ipapahayag ng pari na marumi, sisigaw ang ketongin ng “Marumi, marumi!” at ang pinakamasaklap, siya ay maninirahan sa labas ng pader ng Israel; na parang itinakwil.

Ang ketongin na lumapit kay Jesus ay nagpatirapa sa Kanyang harapan, at iniayon ang kanyang kahilingan kay Jesus, kinilala niya na hindi ayon sa kanyang kagustuhan, kundi ayon sa nais ni Jesus kung siya ay pagagalingin o hindi (v. 12). Gayong ito ay maaaring makahawa, walang anu-ano'y tumugon si Jesus na nagsasabi, “Nais Ko. Gumaling ka at luminis” (Luc. 5:13). Kalooban Niyang gumaling ang lalaki. At kahit na alam Niyang nakakahawa ang sakit na ito, hinawakan Niya ang lalaki at imbes na mahawa Siya sa karumihan nito, gumaling at naging buo ang lalaki.

Ipinapakita nito sa atin na Siya ay banal at makapangyarihan. Imbes na mahawaan, ibinahagi Niya ang pagiging malinis sa lalaki. Tayo rin naman ay marurumi dahil sa ating mga pagkakasala (Rom. 3:10-18). Ang espirituwal na karumihan natin ay kinakailangan ng espirituwal na paglilinis, hindi ito madadaan ng medisina o ng paglilinis ng katawan; hindi rin ito madadaan sa paggawa ng mabuti, umaasa na mahihigitan nito ang ating mga kasalanan.

Kailangan natin si Jesus. Nang pinasan Niya ang krus, pinasan Niya ito patungo sa isang lugar, sa labas ng Jerusalem na tinatawag na Golgota o Pook ng Bungo kung saan pinapatay ang mga kriminal. Pumunta Siya roon dala-dala ang ating karumihan at mga kasalanan. Itinuring Siyang parang ketongin, inilabas sa bayan upang magdusa para sa kasalanang hindi Niya ginawa. Upang tayong mga sasampalataya sa Kanya ay maging malinis at ideklarang malaya mula sa karumihan ng kasalanan at makapasok sa bayan Niya sa langit. Ito ang Ebanghelyo sa kuwentong ito.

At kung noon, ipinagbawal ni Jesus na ipangalat ang Kanyang ginawang himala dahil hindi pa dumarating ang panahon na maisapubliko kung sino Siya, hindi na ganito ang bilin Niya ngayon. Bagkus inuudyukan na Niya tayong ipangalat ang mga ginawa Niya noon, lalong-lalo na ang pagliligtas Niya sa mga makasalanan.

LD21 Bible StudyPaksa: Dalhin ang Sarili at ang Ibang Tao kay JesusTeksto: Marcos 2:1-12Naranasan na nating pumunta sa h...
24/05/2026

LD21 Bible Study
Paksa: Dalhin ang Sarili at ang Ibang Tao kay Jesus
Teksto: Marcos 2:1-12

Naranasan na nating pumunta sa hospital kung tayo ay may karamdaman. May pagkakataon na rin namang sinamahan o dinala natin ang isa nating kakilala sa hospital lalo na kung siya ay nangangailangan ng agarang medical attention.

Sa pangyayaring ito sa ministeryo ni Jesus, may apat na magkakaibigang dinala ang isang kaibigan nilang paralitiko kay Jesus. Kahit na punuan ang bahay na kinaroroonan ni Jesus at maraming naghihintay sa Kanya sa labas, gumawa ng paraan ang magkakaibigan na mailapit nila ang paralitikong kaibigan kay Jesus dahil alam nilang si Siya lamang ang makapagpapagaling sa kanya.

Kinilala nila ang kapangyarihan ni Jesus at nakita Niya ang kanilang pananampalataya—ng magkakaibigan at ng paralitiko. Gayunpaman, ang unang ginawa ni Jesus ay ang magpataw ng kapatawaran mula sa mga kasalanan ng paralitiko (v. 5). Huwag natin itong ipagtaka, sapagkat higit kaysa sa ating pisikal na mga karamdaman, mas dakila ang espirituwal na sakit na mayroon tayo: ang kasalanan.

