St. Isidore Chapel - MSK Talipan Sideway

St. Isidore Chapel - MSK Talipan Sideway Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from St. Isidore Chapel - MSK Talipan Sideway, Catholic Church, Luce Subdivision, Brgy Talipan, Pagbilao.

30/05/2026
30/05/2026
Maraming Salamat Po!Sa mga dumalo at nakiisa mula sa ating MSK🥰❤️
29/05/2026

Maraming Salamat Po!
Sa mga dumalo at nakiisa mula sa ating MSK🥰❤️

Prusisyon Ng Sagala Sa St. Therese of the Child Jesus Talipan Mission Station
29/05/2026

Prusisyon Ng Sagala Sa St. Therese of the Child Jesus Talipan Mission Station

With St. Catherine of Alexandria Parish Church Pagbilao, Quezon – I just got recognized as one of their top fans! 🎉
27/05/2026

With St. Catherine of Alexandria Parish Church Pagbilao, Quezon – I just got recognized as one of their top fans! 🎉

With St.Therese of the Child Jesus - Talipan Mission Station – I just got recognized as one of their top fans! 🎉
27/05/2026

With St.Therese of the Child Jesus - Talipan Mission Station – I just got recognized as one of their top fans! 🎉

27/05/2026

Mayo 28, 2026, Kapistahan ng Panginoong Hesukristo, Walang Hanggang at Dakilang Pari (A)

UNANG PAGBASA
Genesis 22, 9-18

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Noong mga araw na iyon: Pagsapit nila sa dakong itinuro ng Diyos, gumawa ng dambana si Abraham. Inayos niya sa ibabaw nito ang panggatong at inihiga si Isaac, matapos gapusin. Nang sasaksakin na niya ang bata, tinawag siya ng anghel ng Panginoon at mula sa langit ay sinabi: “Abraham! Abraham! Huwag mong patayin ang bata. Huwag mo siyang saktan! Naipakita mo nang handa kang sumunod sa Diyos, sapagkat hindi mo ipinagkait sa kanya ang kaisa-isa at pinakamamahal mong anak.”

Paglingon niya’y may nakita siyang isang lalaking tupa na ang mga sungay ay napasabit sa mga sanga ng kahoy. Ito ang kinuha ni Abraham at inihandog kapalit ng kanyang anak. Ang lugar na iyo’y tinawag ni Abraham na, “Ang Panginoon ang Nagkaloob.” At magpahanggang ngayon, sinasabi ng mga tao: “Sa bundok ng Panginoon ay may nakalaan.”

Mula sa langit, nagsalitang muli kay Abraham ang anghel ng Panginoon. Wika nito, “Akong Panginoon ang nangangako sa iyo: yamang hindi mo ipinagkait sa akin ang kaisa-isa mong anak, pagpapalain kita. Ang lahi mo’y magiging sindami ng bituin sa langit at ng buhangin sa dagat. Lulupigin nila ang mga lungsod ng kanilang mga kaaway. Sa pamamagitan ng iyong lahi, pagpapalain ang lahat ng bansa sa daigdig sapagkat ikaw ay tumalima sa akin.”

Ang Salita ng Diyos.

o kaya:
Hebreo 10, 4-10

Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo

Mga kapatid, sapagkat ang dugo ng mga toro at ng mga kambing ay hindi makapapawi ng mga kasalanan.
Dahil diyan, nang si Kristo’y manaog sa sanlibutan, sinabi niya sa Diyos,
“Ang mga hain at handog na mga hayop ay hindi mo ibig, kaya’t inihanda mo ang aking katawan upang maging hain.

Hindi mo kinalugdan ang mga handog na susunugin at ang mga handog dahil sa kasalanan.
Kaya’t aking sinabi, ‘Narito ako, O Diyos, upang tupdin ang iyong kalooban’ —
Ayon sa nasusulat sa Kasulatan tungkol sa akin.”

Sinabi muna niya, “Hindi mo inibig o kinalugdan ang mga hain at handog na mga hayop, mga handog na susunugin at mga handog dahil sa kasalanan” – bagamat ito’y inihahandog ayon sa Kautusan. Saka niya sinabi, “Narito ako upang tupdin ang iyong kalooban.” Inalis ng Diyos ang unang handog na pinalitan ng handog ni Kristo. At dahil sa kanyang pagsunod sa kalooban ng Diyos, nilinis tayo ni Hesukristo sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng minsang paghahandog ng kanyang sarili at iyo’y sapat na.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 39, 7-8a. 8b-9. 10-11ab. 17

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

Ang mga panghandog, pati mga hain,
hindi mo na ibig sa dambana dalhin,
upang yaong sala’y iyong patawarin;
sa halip, ang iyong kaloob sa akin
ay ang pandinig ko upang ika’y dinggin.

