π‡πžπ«π¦πšπ§ππšπ 𝐝𝐞 π₯𝐨𝐬 π’πšπ§π­π¨π¬ π’πžπ«πšπŸπ’πœπ¨π¬

  • Home
  • Philippines
  • Paete
  • π‡πžπ«π¦πšπ§ππšπ 𝐝𝐞 π₯𝐨𝐬 π’πšπ§π­π¨π¬ π’πžπ«πšπŸπ’πœπ¨π¬

π‡πžπ«π¦πšπ§ππšπ 𝐝𝐞 π₯𝐨𝐬 π’πšπ§π­π¨π¬ π’πžπ«πšπŸπ’πœπ¨π¬ Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from π‡πžπ«π¦πšπ§ππšπ 𝐝𝐞 π₯𝐨𝐬 π’πšπ§π­π¨π¬ π’πžπ«πšπŸπ’πœπ¨π¬, Religious organisation, Paete.

Ang Hermandad de los Santos Seraficos ay grupo na naglalayong itaguyod ang Pagpupuri sa Panginoon at Pagpapalaganap ng Debosyon sa mga Santos ng Orden ng Pransiskano sa pamamagitan ng pagsunod sa buhay na ipinakita at pag-aalaga ng mga imahen nito.

17/01/2026

π—’π—‘π—Ÿπ—œπ—‘π—˜ 𝗠𝗔𝗦𝗦:
Banal na Misa sa Kapistahan ng Panginoong Hesus, Ang Banal na Sanggol
Enero 17, 2026 | 5:00 N.H.
Tagapagdiwang: Rdo. P. Michael Loza

PAALALA:
Ang Online Mass na ito ay para sa mga mananampalataya na may karamdaman at mga OFW. Ang lahat ay hinihikayat na dumalo ng Pisikal sa Pagdiriwang ng Banal na Misa.

LIKE & FOLLOW US
https://www.facebook.com/churchofpaete.official

Para sa inyong donasyon maaaring ipadala sa
(BDO - 007088011656)

DISCLAIMER:*NO COPYRIGHT INFRINGEMENT INTENDED*

ππˆπ’π“π€ππ† 𝐒𝐀𝐍 ππ„πƒπ‘πŽ 𝐃𝐄 𝐀𝐋𝐂𝐀𝐍𝐓𝐀𝐑𝐀Ang lahat ay inaanyayahan para sa Pagsisiyam at Paghahanda para sa Kapistahan ni San Pedro...
10/10/2024

ππˆπ’π“π€ππ† 𝐒𝐀𝐍 ππ„πƒπ‘πŽ 𝐃𝐄 𝐀𝐋𝐂𝐀𝐍𝐓𝐀𝐑𝐀

Ang lahat ay inaanyayahan para sa Pagsisiyam at Paghahanda para sa Kapistahan ni San Pedro de Alcantara.

Ika-10 hanggang 18 ng Oktubre, 2024
4:00 n.h. - Pagdarasal ng Santo Rosaryo at Pagsisiyam sa Karangalan ni San Pedro ng Alcantara

Ika-19 Oktubre, 2024 | Araw ng Kapistahan
5:00 n.h. - Banal na Misa
6:00 n.g. - Prusisyon sa Karangalan ni San Pedro ng Alcantara

πˆπŠπ€-πŸ–πŸŽπŸŽ π€πππˆππ„π‘π’π€π‘π˜πŽ 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐓𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐏 𝐍𝐈 𝐒𝐀𝐍 π…π‘π€ππ‚πˆπ’π‚πŽ 𝐍𝐆 πŒπ†π€ 𝐒𝐔𝐆𝐀𝐓 𝐍𝐈 πŠπ‘πˆπ’π“πŽ[Setyembre 17, 2024] Kapistahan ng Pagtanggap ...
27/09/2024

πˆπŠπ€-πŸ–πŸŽπŸŽ π€πππˆππ„π‘π’π€π‘π˜πŽ 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐓𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐏 𝐍𝐈 𝐒𝐀𝐍 π…π‘π€ππ‚πˆπ’π‚πŽ 𝐍𝐆 πŒπ†π€ 𝐒𝐔𝐆𝐀𝐓 𝐍𝐈 πŠπ‘πˆπ’π“πŽ

[Setyembre 17, 2024] Kapistahan ng Pagtanggap ni San Francisco ng mga Sugat ni Kristo (Stigmatization of Saint Francis).

πŸπŸ• 𝐝𝐞 π’πžπ©π­π’πžπ¦π›π«πž | 𝐋𝐨𝐬 π„π¬π­π’π π¦πšπ¬ 𝐝𝐞 π’πšπ§ π…π«πšπ§πœπ’π¬πœπ¨ 𝐝𝐞 𝐀𝐬𝐒́𝐬  Dalawang taon bago ang kanyang kamatayan, ayon sa kinaugalian...
16/09/2024

πŸπŸ• 𝐝𝐞 π’πžπ©π­π’πžπ¦π›π«πž | 𝐋𝐨𝐬 π„π¬π­π’π π¦πšπ¬ 𝐝𝐞 π’πšπ§ π…π«πšπ§πœπ’π¬πœπ¨ 𝐝𝐞 𝐀𝐬𝐒́𝐬

Dalawang taon bago ang kanyang kamatayan, ayon sa kinaugalian niya, si Francisco ay nagtungo sa Bundok ng La Verna para mag-ayuno at manalangin ng apatnapung araw para sa paghahanda sa kapistahan ni San Miguel Arkanghel.

Umaga ng Kapistahan ng Pagtatampok sa Banal na Krus, habang nagdadasal sa bundok ay nakita ni Francisco ang isang Serapin, may anim na pakpak na nagliliyab at bumababa mula sa Langit. Ang Serapin ay Mabilis na lumipad tungo kay Francisco ng ang mga pakpak nito ay naghugis krus at ibinigay kay Francisco ang mga marka ng sugat ni Kristo. Nauunawaan ni Francisco ang dakilang himala na ito at ito ay nagbigay kay Francisco na nagaalab na Puso sa pagmamahal sa Diyos. Kalaunan, ang naibahagi niya na si Hesus na nakapako ang Serapin na kaniyang nakita.

Para gunitain ang kahalagahan ng mga sugat na ito. Inilunsad ni Papa Benito XI ang natatanging Kapistahan na ipinagdiriwang tuwing ika-17 ng Setyembre, hindi lamang ng mga sangay ng Ordeng Pransiskano kundi kanya ring ipinasok ito sa Aklat ng Pagmimisa sa Roma at sa Breviario.

