Sedes Sapientiae

Sedes Sapientiae Mahal na Birhen, Luklukan ng Karunungan
Parokya ng San Santiago Apostol- Paete, Laguna

1st of January| Solemnity of Mary, the Holy Mother of God
01/01/2026

1st of January| Solemnity of Mary, the Holy Mother of God

π•πˆπ•π€ 𝐋𝐀 πˆππŒπ€π‚π”π‹π€πƒπ€ π‚πŽππ‚π„ππ‚πˆπŽπ 𝐃𝐄 π‚π€π˜π’π€π’π€π˜!Panalangin sa Nuestra SeΓ±ora dela Inmaculada Concepcion de Caysasay- Pintakasi...
08/12/2025

π•πˆπ•π€ 𝐋𝐀 πˆππŒπ€π‚π”π‹π€πƒπ€ π‚πŽππ‚π„ππ‚πˆπŽπ 𝐃𝐄 π‚π€π˜π’π€π’π€π˜!

Panalangin sa Nuestra SeΓ±ora dela Inmaculada Concepcion de Caysasay- Pintakasi ng Taal, Batangas

O Birhen ng Caysasay, takbuhan ng aming mga pangangailangan,laban sa mga kaaway, ibinigay ka sa amin ng iyong Anak upang maging Ina namin, at inari mo po naman kaming iyong mga anak upang ingatan at pangalagaan.

Ipanalangin mo po kami na magkaroon ng pang-unawa upang matalos ang kalooban ng Diyos gayundin,ng pananampalataya upang magpahinuhod at magpaubaya sa iyong Anak bilang mabubuti at masunuring mga anak mo ay kapatid ni Jesus.

Sa mga sandali ng aming kahinaan at kakulangan, tulungan mo kami sa aming mga pangangailangan at dinggin mo ang aming mga kahilingan...(banggitin ang kahilingan).

Ang lahat ng ito ay ipinaaabot at ipinagkakatiwala po namin sa iyo sapagkat nababatid po namin na ikaw ang aming mabisang tagapamagitan sa iyong Anak at Panginoon namin, si Jesukristo na nabubuhay at naghahari kasama ng Ama at ng Espiritu Santo. Amen.

(Sambitin ang tatlong Aba Ginoong Maria)

Viva La Virgen!

FIESTA INMACULADA 2025

Nuestra SeΓ±ora de Caysasay

IKASIYAM NA ARAW NG PAGSISIYAMPAG-AKYAT SA LANGIT NG MAHAL NA BIRHENO masintahin at mapagmahal na Ina, ang pag-aakyat sa...
07/12/2025

IKASIYAM NA ARAW NG PAGSISIYAM
PAG-AKYAT SA LANGIT NG MAHAL NA BIRHEN

O masintahin at mapagmahal na Ina, ang pag-aakyat sa iyo sa langit, katawan at kaluluwa, ay katangi-tanging biyaya para sa iyo at para sa amin na iyong mga anak at iyong mga kapwatao. And paghirang ng Diyos sa iyo upang maging Ina ng Mananakop at Tagapagligtas, maging Ina ng Diyos, at ang kalinis-linisang paglilihi sa iyo ng iyong ina na si Santa Ana ay maliwanag na patunay ng Diyos ng pagmarapat Niya sa iyo upang ikaw ay iakyat ng iyong Bugtong na Anak kapiling Niya sa langit. Pinupuri at pinasasalamatan namin ang Tatlong Persona sa lisang Diyos sa pagpapanatili sa Kalinis-linisang paglilihi sa iyo at sa iyong pagiging dalisay na pagkaina. Sumasamo ako sa iyo na tulungan ako sa Ama at ipamagitan sa iyong Bugtong na Anak na panatilihin ang aking puso at kaluluwa na dalisay at ligtas sa kasalanan katulad ng pagpapanatili Niya sa kadalisayan ng mga birhen na sumunod sa halimbawa Niya at sa iyong mga yapak. Panatilihin mo kaming malinis sa isip, sa wika at sa gawa upang, sa pagsunod sa iyong Anak at pagtulad sa iyo dito sa lupa, purihin, sambahin at ibigin ko ang Diyos at parangalan at igalang kita nang walang maliw sa langit na tahanan ng lahat ng nananalig at nagtitiwala sa Kanya. Amen.

Mahal na Birhen ng Caysasay, ipanalangin mo kami.

