02/02/2025
Maraming Salamat, Samahan ng Kabataan Officer's!
Sa bawat pagpupulong, gawain, at pagsubok na ating hinarap, kayo ang naging haligi ng Samahan ng Kabataan mga officer's na hindi lamang naglingkod kundi tunay na nag-alay ng oras, talento, at dedikasyon para sa ikabubuti ng ating samahan. Sa loob ng inyong panunungkulan, ipinakita ninyo na ang pagiging isang lider ay hindi tungkol sa posisyon kundi sa taos-pusong paglilingkod.
Maraming salamat sa inyong sakripisyo, pagsisikap, at walang sawang suporta. Ang inyong ginawa ay hindi lamang nagtapos sa papel at titulo, ito ay naging inspirasyon sa bawat kabataan. Bagamat natapos na ang inyong termino, ang inyong ambag ay mananatiling bahagi ng kwento ng Samahan ng Kabataan. Maging Kabataan parin kayong handang maglingkod para sa ating mahal na simbahan. Maraming Salamat Samahan ng Kabataan Officer's!
Mabuhay kayo, at maraming salamat sa inyong hindi matatawarang serbisyo!