24/08/2026
DALAW PATRON | SANTO ROSARIO CHAPEL
Sa diwa ng pananampalataya at pagkakaisa, matagumpay na isinagawa ang pagdalaw ng Mahal na Patron sa Santo Rosario Chapel bilang bahagi ng Dalaw Patron 2026. Nagtipon ang mga mananampalataya upang mag-alay ng panalangin, makiisa sa mga gawaing espiritwal, at higit pang mapalalim ang kanilang debosyon sa Panginoon sa pamamagitan ng ating mga patron.
Maraming salamat sa buong pamayanan ng Santo Rosario Chapel sa mainit na pagtanggap, aktibong pakikiisa, at masigasig na paglilingkod. Nawa'y patuloy na maging inspirasyon ang pagdalaw na ito upang lalo pang tumibay ang ating pananampalataya at pagmamahalan bilang isang sambayanang Kristiyano.
Sa pagtatapos ng pagdalaw sa Santo Rosario Chapel, nailipat na ang Mahal na Patron sa San Isidro Labrador Chapel l, kung saan magpapatuloy ang paglalakbay ng ating Dalaw Patron. Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa mga susunod na gawain at panalangin.