Inuna ni Jesus na bigyang lunas ang espirituwal na karamdaman ng paralitiko; first things first ika nga. Ngunit si Jesus ay pinuna ng mga eksperto ng Kautusan; Siya raw ay lapastangan dahil nagpatawad Siya ng kasalanan gayong tanging ang Diyos lamang ay nakapagpapatawad nito (vv. 6-7). Mali sila sa naunang paratang nila kay Jesus, ngunit tama ang ikalawang kapahayagan tungkol sa Diyos.

Samakatuwid, dahil si Jesus ay nagpatawad, at Diyos lamang ang makapagpapatawad, isa lamang ang malakas na itinatatag ng mga salitang ito: si Jesus ay Diyos! At upang patunayan ang Kanyang kapangyarihan, pinagaling Niya ang paralitiko mula sa sakit nito (vv. 10-11).

Dahil sa pananampalataya, binigyang pansin ni Jesus ang paralitiko. Nakita Niya ritong kinikilala Siya nito bilang ang Cristo. Ang pananampalataya niya ay kinasangkapan upang ipataw ng Diyos ang kapatawaran at pagpapagaling.

Isa pa ring aral na mapupulot natin dito: tayong mga pinatawad na mula sa ating mga kasalanan, magmalasakit din tayo sa ating mga kaibigan na hanggang ngayon ay iniinda pa rin ang sakit ng kanilang pagkamakasalanan. Ilapit natin sila kay Jesus sa pamamagitan ng pagbabahagi ng ebanghelyo dahil Siya lamang ang makapaglilinis ng kanilang karumihan.

Soli Deo gloria!





Lord's Day 20 of 2026Bible StudyThe Story of God (Vol. 1): From Creation to WildernessPaksa: Chapter 8: The Sovereign Go...
17/05/2026

Lord's Day 20 of 2026
Bible Study

The Story of God (Vol. 1): From Creation to Wilderness
Paksa: Chapter 8: The Sovereign God (Joseph)
Teksto: Genesis 37, 39-50

Ang kwento ng buhay ni Jose ay nagpapakita ng katapatan at kapangyarihan ng Diyos sa gitna ng mga hamon na itinutulot Niya sa buhay ng Kanyang lingkod.

Sa buhay ni Jose, naging mapait ang naging karanasan niya sa kanyang mga kapatid, nariyan pang pinagbintangan siyang binalak niya raw pagsamantalahan ang asawa ni Potifar, dahil dito'y ibinilanggo siya. Gayunpaman, kapansin-pansin na sa bawat suliraning kanyang kinaharap ay pinagpapala siya ni Yahweh dahil sa kanyang mga pagsunod.

• Ipinagbili siya ng kanyang mga kapatid; ngunit naging katiwala siya ni Potifar.
• Pinaratangan siya ng mali at ikinulong; ngunit siya ay piniling mamuno ng guwardiya sa kulungan.
• Higit sa lahat, ang lahat ng mga negatibong nangyari sa kanya ay ginamit ng Diyos upang magdulot ng kabutihan sa buong lupain.

Ibinigay niya ang kahulugan ng panaginip ni Faraon, ginamit siya ng Diyos upang ang Egipto ay makapaghanda sa darating na pitong taong taggutom. Kung hindi siya napunta sa Egipto, mamamatay ang kanyang amang si Jacob (Israel) at ang iba pang mga anak nito, at hindi sana magpapatuloy ang salinlahing pagmumulan ng Cristo. Ngunit dahil sa ginamit ni Yahweh si Jose sa Egipto, nakapaghanda sila, at nabigyan ng pabor ang pamilya ni Jacob na makapanirahan at mabuhay sa Egipto.

Higit sa lahat, makikita natin dito ang Ebanghelyo. Kung paanong si Jose ay ipinagbili, si Jesus ay ipinagkanulo at piniling mamatay ng taong-bayan. At kung paanong si Jose ay naging daan upang maligtas ang maraming buhay mula sa gutom at kamatayan (Gen. 50:20), maging ng kanyang ama at mga kapatid, si Jesus naman ang ginamit upang maligtas ang marami mula sa kamatayang walang hanggan na dulot ng kasalanan, upang iligtas ang parehong mga taong hinangad na Siya ay mamatay.

Ang Krus ni Jesus ang napakaganda at makapangyarihang patunay na soberano ang Diyos at kaya Niyang lumikha ng mabuting bagay mula sa masamang pangyayari! At ang mabuting bagay na nagmula sa kamatayan ni Jesus: kaligtasan!