Ngayong taon ay ipinagdiriwang ang ika-800 taong anibersaryo ng Stigmatization ni San Francisco

Pagsisiyam kay San Antonio de Padua (Ika -siyam na Araw)Ang tanda ng Santa Krus, sa aming mga kaaway iadya mo kami, Pang...
12/06/2024

Pagsisiyam kay San Antonio de Padua
(Ika -siyam na Araw)

Ang tanda ng Santa Krus, sa aming mga kaaway iadya mo kami, Panginoon naming Diyos, sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen

Panginoon kong Hesukristo, Diyos at tao namang totoo, gumawa't sumakop sa akin, Ikaw nga po ang Diyos ko at iniibig kong lalo sa lahat: pinagsisihan kong matibay na matibay sa tanang loob ko ang pagkakasala ko sa iyo, umaasa po ako sa dakilang awa mo na ako'y iyo pong patatawarin at papagkakamting luwalhati. Siya nawa.

Ang Sagutan kay San Antonio de Padua

V. Kung hanap mo'y himala'y masdan, nawawaksi kamataya'y kamalian, lumalayo ang demonyo't kahirapan gumagaling ang sakit leprahin man.
R. Nahuhupa ang bagsik ng dagat natutubos ang nabibihag kayamana't lakas na untag matanda't bata'y nagkawas.
V. Umiilag ang panganib, ang mahirap ay nakatatawid: kayong kinalinga'y magsiawit sa mga Paduano ay ipagsulit.
R. Nahuhupa ang bagsik ng dagat, natutubos ang nabibihag kayamana't lakas ng untag matanda't bata'y nagkawas.
V. Luwalhati sa Ama, Luwalhati sa Anak, at Luwalhati sa Diyos Espiritu Santo.
R. Nahuhupa ang bagsik ng dagat, natutubos ang nabibihag kayamana't lakas ng untag matanda't bata'y nagkawas. Idalangin Mo po kami kay Kristo, maluwalhating SAN ANTONIO nang maging dapat na totoo ang pangako Niya'y matamo. Siya nawa.

Ikasiyam Na Araw

Ang dalangin dito'y pagkalooban ng maningas na puso ng pagsinta sa Diyos.
Dito'y ang gugunam-gunamin ay ang katas-taasang karapatan na ipinamuti ng Panginoong Diyos sa ika-siyam na kataas-taasang Coro ng mga Ispiritu sa Langit na ang pangala'y Serafines, na malapit sa lahat sa Panginoong Diyos, kaya makikinabang na lalo sa lahat noong walang katapusang ningas ng pag-ibig na walang hanggan; sapagkat sa katunayan ang Diyos ay siya rin ang awa't pag-ibig. Ay sapagkat ang maluwalhating Serafin na si San Antonio ay di lamang malapit na malapit sa Trono ng Diyos, ayon sa mga nakita ni Isaias, nagsisilbi pang lalo, kahit mababa sa ibang kataas-taasang Trono na kalapitang malaki at mairog: Anong kainitan aling bulkan ang di makinabang sa dibdib ng mahal na Panginoong Diyos; ito nga at walang kapanga-panganib ang mahigpit niyang karapatan, sapagkat ang kababaan ang lalong mataas sa lahat ng Virtudes: dahil dito nagkaroon siya ng madlang kapangyarihan sa di masabing biyaya at awa ng Panginoong Diyos, na ipinag-aaliw at itinutulong sa nagsisipamintakasi sa kaniya; at dito’y saksi ang halos di mabilang na kaniyang sinaklolohan at laong-lalo na ang mga taga Padua na kaniyang pinagpakitaan ng bukod na kalooban. At itong siyudad ng Padua malaki at labis sa lahat ng mga Siyudades dito sa mundo ng panininta at paggalang pagdedebosiyon at pagsampalataya kay San Antonio. Pinita't hinirang nilang pintakasi, ipinagtayo siya ng maraming simbahan at isang marikit na Kapilya, mayaman at kaaya-aya na nangingisa sa mga kalugod-lugod sa Europa at doo'y inilagay nila ang Santo niyang katawan. At ang mahal na Santo'y nagpapakita sa kanila ng malaking kagiliwan at kapasalamatan marami na ang mga kababalaghan na ipinakita sa kanila ng santo, lalo na noong minsan na dili sukat waring sa kaisipan, noong ipinagtanggol ang Padua doon sa kutang inilagay ni Heneral Federicong Emperador na nagnasang igiba ang Padua. Nagpupuri po kami't nagpapasalamat, Panginoon naming Diyos ayon sa di masayod mong kaawaan ng ginawa kay San Antonio. At dinggi't panunghayan yaring aming panalangin.

Panalangin Dito sa Ikasiyam na Araw

Diyos at Panginoon ng mga Serafines, pinayaman Mo ang puso ng masintahing San Antonio, ng pag-ibig Mong maningas, kahambing ng Serefines, yumayakap sa iyong harapan ang makikipisang walang ulat, kaya madalas mong hiranging pamahayan ang kanyang dibdib, para ng isang langit ang katawan, dahil dito sa karapatang malaki ng iyong masaganang awa alang-alang nga po dito sa hinihiling namin sa Iyo, kamtan ng aming kaluluwa ang ningas ng maluwalhati Mong pag-ibig, na kami’y mapalagi ng panininta sa Iyo dito sa buhay na ito at mapisan sa kasamahan ng mga Coros ng mga Angeles, at maluwalhating San Antonio, katiwala mong alipin; at nang gayoy parati nang makapagpuri't magdangal ng iyong kaawaan at maipasulit ko na ikaw ay mapagkupkop sa iyong mga Santos. At nang siyang Iyong magiging kapurihan at kaluwalhatian, ipagkaloob Mo po sa amin ang bukod na saklolo na hinihingi namin dito sa nobenang ito. Siya nawa
Magdarasal ng isang Ama namin, isang Aba Ginoong Maria't Gloria Patri kay San Antonio sa buong pagsisiyam.

