06/04/2024
SUBHANALLAHI, WALHAMDULILLAHI, WALAAILAAHA ILLALLAHU, WALLAHUAKBAR!
Alhamdulillah sa Pagtatapos ng Ating Programa sa Ramadan!
Maraming Salamat sa lahat ng ating mga kasamahan sa Tawagan Sur Committee for Ramadan 'Ilm Enhancement Program sa Pagtaguyod ng Programang ito, sa ating mga Judges na sila;
1.) Al Hafidh Nur Jehad Bantilan ,
2.) Imam King Abdul Fahad Odin Khing AF ,
3.) Ustadha Hamida Tua
4.) Muhammad Edris / Bisayang Muslim Da'wah - Muhammad Edris Pucot / Aldren Zafra Pucot / Aden LascuñaZafra TimonioPucot .
Maraming Salamat din sa ating magaling na Master of Ceremony at MuhaDer na si Al Hafidh Norudin Impo نور الدين امفو,
at Lalo na rin sa ating Kasamahan na Naghirap sa pagpapaganda ng ating Venue at naging Photographer/Videographer din natin sa ating Programa mula sa simula hanggang sa natapos na si Sir Rejay Manupac .
Maraming Salamat din sa lahat ng ating mga Participants at Competitors na Pusposan ang Pag-aaral at Paghahanda para sa ating Musabaqah (Competition),
Lalo na sa kanilang mga Supportive Parents na nagpagod at nagpuyat sa Panonood (barasan kano o Allah),
At syempre hindi maisasakatuparan ang Programang ito kung hindi Pinangunahan ng ating Mahal na Butihing Sultan ng Tawagan Sur, na siya ring naging Main SUPPORTER natin sa Pagbibigay ng PRIZES sa mga PARTICIPANTS na si Sultan Mendatob Mendato Teng Marcaban, kasama na dito ang ating Minamahal na Moder ng Madrasatu Tawagan Al-Islamiy na si Ustadh Abduljalil Ambel sa kanyang walang sawang pag-alalay sa ating nga Mag-aaral (Pakalandon pan no Allahu Ta'Ala su Omor ningka Ustadh).
Maraming Salamat din sa ating Butihing Kapitana na si Brgy. Chairwoman Marianette Marcaban sa lahat lahat, mula sa paggamit natin ng Komportableng Venue hangang sa pag Sponsor niya sa ating Pagpapa Raffle of Prizes. Alhamdulillah! (Jazakillah Kap).
Maraming salamat din sa ating mga Brgy. Councilors na nagpakita ng Supporta at Nagbigay ambag sa ating Programa na sina;
Hon. Arbaina Marcaban Acob at Hon. Princess Marcaban, pati na rin ang iba pang Personalidad na Nagpaabot ng Supporta, kagaya nila Maam Babai Paniorotan (TSNHS PRINCIPAL) at iba pang hindi natin nabanggit.
Maraming Salamat Po sa inyong lahat.
Nawa'y maging dagdag hikayat ito sa Pag-usbong ng marami pang mga Islamic Activities dito sa ating Brgy. Tawagan Sur sa Hinaharap.
At Nawa'y maging instrumento din ito upang ma encourage pa natin ang ating mga Mag-aaral ng 'Ilm na mas lalo pa nilang Pagbutihan ang Kanilang Pag-aaral, at mag-iwan ng tanda sa Puso't isipan ng mga Magulang, at magsilbing dagdag encouragement sa kanila sa pagsuporta sa kanilang mga Anak sa Larangan ng Pag-aaral sa Islam, kagaya ng Pagsuporta nila sa Pag-aaral nito sa English, o kaya'y mas higit pa dito.
Maraming Salamat po sa Inyong Lahat!
Patunay lamang po ang lahat ng ito na ang Diwa ng Islam, ng Ramadan at ng Kapatiran at Pagtutulongan dito sa ating Brgy. Tawagan Sur ay Buhay na Buhay parin!
Mula Noon, Ngayon at In Shaa Allah sa Hinaharap!
Ulit, Maraming Salamat,
Hanggang sa uulitin next Year, In Shaa Allah wa Bi Idhnillahi Ta'Ala!
Shukran Katheer!
JAZAKUMULLAHU KHAYRAN wa BARAKALLAHU FEEKOM.
(Taqabbalallahu Minna wa Minkom Salihal A'mal 🤲)
Nawa'y Tanggapin ni Allah mula sa amin at mula sa inyo Mabubuting Gawa!