09/06/2026
Ang Tunay na Pamana ng Isang Lalaki
Hindi lamang materyal na bagay ang pinakamahalagang maiiwan natin sa susunod na henerasyon. Ang pananampalataya, mabuting halimbawa, integridad, at pagmamahal sa Diyos ang mga pamana na may walang hanggang halaga.
Sa ating paglalakbay bilang mga ama, asawa, kapatid, at lingkod ng Diyos, nawa’y maging buhay natin ang inspirasyon at gabay para sa ating mga anak at apo.
📖“Ang mabuting tao ay nag-iiwan ng mana sa mga anak ng kanyang mga anak, ngunit ang kayamanan ng makasalanan ay nakalaan para sa matuwid.”
- Kawikaan 13:22
👨👦 THE MAN’S LEGACY
📍 PGNI Gumaca
📅 June 12
⏰ 8:00 AM
Inaanyayahan namin ang lahat ng kalalakihan na makiisa sa isang makabuluhang pagtitipon upang matutunan kung paano mag-iwan ng pamanang nagbibigay-luwalhati sa Diyos at pagpapala sa susunod na henerasyon.