Orasion kay San Antonio sa Araw-Araw
Aba, maligaya't kaganda-gandahang San Antonio, luwalhati Ka ng Espana, ilaw ng Italia, at ng bansang Pilipinas. Apostol sa pangangaral, at sa pagsinta sa Gloria ng Diyos, Martir sa pagnanasa, Birheng wagas, basong hirang ng kalinisan, salamin ng tunay na kababaa't karunungan, ayon sa Iyong kaaya-ayang pagtuturo't marikit na kabanalan: kaaliwan Ka ng mga Coro ng mga Angeles: Kuta ka sa erehes at ng mga Ispiritong malulupit, sa ngalan Mo lamang nangatatakot at nagsisipanginig sa katakataka Mong mga milagro: ikaw nga ang takbuhan, kaaliwan ng nagsisipamintakasi sa Iyo, kasi Mong una'y ang katamis-tamisang si Hesus, kinipkip mo't kinalong sa dibdib mong wagas sa kalinisan, biniyayaan ka ng ningas ng awa nang Diyos, pinita ka sa lalong mataas ng kanyang dangal at kagalingan naman ng mga tao. Ibinabati ko sa Iyo, mahal na Santo, ang walang hangang pagpuri, doon sa piling mga karapatan, na iniwagas nang Diyos sa kaluluwa Mong kalinis-linisan at ikinatutuwa ko ngayon, at ako'y nagluluwalhati sa bayan ng kalangitan, kasama ng siyam na Coro ng mga Angeles. Aba mapagmilagrong Antonio sa kapangyarihan niyong Santong Sanggol binigyan Mo ng kabuhayan sa lupa't sa langit ang maraming patay; nang pagkakita ng mga bulag; nang pagkarinig ng bingi; nang pagkalakad ng mga pilay; nang pagkapangusap ng mga p**i; nang paggaling ng mga may sakit. Ilingon Mo sa amin ang kagandahan ng iyong mukha ng pumanaw sa aming puso ang mga kasamang nagbibigay kamatayan sa kaluluwa namin at maulinig namin ang saklolo nang Diyos sa aming puso; at kami'y lumakad ng buong ningas nang puso sa pag-aalinsunod sa Diyos at sampalatayanan namin ang Santo Niyang ngalan. Hingin mo rito sa marangal na Sanggol na Siya'y araw ng katuwiran, pawiin Niya sa mundo ang karimlan ng mga erejes, kamalia't kasalanan na nagpapaulap at nagpapadilim dito: tunghan Mo naman at ipatnugot ng kahusayang talos ng Santa Iglesia, na magkaisang loob sa awang dakila, mabuhay tayo't mapanuto ng pagsunod sa utos ng Diyos. At ikaw na luwalhati nang Espana panunghan Mo nang matang maalindog itong aming Bayan, at igawad sa amin ng katamis-tamisang Hesus ang mahabang buhay, kaginhawaan at katuwirang sa purgatoryo, o kaya ang lalong kaluwalhatian nang Diyos at kagalingan ng aming kaluluwa, pakamtan sa amin ang hinihingi namin sa kataasan; at kung di karampatan, ituro yaring puso na di magnasa ng ibang bagay, kundi ang lalo Mong maibigan. Siya nawa. Panginoon ko, kaawaan Mo ako, at sambahin nawa't purihin ang Santisimo Sakramento sa Altar, at kalinislinisang paglilihi ni Ginoong Santa Maria ang bukod na iningatan at pinagpala di nahawahan ng kasalanang orihinal. Amen.

MGA DALIT
Ang pagkupkop mong mahal nagbigay sa iyo ng katotohanan.
Maamong Antonio't banal idalangin ang makasalanan.
Maluwalhati mong pangungusap pinilit ang isda sa dagat na magsilitaw at makimatyag ng pangangaral na Iyong atas. At yao'y naging kababalaghan pumawi ng sampung libong kamalian.

Ikaw nga po sa mga bagyo kanlungang milagroso sa ningas na masilakbo tubig Ka sa kaawaan mo. Daungan Ka ngang matibay ng dagat na kabagsikan.

Pinagaling mo ang mangko't pilay paralitiko't leprahin man mababagsik na manggagawa’y pinawi mo ang karamdaman, ginamot ang kasakitan, pati nawalang kaarian;

Bukbuking sala'y lumakas, bulag, pinkaw at may sugat, at pinagaling anumang hirap, inaliw mo ang namamanglaw at pinagpala't sinasaklolohan.

Nalunod na tatlong araw, sampung sanggol Iyong binuhay, dalawang armeniyo sa kagandahan, iniligtas sa kapanganiban, pagka't ang liyag na magulang nagsisitangis sa kasakitan.

Ang isang walang sampalataya kung pinatawad ang kanyang sala inako mo't ikaw ang nagdala ng kaparusahang dapat sa kanya. At kunin mo'y araw ring yaon hinulugan ng Diyos biyayang suson-suson.

Nagtanggol ka sa alin mang preso sa tanikala at grillo, ang dumaing sa iyo'y nililikmo kasalanang marami't mabaho; at ikaw nga po Orfeong marangal ni Hesus bulaklak sampagang tunay.

Sa habag, kapangyarihan at sa panalanging tunay, sa bendisyong bungang alay hingi nami’y kaaliwan sa Iyo ikapapasalangit at sa mga confesores na dilag.

Kay Hesus na poong liyag, pinili niyang pagkarilag, gawa yaon pagka't kasing hayag kaniyang Profetang maingat, at sa confesores na dilag, nagbibigay sa iyo ng katotohanan. Ang pagkupkop mong marangal nagbibigay sa iyo ng katotohanan.

V. Ipanalangin Mo kami mapalad na San Antonio
R. At nang kami'y maging dapat magkamit ng mga pangako ni Hesukristo.
OREMUS
Ang Santa Iglesia Mo, Panginoon naming Diyos, nagsasaya, alang-alang sa pananagumpay ng mapalad na Konfesor San Antonio, at umaasa na Siya'y pagtibayin ding palagi ng saklolo sa kalangitan at maging dapat magkamit ng katuwaang walang hanggan, alang-alang kay Hesukristong Panginoon namin, iyon sa sangkalangitan, at pagkakaisa ng tatlong Personas sa lahat ng panahon ng mga panahon. Siya nawa.

Chaplet ni San Antonio de Padua

San Antonio de Padua, apostol ng pananampalataya. Ipanalangin mo kami.
1 Ama Namin, 1 Aba Ginoong Maria, 1 Gloria.
San Antonio de Padua, Patriyarka sa pananalig. Ipanalangin mo kami.

San Antonio de Padua, Serafin ng pag-ibig sa Diyos at kapwa tao. Ipanalangin mo kami.

San Antonio de Padua, Na nagsanay sa kaamuan at kababaan ng loob ni Hesus. Ipanalangin mo kami.

San Antonio de Padua, Anghel ng kalinisan. Ipanalangin mo kami.

San Antonio de Padua, Kababalaghan sa pagpapakasakit sa sarili. Ipanalangin mo kami.

San Antonio de Padua, Salamin ng pagkamasunurin. Ipanalangin mo kami.

San Antonio de Padua, Martir sa pagtitiis. Ipanalangin mo kami.

San Antonio de Padua, Kerubin sa pananalangin. Ipanalangin mo kami.

San Antonio de Padua, Tagapagtanggol sa katuwiran. Ipanalangin mo kami.

San Antonio de Padua, Uliran sa pagp**igil. Ipanalangin mo kami.

San Antonio de Padua, Mutya ng kasalatan. Ipanalangin mo kami.

San Antonio de Padua, Uliran sa katiyagaan. Ipanalangin mo kami.

Parangal kay San Antonio

Butihing San Antonio, sa kalinga ng Diyos, kinamtan mo para sa kanyang bayan ang maraming kamangha-manghang biyaya. Ikaw ay bantog, butihing San Antonio, sa iyong mga kabutihan sa mga dukha at nagugutom, sa pagtuklas ng hanap-buhay sa mga naghahanap nito sa di pangkaraniwang pag-aaruga sa mga naglalakbay at pagkandili sa mga malayo sa kanilang tahanan. Ikaw ay tanyag din, butihing San Antonio, sa pagtatamo ng kapayapaan para sa mag-anak, sa matimyas mong awa sa mga kalatas, at sa iyong malasakit sa mga babaeng nagluwal ng kanilang mga supling. Sa pagdarasal sa iyo, San Antonio, dahil sa maraming biyaya na ipinagkaloob ng Panginoon sa pamamagitan mo, buong tiwala at pananalig kaming lumuluhog sa inyong tulong para sa aming mga pangangailangan sa kasalukuyan.

