San Vicente Ferrer Chapel formerly Holy Infant Chapel

San Vicente Ferrer Chapel formerly Holy Infant Chapel Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from San Vicente Ferrer Chapel formerly Holy Infant Chapel, Religious organisation, Bukal Bungad, Padre Garcia.

08/08/2026

π—”π—‘π—š π—›π—œπ— π—”π—Ÿπ—” π—‘π—œ 𝗦𝗔𝗑 π—©π—œπ—–π—˜π—‘π—§π—˜ π—™π—˜π—₯π—₯π—˜π—₯ 𝗔𝗧 π—”π—‘π—š π— π—”π—Ÿπ—”π—žπ—”π—¦ 𝗑𝗔 π—¨π—Ÿπ—”π—‘

Si San Vicente Ferrer ay minsang nagpahinto ng isang malakas na bagyo gamit ang Banal na Tubig! Habang nasa lungsod ng Barbastro sa Catalonia, katatapos lang ni San Vicente magmisa nang biglang bumuhos ang isang napakalakas na ulan na dulot ng isang bagyo.

Napuno ng takot ang mga tao dahil sa tindi ng unos at pinsalang nagbabadya sa bayan. Lumabas si San Vicente mula sa simbahan, nag-antanda ng Krus gamit ang Banal na Tubig, at walang ano-ano ay agad huminto ang bagyo at naging kalmado ang langit.

Nagbigay ng payo si San Vicente sa mga tao na magpasalamat sa mga banal na Apostol, dahil sa kanilang pamamagitan, natigil ang bagyo.

Tinuruan ni San Vicente ang mga tao noon sa palagiang paggamit ng Banal na Tubig at pagtawag sa Banal na pangalan ni Hesus. Kadalasan niyang pinapayuhan ang mga magsasaka na iwisik ang Banal na Tubig sa kanilang mga pananim upang maprotektahan laban sa peste o masamang panahon.

"𝐻𝑖𝑛𝑑𝑖 π‘›π‘–π‘›π‘¦π‘œ π‘›π‘Žπ‘šπ‘Žπ‘šπ‘Žπ‘™π‘Žπ‘¦π‘Žπ‘› π‘˜π‘’π‘›π‘” π‘”π‘Žπ‘Žπ‘›π‘œ π‘˜π‘Žπ‘π‘Žπ‘›π‘”π‘¦π‘Žπ‘Ÿπ‘–β„Žπ‘Žπ‘› π‘Žπ‘›π‘” π‘–π‘π‘–π‘›π‘–π‘π‘–π‘”π‘Žπ‘¦ 𝑛𝑔 π‘†π‘–π‘šπ‘π‘Žβ„Žπ‘Žπ‘› π‘ π‘Ž π‘–π‘›π‘¦π‘œ; π‘”π‘Žπ‘šπ‘–π‘‘π‘–π‘› π‘›π‘–π‘›π‘¦π‘œ π‘Žπ‘›π‘” π΅π‘Žπ‘›π‘Žπ‘™ π‘›π‘Ž 𝑇𝑒𝑏𝑖𝑔 π‘›π‘Žπ‘›π‘” π‘šπ‘Žπ‘¦ π‘π‘Žπ‘›π‘Žπ‘›π‘Žπ‘šπ‘π‘Žπ‘™π‘Žπ‘‘π‘Žπ‘¦π‘Ž, π‘Žπ‘‘ π‘Žπ‘›π‘” π‘–π‘›π‘¦π‘œπ‘›π‘” π‘™π‘’π‘π‘Ž π‘Žπ‘¦ π‘™π‘–π‘”π‘‘π‘Žπ‘ ," wika ni San Vicente.

San Vicente Ferrer, ipanalangin mo kami!

Mga pinagkunan β€œSt. Vincent Ferrer, of the Order of Preachers” by Fr. Pradel, 1875, β€œSaint Vincent Ferrer” by Fr. Hogan, 1911 and β€œAngel of the Judgement” by S.M.C. 1954

Courtesy: Diocesan Shrine of San Vicente Ferrer - Mamatid

San Vicente Ferrer, iligtas at ipanalangin mo kami..
08/08/2026

San Vicente Ferrer, iligtas at ipanalangin mo kami..

