06/02/2024
"KARAPAT-DAPAT KA BANG TAWAGIN, PARA SA KANIYANG GAWAIN?"
Maraming beses kong itinanong kung karapat-dapat nga ba ako para tawagin sa KANIYANG gawain. Ilang ulit sumagi sa aking isipan ang 'wag nang tumuloy dahil baka, baka hindi naman talaga ako karapat-dapat para rito, baka hindi naman ako para rito.
Sa tuwing malalaman nila na Kristyano ka,
Agad nilang sasabihin "Ah! Magaling ka siguro kumanta o tumugtog kasi kristyano ka"
Eh hindi naman.
Hindi ako marunong tumugtog man lang ng kahit na anong instrumento.
Hindi maganda ang boses ko tulad ng iba.
Hindi rin ako magaling magsalita sa unahan.
Hindi ako sobrang talino.
Hindi ako sobrang bait.
Hindi ako perfect.
Napakalayo sa pamantayan ng mundo.
Pero bakit?
Bakit ang tulad ko na hindi naman magaling ay narito at nagpapagamit para sa Kaniyang mga gawain?
Bakit ang isang tulad ko na hindi naman pasok sa pamantayan ng mundo ay narito?
Siguro, nagtataka ka na kung saan patungo itong mga sinasabi ko o kung ano nga ba ang nais kong ipaabot.
Simple lang naman.
Nais ko lang ipakita na hindi naman kailangan maging perpekto o magaling para maging karapat-dapat sa Kaniya.
Dahil kung pagbabasehan lang ang pamantayan ng mundo, kahit ang labindalawang disipulo ay hindi magiging karapat-dapat sa gawain NIYA.
Ngunit hindi pamantayan ng mundo ang magiging basehan kundi ang pamantayan ng PANGINOON ang siyang makakapagsabi kung sino ang karapat-dapat sa Kaniyang mga gawain.
Hindi mo kailangan maging perpekto o maging magaling, dahil hindi naman ang abilidad mo ang KANIYANG kailangan— IKAW mismo, ang puso at isipan na walang alinlangang magpapagamit para ihayag ang KANIYANG ngalan gamit ang mga abilidad na Siya rin ang may laan, kahit hindi naman kagalingan sa paningin ng tao.
Hindi pinipili ng PANGINOON ang magaling, pinipili niya ang mga WILLING.
🌺1 Corinthians 1:26-29
For consider your calling, brothers: not many of you were wise according to worldly standards,not many were powerful, not many were of noble birth. But God chose what is foolish in the world to shame the wise; God chose what is weak in the world to shame the strong; God chose what is low and despised in the world, even things that are not, to bring to nothing things that are, so that no human being might boast in the presence of God.
Ctto. Ignite Worship