V. Ipanalangin mo kami, Butihing San Antonio.
R. Upang kami’y maging marapat sa mga pangako ni Kristo.

Manalangin tayo.

Maging bukal nawa ng kagalakan, O Diyos, sa inyong simbahan ang pagpaparangal namin sa gunita ng iyong confessor at doctor na si San Antonio. Ang kanya nawang pangkaluluwang pagkakandili ay laging magpalakas sa amin, at sa kanyang pamamagitan ay makamtan nawa ang walang hanggang gantimpala. Isinasamo namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo, na iyong anak at aming Panginoon. Amen.

San Antonio ng Padua, Ipanalangin mo kami.

Pagsisiyam kay San Antonio de Padua (Ika-walong araw)Ang tanda ng Santa Krus, sa aming mga kaaway iadya mo kami, Pangino...
11/06/2024

Pagsisiyam kay San Antonio de Padua
(Ika-walong araw)

Ang tanda ng Santa Krus, sa aming mga kaaway iadya mo kami, Panginoon naming Diyos, sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen

Panginoon kong Hesukristo, Diyos at tao namang totoo, gumawa't sumakop sa akin, Ikaw nga po ang Diyos ko at iniibig kong lalo sa lahat: pinagsisihan kong matibay na matibay sa tanang loob ko ang pagkakasala ko sa iyo, umaasa po ako sa dakilang awa mo na ako'y iyo pong patatawarin at papagkakamting luwalhati. Siya nawa.

Ang Sagutan kay San Antonio de Padua

V. Kung hanap mo'y himala'y masdan, nawawaksi kamataya'y kamalian, lumalayo ang demonyo't kahirapan gumagaling ang sakit leprahin man.
R. Nahuhupa ang bagsik ng dagat natutubos ang nabibihag kayamana't lakas na untag matanda't bata'y nagkawas.
V. Umiilag ang panganib, ang mahirap ay nakatatawid: kayong kinalinga'y magsiawit sa mga Paduano ay ipagsulit.
R. Nahuhupa ang bagsik ng dagat, natutubos ang nabibihag kayamana't lakas ng untag matanda't bata'y nagkawas.
V. Luwalhati sa Ama, Luwalhati sa Anak, at Luwalhati sa Diyos Espiritu Santo.
R. Nahuhupa ang bagsik ng dagat, natutubos ang nabibihag kayamana't lakas ng untag matanda't bata'y nagkawas. Idalangin Mo po kami kay Kristo, maluwalhating SAN ANTONIO nang maging dapat na totoo ang pangako Niya'y matamo. Siya nawa.

Ikawalong Araw

Ang dalangin natin dito’y ang tayo'y abuluyan at ating kasalatan.
Dito sa araw na ito ang ating gugunam-gunamin ay ang karapatang ipinamuti ng Panginoon Diyos sa ikawalong Coro ng mga Espiritu sa Langit, pangala'y Querubines, ang kahuluga’y kataasan ng karunungan sapagkat labis sa kalahatan, nagsisipamintuho ng pagkilalang karangalan ng Diyos at kagalingan. Higit at bukod kay San Antonio na nagkamit nitong katas-taasang karapatan, gayon nga sa akala lamang ng kaniyang mga misteryos, at mga Sagradong sulat na ang Papa Gregorio IX. Tinatawag siyang Arka ng Testamanto. Sa kaalaman niyang ito, dumadaloy yaong kagalangan na kaniyang isinasamba't ipinagpupuri sa Diyos na para niyang nakikita ng mga matang buhay at mapilit siya na makita ng iba ang Diyos na sambahi't purihin at maipahayag ng ganito sa mga tao; inibig niya na ang kaniyang dila’y mapalaging sariwa mapahanggang ngayon at walang kabulok-bulok. Ipinagkaloob naman sa kanila, na bagay doon sa kataas-taasan ng kanyang kaalaman sa Diyos magbuhat ng pakilala ng tao sa kaniyang kalagayan at kasalatan na madalas sinaklolohan, tulad ng nagpakita doon sa isang dalagang banal na dumating sa isang kahirapang dakila, dumulog ito sa kaniyang pintakasing San Antonio at napaawa, isang sulat na munti ang inabot na galing sa kaniyang mahal na larawan at ipinadala sa isang merkader na mayaman at pinabayaran ang timbang noong Sedula; sa ganoong daang piso, kasing halaga noong isang maliit na papel nagtimbang ng tatlong lampara na ipinagkaloob sa mahal na Santo, nanggilalas na totoo itong merkader at nawalan ng diwa ngunit naaliw siya't lalong nagiging masintahin na para naman niyaong donselang mahirap na inaabuluyan ng magkupkop sa kaniya at mabahagi't mapag-ampon. Purihin natin ang katas-taasang Diyos dahil sa mga kahabagang kaniyang pinaraan sa pamamagitan ng maluwalhating Santo, at kalingain ng iyong dangal yaring aming panalangin.

Panalangin Dito Sa Ikawalong Araw

Diyos at Panginoon ng mga Querubines, pinamutihan Mo ang kaluluwang mapalad ni San Antonio, ang banal at kataas-taasang karunungan, ng ikay mapaggunam-gunam, at maituro sa iba ang karunungang ito ng mga Santos na malaki ang kasaysayan. Ika’y sinasamba namin ng buong kababaan ng loob at malaking kagalangan; at ikinukumpisal namin sa iyo, na ikaw ang aming Diyos at Panginoon, walang hanggang kabutihan at kapangyarihan. At idinadalangin namin sa Iyo alang-alang sa kagalingan niya, liwanagan Mo ang aming kaluluwa ng ihalo Mo sa kalangitan, ng ika’y aming makilala't ibigin at makasunod sa Iyong kasantu-santusang kalooban, at sa mga kapanganiban sa buhay na ito't doon sa katapusan at doon sa kasalata't kabigat-bigatang sandali ng kamatayan, kaniyang salunuan, at ikaw Diyos ko, harapin mo po ako sa iyong tulong, alang-alang sa pagsinta mo sa kaniya. At kung siya mong lalong kapurihan, at kaluwalhatian ay ipagkaloob mo sa amin ang bukod na biyaya na hinihingi namin sa nobenang ito. Siya nawa.
Magdarasal ng isang Ama namin, isang Aba Ginoong Maria't Gloria Patri kay San Antonio sa buong pagsisiyam.

