CWM Mapulang Lupa

Directions

CWM Mapulang Lupa A Bible & Christ-Centered Church,
reaching the lost, strengthening believers, and impacting the world. (Daughter church of CWM Bagong Barrio)

05/07/2026

Isang Mapagpalang Worship Service! 🙌🏻

Tunay ngang nasa Diyos ang katagumpayan ng bawat gawain sa ating iglesia!

SABIK SA PRESENSYA MO / LABIS NA GALAK🎶

02/07/2026

Serving God is more than a responsibility because it's a privilege. Every Sunday is a reminder that we are saved by grace through faith, not by our own works but by His unfailing love. May our service always be sincere, unwavering, and without hesitation. Let our hearts remain faithful, our hands willing, and our lives fully surrendered to His purpose. 🙏✨

1 Juan 5:4 [4] sapagkat napagtagumpayan na ng mga anak ng Diyos ang sanlibutan; at nagtatagumpay tayo sa pamamagitan ng ...
01/07/2026

1 Juan 5:4
[4] sapagkat napagtagumpayan na ng mga anak ng Diyos ang sanlibutan; at nagtatagumpay tayo sa pamamagitan ng pananampalataya.

Tinawag tayo ng Diyos upang maging mga mananagumpay sa buhay pananampalataya—hindi dahil sa ating sariling kakayahan, kundi dahil sa tagumpay na natamo ni Hesu-Kristo. Bilang Kanyang mga anak, napagtatagumpayan natin ang mga pagsubok sa pamamagitan ng ating pagkakakilanlan kay Cristo, pagtitiwala sa Kanyang mga pangako, at sa Kanyang ganap na tagumpay sa krus.

Ang tunay na pagiging mananagumpay ay hindi nangangahulugang wala na tayong haharaping problema, kundi ang patuloy na pananatiling tapat, matatag, at umaasa sa Diyos sa gitna ng bawat pagsubok.

𝐒𝐭𝐚𝐧𝐝 𝐮𝐩 𝐢𝐧 𝐟𝐚𝐢𝐭𝐡Sa huling linggo ng ating pagtalakay sa tema, isa ang malinaw na aral na nais iwan sa ating lahat: ang ...
29/06/2026

𝐒𝐭𝐚𝐧𝐝 𝐮𝐩 𝐢𝐧 𝐟𝐚𝐢𝐭𝐡

Sa huling linggo ng ating pagtalakay sa tema, isa ang malinaw na aral na nais iwan sa ating lahat: ang pananampalataya ay pagpiling sumunod, mag-tiwala, at tahakin ang pagsubok kahit hindi natin alam ang magiging resulta nito. Hindi man natin laging nauunawaan ang Kanyang ginagawa, tayo ay magpatuloy dahil alam nating siya ay tapat sa kaniyang mga pangako.

Mga Hebreo 12:2
“Ituon natin ang ating paningin kay Jesus na siyang pinagmumulan at kabuuan ng ating pananampalataya. Dahil sa kagalakang naghihintay sa kanya, hindi niya ikinahiya ang mamatay sa krus, at siya ngayo'y nakaupo sa kanan ng trono ng Diyos.”

Maraming bagay ang gustong humatak sa ating atensyon—mga problema, takot, kabiguan, at mga pagsubok. Ngunit pinaaalalahanan tayo ng Salita ng Diyos na huwag ituon ang ating paningin sa ating sitwasyon, kundi kay Hesus.

Praise God for this Men’s Ministry church project!🥰Maraming salamat sa mga tatay at kapatid sa Men’s Ministry na naglaan...
25/06/2026

Praise God for this Men’s Ministry church project!🥰
Maraming salamat sa mga tatay at kapatid sa Men’s Ministry na naglaan ng kanilang oras, lakas, at puso para sa proyektong ito.
Ito ay hindi lamang para mas maging visible ang ating simbahan sa mga dumaraan at sa komunidad, kundi upang mas maraming tao ang makakilala kung saan sila maaaring lumapit, sumamba, at makarinig ng Salita ng Diyos.
Nakakatuwang makita ang pagkakaisa at Dedikasyon ng bawat isa sa paglilingkod. Tunay na kapag sama-sama tayong kumikilos para sa gawain ng Panginoon, mas marami tayong naaabot para sa Kanyang kaharian.
To God be all the glory!

Tulad ng ginto at pilak na dinadalisay sa apoy, ang ating pananampalataya ay pinatitibay ng bawat hamon na may pahintulo...
24/06/2026

Tulad ng ginto at pilak na dinadalisay sa apoy, ang ating pananampalataya ay pinatitibay ng bawat hamon na may pahintulot ng Diyos. Kaya’t magpatuloy sa paglilingkod nang may kagalakan at buong pagtitiwala, sapagkat ang lahat ng ating paghihirap para sa Kanya ay hindi masasayang.

“Kaya nga, mga minamahal kong kapatid, magpakatatag kayo at huwag matinag. Maging masipag kayo sa paglilingkod sa Panginoon, dahil alam ninyong hindi masasayang ang inyong paghihirap para sa kanya.”
‭‭1 Mga Taga-Corinto‬ ‭15‬:‭58‬ ‭

18/06/2026

"Maglingkod ka sa Panginoon! Involve yourself in the ministry. Magpagamit ka. Maging pagpapala tayo sa iba, upang makasunod sa utos Niya"

- Bro. Randy Silverio

Hindi man natin makita ang susunod na hakbang, sapat na ang malaman na kasama natin ang Diyos.Mga Hebreo 11:1 “Ang panan...
18/06/2026

Hindi man natin makita ang susunod na hakbang, sapat na ang malaman na kasama natin ang Diyos.

Mga Hebreo 11:1
“Ang pananampalataya ay katiyakan na mangyayari ang ating mga inaasahan, at paninindigan tungkol sa mga bagay na hindi nakikita.”

Address

Residence 3, Magic 7 Cooperative Building, Mapulang Lupa
Pandi
3014

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CWM Mapulang Lupa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share