21/10/2025
OKTUBRE 21|| Kapistahan ni San Pedro Calungsod patron ng mga Kabataang Pilipino at ng mga Sakristan
PANALANGIN KAY SAN PEDRO CALUNGSOD
San Pedro Calungsod batang martir, mandarayuhan, mag-aaral, katikista, misyonero, kapat na kaibigan, martir pinukaw mo kami sa iyong katapatan sa oras ng kagipitan. Sa pamamagitan ng iyong tapang sa pagtuturo ng pananampalataya sa gitna ng p**t at dalisay mong pag-ibig para sa kapakanan ng Ebanghelyo dumanak man ang iyong dugo. Lingapin mo at kupkupin ang aming mga kahinaan at pamamagitan para sa amin sa trono at kahabagan at biyaya upang makamtan ang iyong biyayang dulot ng langit at mahikayat ang sarili na ipahayag at maisabuhay ang ebanghelyo dito sa lupa. Isinasamo namin sa tulong mo liwanagan mo ang kaisipan ng mga kabataan ngayon na ang isang malusog at malinaw na pag-iisip ay matamo lamang ang pakikipag-ugnayan kay Hesus at kay Hesus lamang sila makapamuhay na banal. Tulungan mo kami na maliwanagan ang bawat kabataan at magkaroon ng personal na pakikipagrelasyon kay Hesus at sa pamamagitan ng sakramento ng kumpisal pag alabin nawa ng Espiritu Santo ang kanilang mga puso na mamuhay ng may pagmamahal at manatili sa piling ng poong maykapal.
Makapangyarihan Diyos sa pamamagitan ni San Pedro Calungsod martir at saksi sa Ebanghelyo naway matularan namin ang kanyang katapangan at buhay upang maipalaganap ang iyong kaluwalhatian sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo iyong anak nabubuhay at naghahari kasama ng Espirito Santo iisang Diyos magpasa walang hanggan. Amen.
San Pedro Calungsod, Ipanalangin mo kami!