Soli Deo gloria!

For Lord's Day 20 tomorrow.
16/05/2026

For Lord's Day 20 tomorrow.

The Story of God (Series)
Volume 1: From Creation to Wilderness
Chapter 8: The Sovereign God (Joseph)
Texts: Genesis 37, 39-50

Tara at samahan ninyo kaming pag-aralan ang kuwento ng pagliligtas ng Diyos sa pamamagitan ni Jesus. Ito ay pagkakataon upang mas makilala pa ang ating Manlilikha at Tagapagligtas.
Lahat ng ito ay para sa Ebanghelyo, sa kaluwalhatian ng Diyos, at sa ikatataas ni Cristo!

Credits to Source:
Ang aming grupo ay hindi nag-aari ng study guide na ito. Ito ay gagamitin namin nang may pasasalamat ayon sa pahintulot ng Treasuring Christ PH, na malayang nagbahagi nito para sa ikalalamang ng mga iglesya at maliliit na gawain tulad ng sa amin.

Soli Deo gloria!

Lord's Day 19 of 2026Bible StudyTeksto: Mateo 13:45-46Paksa: Ang Maipagpapalit Natin Para sa Napakahalagang PerlasTayong...
10/05/2026

Lord's Day 19 of 2026
Bible Study

Teksto: Mateo 13:45-46
Paksa: Ang Maipagpapalit Natin Para sa Napakahalagang Perlas

Tayong lahat ay may kanya-kanyang hilig at hangarin na itinuturing nating mahalaga, niyayakap, at pinananatili natin sa ating buhay. Ngunit paano kung makatagpo tayo ng isang bagay na higit kaysa sa mga ito, na kung pagsama-samahin itong lahat ay hindi pa rin makakatumbas sa bagong natagpuan natin?

Ganito ang binigay na halimbawa ni Jesus sa pamamagitan ng isang talinghaga. May isang negosyante na ang kinakalakal ay mga mamahaling perlas. Marahil ay hindi siya bumibili o naghahanap ng perlas na maliit ang halaga o kaya naman pangit o mumurahin. Ang hanap niya lagi ay ang pinakamahal, pinakamaganda, at pinaka-presentable.

Nang magkagayon, sa kanyang masugid na paghahanap ay nakatagpo siya ng isang perlas na bukod-tangi at walang katulad sa lahat ng mga koleksyon niya. Walang pag-aatubili, umuwi siya, ipinagbili ang lahat ng mga perlas na naipon niya, upang makuha ang napakahalagang perlas na bago sa kanyang mga mata.

Ayon kay Jesus, ang napakahalagang perlas na ito ay parang ang kaharian ng langit. Sa pamamagitan ng ebanghelyo at inihayag na Jesu-Cristo, ang sinumang makita ang tunay na halaga at ganda ng mensahe ng pagliligtas ay hindi mag-aatubiling bitawan ang mga bagay na mas pinapahalagahan at pati na rin ang mga kasalanan niya upang matanggap ang higit na mahalagang pangako ng Diyos sa pamamagitan ni Jesus: ang kaligtasan.

Kung ang buhay man natin ang pinakamahalaga sa atin, ito ay isuko natin para kay Jesus upang tanggapin natin ang buhay na nasa Kanya, isang bagong buhay na naglilingkod at kalugod-lugod sa Diyos.

Ibigin natin si Jesus, na para sa ating kapakanan ay inako ang walang kabuluhan at walang halagang perlas na ating mga kasalanan upang maibigay sa atin ang napakahalagang perlas na Kanyang buhay.

Soli Deo gloria!

The Story of God (Series) Volume 1: From Creation to WildernessChapter 8: The Sovereign God (Joseph)Texts: Genesis 37, 3...
08/05/2026

The Story of God (Series)
Volume 1: From Creation to Wilderness
Chapter 8: The Sovereign God (Joseph)
Texts: Genesis 37, 39-50

Tara at samahan ninyo kaming pag-aralan ang kuwento ng pagliligtas ng Diyos sa pamamagitan ni Jesus. Ito ay pagkakataon upang mas makilala pa ang ating Manlilikha at Tagapagligtas.
Lahat ng ito ay para sa Ebanghelyo, sa kaluwalhatian ng Diyos, at sa ikatataas ni Cristo!

