Most Holy Rosary Parish Padre Garcia - Archdiocese of Lipa

Most Holy Rosary Parish Padre Garcia - Archdiocese of Lipa HOLY MASS SCHEDULE:

Monday & Tuesday - 6AM
Wednesday - 6AM & 5:30PM
Thursday & Friday - 6AM
Saturday - 6AM & 5PM
Sunday - 5AM, 6:30AM, 8:00AM, 9:30AM & 5PM
(1)

Panalangin sa Mahal na Ina ng Laging Saklolo para sa Pagpapala at Proteksyon ng PamilyaMahal na Ina ng Laging Saklolo,ma...
26/08/2026

Panalangin sa Mahal na Ina ng Laging Saklolo para sa Pagpapala at Proteksyon ng Pamilya

Mahal na Ina ng Laging Saklolo,
mapagmahal naming Ina, buong puso kaming lumalapit sa iyo. Ipinagkakatiwala namin sa iyong mapagkalingang kamay ang aming buong pamilya.

Ina ng Laging Saklolo, ipanalangin mo kami sa iyong Anak na si Hesus. Hilingin mo sa Kanya ang pagpapala, kapayapaan, kalusugan, at biyaya para sa bawat isa sa aming tahanan.

Protektahan mo kami sa anumang panganib, karamdaman, kapahamakan, at masasamang bagay. Ilayo mo kami sa mga taong may masamang hangarin at sa anumang bagay na maaaring makasira sa aming pamilya.

Kapag kami ay nanghihina, bigyan mo kami ng lakas. Kapag kami ay nag-aalala, bigyan mo kami ng kapayapaan. Kapag kami ay dumaranas ng pagsubok, tulungan mo kaming huwag mawalan ng pag-asa at patuloy na magtiwala sa Diyos.

Mahal na Ina, basbasan mo ang aming tahanan. Nawaโ€™y mapuno ito ng pagmamahalan, pagkakaisa, pagpapatawad, at presensya ng Diyos. Ingatan mo ang bawat miyembro ng aming pamilya saan man kami naroroon.

At higit sa lahat, akayin mo kami palapit kay Hesus upang sa bawat araw ay mamuhay kami nang may pananampalataya, pag-asa, at pagmamahal.

Mahal na Ina ng Laging Saklolo, huwag mo kaming pabayaan. Manatili ka sa aming tabi at maging aming ina, tagapagtanggol, at gabay sa lahat ng pagkakataon.

Maria, Ina ng Laging Saklolo, ipanalangin mo kami.
Hesus, aming Tagapagligtas, pagpalain at protektahan Mo ang aming pamilya.

Amen. ๐Ÿ™

26/08/2026

CELEBRATING OSJ'S 111TH YEAR

Isang payak ngunit makabuluhang araw ang ating ibinahagi sa Banaba Elementary School, kung saan nagsama-sama ang ibaโ€™t ibang organisasyon upang maghatid ng pag-aaruga, pagkain, at pananampalataya sa mga bata.

Sa pangunguna ng Ministry on Social Services, Parish Social Action Committee, Knights of Columbus, Catholic Womenโ€™s League, at Joseph Marello Youth Padre Garcia, isinagawa ang feeding program at katesismo. Tinuruan ang mga bata na magdasal ng banal na rosaryo at pinakain ng masustansyang pagkainโ€”isang simpleng paalala na ang pagmamahal ay naipapakita sa gawa at malasakit. Tinuruan din ang mga bata ng kahalagahan ng Pondong Batangan.

Sa pagtatapos ng gawain, naiwan sa ating mga kapatid na bata hindi lamang ang busog na tiyan kundi pati ang binhi ng pananampalataya at pag-asa na patuloy na tutubo sa kanilang mga puso.

CELEBRATING OSJ'S 111TH YEARIsang payak ngunit makabuluhang araw ang ating ibinahagi sa Banaba Elementary School, kung s...
26/08/2026

CELEBRATING OSJ'S 111TH YEAR

Isang payak ngunit makabuluhang araw ang ating ibinahagi sa Banaba Elementary School, kung saan nagsama-sama ang ibaโ€™t ibang organisasyon upang maghatid ng pag-aaruga, pagkain, at pananampalataya sa mga bata.

Sa pangunguna ng Ministry on Social Services, Parish Social Action Committee, Knights of Columbus, Catholic Womenโ€™s League, at Joseph Marello Youth Padre Garcia, isinagawa ang feeding program at katesismo. Tinuruan ang mga bata na magdasal ng banal na rosaryo at pinakain ng masustansyang pagkainโ€”isang simpleng paalala na ang pagmamahal ay naipapakita sa gawa at malasakit. Tinuruan din ang mga bata ng kahalagahan ng Pondong Batangan.

