St. Catherine of Alexandria Parish Church Pagbilao, Quezon

St. Catherine of Alexandria Parish Church Pagbilao, Quezon The St. Catherine Parish was established by Franciscan Missionaries in 1685 who landed at a site now called Dinaungang-Pari. Vicente Urlanda. By: Gerry Lontok
(4)

It had it beginnings in Barangay Binahaan when a church made of bamboo with cogon grass thatch roof was built in 1688, administered by Fr.Cristobal Mortanchez. In 1730, the church was moved to its present location with St.Catherine of Alexandria as Patron Saint, and Fr. Francisco Xavier de Toledo was the Parish Priest. Building of the present stone church began in 1845 under the administration of Fr.Victorino Peralija; And was completed including the bell tower and two-story convent in 1877 under the administration of Fr.Eugenio Gomez. As an aftermath of World War II, it was destroyed during the Liberation in 1945 when American airplanes dropped bombs with the "intelligence report" that Japanese soldiers were still hiding inside the church. The convent and the church were destroyed. Fortunately the bell tower survived while the facade was heavily damaged. Repairs were done in 1954 under the Administration of Fr. Subsequent repairs and additions changed the appearance of the church. While the convent's second floor has not been rebuilt, we can still see how the church looked like before the War.

27/08/2026

Agosto 27, 2026 | 4:00 NH | Ikalawang Araw ng Misa Triduo bilang paghahanda sa Araw ng Parokya
========================== Generous donations may be sent thru: PNB Acct. No. 635670011238 GCash Acct. No. 09195003172
========================= DISCLAIMER: No copyright infringement intended. We do not own the music in this video. They belong to their rightful owners. For Catholic Church Purposes only.

Gabay sa Lakbay-Dalaw sa mga tahanan bilang paghahanda sa Kapistahan ni Sta. Catalina ng Alejandria 1. Pagdarasal ng 1 m...
27/08/2026

Gabay sa Lakbay-Dalaw sa mga tahanan bilang paghahanda sa Kapistahan ni Sta. Catalina ng Alejandria

1. Pagdarasal ng 1 misteryo ng Rosaryo.

2. Panalangin kay Sta. Catalina

Ama naming makapangyarihan, ngayon ay binibigyang-galak kami sa paggunita kay Sta. Catalina ng Alejandria. Para mo nang awang ipagkaloob na kami matulungan ng kanyang kagitingan sa ikapagniningning ng kanyang pagkauliran sa kadalisayan at katatagan sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

Dadasalin ang 1 Ama Namin, 1 Aba Ginoong Maria, 1 Luwalhati...

3. Pagwiwisik ng Banal na Tubig sa pintuan ng tahanan.

Araw ng Parokya 2026
Paksa: Sama-sama sa Paglalakbay, Sama-sama sa Misyon

27/08/2026

Agosto 27, 2026 | 2:00 NH |
Symposium for Venerable Bishop Obviar
========================== Generous donations may be sent thru: PNB Acct. No. 635670011238 GCash Acct. No. 09195003172
========================= DISCLAIMER: No copyright infringement intended. We do not own the music in this video. They belong to their rightful owners. For Catholic Church Purposes only.

Happy Fiesta sa MSK Navotas, Brgy. Ikirin
27/08/2026

Happy Fiesta sa MSK Navotas, Brgy. Ikirin

Happy Fiesta sa MSK GK Sta. Monica, Brgy. Pinagbayanan
27/08/2026

Happy Fiesta sa MSK GK Sta. Monica, Brgy. Pinagbayanan

26/08/2026

Agosto 27, 2026 | 6:00 NU |
Paggunita kay Santa Monica
========================== Generous donations may be sent thru: PNB Acct. No. 635670011238 GCash Acct. No. 09195003172
========================= DISCLAIMER: No copyright infringement intended. We do not own the music in this video. They belong to their rightful owners. For Catholic Church Purposes only.

26/08/2026

Araw ng Parokya: Pagdiriwang ng ating pagkakaisa, pasasalamat sa ating paglalakbay, at panibagong pagtatalaga sa misyon.

“Sama-sama sa Paglalakbay, Sama-sama sa Misyon”


26/08/2026

O N L I N E R O S A R Y & P R A Y E R
August 26, 2026 | 8:30 PM
LIVE at the Prayer Room of the Parish Rectory of St. Catherine of Alexandria Parish Church, Pagbilao, Quezon

Samahan po ninyo kami sa pagdarasal ng Santo Rosaryo, Divine Mercy Chaplet, Panalangin kay Sta. Catalina ng Alexandria, Panalangin kay San Francisco ng Assisi, at Panalangin para sa Pagdami ng Bokasyon sa Pagpapari at Buhay Relihiyosa.

