31/10/2024
BEWARE OF FAKE PRIESTS AROUND CEMETERIES
Matagal nang issue ito kada sasapit ang Undas, kung kailan maraming tao ang dumarayo sa mga sementeryo upang alalahanin ang mga namayapang mahal sa buhay. Muli, kayo po ay aming pinag-iingat sa mga pekeng pari, seminarista, o tauhan ng simbahan na magpapakalat-kalat sa mga sementeryo at mag-aalok ng dasal at basbas sa mga puntod kapalit ng pera.
Tayo po ay palagiang pinaalalahanan Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na maging mapanuri. Huwag po tayong tumanggap ng mga serbisyo mula sa mga nagpapanggap lamang na pari/seminarista/tauhan ng simbahan. Kung may mag-alok ng dasal, pasalamatan lamang ang mga ito o kaya'y bigyan lamang ng pagkain.
Ang mga lehitimong pari na magbabasbas ng mga puntod ay mayroong dala na celebrets o ‘letter of authority’. Ito ay iginagawad mismo ng mga obispo sa mga pari upang patunay na sila ay may permisong makapagmisa sa ibang diyosesis.
----------
Source of background photo: IBTimes India
Sources used for caption:
1) Business Mirror
***CBCP: Be wary of fake priests offering blessings for the dead sementeryo (issued on 31 October 2018)
2) Radyo Inquirer 990AM
***Publiko, pinag-iingat sa mga maglilipanang pekeng pari sa mga sementeryo (issued on 31 October 2018)