Sa pagtatapos ng gawain, naiwan sa ating mga kapatid na bata hindi lamang ang busog na tiyan kundi pati ang binhi ng pananampalataya at pag-asa na patuloy na tutubo sa kanilang mga puso.

26/08/2026

โ€œPasseremo il mare.โ€ โ€œWe will cross the sea.โ€

On August 26, 1915, five Oblates of St. Josephโ€”Fr. Giuseppe Anfossi, Fr. Ernesto Fornaca, Fr. Eugenio Gherlone, Bro. Giuseppe Maccagno, and Bro. Giovanni Battista Cameraโ€”arrived in San Jose, Batangas. Amid the joyful ringing of church bells, the first OSJ mission in the Philippines was born.
Their arrival was more than a historic event. It was the fulfillment of a prophetic faith. Years earlier, Bro. Giuseppe Maccagno had said, โ€œPasseremo il mareโ€ (One day, we will cross the sea.โ€) They left the familiar, crossed vast oceans, and trusted that God was leading them to the mission where they will perfect their charity.
Today, as the Oblates of St. Joseph Philippine Province celebrate 111 years, we are the living fruit of that courageous โ€œyes.โ€ We carry the same mission, charism, and trust in Divine Providence.

The sea they crossed now challenges us to cross our own seas, our fears, limitations, comforts, and uncertainties. Their courage reminds us that the mission must not only be remembered but it must also be continued.
Their journey began with five. Today, the mission continues through us.
โ€œPasseremo il mare!โ€ We will cross the seaโ€”not because the way is easy, but because Christ goes before us. With the faithful and humble heart of St. Joseph, wherever God sends us, we will go; wherever souls need us, we will serve; and wherever the mission calls, we will answer with courage, fidelity, and love.
The pioneers crossed the sea for us. Now, strengthened by their example, let us cross whatever sea lies before us and carry the OSJ mission farther than we ever imagined.

via
Rev. Fr. Aldrich Gamboa, OSJ
Rev. Fr. Rony Alkonga, OSJ

๐—”๐—ด๐—ผ๐˜€๐˜๐—ผ ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—•๐—ข๐—ก๐—œ๐—™๐—”๐—–๐—œ๐—ข ๐——๐—˜ ๐—š๐—”๐—™๐—ฆ๐—” Si San Bonifacio de Gafsa ay isang Kristiyanong martir na nabuhay noong panahon ng Im...
25/08/2026

๐—”๐—ด๐—ผ๐˜€๐˜๐—ผ ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—•๐—ข๐—ก๐—œ๐—™๐—”๐—–๐—œ๐—ข ๐——๐—˜ ๐—š๐—”๐—™๐—ฆ๐—”

Si San Bonifacio de Gafsa ay isang Kristiyanong martir na nabuhay noong panahon ng Imperyong Romano. Siya ay kabilang sa mga Kristiyanong nanindigan sa kanilang pananampalataya sa kabila ng matinding pag-uusig. Sa lungsod ng Gafsa, na matatagpuan sa kasalukuyang Tunisia, siya at ang kanyang mga kasamahan ay pinatay dahil sa kanilang pagtangging talikuran ang Kristiyanismo. Dahil sa kanyang katapangan at katapatan sa Diyos hanggang sa kamatayan, kinilala siya bilang isang martir at huwaran ng matatag na pananampalataya.

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š๐—œ๐—ก ๐—ž๐—”๐—ฌ ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—•๐—ข๐—ก๐—œ๐—™๐—”๐—–๐—œ๐—ข ๐——๐—˜ ๐—š๐—”๐—™๐—ฆ๐—”

Mahal na San Bonifacio de Gafsa, ikaw na naging matatag sa iyong pananampalataya at buong tapang na nanindigan para sa Diyos hanggang sa iyong kamatayan, ipanalangin mo kami upang magkaroon din kami ng katatagan sa panahon ng mga pagsubok. Tulungan mo kaming manatiling tapat sa ating pananampalataya, magkaroon ng lakas ng loob sa harap ng mga hamon, at piliing gumawa ng mabuti sa bawat pagkakataon. Ipagkaloob mo nawa sa amin ang iyong paggabay at panalangin upang mas mapalapit kami sa Diyos at mamuhay nang may pagmamahal, kabutihan, at katapatan. Amen.

๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—•๐—ผ๐—ป๐—ถ๐—ณ๐—ฎ๐—ฐ๐—ถ๐—ผ
๐—ฑ๐—ฒ ๐—š๐—ฎ๐—ณ๐˜€๐—ฎ, ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป ๐—บ๐—ผ ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ถ.

๐—”๐—ด๐—ผ๐˜€๐˜๐—ผ ๐Ÿฎ๐Ÿฑ | ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—Ÿ๐—จ๐—œ๐—ฆ ๐——๐—˜ ๐—™๐—ฅ๐—”๐—ก๐—–๐—œ๐—”Si San Luis IX ay isinilang noong 1214 at naging Hari ng France mula 1226 hanggang 1270. ...
25/08/2026

๐—”๐—ด๐—ผ๐˜€๐˜๐—ผ ๐Ÿฎ๐Ÿฑ | ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—Ÿ๐—จ๐—œ๐—ฆ ๐——๐—˜ ๐—™๐—ฅ๐—”๐—ก๐—–๐—œ๐—”

Si San Luis IX ay isinilang noong 1214 at naging Hari ng France mula 1226 hanggang 1270. Kilala siya sa pagiging makatarungan, mapagpakumbaba, mapagkawanggawa, at debotong Kristiyano. Pinagsikapan niyang mamuno ayon sa kanyang pananampalataya at tumulong sa mga mahihirap. Namatay siya noong 1270 habang nasa Ikawalong Krusada at na-canonize bilang santo noong 1297 ni Pope Boniface VIII.

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š๐—œ๐—ก ๐—ž๐—”๐—ฌ ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—Ÿ๐—จ๐—œ๐—ฆ ๐——๐—˜ ๐—™๐—ฅ๐—”๐—ก๐—–๐—œ๐—”

San Luis IX, banal na hari at tapat na lingkod ng Diyos, ipanalangin mo kami upang magkaroon kami ng matatag na pananampalataya, mapagpakumbabang puso, at lakas na maglingkod sa aming kapwa. Tulungan mo kaming maging makatarungan, mabuti, at tapat sa aming mga tungkulin, lalo na sa panahon ng mga pagsubok. Nawaโ€™y matularan namin ang iyong pagmamahal sa Diyos at malasakit sa mga nangangailangan, upang sa aming buhay ay maipakita namin ang tunay na diwa ng Kristiyanong paglilingkod. San Luis IX, ipanalangin mo kami at gabayan kami sa landas patungo sa Diyos. Amen.

๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—Ÿ๐˜‚๐—ถ๐˜€ ๐—ฑ๐—ฒ ๐—™๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ, ๐—œ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป ๐—บ๐—ผ ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ถ.

๐—”๐—ด๐—ผ๐˜€๐˜๐—ผ ๐Ÿฎ๐Ÿฐ | ๐—ž๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—›๐—”๐—ก ๐—ก๐—œ ๐—”๐—ฃ๐—ข๐—ฆ๐—ง๐—ข๐—Ÿ ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—•๐—”๐—ฅ๐—ง๐—ข๐—Ÿ๐—ข๐— ๐—˜Si San Bartolome, na pinaniniwalaang siya ring si Natanael, ay isa sa Lab...
23/08/2026

๐—”๐—ด๐—ผ๐˜€๐˜๐—ผ ๐Ÿฎ๐Ÿฐ | ๐—ž๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—›๐—”๐—ก ๐—ก๐—œ ๐—”๐—ฃ๐—ข๐—ฆ๐—ง๐—ข๐—Ÿ ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—•๐—”๐—ฅ๐—ง๐—ข๐—Ÿ๐—ข๐— ๐—˜

Si San Bartolome, na pinaniniwalaang siya ring si Natanael, ay isa sa Labindalawang Apostol ni Hesukristo. Sa pamamagitan ni Felipe ay nakilala niya si Hesus at buong pananampalatayang ipinahayag na Siya ang Anak ng Diyos at Hari ng Israel. Matapos ang mga pangyayari sa muling pagkabuhay ni Kristo, ipinangaral niya ang Mabuting Balita sa ibaโ€™t ibang lupain. Ayon sa tradisyon, naglakbay siya hanggang India at Armenia, kung saan siya ay dumanas ng pagpapahirap at namatay bilang martir dahil sa kanyang matatag na pananampalataya.