Orasion kay San Antonio sa Araw-Araw

Aba, maligaya't kaganda-gandahang San Antonio, luwalhati Ka ng Espana, ilaw ng Italia, at ng bansang Pilipinas. Apostol sa pangangaral, at sa pagsinta sa Gloria ng Diyos, Martir sa pagnanasa, Birheng wagas, basong hirang ng kalinisan, salamin ng tunay na kababaa't karunungan, ayon sa Iyong kaaya-ayang pagtuturo't marikit na kabanalan: kaaliwan Ka ng mga Coro ng mga Angeles: Kuta ka sa erehes at ng mga Ispiritong malulupit, sa ngalan Mo lamang nangatatakot at nagsisipanginig sa katakataka Mong mga milagro: ikaw nga ang takbuhan, kaaliwan ng nagsisipamintakasi sa Iyo, kasi Mong una'y ang katamis-tamisang si Hesus, kinipkip mo't kinalong sa dibdib mong wagas sa kalinisan, biniyayaan ka ng ningas ng awa nang Diyos, pinita ka sa lalong mataas ng kanyang dangal at kagalingan naman ng mga tao. Ibinabati ko sa Iyo, mahal na Santo, ang walang hangang pagpuri, doon sa piling mga karapatan, na iniwagas nang Diyos sa kaluluwa Mong kalinis-linisan at ikinatutuwa ko ngayon, at ako'y nagluluwalhati sa bayan ng kalangitan, kasama ng siyam na Coro ng mga Angeles. Aba mapagmilagrong Antonio sa kapangyarihan niyong Santong Sanggol binigyan Mo ng kabuhayan sa lupa't sa langit ang maraming patay; nang pagkakita ng mga bulag; nang pagkarinig ng bingi; nang pagkalakad ng mga pilay; nang pagkapangusap ng mga p**i; nang paggaling ng mga may sakit. Ilingon Mo sa amin ang kagandahan ng iyong mukha ng pumanaw sa aming puso ang mga kasamang nagbibigay kamatayan sa kaluluwa namin at maulinig namin ang saklolo nang Diyos sa aming puso; at kami'y lumakad ng buong ningas nang puso sa pag-aalinsunod sa Diyos at sampalatayanan namin ang Santo Niyang ngalan. Hingin mo rito sa marangal na Sanggol na Siya'y araw ng katuwiran, pawiin Niya sa mundo ang karimlan ng mga erejes, kamalia't kasalanan na nagpapaulap at nagpapadilim dito: tunghan Mo naman at ipatnugot ng kahusayang talos ng Santa Iglesia, na magkaisang loob sa awang dakila, mabuhay tayo't mapanuto ng pagsunod sa utos ng Diyos. At ikaw na luwalhati nang Espana panunghan Mo nang matang maalindog itong aming Bayan, at igawad sa amin ng katamis-tamisang Hesus ang mahabang buhay, kaginhawaan at katuwirang sa purgatoryo, o kaya ang lalong kaluwalhatian nang Diyos at kagalingan ng aming kaluluwa, pakamtan sa amin ang hinihingi namin sa kataasan; at kung di karampatan, ituro yaring puso na di magnasa ng ibang bagay, kundi ang lalo Mong maibigan. Siya nawa. Panginoon ko, kaawaan Mo ako, at sambahin nawa't purihin ang Santisimo Sakramento sa Altar, at kalinislinisang paglilihi ni Ginoong Santa Maria ang bukod na iningatan at pinagpala di nahawahan ng kasalanang orihinal. Amen.

MGA DALIT
Ang pagkupkop mong mahal nagbigay sa iyo ng katotohanan.
Maamong Antonio't banal idalangin ang makasalanan.
Maluwalhati mong pangungusap pinilit ang isda sa dagat na magsilitaw at makimatyag ng pangangaral na Iyong atas. At yao'y naging kababalaghan pumawi ng sampung libong kamalian.
Maamong Antonio't banal idalangin ang makasalanan.
Ikaw nga po sa mga bagyo kanlungang milagroso sa ningas na masilakbo tubig Ka sa kaawaan mo. Daungan Ka ngang matibay ng dagat na kabagsikan.
Maamong Antonio't banal idalangin ang makasalanan.
Pinagaling mo ang mangko't pilay paralitiko't leprahin man mababagsik na manggagawa’y pinawi mo ang karamdaman, ginamot ang kasakitan, pati nawalang kaarian;
Maamong Antonio't banal idalangin ang makasalanan.
Bukbuking sala'y lumakas, bulag, pinkaw at may sugat, at pinagaling anumang hirap, inaliw mo ang namamanglaw at pinagpala't sinasaklolohan.
Maamong Antonio't banal idalangin ang makasalanan.
Nalunod na tatlong araw, sampung sanggol Iyong binuhay, dalawang armeniyo sa kagandahan, iniligtas sa kapanganiban, pagka't ang liyag na magulang nagsisitangis sa kasakitan.
Maamong Antonio't banal idalangin ang makasalanan.
Ang isang walang sampalataya kung pinatawad ang kanyang sala inako mo't ikaw ang nagdala ng kaparusahang dapat sa kanya. At kunin mo'y araw ring yaon hinulugan ng Diyos biyayang suson-suson.
Maamong Antonio't banal idalangin ang makasalanan.
Nagtanggol ka sa alin mang preso sa tanikala at grillo, ang dumaing sa iyo'y nililikmo kasalanang marami't mabaho; at ikaw nga po Orfeong marangal ni Hesus bulaklak sampagang tunay.
Maamong Antonio't banal idalangin ang makasalanan.
Sa habag, kapangyarihan at sa panalanging tunay, sa bendisyong bungang alay hingi nami’y kaaliwan sa Iyo ikapapasalangit at sa mga confesores na dilag.
Maamong Antonio't banal idalangin ang makasalanan.
Kay Hesus na poong liyag, pinili niyang pagkarilag, gawa yaon pagka't kasing hayag kaniyang Profetang maingat, at sa confesores na dilag, nagbibigay sa iyo ng katotohanan. Ang pagkupkop mong marangal nagbibigay sa iyo ng katotohanan.
Maamong Antonio't banal idalangin ang makasalanan.
V. Ipanalangin Mo kami mapalad na San Antonio
R. At nang kami'y maging dapat magkamit ng mga pangako ni Hesukristo.
OREMUS
Ang Santa Iglesia Mo, Panginoon naming Diyos, nagsasaya, alang-alang sa pananagumpay ng mapalad na Konfesor San Antonio, at umaasa na Siya'y pagtibayin ding palagi ng saklolo sa kalangitan at maging dapat magkamit ng katuwaang walang hanggan, alang-alang kay Hesukristong Panginoon namin, iyon sa sangkalangitan, at pagkakaisa ng tatlong Personas sa lahat ng panahon ng mga panahon. Siya nawa.