Credits to Source:
Ang aming grupo ay hindi nag-aari ng study guide na ito. Ito ay gagamitin namin nang may pasasalamat ayon sa pahintulot ng Treasuring Christ PH, na malayang nagbahagi nito para sa ikalalamang ng mga iglesya at maliliit na gawain tulad ng sa amin.

Soli Deo gloria!

Lord's Day 18 of 2026Bible StudyThe Story of God (Vol. 1): From Creation to WildernessPaksa: Chapter 7: The Blessing of ...
03/05/2026

Lord's Day 18 of 2026
Bible Study

The Story of God (Vol. 1): From Creation to Wilderness
Paksa: Chapter 7: The Blessing of God (Jacob and Esau)
Teksto: Genesis 25-33, 35

Si Esau at Jacob ay kambal na anak ni Jacob at Rebeka. Bago sila niluwal ni Rebeka, ipinahayag ni Yahweh ang mangyayari sa kanilang hinaharap: ang bunso ay magiging higit kaysa nakatatanda (Gen. 25:23). At nang sila nga'y ipinanganak, gayong si Esau ang unang lumabas, si Jacob ay nakahawak sa kanyang sakong (25:26). Ito ay paunang pagpapakitq ng paghahangad ni Jacob sa pagkapanganay at basbas ng pangako.

Hindi sila magkasundo; si Esau ay paborito ni Isaac habang si Jacob ay paborito ni Rebeka. Nang magkagayon, tinulungan ni Rebeka si Jacob na linlangin si Isaac upang makuha ni Jacob ang basbas nito. At ito nga ang nangyari; tinanggap ni Jacob ang basbas at sinumpaang pangako ni Yahweh kay Abraham at Isaac. Sa kanya magpapatuloy ang pagtutupad dito ng Diyos.

Ginamit ni Yahweh ang makasalanang panlilinlang ni Jacob upang matupad ang propesiya tungkol sa pagiging dakila niya kaysa kay Esau. Hindi ito kamalian para sa Diyos, bagkus ay pagpapamalas Niya ng soberano Niyang pagkilos sa paraang hindi lubos na maaabot ng ating isipan. Gayundin naman, ipinakita rin ng naunang insidente na si Esau ay hindi karapat-dapat sa pangako at pagpapala dahil hinamak niya ang kayamanan ng pagkapanganay nang ipinagpalit niya ito sa pagkain (25:27-34).

Gayong si Jacob ay binasbasan nang unang beses dahil nanlinlang siya, pinagtibay pa rin ni Isaac ang basbas na ito (28:1-5) para ideklarang siya ang pinili ng Diyos na magmana ng mga pangako. Ang Diyos ang bahalang pumili ng sinumang pagpapalain o susumpain Niya; hindi ayon sa ating pangmundong katayuan, kundi ayon sa soberano Niyang kalooban ang lahat ng mga pagpapasya Niya.

Sa ating buhay, pagtiwalaan natin ang Diyos na nagpamalas ng kagandahang-loob sa atin upang ating tanggapin ang parehong pagpapala na ipinangako ni Yahweh sa Kanyang mga alagad. Tayo ay Kanya nang iniligtas, ngunit hindi pa rito nagtatapos ang mga pagpapalang kaya Niyang ibigay sa atin.

Soli Deo gloria!

For tomorrow.
02/05/2026

For tomorrow.

The Story of God (Series)
Volume 1: From Creation to Wilderness
Chapter 7: The Blessing of God (Jacob and Esau)
Texts: Genesis 25-33, 35

Tara at samahan ninyo kaming pag-aralan ang kuwento ng pagliligtas ng Diyos sa pamamagitan ni Jesus. Ito ay pagkakataon upang mas makilala pa ang ating Manlilikha at Tagapagligtas.
Lahat ng ito ay para sa Ebanghelyo, sa kaluwalhatian ng Diyos, at sa ikatataas ni Cristo!

Credits to Source:
Ang aming grupo ay hindi nag-aari ng study guide na ito. Ito ay gagamitin namin nang may pasasalamat ayon sa pahintulot ng Treasuring Christ PH, na malayang nagbahagi nito para sa ikalalamang ng mga iglesya at maliliit na gawain tulad ng sa amin.

Soli Deo gloria!

Address

Sto. Santiago Street, Catanduanes
Panganiban
4806

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Christ Alone Saves Christian Fellowship posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share