12/05/2026
๐
๐ข๐๐ฌ๐ญ๐ ๐๐จ๐ฅ๐๐ฆ๐ง๐ ๐๐ ๐๐๐ง ๐๐ฌ๐ข๐๐ซ๐จ ๐๐๐ ๐ฌ๐๐ฌ๐๐ค๐ ๐พ
Tema: โ๐บ๐๐ ๐ฐ๐๐๐
๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฎ๐๐๐๐ ๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐จ๐๐ ๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐โ
Sa masiglang pagdiriwang ng ika-75 na Kapistahan ni San Isidro Magsasaka, ginugunita natin ang kanyang buhay na inialay sa sipag, pananampalataya, at lubos na pagtitiwala sa Diyos. Tulad ng paghahasik ng binhi, ang bawat panalangin, kabutihang-loob, at sama-samang pakikiisa ay mga binhing ating itinatanim sa puso ng ating barangay.
Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa gaganaping Nobena at Prusisyon sa darating na ika-16 ng Mayo, araw ng Sabado, sa ganap na ika-3:00 ng hapon. Hinihikayat din po ang mga tahanang madadaanan ng prusisyon na maglagay ng mga pangpaagaw bilang pakikiisa at pagpaparangal kay San Isidro Magsasaka.
Inaanyayahan din po ang lahat na makiisa sa pagdiriwang ng Banal na Misa sa darating na ika-17 ng Mayo, araw ng Linggo, sa ganap na ika-9:30 ng umaga.
Nawaโy sa pagdiriwang na ito ay patuloy tayong maging masipag, mapagkumbaba, at bukas-palad sa paglilingkod. Hayaang pagpalain ng Diyos ang mga binhing ating inihahasik upang magbunga ng masaganang ani, hindi lamang sa ating kabuhayan kundi higit sa lahat sa ating pananampalataya at pagkakaisa bilang isang sambayanan.
Magkita-kita po tayo! ๐พ