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š๐—œ๐—ก ๐—ž๐—”๐—ฌ ๐—”๐—ฃ๐—ข๐—ฆ๐—ง๐—ข๐—Ÿ ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—•๐—”๐—ฅ๐—ง๐—ข๐—Ÿ๐—ข๐— ๐—˜

O maluwalhating San Bartolome, tinawag ka ni Hesus na taong walang pagkukunwari, at nakita mo ang tanda sa mundong ito na Siya ang Anak ng Diyos at Hari ng Israel. Ipagkaloob mo sa amin ang biyaya na sa tuwina ay huwag magbalatkayo at payak na tulad ng kalapati. Gayundin naman, tulungan mo kami na mapasa-amin ang biyaya ng Iyong pananampalataya na makita ang mapagpalang kamay ng Diyos sa mga pangyayari sa pang-araw-araw naming buhay. Nawa'y mapagtanto namin ang mga tanda ng panahon na maghahatid sa amin kay Hesus dito sa lupa at humantong nawa sa pakikipagkaisa namin sa Kanya sa langit magpakailanman. Amen.

๐—”๐—ฝ๐—ผ๐˜€๐˜๐—ผ๐—น ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ผ๐—น๐—ผ๐—บ๐—ฒ, ๐—œ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป ๐—บ๐—ผ ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ถ.

๐—”๐—ด๐—ผ๐˜€๐˜๐—ผ ๐Ÿฎ๐Ÿฏ | ๐—ž๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—›๐—”๐—ก ๐—ก๐—œ ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—ง๐—” ๐—ฅ๐—ข๐—ฆ๐—” ๐——๐—˜ ๐—Ÿ๐—œ๐— ๐—”Si Santa Rosa de Lima (1586โ€“1617) ang kauna-unahang santo mula sa Amerika. I...
22/08/2026

๐—”๐—ด๐—ผ๐˜€๐˜๐—ผ ๐Ÿฎ๐Ÿฏ | ๐—ž๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—›๐—”๐—ก ๐—ก๐—œ ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—ง๐—” ๐—ฅ๐—ข๐—ฆ๐—” ๐——๐—˜ ๐—Ÿ๐—œ๐— ๐—”

Si Santa Rosa de Lima (1586โ€“1617) ang kauna-unahang santo mula sa Amerika. Ipinanganak sa Peru, tinanggihan niya ang pag-aasawa upang ialay ang buhay sa Diyos sa ilalim ng Ikatlong Orden ni San Dominiko. Nagtayo siya ng kubo sa kanilang hardin para sa matinding panalangin at pag-aayuno.

Bukod sa debosyon, kinalinga niya ang mga maysakit, mahihirap, at katutubo sa kaniyang pamayanan. Pumanaw siya sa edad na 31 at idineklarang santa noong 1671. Siya ang patrona ng Peru, Latin Amerika, at Pilipinas.

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š๐—œ๐—ก ๐—ž๐—”๐—ฌ ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—ง๐—” ๐—ฅ๐—ข๐—ฆ๐—” ๐——๐—˜ ๐—Ÿ๐—œ๐— ๐—”

Diyos na aming Ama, dahil sa Iyong pag-ibig, tinalikdan ni Santa Rosa de Lima ang lahat upang ialay ang sarili sa Iyo sa pamamagitan ng buhay na tigib ng sakripisyo.

Sa tulong ng kaniyang mga panalangin, ituro Mo sa amin na tularan ang kaniyang mapagpakumbabang pamumuhay dito sa lupa, upang makasama namin siyang magalak sa kalangitan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon. Amen.

๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฎ ๐—ฅ๐—ผ๐˜€๐—ฎ ๐—ฑ๐—ฒ ๐—Ÿ๐—ถ๐—บ๐—ฎ, ๐—œ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป ๐—บ๐—ผ ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ถ.

NUESTRA SEร‘ORA DEL SANTรSIMO ROSARIOAng Mabunying Reyna at Marilag na Pintakasi ng Silangang BatanganNoong 1691, itinata...
22/08/2026

NUESTRA SEร‘ORA DEL SANTรSIMO ROSARIO
Ang Mabunying Reyna at Marilag na Pintakasi ng Silangang Batangan

Noong 1691, itinatag ang Parokya ng Santรญsimo Rosario, ang kauna-unahang parokyang naitatag sa rehiyong kinilala bilang Silangang Batangan. Mula pa sa simula, ang pamayanan ay inilagay sa ilalim ng pangangalaga ng Mahal na Birheng Maria, Nuestra Seรฑora del Santรญsimo Rosario.

Sa paglipas ng panahon, naging ugat ang sinaunang parokyang ito ng paglawak ng buhay-Katoliko sa rehiyon. Mula sa dating malawak nitong nasasakupan ay umusbong ang mga bagong pamayanang naging parokyaโ€”kabilang ang Parokya ni San Juan Nepomuceno sa San Juan de Bocboc noong 1846, Parokya ng Mahal na Birhen ng Awa sa Taysan noong 1860, at Parokya ni San Migue Arkanghel sa Lobo noong 1874.