======================================

Donations may be sent thru:
PNB Acct. No. 635670011238
GCash Acct. No. 09195003172

Please pray the Rosary! 🙏🙏🙏

Agosto 27, 2026, Paggunita kay Sta. Monica
26/08/2026

Agosto 27, 2026, Paggunita kay Sta. Monica

Agosto 27, 2026, Paggunita kay Santa Monica

UNANG PAGBASA
1 Corinto 1, 1-9

Ang simula ng unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mula kay Pablo na tinawag ng Diyos upang maging apostol ni Kristo Hesus, at mula sa ating kapatid na Sostenes –

Sa simbahang nasa Corinto – sa mga hinirang ng Diyos upang maging kanya sa pamamagitan ng pakikipag-isa kay Kristo Hesus kasama ng mga hinirang sa lahat ng dako, na tumatawag sa pangalan ng Panginoong Hesukristo, ang Panginoon nating lahat:

Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaan mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Hesukristo.

Lagi akong nagpapasalamat sa Diyos dahil sa mga pagpapala niya sa inyo sa pamamagitan ni Kristo Hesus. Sapagkat sa inyong pakikipag-isa sa kanya, kayo’y umunlad sa lahat ng paraan, maging sa pananalita at kaalaman. Ang katotohanang ipinangaral namin tungkol kay Kristo ay malinaw na nakikita sa inyo anupat hindi kayo nagkulang sa anumang kaloob na espirituwal, habang hinihintay ninyong mahayag ang ating Panginoong Hesukristo. Kayo’y aalalayan niya hanggang sa wakas upang matagpuan kayong walang kapintasan sa Araw ng ating Panginoong Hesukristo. Tapat ang Diyos na tumawag sa inyo upang kayo’y makipag-isa sa kanyang Anak na si Hesukristong ating Panginoon.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 144, 2-3. 4-5. 6-7

Pupurihin ko ang ngalan
ng P**n magpakailanman.

Pupurihin ko’t pasasalamatan ang Diyos araw-araw,
di ako titigil ng pasasalamat magpakailanman.
Dakila ang P**n, at karapat-dapat na siya’y purihin;
ang kadakilaan niya ay mahirap nating unawain.

Pupurihin ko ang ngalan
ng P**n magpakailanman.

Sa alinmang lahi, ang iyong ginawa ay papupurihan,
ihahayag nila ang mga gawa mong makapangyarihan.
Ang karangalan mo at pagkadakila’y ipamamalita,
at isasaysay ko ang mga gawa mo na kahanga-hanga.

Pupurihin ko ang ngalan
ng P**n magpakailanman.

Ang mga gawa mong makapangyariha’y ipamamalita;
sa lahat ng tao’y aking sasabihing ikaw ay dakila.
Ihahayag nila ang lahat ng iyong mga kabutihan,
aawitin nila ang kabutihan mo’t iyong kabaitan.

Pupurihin ko ang ngalan
ng P**n magpakailanman.

ALELUYA
Mateo 24, 42a. 44

Aleluya! Aleluya!
Lagi tayong magtanod
sapagkat di natin talos
ang pagbabalik ni Hesus.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 24, 42-51

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Kaya magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam kung anong araw paririto ang inyong Panginoon. Tandaan ninyo ito: kung alam lamang ng puno ng sambahayan kung anong oras ng gabi darating ang magnanakaw, siya’y magbabantay at hindi niya pababayaang pasukin ang kanyang bahay. Kaya maging handa kayong lagi, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na di ninyo inaasahan.

“Ang tapat at matalinong alipin ang siyang pinapamahala ng kanyang panginoon sa ibang mga alapin, upang bigyan sila ng kanilang pagkain sa karampatang panahon. Mapalad ang aliping iyon, kapag dinatnan siyang gumagawa ng gayun sa pagbabalik ng kanyang panginoon! Sinasabi ko sa inyo: pamamahalain siya ng kanyang panginoon sa lahat ng kanyang ari-arian. Ngunit kung masama ang aliping iyon, sasabihin niya sa sarili, ‘Matatagalan pa bago magbalik ang aking panginoon,’ at sisimulang bugbugin ang kanyang mga kapwa alipin, at makipagkainan at makipag-inuman sa mga lasenggo. Babalik ang panginoon ng aliping iyon sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na hindi niya alam. Buong higpit na parurusahan siya ng Panginoon, at isasama sa mga mapagpaimbabaw. Doo’y tatangis siya at magngangalit ang kanyang ngipin.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Unang Araw ng Misa Triduo bilang paghahanda sa Araw ng ParokyaTema: Sama-sama sa Paglalakbay, Sama-sama sa Misyon
26/08/2026

Unang Araw ng Misa Triduo bilang paghahanda sa Araw ng Parokya

Tema: Sama-sama sa Paglalakbay, Sama-sama sa Misyon

Address

Quezon Province
Pagbilao
PAGBILAO4302

Opening Hours

Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 11am

Telephone

+639090779421

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when St. Catherine of Alexandria Parish Church Pagbilao, Quezon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share