Señor Sto. Niño El Divino Maestro

Señor Sto. Niño El Divino Maestro Pagpasok sa Jerusalem & Sta. Niño El Divino Maestro Consolation y Korean & San Cristobal

LOS HERMANOS DE BETANIASina Santa Marta, Santa Maria, at San Lazaro ay kabilang sa mga pinakamalalapit na kaibigan at ta...
29/07/2026

LOS HERMANOS DE BETANIA

Sina Santa Marta, Santa Maria, at San Lazaro ay kabilang sa mga pinakamalalapit na kaibigan at tapat na tagasunod ng ating Panginoong Hesukristo. Ang kanilang tahanan sa Betania ay naging lugar ng pahinga, pagtanggap, at pagmamahalan para kay Hesus.

Si Santa Marta ay huwaran ng masipag na paglilingkod at matatag na pananampalataya.
Si Santa Maria ay larawan ng taimtim na pakikinig sa Salita ng Diyos at wagas na debosyon.
Si San Lazaro ay naging buhay na patotoo sa kapangyarihan ni Kristo nang siya ay muling buhayin mula sa kamatayan.

Nawa'y tularan natin ang kanilang pananampalataya, pagmamahal, at katapatan sa Panginoon sa bawat araw ng ating buhay.

O Banal na Magkakapatid ng Betania—San Lazaro, Santa Marta, at Santa Maria, ipanalangin ninyo kami.

📸: La Transfiguración de Jesús(Vhong Cadawas)
📷 Photo captured last 2014

17/07/2026
𝐌𝐚𝐬𝐝𝐚𝐧 | Ang Salida ng Señor Sto. Niño El Divino Maestro ngayong 2026.Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng tumulong...
17/01/2026

𝐌𝐚𝐬𝐝𝐚𝐧 | Ang Salida ng Señor Sto. Niño El Divino Maestro ngayong 2026.
Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng tumulong at naghandog ng kanilang panahon at talento para sa ating mahal na Señor Sto. Niño.

𝐕𝐞𝐬𝐭𝐞𝐝 𝐛𝐲: James To Sew / James Mark Bague

𝐅𝐥𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐀𝐫𝐫𝐚𝐧𝐠𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭𝐬: Chayene Tabatay

𝐕𝐈𝐕𝐀 𝐒𝐄Ñ𝐎𝐑 𝐒𝐓𝐎. 𝐍𝐈Ñ𝐎!
𝐕𝐈𝐕𝐀 𝐄𝐋 𝐒𝐄Ñ𝐎𝐑 𝐅𝐄𝐒𝐓𝐄𝐉𝐀𝐃𝐎 2019!

12/01/2026

TINGNAN | Exhibit ng Señor Sto. Niño sa Simbahan ng Paete, Laguna

Isang makabuluhang paglalakbay ng pananampalataya at sining—ipinamalas sa bawat anyo ng Señor Sto. Niño ang wagas na debosyon, kasaysayan, at pagmamahal ng mga Paeteño sa Batang Hesus. Tunay na patunay na sa Paete, ang pananampalataya ay buhay sa bawat ukit, kulay, at panalangin.

11/01/2026

𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞-𝗧𝗔𝗡𝗔𝗪 | 𝗦𝗮𝗹𝗶𝗱𝗮 2024

Isang pagbabalik sa mga sandaling puno ng pananampalataya at debosyon. Sa bawat galaw ng kamera, muling binubuhay ang mga hakbang, dasal, at ngiting inalay para sa Señor Sto. Niño.

Isang alaala na hindi lamang napanood, kundi muling naramdaman.

Viva Señor Sto. Niño!

ATING BALIKAN: Señor Sto. Niño El Divino Maestro noong taong dalawang libo labing siyam bilang El Señor Festejado ng Sod...
11/01/2026

ATING BALIKAN: Señor Sto. Niño El Divino Maestro noong taong dalawang libo labing siyam bilang El Señor Festejado ng Sodalidad del Señor Sto. Niño para sa Kapistahan ng Batang Hesus.

"Ang karunungan ay nagmumula sa pusong marunong magpakumbaba, tulad ng Batang Hesus."

