29/09/2020
PAGKAING ESPIRITWAL:
SANTIAGO 5:1-6
1.Pakinggan ninyo ito,kayong mayayaman!
Tumangis kayo at humagulhol dahil sa mga kapighatiang daratingsa inyo.
2.Bulok na ang inyong mga kayamanan at kinain ng tanga ang inyong mga damit.
3.Kinain na ng kalawang ang inyong ginto at pilak,at ang kalawang ding iton ang magiging katibayan laban sa inyo at parang apoy nauubos sa inyong laman.Iyan ang kayamanang inimpok ninyo para sa mga huling araw.
4. Sumisigaw laban sa inyo ang upa na hindi ninyo ibinigay sa mga gumagapas sa inyong bukirin.Umabot sa langit sa sa pandinig ng Panginoon Makapangyarihan sa lahat,anf mga hinaing ng mga mang-aani na inyong inapi!
5.Nagpakalayaw kayo at nagpasasa dito sa lupa. Nagpataba kayong parang mga hayop na papatayin.
6.Hinatulan ninyo at ipinapatay ang mga matuwid;hindi sila lumaban sa inyo.
Bukluran Aralan:
Ibig ipaunawa ng bibliya sa iskriptyur na ito,na ang pagyamanin natin ay ang buhay espiritwal natin bilang pagpapakilala na tayo'y may paggalang sa pagtanggap natin sa Diyos bilang tayo'y mga anak niya.Dito ipinahahayag na ,marami ka mang kayamanang materyal dito sa mundo,maging mabuti ka at magmalasakit sa kapwa,huwag maging sakim,dahil hindi mo ito madadala kapag ika'y namatay na.Huwag sana mapag-imbot, o mangdaya ng iyong kapwa lalo na sa mahihirap,dahil ang lahat ng ating gawa ay nakikita ng Diyos wala tayong maitatago sa kanya ,maitatago natin ang kilos natin sa iba o sa kapwa ngunit sa Diyos wala tayong maililihim,ang mga pandaraya,pangmamaliit, panhamak ay may tamang panahon ang Diyos ng kanyang paniningil ayon sa ating bawat gawa.
Kaya laging bilin ,magkaroon tayo ng malasakit at pagmamahal sa ating kapwa,wika nga sa Marcos 12:31 ito'y bilin at utos na ating gawin.
Sinumang magmalaki na siya'y mayaman subalit hindi naman nito ibinabahagi sa iba, siya'y makasarili at walang malasakit sa kapwa, Subalit siya mang mayaman na mapagbigay sa kapwa,ngunit hindi ito bukal sa puso niya at gusto lamang masabing siya'y matulungin,wala pa rin siyang matatanggap na kaluguran mula sa Diyos,ayon sa kapahayagan ni Mateo 6:1-4" huwag maging pakitang tao lamang ang paggawa ninyo ng mabuti", ang pag-tulong sana ay huwag ng ipagmaingay pa dahil iyon ang tunay at mula sa pag-ibig na kaloob sa atin ng Panginoong JesuCristo.Amen.