π—£π—”π—‘π—”π—Ÿπ—”π—‘π—šπ—œπ—‘ π—žπ—”π—¬ 𝗦𝗔𝗑 π—©π—œπ—–π—˜π—‘π—§π—˜ π—™π—˜π—₯π—₯π—˜π—₯ π—Ÿπ—”π—•π—”π—‘ 𝗦𝗔 𝗨𝗑𝗒𝗦 𝗔𝗧 π—žπ—”π—Ÿπ—”π— π—œπ——π—”π——

O maluwalhating Apostol at manggagawa ng mga himala, San Vicente Ferrer, bagong anghel ng Apokalipsis at mapagmahal naming tagapagtanggol, tanggapin mo ang aming mapagkumbabang panalangin at ipamagitan mo kami upang kamtin ang masaganang pagbuhos ng mga biyaya mula sa Diyos.

Sa pamamagitan ng pag-ibig na nag-alab sa iyong puso, ipamagitan mo kami sa Ama ng Awa upang kami ay mapatawad sa lahat naming mga kasalanan, mapagtibay sa pananampalataya, at magpatuloy sa paggawa ng kabutihan; upang sa pamumuhay bilang mabubuti at masigasig na Kristiyano, kami ay maging karapat-dapat sa iyong makapangyarihang pagkakandili.

Ipagkaloob mo rin ang iyong pagkalinga sa aming katawan, at ilayo kami sa anumang karamdaman. Pangalagaan mo ang aming mga lupain laban sa bagsik ng unos at kalamidad, at ilayo kami sa lahat ng uri ng kapahamakan. Sa gayon, yamang pinagpala kami sa biyaya ng katawan at kaluluwa, kami ay mananatiling tapat na deboto mo, at balang araw ay makakasama ka namin sa langit, doon ay makakasama ka naming pupuri sa Diyos magpasawalang hanggan. Amen.

(Hango sa 200 Days Novena to Saint Vicente Ferrer ni Pope Leo XIII)

08/08/2026
Maraming maraming salamat po sa pagbisita sa Bayan ng Padre Garcia! Baunin mo ang aming pagpupuri at pagpapasalamat, kas...
03/08/2026

Maraming maraming salamat po sa pagbisita sa Bayan ng Padre Garcia! Baunin mo ang aming pagpupuri at pagpapasalamat, kasama ang aming kahilingan sa Iyong alaala..

PANALANGIN NG PAMAMAALAM SA IMAHEN NG
POONG HESUS NAZARENO

O Panginoon kaibig-ibig, dumating na ang sandali ng iyong paglisan sa
aming Parokya na naging tahanan mo rin na ipinanatili mo sa aming piling,
hindi kayang banggitin ng aming labi ang pasasalamat na naguumapaw sa
aming puso sa udyok ng iyong pagmamahal.
Panginoon, salamat magbalik kang muli sa aming Parokya sa ibang araw,
dito ay hinihintay ka namin ng buong pananabik sa iyong pagpanaog baunin
mo ang aming pagmamahal, isama mo ang aming mga puso, huwag mong
idulot na kami ay makalimot at mawalay sa iyong pag-aaruga kailanman.

Siya nawa.

03/08/2026
Dalaw Nazareno sa Ave Birhen ng Garcia 2026..
31/07/2026

Dalaw Nazareno sa Ave Birhen ng Garcia 2026..

Naway kamtin namin ang pag asa, pagpapala at sagot sa aming mga dasal, sa iyong pagdating Mahal na Poong Hesus NazarenoπŸ™
31/07/2026

Naway kamtin namin ang pag asa, pagpapala at sagot sa aming mga dasal, sa iyong pagdating Mahal na Poong Hesus NazarenoπŸ™

19/07/2026

β€œHuwag kayong mag-impok ng mga kayamanan dito sa lupa; dito'y may naninirang insekto at kalawang, at may nakakapasok na magnanakaw. Sa halip, mag-impok kayo ng kayamanan sa langit; doo'y walang naninirang insekto at kalawang, at walang nakakapasok na magnanakaw. Sapagkat kung nasaan ang iyong kayamanan, naroon din ang iyong puso.

'Habag ang nais ko, hindi handog,' hindi ninyo hahatulan ang mga walang sala. Sapagkat ang Anak ng Tao ay Panginoon ng A...
16/07/2026

'Habag ang nais ko, hindi handog,' hindi ninyo hahatulan ang mga walang sala. Sapagkat ang Anak ng Tao ay Panginoon ng Araw ng Pamamahinga."

Address

Bukal Bungad
Padre Garcia
4224

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Vicente Ferrer Chapel formerly Holy Infant Chapel posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share