31/08/2025
PATALASTAS NG PAROKYA
WHEELS OF HOPE: DRIVING FAITH FORWARD
Pagsasagawa ng Raffle Draw, Muling Ipagpapaliban
Minamahal naming mga Kaparokya at Tagapagtangkilik,
Mapayapang pagbati sa inyong lahat.
Ipinapaabot po namin na ang raffle draw para sa ating fundraising project na WHEELS OF HOPE: DRIVING FATE FORWARD, na unang itinakda noong July 1, 2025 at muling itinakda sa Sept 1, 2025, ay muling ipagpapaliban nang walang tiyak na petsa. Ito po ay bunsod ng patuloy na pangangailangan na maibenta muna ang lahat ng natitirang raffle tickets bago maisagawa ang bunot.
Tulad ng inyong nalalaman, ang pangunahing layunin ng raffle na ito ay upang makalikom ng pondo para sa pagpapatuloy ng konstruksyon ng ating bagong gusaling simbahan—isang banal na adhikain na nangangailangan ng pagtutulungan, sakripisyo, at matibay na pananampalataya.
Ang ating kura paroko, Rev. Fr. Gerardo Gil D. Lipat, kasama ang lahat ng punong tagapag-ugnay ng ating mga pamparokyang ministeryo, ay taos-pusong nananawagan sa mga mananampalatayang Baleteño at sa lahat ng mga tagapagtangkilik ng ating banal na layunin na muling magpamalas ng pag-unawa at patuloy na sumuporta sa ating munting proyekto. Ang inyong kabutihang-loob, panalangin, at walang sawang pakikiisa ang siyang nagsilbing haligi ng ating paglalakbay, at kami po ay lubos na nagpapasalamat.
Nawa’y magpatuloy tayo sa ating sama-samang paglalakbay—hindi lamang upang makapagtayo ng gusali, kundi upang patatagin ang ating sambayanang nakaugat sa pananampalataya. Sa tulong ng Diyos at ng inyong patuloy na suporta, makakamtan natin ang katuparan ng adhikaing ito.
Maraming salamat po, at nawa’y pagpalain tayo ng Panginoon at gabayan ng ating Patrona Nuestra Señora de la Paz de Balete.
Lubos na gumagalang,
Parish Pastoral Council
Parroquia de Nuestra Señora de la Paz de Balete