Chaplet ni San Antonio de Padua

San Antonio de Padua, apostol ng pananampalataya. Ipanalangin mo kami.
1 Ama Namin, 1 Aba Ginoong Maria, 1 Gloria.
San Antonio de Padua, Patriyarka sa pananalig. Ipanalangin mo kami.
1 Ama Namin, 1 Aba Ginoong Maria, 1 Gloria.
San Antonio de Padua, Serafin ng pag-ibig sa Diyos at kapwa tao. Ipanalangin mo kami.
1 Ama Namin, 1 Aba Ginoong Maria, 1 Gloria.
San Antonio de Padua, Na nagsanay sa kaamuan at kababaan ng loob ni Hesus. Ipanalangin mo kami.
1 Ama Namin, 1 Aba Ginoong Maria, 1 Gloria.
San Antonio de Padua, Anghel ng kalinisan. Ipanalangin mo kami.
1 Ama Namin, 1 Aba Ginoong Maria, 1 Gloria.
San Antonio de Padua, Kababalaghan sa pagpapakasakit sa sarili. Ipanalangin mo kami.
1 Ama Namin, 1 Aba Ginoong Maria, 1 Gloria.
San Antonio de Padua, Salamin ng pagkamasunurin. Ipanalangin mo kami.
1 Ama Namin, 1 Aba Ginoong Maria, 1 Gloria.
San Antonio de Padua, Martir sa pagtitiis. Ipanalangin mo kami.
1 Ama Namin, 1 Aba Ginoong Maria, 1 Gloria.
San Antonio de Padua, Kerubin sa pananalangin. Ipanalangin mo kami.
1 Ama Namin, 1 Aba Ginoong Maria, 1 Gloria.
San Antonio de Padua, Tagapagtanggol sa katuwiran. Ipanalangin mo kami.
1 Ama Namin, 1 Aba Ginoong Maria, 1 Gloria.
San Antonio de Padua, Uliran sa pagp**igil. Ipanalangin mo kami.
1 Ama Namin, 1 Aba Ginoong Maria, 1 Gloria.
San Antonio de Padua, Mutya ng kasalatan. Ipanalangin mo kami.
1 Ama Namin, 1 Aba Ginoong Maria, 1 Gloria.
San Antonio de Padua, Uliran sa katiyagaan. Ipanalangin mo kami.
1 Ama Namin, 1 Aba Ginoong Maria, 1 Gloria.

Parangal kay San Antonio

Butihing San Antonio, sa kalinga ng Diyos, kinamtan mo para sa kanyang bayan ang maraming kamangha-manghang biyaya. Ikaw ay bantog, butihing San Antonio, sa iyong mga kabutihan sa mga dukha at nagugutom, sa pagtuklas ng hanap-buhay sa mga naghahanap nito sa di pangkaraniwang pag-aaruga sa mga naglalakbay at pagkandili sa mga malayo sa kanilang tahanan. Ikaw ay tanyag din, butihing San Antonio, sa pagtatamo ng kapayapaan para sa mag-anak, sa matimyas mong awa sa mga kalatas, at sa iyong malasakit sa mga babaeng nagluwal ng kanilang mga supling. Sa pagdarasal sa iyo, San Antonio, dahil sa maraming biyaya na ipinagkaloob ng Panginoon sa pamamagitan mo, buong tiwala at pananalig kaming lumuluhog sa inyong tulong para sa aming mga pangangailangan sa kasalukuyan.

V. Ipanalangin mo kami, Butihing San Antonio.
R. Upang kami’y maging marapat sa mga pangako ni Kristo.

Manalangin tayo.

Maging bukal nawa ng kagalakan, O Diyos, sa inyong simbahan ang pagpaparangal namin sa gunita ng iyong confessor at doctor na si San Antonio. Ang kanya nawang pangkaluluwang pagkakandili ay laging magpalakas sa amin, at sa kanyang pamamagitan ay makamtan nawa ang walang hanggang gantimpala. Isinasamo namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo, na iyong anak at aming Panginoon. Amen.

San Antonio de Padua, Ipanalangin ko kame.

Pagsisiyam kay San Antonio de Padua (Ika-pitong araw)Ang tanda ng Santa Krus, sa aming mga kaaway iadya mo kami, Pangino...
10/06/2024

Pagsisiyam kay San Antonio de Padua
(Ika-pitong araw)

Ang tanda ng Santa Krus, sa aming mga kaaway iadya mo kami, Panginoon naming Diyos, sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen

Panginoon kong Hesukristo, Diyos at tao namang totoo, gumawa't sumakop sa akin, Ikaw nga po ang Diyos ko at iniibig kong lalo sa lahat: pinagsisihan kong matibay na matibay sa tanang loob ko ang pagkakasala ko sa iyo, umaasa po ako sa dakilang awa mo na ako'y iyo pong patatawarin at papagkakamting luwalhati. Siya nawa.

Ang Sagutan kay San Antonio de Padua

V. Kung hanap mo'y himala'y masdan, nawawaksi kamataya'y kamalian, lumalayo ang demonyo't kahirapan gumagaling ang sakit leprahin man.
R. Nahuhupa ang bagsik ng dagat natutubos ang nabibihag kayamana't lakas na untag matanda't bata'y nagkawas.
V. Umiilag ang panganib, ang mahirap ay nakatatawid: kayong kinalinga'y magsiawit sa mga Paduano ay ipagsulit.
R. Nahuhupa ang bagsik ng dagat, natutubos ang nabibihag kayamana't lakas ng untag matanda't bata'y nagkawas.
V. Luwalhati sa Ama, Luwalhati sa Anak, at Luwalhati sa Diyos Espiritu Santo.
R. Nahuhupa ang bagsik ng dagat, natutubos ang nabibihag kayamana't lakas ng untag matanda't bata'y nagkawas. Idalangin Mo po kami kay Kristo, maluwalhating SAN ANTONIO nang maging dapat na totoo ang pangako Niya'y matamo. Siya nawa.