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

Kaya ang tugon ko, “Ako’y naririto;
nasa Kautusan ang mga turo mo.
Ang nais kong sundi’y iyong kalooban;
aking itatago sa puso ang aral.”

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

Ang pagliligtas mo’y ipinagsasabi,
di ko inilihim sa aking sarili;
pati pagtulong mo’t pag-ibig na tapat,
sa mga lingkod mo’y isinisiwalat.

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

Silang lumalapit sa iyo’y dulutan
ng ligaya’t galak na walang kapantay;
bayaang sabihing: “Ang P**n ay Dakila!”
ng nangaghahangad maligtas na kusa.

Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

ALELUYA
Filipos 2, 8-9

Aleluya! Aleluya!
Masunuring Kristo Hesus
naghain ng buhay sa krus,
kaya’t dinakila ng D’yos
binigyan ng ngalang tampok
sa langit at sansinukob.
Aleluya! Aleluya!

ALELUYA
Filipos 2, 8-9

Aleluya! Aleluya!
Masunuring Kristo Hesus
naghain ng buhay sa krus,
kaya’t dinakila ng D’yos
binigyan ng ngalang tampok
sa langit at sansinukob.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 26, 36-42

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, isinama sila ni Hesus sa isang lugar na tinatawag na Getsemani. Sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Dito muna kayo; mananalangin ako sa dako roon.” Ngunit isinama niya si Pedro at ang dalawang anak ni Zebedeo. At nagsimulang mabagabag at maghirap ang kanyang kalooban. Sinabi niya sa kanila, “Ang puso ko’y tigib ng hapis na halos ikamatay ko! Maghintay kayo rito at makipagpuyat sa akin!” Pagkalayo nang kaunti, nagpatirapa siya at nanalangin: “Ama ko, kung maaari’y ilayo mo sa akin ang kalis ng paghihirap na ito. Gayunman, huwag ang kalooban ko kundi ang kalooban mo ang mangyari.”

Nagbalik siya at dinatnan niyang natutulog ang tatlong alagad. Sinabi niya kay Pedro, “Talaga bang hindi kayo makapagpuyat na kasama ko kahit isang oras man lamang? Magpuyat kayo at manalangin upang huwag kayong madaig ng tukso. Ang espiritu’y nakahanda ngunit mahina ang laman.”

Muli siyang lumayo at nanalangin: “Ama ko, kung hindi maiaalis ang kalis na ito nang hindi ko iinumin, mangyari ang iyong kalooban.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

21/07/2023

Takot

Lubhang totoo ang banta ng kamatayan. Noong kaigtingan ng pandemya, marami ang nababahala at nag-aalala para sa kanilang kaligtasan.

Paalaala ni Hesus sa ebanghelyo: "Huwag ninyong katakutan ang pumapatay ng katawan ngunit hindi nakapapatay ng kaluluwa. Sa halip, ang katakutan ninyo’y ang nakapapatay ng kaluluwa at katawan sa impiyerno."

Hindi kamatayan ang dapat katakutan kundi ang kakulangan sa pananalig. Hindi salot ang dapat katakutan kundi kawalan ng pag-asa at kasalatan sa pag-ibig. Ito ang pumapatay sa ating espiritu.

Nakakalungkot kung mas matatakot tayong mawalan ng pera kaysa mawalan ng dangal. Nakakapanglumo na may ilang nagsasamantala upang magkamal ng yaman habang naghihirap ang karamihan. May ilang nasa kapangyarihan nagpupumilit isulong ang pansariling interes sa gitna ng krisis na kinakaharap ng lipunan. Nawawala nga ang takot - pero sa maling dahilan.

Hindi lahat ng takot ay masama. Ang takot sa paggawa ng kasalanan ay isang biyaya. Kalimitan, ang sobrang lakas ng loob o tapang ay nauuwi sa kapahamakan. "Ang pagkatakot sa Diyos ay simula ng karunungan."

Sa mas positibong pagtingin, ang takot sa Diyos ay ekspresyon ng paggalang at pagmamahal. Ito ay pagkilala na ang Diyos lamang ang may-ari ng buhay.

Walang anumang kapangyarihan sa lupa ang pwedeng pumuksa sa tao. Diyos lamang ang may hawak ng lahat.

*Sabado sa Ikalabing apat na Linggo sa Karaniwang Panahon

Address

Luce Subdivision, Brgy Talipan
Pagbilao
4302

Opening Hours

6pm - 7pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when St. Isidore Chapel - MSK Talipan Sideway posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share