IKAWALONG ARAW NG PAGSISIYAMPAGDADALAMHATI NG MAHAL NA BIRHENG MARIAO pinakamamahal naming Ina, ang kagalakan at kasiyah...
06/12/2025

IKAWALONG ARAW NG PAGSISIYAM
PAGDADALAMHATI NG MAHAL NA BIRHENG MARIA

O pinakamamahal naming Ina, ang kagalakan at kasiyahan namin ay di lamang katangi-tanging biyaya at handog para sa iyo. Ito rin ay isang paghamon sa iyong katangi-tanging katapatan at katatagan sapagkat bilang Ina ang naghihintay sa kapalaran ng iyong Anak at aming Tagapagligtas ay isang pagsubok na hindi mo na matatalikuran kailanpaman. Nakatitiyak kami ng hirap ng kalooban at pagdadalamhati na iyong naranasan, katulad ng ipinahayag ni Simeon,....Ang puso mo'y para na ring tinarakan ng isang balaraw," sa gaganapin ng iyong Anak na paghahandog ng buhay para sa aming katubusan bilang pagsunod sa kalooban ng Kanyang Kamahal-mahalang Ama. Hinihiling po namin na tulungan mo kaming maging masunurin sa kalooban ng Ama katulad Niya at katulad mo rin sa harap ng napakaraming tukso at pagsubok na dumarating sa amin sa araw-araw. Tulungan mo po kami na tiisin ang mga kahirapan sa buhay nang may kasiyahan at buong pagsang-ayon at kahinahunan, at pagsisihan ang lahat ng mga kasalanan ng aming nagawa laban sa Kanyang pag-ibig at kabutihan. Amen.

Mahal na Birhen ng Caysasay, ipanalangin mo kami.

IKAPITONG ARAW NG PAGSISIYAMPAGDADALA NG MAHAL NA BIRHENG MARIA KAYJESUS NA PANGINOON SA TEMPLOMahal naming Inang Birhen...
05/12/2025

IKAPITONG ARAW NG PAGSISIYAM
PAGDADALA NG MAHAL NA BIRHENG MARIA KAY
JESUS NA PANGINOON SA TEMPLO

Mahal naming Inang Birhen, ang katuwaan at kaligayahang naranasan ni Simeon ay kasiyahan namin na nagtanggal ng napakalaking tinik sa puso ng bawat isa sa amin upang, katulad niya, ay purinin namin ang Diyos at sambitin ang sinabi niya, "Kunin mo na Panginoon, ang lyong abang alipin,... yamang nakita na ng aking mga mata ang lyong pagliligtas na inihanda Mo para sa lahat ng mga bansa..." Tulungan mo kami na pagyamanin ang mga salitang ito upang lagi kaming maging handa na tanggapin ang Kanyang alok ng kaligtasan at manatiling tapat sa kalooban ng Ama, maging masunuring mga anak katulad Niya sa tuwina at ihandog ang aming sarili sa paglilingkod sa Kanya nang may pagpipitagan at katapatan. Amen

Mahal na Birhen ng Caysasay, ipanalangin mo kami.

IKA- ANIM NA ARAW NG PAGSISIYAMPAGSISILANG NG MAHAL NA BIRHENG MARIA SA ATINGPANGINOONG JESU-KRISTOO kasinta-sintahing B...
05/12/2025

IKA- ANIM NA ARAW NG PAGSISIYAM
PAGSISILANG NG MAHAL NA BIRHENG MARIA SA ATING
PANGINOONG JESU-KRISTO

O kasinta-sintahing Birheng Maria, ang pagsisilang mo sa aming Mananakop at Tagapagligtas at tunay na Mabuting Balita para sa aming lahat sapagkat ito ay katuparan ng pangako ng Ama ng pagliligtas sa sangkatauhan at nagdudulot ng ibayong pag-asa at pagkakataon para sa aming mga nangangailangan ng Kanyang pagliligtas at kapatawaran. Ang pagsisilang mo sa Kanya at nagdulot ng kasiyahan at kagalakan dito sa lupa at maging sa sangkalangitan, naging pangunahin ats napakahalagang dahilan upang kami'y magdiwang nang buong kagalakan. Ang pagdatal ng Prinsipe ng Kapayapaan ay Katangi-tanging Handog ng Ama sa buong sangtinakpan at pasalubong mo sa aming iyong mga anak. Nawa ang kagalakan at kaligayahan na aming nararanasan ay lalong maipahayag namin sa aming kasigasigan na sundin ang loob ng Ama dito sa lupa para nang sa langit upang katulad ng mga pastol kami man ay maging tagapagpatotoo at tagapamahayag ng Dakilang Katotohanang ito sa lahat ng tao. Amen.

Mahal na Birhen ng Caysasay, ipanalangin mo kami.

IKALIMANG ARAW NG PAGSISIYAMPAGDALAW NG MAHAL NA BIRHEN KAY ISABELO Birheng Maria, kalinis-linisan sa lahat ng mga birhe...
03/12/2025

IKALIMANG ARAW NG PAGSISIYAM
PAGDALAW NG MAHAL NA BIRHEN KAY ISABEL

O Birheng Maria, kalinis-linisan sa lahat ng mga birhen at tagapamagitan ng mga biyaya, lagi kang nakikiramay sa mga nahahapis at nagdurusa. Kami y nasisiyahan sa kagalakang hatid mo sa kalangitan at sandaigdigan sa pagtanggap mo sa alok ng Ama na maging Ina ng kanyang Anak at sa pagpapadala sa Kanya sa iyong sinapupunan nang buong pagkakandili at pagmamahal. Lumuluhog kami sa iyo na punuin ang aming kalooban ng kagalakan, maging masigasig sa pagsunod sa Kanyang mga utos at matatag sa harap ng mga pagsubok at pakikibaka laban sa mga kaaway ng kaluluwa.