VIVA SEÑOR FESTEJADO 2019
VIVA SEÑOR STO NIÑO EL DIVINO MAESTRO

Bilang pakikiisa ng Selebrasyon ng Sto. Niño, ang Pamilya ni Eugene Cadawas Eh Matt Cadawas at Hydee Factor Cadawas ay n...
10/01/2026

Bilang pakikiisa ng Selebrasyon ng Sto. Niño, ang Pamilya ni Eugene Cadawas Eh Matt Cadawas at Hydee Factor Cadawas ay nagpagawa ng Sto. Niño El Divino Maestro sa Kalayaan Longos, Laguna.

Viva El Divino Maestro Hesus!
Viva Señor Santo Niño!

10/01/2026

Official T-shirts of Sto. Niño El Divino Maestro
And Songs

𝐒𝐚𝐧 𝐉𝐮𝐚𝐧, 𝐀𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐧𝐚𝐤𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥 | 𝐃𝐢𝐬𝐲𝐞𝐦𝐛𝐫𝐞 𝟐𝟕Isang taga Galilea na anak nina Zebedeo at Salome at kapatid ni Santiagong mat...
26/12/2025

𝐒𝐚𝐧 𝐉𝐮𝐚𝐧, 𝐀𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐧𝐚𝐤𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥 | 𝐃𝐢𝐬𝐲𝐞𝐦𝐛𝐫𝐞 𝟐𝟕
Isang taga Galilea na anak nina Zebedeo at Salome at kapatid ni Santiagong matanda. Siya ang disipulong minamahal ni Hesus.
Nanatili siya sa tabi ng Mahal na Birhen noong si Hesus ay nakapako sa krus. Simbulo niya ang isang agila dahilan sa taas ng lipad ng kanyang diwa noong isinulat niya ang salita ng Diyos. Noong siya’y dalhin sa Roma upang usigin, siya ay inilagay sa kumukulong langis subalit himalang nabuhay. Ang pinakahuling namatay na apostol dala ng kanyang katandaan.

𝙋𝙖𝙣𝙖𝙡𝙖𝙣𝙜𝙞𝙣 𝙠𝙖𝙮 𝙎𝙖𝙣 𝙅𝙪𝙖𝙣 𝙀𝙗𝙖𝙣𝙜𝙝𝙚𝙡𝙞𝙨𝙩𝙖
Oh maningas na Serafin, alagad na minamahal nang Poong Divino Verbo, Apostol, Propeta, Doktor, Birhen at Martir, maluwalhating San Juan Evangelista, na dahilan sa malaking pag-ibig mo kay Jesukristo, ay naging dapat ka na makita mo ang pagliwanag ng katauhan niya sa bundok ng Tabor, sinamahan mo siya sa halamanan ng Getsemani, at sa kamahal-mahalang Pasion niya at pinangalanang anak ni Maria na kasama mong nanangis sa pagkatayo sa paa ng Krus; binabati ka namin ng buong galang dahilan sa kamahalan mo, at yamang makapangyarihang totoo ang iyong pamagitan, tunghan mo kami at pakinggan, at hingin mo kay Jesus na ikaw ay maging uliran namin sa paggawa ng kabanalan, at sa pag-iingat sa kahalayan ayon sa pagkalagay ng isa at isa, nang maging templo ng Espiritu Santo ang mga puso namin, at kami ay maging dapat na tahanan nang Maestro mong si Jesus, kung tinanggap namin ang katawan niya sa Santa Komunyon. Ampunin mo kami, oh Pintakasing Masintahin, iligtas mo kami sa biglang pagkamatay na ikapapahamak ng kaluluwa, at sa mga hampas ng katwiran ng Diyos, lalong lalo na sa karahasan ng lintik, at sa madlang hirap na dinadaanan namin, nang matapus sa tunay na kapayapaan ang aming paglalakad at pangingibang bayan dito sa bayang kahapis-hapis at makamtan namin aa malaking awa ng Diyos ang magandang kamatayan, daang ipagsama natin sa hindi matapus na kaluwalhatian sa langit. Amen.

Address

Capt Dans Street, Barangay 1 Ibaba Del Sur
Paete
4016

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Señor Sto. Niño El Divino Maestro posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share