12/05/2026
𝗙𝗲𝗮𝘀𝘁 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗢𝘂𝗿 𝗟𝗮𝗱𝘆 𝗼𝗳 𝗙𝗮𝘁𝗶𝗺𝗮
𝖬𝖺𝗒 13, 2026
𝖯𝗋𝖺𝗒𝖾𝗋
O, Kabanal-banalang Birhen! Yayamang buhat sa kabundukan ng Fatima, kayo ay nagpakita sa tatlong batang pastol na walang malay at nagpahayag, na upang kamtan ang kaluwalhatian ng langit, ay kailangan magdasal ng Santo Rosario.
Kami'y dumudulog ngayon sa inyong sanghaya, lakip ang kahilingan na papag-alabin ang aming mga puso sa pag-ibig sa Diyos, kay Hesus, at sa inyo Birheng Ina ng Awa; gayundin, sa pamamagitan ninyo, kami'y bigyan ng Diyos ng lakas na mailalaban sa dilang tukso at kasamaan sa mundong ito ng dusa at hinagpis; tigas ng loob upang huwag suminsay sa katwiran; matibay na panata upang matutong magtiis ng lahat ng hirap kung kailangan, sa hangad na huwag madungisan ang aming karangalan; at sa ganitong paraan ay magkaroon ng katarungan at kapayapaan na dapat maghari sa buong daigdig. Nawa'y lumaganap sa habang panahon ang mga banal na aral ni Hesukristong Panginoon namin.
AMEN.
MAHAL NA BIRHEN NG FATIMA, Ipanalangin mo kami