Hilingin mo po sa iyong Anak na bihisan kami ng diwa ng panalangin at katatagan upang makibahagi sa kaligayahan at kasiyahang naranasan ni San Juan Bautista nang dalawin mo si Santa Isabel na kanyang ina. Amen.

Mahal na Birhen ng Caysasay, Ipanalangin mo kami.

IKA- APAT NA ARAW NG PAGSISIYAM PAGPAPAHAYAG NG MAGANDANG BALITA TUNGKOL SA PAGSILANG NG MAHAL NA BIRHENG MARIA SA ATING...
02/12/2025

IKA- APAT NA ARAW NG PAGSISIYAM PAGPAPAHAYAG NG MAGANDANG BALITA TUNGKOL SA PAGSILANG NG MAHAL NA BIRHENG MARIA SA ATING PANGINOONG JESU- KRISTO

Mahal naming Ina, ang pagkahirang sa iyo upang maging Ina ng Manunubos ay karangalan namin na di mapapantayan ng anuman kailanman. Ang pagpapahayag ng Magandang Balita tungkol sa pagsisilang mo po sa aming Panginoong Jesu-Kristo at naghatid ng kagalakan sa lanat sapagkat ito ay nagpatunay ng pagmamarapat ng Diyos sa tao upang maging daan at katuwang sa pagliligtas sa sandaigdigan mula sa pagkalugmok sa kasalanan.

Nawa'y pagsikapan namin sa aming sariling pamamaraan na ang biyayang ito na tinanggap namin ay aming pagyamanin at payabungin sa pang-araw-araw na buhay namin. Nagsusumamo kami sa iyo na hilingin sa iyong Anak na kami'y pabanalin, papagningasin sa apoy ng kasigasigan ng mga Apostol at punuin ng diwa ng panalangin ng pagtitiis, upang, katulad ng mga Apostol, kami man ay tumulong sa pagpapalaganap ng Kanyang Mabuting Balita ng Kaligtasan at sa pagpapanumbalik ng kapayapaan ni Kristo. Amen.

Mahal na Birhen ng Caysasay, Ipanalangin mo kami.

IKATLONG ARAW NG PAGSISIYAMPAGDADALA SA MAHAL NA BIRHEN SA TEMPLOMahal na Birheng Maria, naging mapalad ka sapagkat ikaw...
02/12/2025

IKATLONG ARAW NG PAGSISIYAM
PAGDADALA SA MAHAL NA BIRHEN SA TEMPLO

Mahal na Birheng Maria, naging mapalad ka sapagkat ikaw ay naging tapat at masunurin sa kalooban ng Ama sapul pa sa lyong pagkabata. Ang pagdadala sa lyo sa templo ng lyong mga magulang na sina San Joaquin at Santa Ana ay patunay sa katotohanang ito.

Nawa'y kami man ay matulad sa lyo sa pagsunod sa kalooban ng Ama bilang anak mo at kapatid ni Hesukristo. Dinarangal kita at sinasamba ang Tatlong Persona sa iisang Diyos dahilan na rin sa di mabilang ng mga biyaya na ipinagkaloob sa lyo. Hinihiling ko sa lyo na tulungan ako na maging masinop sa kabanalan at itakwil ang mga labis at maling hangarin. Sa halip, nawa'y wala kaming hangarin maliban sa Diyos at ang tularan ka sa lyong kabutihan at pagkamasunurin. Amen.

Mahal na Birhen ng Caysasay, Ipanalangin mo kami.

IKALAWANG ARAW NG PAGSISIYAMKALINIS LINISANG PAGLILIHI SA MAHAL NA BIRHENG MARIA O Maria, aming Ina at Birheng kalinis-l...
30/11/2025

IKALAWANG ARAW NG PAGSISIYAM
KALINIS LINISANG PAGLILIHI SA MAHAL NA BIRHENG MARIA

O Maria, aming Ina at Birheng kalinis-linisan, pinupuri at pinasasalamatan namin ang Diyos na aming Ama sapagkat ikaw ay naging kalugod-lugod sa Kanya upang hirangin Ka na maging Ina ng aming Panginoong Hesukristo. Ipinahayag Niya ito at kaagad ipinadama sa Iyo at buong sandaigdigan sa kalinis-linisang paglilihi sa Iyo gagampanan sa pagliligtas ng Diyos sa buong sanlibutan. Nawa'y aming ikasiya ang pangyayaring ito at ikarangal sa pamamagitan na rin ng aming pagpapahalaga sa aming karangalan at pamumuhay sa kalinisan. Tulungan mo po ako na iwaksi ang kasalanan, pagsisihan ang mga ito at ihingi ng kapatawaran. Amen.

Mahal na Birhen ng Caysasay,
Ipanalangin mo kami.

Address

Paete
Paete
4016

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sedes Sapientiae posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share