Ikapitong Araw

Ang dalangin natin dito'y mapawi't maparam ang madlang panganib.
Dito sa araw na ito ang pagnilay-nilayin Mo ang kahanga-hangang karapatan na ipinamuti ng Panginoon Diyos sa Ikapitong Coro ng mga Ispiritu sa Langit na ang ngala’y Tronos, sapagkat sa kanila nagpahingalay, para Niyang marangal na luklukan, at sa kanila iginagalang ang Diyos, at mapaggunam-gunam ng buong kababaan at paglilingkod. Ang karapatan nito, na pakita rin naman sa maluwalhating San Antonio ng kaaya-ayang karapatan; Kaya ang Diyos, nag-asal isang batang munti na sakdal ng ganda, na nakipanayam sa kaniya ng buong kawilihan, at tinanggap naman ng masintahing Santo Siya ng isang dakilang kababaan, at niyakay niya ang buong kagalang-galang parang trono ng grasia na dinudulugan ng nagsisipamintakasi sa kaniya't nagpapakinabang ng biyayang di mabilang ng maluwalhati niyang pagsaklolo't pamamagitan ng marangal nating Santo. Ikapahanga natin ang walang hanggan kaawaan ng walang kahulilip na Diyos na nagkaloob ng bukod na biyaya dito sa kaniyang alipin, at tayoy nanalig ng malaki at manatili sapagkat ang katamis-tamisang Hesus nagpapakita kay San Antonio ng tunay na pag-irog mag-aadya sa atin at magwawagi ayon sa kaniyang pamamagitan sa madlang panganib ng kaluluwa't katawan, na magbibigay lumbay sa buhay na ito, at nagpapatalastas sa karamihang nangyayari, na niyaong nasabi sa dalawang nangyari na, at lakas ng milagro, na nagmula sa Italya, at napasa Lisboa ng sumasandaling panahon, at ipagtanggol sa kamatayan ang Kaniyang ama, ayon sa isang kasalukupikaan, na sa kaniya’y paratang: at sa iba't-iba pang kapakinabangan, ay nagpahalata naman araw-araw at napagkikita ang Kaniyang pagkukupkop. Magpasalamat tayo sa Diyos at dasalin nating kasunod ang -
Panalangin Dito Sa Ikapitong Araw
Diyos at Panginoon ng mga Tronos, hinirang Mong madalas na madalas ang mapanintang dibdib at mga bisig ng mapanalig na si San Antonio, ginawa mong Trono ng mga biyaya Mo, at Iyong aliwan na nakikinabang ng kahalimuyakan ng maligayang kabanalan, at pinapurihan ukol sa di mabilang ng kapanganiban ng kaluluwa't katawan. Nagpapasalamat po kami ng walang hanggan dahil sa laki ng iyong kaamuan, at kaawaan, at pinag-aamu-amo namin sa Iyo, alang-alang sa pag-ibig Mo sa iyong katiwalang alipin; ipagkaloob mo ang gayong kalinisan ng kaluluwa't katawan, na maging dapat na iyong tahanan, kung iyong linisan ng kaluluwa't katawan na tatanggapin Ka namin sa kasantu-santusang Sacramento sa Altar, at gayon din sa kalasag na ito, mailagan ko ang lahat na kapanganibang dumarating dito sa bayang kahapis-hapis, at kung siyang lalo Mong ikaluluwalhati at ikararangal, tunghan at ipagkaloob ang bukod na saklolo na hinihingi namin dito sa nobenang ito. Siya nawa.

Magdarasal ng isang Ama namin, isang Aba Ginoong Maria't Gloria Patri kay San Antonio sa buong pagsisiyam.

Magdarasal ng isang Ama namin, isang Aba Ginoong Maria't Gloria Patri kay San Antonio sa buong pagsisiyam.

Orasion kay San Antonio sa Araw-Araw
Aba, maligaya't kaganda-gandahang San Antonio, luwalhati Ka ng Espana, ilaw ng Italia, at ng bansang Pilipinas. Apostol sa pangangaral, at sa pagsinta sa Gloria ng Diyos, Martir sa pagnanasa, Birheng wagas, basong hirang ng kalinisan, salamin ng tunay na kababaa't karunungan, ayon sa Iyong kaaya-ayang pagtuturo't marikit na kabanalan: kaaliwan Ka ng mga Coro ng mga Angeles: Kuta ka sa erehes at ng mga Ispiritong malulupit, sa ngalan Mo lamang nangatatakot at nagsisipanginig sa katakataka Mong mga milagro: ikaw nga ang takbuhan, kaaliwan ng nagsisipamintakasi sa Iyo, kasi Mong una'y ang katamis-tamisang si Hesus, kinipkip mo't kinalong sa dibdib mong wagas sa kalinisan, biniyayaan ka ng ningas ng awa nang Diyos, pinita ka sa lalong mataas ng kanyang dangal at kagalingan naman ng mga tao. Ibinabati ko sa Iyo, mahal na Santo, ang walang hangang pagpuri, doon sa piling mga karapatan, na iniwagas nang Diyos sa kaluluwa Mong kalinis-linisan at ikinatutuwa ko ngayon, at ako'y nagluluwalhati sa bayan ng kalangitan, kasama ng siyam na Coro ng mga Angeles. Aba mapagmilagrong Antonio sa kapangyarihan niyong Santong Sanggol binigyan Mo ng kabuhayan sa lupa't sa langit ang maraming patay; nang pagkakita ng mga bulag; nang pagkarinig ng bingi; nang pagkalakad ng mga pilay; nang pagkapangusap ng mga p**i; nang paggaling ng mga may sakit. Ilingon Mo sa amin ang kagandahan ng iyong mukha ng pumanaw sa aming puso ang mga kasamang nagbibigay kamatayan sa kaluluwa namin at maulinig namin ang saklolo nang Diyos sa aming puso; at kami'y lumakad ng buong ningas nang puso sa pag-aalinsunod sa Diyos at sampalatayanan namin ang Santo Niyang ngalan. Hingin mo rito sa marangal na Sanggol na Siya'y araw ng katuwiran, pawiin Niya sa mundo ang karimlan ng mga erejes, kamalia't kasalanan na nagpapaulap at nagpapadilim dito: tunghan Mo naman at ipatnugot ng kahusayang talos ng Santa Iglesia, na magkaisang loob sa awang dakila, mabuhay tayo't mapanuto ng pagsunod sa utos ng Diyos. At ikaw na luwalhati nang Espana panunghan Mo nang matang maalindog itong aming Bayan, at igawad sa amin ng katamis-tamisang Hesus ang mahabang buhay, kaginhawaan at katuwirang sa purgatoryo, o kaya ang lalong kaluwalhatian nang Diyos at kagalingan ng aming kaluluwa, pakamtan sa amin ang hinihingi namin sa kataasan; at kung di karampatan, ituro yaring puso na di magnasa ng ibang bagay, kundi ang lalo Mong maibigan. Siya nawa. Panginoon ko, kaawaan Mo ako, at sambahin nawa't purihin ang Santisimo Sakramento sa Altar, at kalinislinisang paglilihi ni Ginoong Santa Maria ang bukod na iningatan at pinagpala di nahawahan ng kasalanang orihinal. Amen.

