09/10/2023
P.A.S.T.O.R.
Pinili ng Diyos upang sa Kanya'y maglingkod at gawin ang Kanyang mga utos.
Araw-gabi dumadalangin sa Diyos para ika'y ingatan at pagpalain pang lubos.
Sariling pangarap at mga nais ay tinalikuran upang ang Diyos ay lubusang mapaglingkuran at ang iyong buhay-spiritwal ay maalagaan.
Tanging nais ay ika'y magbago at lumago, maglingkod at humayo, maging mapagmahal sa Diyos at sa kapwa-tao.
Oposisyon at maraming kabigatan man ang humarang, mananatiling tapat sa Diyos at sa Kanya ay nakapisan.
Respeto at pagmamahal ang sana naman ay kanyang maramdaman, sapagkat hindi madali ang kanyang mandato at mga pinagdadaraanan.
Ang PASTOR.
Pastor, maraming salamat sa Diyos dahil po sa inyong buhay. Ikaw sa amin ay pagpapalang tunay. Nawa po ay patuloy kang pagpalain at ingatan, palakasin, at samahan ng Panginoon, mula ngayon at sa inyong buong buhay.
God is not unjust. He will not forget how hard you have worked for Him and how you have shown your love to Him by caring for other believers, as you still do.
Hebrews 6:10
Maligayang Araw ng mga Pastor! ❤️🎉
peej