25/10/2024
Bago tayo mag-scroll up, maglaan tayo ng sandali upang ipanalangin ang mga taong naapektuhan ng bagyo. Nawa'y pagkaluoban sila ng kaligtasan, lakas, at pag-asa sa kanilang mga pagsubok.
𝐏𝐚𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐍𝐚𝐬𝐚𝐥𝐚𝐧𝐭𝐚 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐠𝐲𝐨
Mahal na Diyos,
Sa gitna ng pagsubok, kami ay lumalapit sa Iyo, humihingi ng Iyong awa para sa mga nasalanta ng bagyo. Ipinapanalangin namin ang kanilang kaligtasan, kalusugan, at mga pangangailangan.
Bigyan mo sila ng lakas sa panahon ng kanilang pagdurusa at ng pag-asa sa kanilang mga puso. Nawa’y makatagpo sila ng kaginhawaan sa mga taong nagmamalasakit at tumutulong sa kanilang sitwasyon.
Sa mga buhay na nawala, kami ay nagdadasal para sa kanilang kaluluwa. Ipagkaloob mo sa kanila ang kapayapaan at aliw sa Iyong piling.
Hinihiling namin ito sa ngalan ni Hesukristo, aming Panginoon.
Amen.