MGA DALIT
Ang pagkupkop mong mahal nagbigay sa iyo ng katotohanan.
Maamong Antonio't banal idalangin ang makasalanan.
Maluwalhati mong pangungusap pinilit ang isda sa dagat na magsilitaw at makimatyag ng pangangaral na Iyong atas. At yao'y naging kababalaghan pumawi ng sampung libong kamalian.
Maamong Antonio't banal idalangin ang makasalanan.
Ikaw nga po sa mga bagyo kanlungang milagroso sa ningas na masilakbo tubig Ka sa kaawaan mo. Daungan Ka ngang matibay ng dagat na kabagsikan.
Maamong Antonio't banal idalangin ang makasalanan.
Pinagaling mo ang mangko't pilay paralitiko't leprahin man mababagsik na manggagawa’y pinawi mo ang karamdaman, ginamot ang kasakitan, pati nawalang kaarian;
Maamong Antonio't banal idalangin ang makasalanan.
Bukbuking sala'y lumakas, bulag, pinkaw at may sugat, at pinagaling anumang hirap, inaliw mo ang namamanglaw at pinagpala't sinasaklolohan.
Maamong Antonio't banal idalangin ang makasalanan.
Nalunod na tatlong araw, sampung sanggol Iyong binuhay, dalawang armeniyo sa kagandahan, iniligtas sa kapanganiban, pagka't ang liyag na magulang nagsisitangis sa kasakitan.
Maamong Antonio't banal idalangin ang makasalanan.
Ang isang walang sampalataya kung pinatawad ang kanyang sala inako mo't ikaw ang nagdala ng kaparusahang dapat sa kanya. At kunin mo'y araw ring yaon hinulugan ng Diyos biyayang suson-suson.
Maamong Antonio't banal idalangin ang makasalanan.
Nagtanggol ka sa alin mang preso sa tanikala at grillo, ang dumaing sa iyo'y nililikmo kasalanang marami't mabaho; at ikaw nga po Orfeong marangal ni Hesus bulaklak sampagang tunay.
Maamong Antonio't banal idalangin ang makasalanan.
Sa habag, kapangyarihan at sa panalanging tunay, sa bendisyong bungang alay hingi nami’y kaaliwan sa Iyo ikapapasalangit at sa mga confesores na dilag.
Maamong Antonio't banal idalangin ang makasalanan.
Kay Hesus na poong liyag, pinili niyang pagkarilag, gawa yaon pagka't kasing hayag kaniyang Profetang maingat, at sa confesores na dilag, nagbibigay sa iyo ng katotohanan. Ang pagkupkop mong marangal nagbibigay sa iyo ng katotohanan.
Maamong Antonio't banal idalangin ang makasalanan.
V. Ipanalangin Mo kami mapalad na San Antonio
R. At nang kami'y maging dapat magkamit ng mga pangako ni Hesukristo.
OREMUS
Ang Santa Iglesia Mo, Panginoon naming Diyos, nagsasaya, alang-alang sa pananagumpay ng mapalad na Konfesor San Antonio, at umaasa na Siya'y pagtibayin ding palagi ng saklolo sa kalangitan at maging dapat magkamit ng katuwaang walang hanggan, alang-alang kay Hesukristong Panginoon namin, iyon sa sangkalangitan, at pagkakaisa ng tatlong Personas sa lahat ng panahon ng mga panahon. Siya nawa.

Chaplet ni San Antonio de Padua

San Antonio de Padua, apostol ng pananampalataya. Ipanalangin mo kami.
1 Ama Namin, 1 Aba Ginoong Maria, 1 Gloria.
San Antonio de Padua, Patriyarka sa pananalig. Ipanalangin mo kami.
1 Ama Namin, 1 Aba Ginoong Maria, 1 Gloria.
San Antonio de Padua, Serafin ng pag-ibig sa Diyos at kapwa tao. Ipanalangin mo kami.
1 Ama Namin, 1 Aba Ginoong Maria, 1 Gloria.
San Antonio de Padua, Na nagsanay sa kaamuan at kababaan ng loob ni Hesus. Ipanalangin mo kami.
1 Ama Namin, 1 Aba Ginoong Maria, 1 Gloria.
San Antonio de Padua, Anghel ng kalinisan. Ipanalangin mo kami.
1 Ama Namin, 1 Aba Ginoong Maria, 1 Gloria.
San Antonio de Padua, Kababalaghan sa pagpapakasakit sa sarili. Ipanalangin mo kami.
1 Ama Namin, 1 Aba Ginoong Maria, 1 Gloria.
San Antonio de Padua, Salamin ng pagkamasunurin. Ipanalangin mo kami.
1 Ama Namin, 1 Aba Ginoong Maria, 1 Gloria.
San Antonio de Padua, Martir sa pagtitiis. Ipanalangin mo kami.
1 Ama Namin, 1 Aba Ginoong Maria, 1 Gloria.
San Antonio de Padua, Kerubin sa pananalangin. Ipanalangin mo kami.
1 Ama Namin, 1 Aba Ginoong Maria, 1 Gloria.
San Antonio de Padua, Tagapagtanggol sa katuwiran. Ipanalangin mo kami.
1 Ama Namin, 1 Aba Ginoong Maria, 1 Gloria.
San Antonio de Padua, Uliran sa pagp**igil. Ipanalangin mo kami.
1 Ama Namin, 1 Aba Ginoong Maria, 1 Gloria.
San Antonio de Padua, Mutya ng kasalatan. Ipanalangin mo kami.
1 Ama Namin, 1 Aba Ginoong Maria, 1 Gloria.
San Antonio de Padua, Uliran sa katiyagaan. Ipanalangin mo kami.
1 Ama Namin, 1 Aba Ginoong Maria, 1 Gloria.

Parangal kay San Antonio

Butihing San Antonio, sa kalinga ng Diyos, kinamtan mo para sa kanyang bayan ang maraming kamangha-manghang biyaya. Ikaw ay bantog, butihing San Antonio, sa iyong mga kabutihan sa mga dukha at nagugutom, sa pagtuklas ng hanap-buhay sa mga naghahanap nito sa di pangkaraniwang pag-aaruga sa mga naglalakbay at pagkandili sa mga malayo sa kanilang tahanan. Ikaw ay tanyag din, butihing San Antonio, sa pagtatamo ng kapayapaan para sa mag-anak, sa matimyas mong awa sa mga kalatas, at sa iyong malasakit sa mga babaeng nagluwal ng kanilang mga supling. Sa pagdarasal sa iyo, San Antonio, dahil sa maraming biyaya na ipinagkaloob ng Panginoon sa pamamagitan mo, buong tiwala at pananalig kaming lumuluhog sa inyong tulong para sa aming mga pangangailangan sa kasalukuyan.

V. Ipanalangin mo kami, Butihing San Antonio.
R. Upang kami’y maging marapat sa mga pangako ni Kristo.

Manalangin tayo.

Maging bukal nawa ng kagalakan, O Diyos, sa inyong simbahan ang pagpaparangal namin sa gunita ng iyong confessor at doctor na si San Antonio. Ang kanya nawang pangkaluluwang pagkakandili ay laging magpalakas sa amin, at sa kanyang pamamagitan ay makamtan nawa ang walang hanggang gantimpala. Isinasamo namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo, na iyong anak at aming Panginoon. Amen.

San Antonio ng Padua, Ipanalangin mo kami.

Address

Paete

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when π‡πžπ«π¦πšπ§ππšπ 𝐝𝐞 π₯𝐨𝐬 π’πšπ§π­π¨π¬ π’πžπ«πšπŸπ’πœπ¨π¬ posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share