Noong 1910, naitatag ang isang parokyang ipinagkatiwala sa pagkandili ng Nuestra Seรฑora del Santo Rosario, sa kasalukuyang bayan ng Rosario (Rosario Nuevo), habang ang dating pamayanan ng sinaunang parokya ay kalaunang nakilala bilang Lumangbayan (Rosario Viejo) at ganap na naging isang bayan ng Padre Garcia noong 1949.

Sa mahigit tatlong siglo, ang Mahal na Birhen ng Santรญsimo Rosario ay naging saksi at kasama ng mga salinlahi sa kanilang paglalakbay sa pananampalataya. Ang debsyon sa kanya, mula taong 1691, ay nanatiling isang ugat na nag-uugnay sa mga pamayanang umusbong sa Silangang Batangan.

Kaya naman, higit pa sa pagiging patrona ng ating parokya, marapat siyang kilalanin bilang Mabunying Reyna at Marilag na Pintakasi ng Silangang Batanganโ€”ang Birheng patuloy na nagbubuklod sa sambayanan sa ilalim ng mga butil ng kaniyang banal na Rosaryo.

Nuestra Seรฑora del Santรญsimo Rosario,
Mabunying Reyna at Marilag na Pintakasi ng Silangang Batangan,
ipanalangin mo kami.

References:

Reyes, C. T. (2008). Rosario of Batangas: Its origin and developments (2008 ed).

Oblates of Saint Joseph Philippine Province. (n.d.). http://osjphil.org. Retrieved [Jan 25, 2024].

๐—”๐—ด๐—ผ๐˜€๐˜๐—ผ ๐Ÿฎ๐Ÿฎ | ๐—ž๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—›๐—”๐—ก ๐—ก๐—œ ๐— ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—”, ๐—ฅ๐—˜๐—ฌ๐—ก๐—” ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š๐—œ๐—ง ๐—”๐—ง ๐—Ÿ๐—จ๐—ฃ๐—”Si Maria ay ang mapagpakumbabang dalaga mula sa Nazaret na pinil...
21/08/2026

๐—”๐—ด๐—ผ๐˜€๐˜๐—ผ ๐Ÿฎ๐Ÿฎ | ๐—ž๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—›๐—”๐—ก ๐—ก๐—œ ๐— ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—”, ๐—ฅ๐—˜๐—ฌ๐—ก๐—” ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š๐—œ๐—ง ๐—”๐—ง ๐—Ÿ๐—จ๐—ฃ๐—”

Si Maria ay ang mapagpakumbabang dalaga mula sa Nazaret na pinili ng Diyos upang maging Ina ng Tagapagligtas na si Hesukristo. Sa kanyang buhay sa lupa, ipinakita niya ang lubos na pananampalataya at katapatan sa pamamagitan ng pag-aalaga kay Hesus at pagsama sa Kanya hanggang sa paanan ng Krus. Matapos ang kanyang buhay sa lupa, siya ay iniakyat ng buong katawan at kaluluwa sa langit.

Dahil sa kanyang mahalagang papel sa kaligtasan, kinoronahan si Maria bilang Reyna ng Langit at Lupa sa piling ng kanyang Anak na Hari ng Sansinukob. Sa ilalim ng titulong ito, ipinagdiriwang ang kanyang kapistahan tuwing Agosto 22. Siya ngayon ay nagsisilbing ating Ina at Tagapamagitan na patuloy na nagdadala ng ating mga panalangin sa Diyos.

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š๐—œ๐—ก ๐—ž๐—”๐—ฌ ๐— ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—”, ๐—ฅ๐—˜๐—ฌ๐—ก๐—” ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š๐—œ๐—ง ๐—”๐—ง ๐—Ÿ๐—จ๐—ฃ๐—”

O Birheng Maria, Reyna ng Langit at Lupa, turuan mo kaming maging tapat sa aming pagtugon sa Diyos. Tulungan mo kaming maging mapagpakumbaba at mapaglingkod, upang sa aming mga puso ay maghari si Kristo magpakailanman. Amen.

๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ, ๐—ฅ๐—ฒ๐˜†๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐˜ ๐—ฎ๐˜ ๐—น๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ, ๐—œ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป ๐—บ๐—ผ ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ถ.

Address

Poblacion
Padre Garcia
4224

Opening Hours

Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Most Holy Rosary Parish Padre Garcia - Archdiocese of Lipa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Most Holy Rosary Parish Padre Garcia - Archdiocese of Lipa:

Shortcuts

Share