Sta. Rita De Cascia Parish, Walay, Padre, Burgos

Sta. Rita De Cascia Parish, Walay, Padre, Burgos Religous

27/10/2021

Oktubre 28 2021
Kapistahan nina Apostol San Simon at San Judas

UNANG PAGBASA
Efeso 2, 19-22

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso

Mga kapatid, hindi na kayo dayuhan o taga-ibang bansa, kundi kababayan ng mga hinirang ng Diyos at kabilang sa kanyang sambahayan. Kayo’y itinayo rin sa saligan ng mga apostol at mga propeta, na ang batong panulukan ay si Kristo Hesus. At sa pamamagitan niya, nagkakaugnay-ugnay ang bawat bahagi ng gusali at nagiging isang templong banal. Dahil din sa inyong pakikipag-isa sa kanya, kayo ma’y kasama nilang naging bahagi ng tahanan ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 18, 2-3. 4-5

Tugon: Laganap na sa daigdig ang kanilang mga tinig.

Ang langit ay naghahayag na ang Diyos ay dakila!
Malinaw na nagsasaad kung ano ang kanyang gawa!
Bawat araw, bawat gabi, ang ulat ay walang patlang,
patuloy na nag-uulat sa sunod na gabi’t araw.

Tugon: Laganap na sa daigdig ang kanilang mga tinig.

Walang tinig o salitang ginagamit kung sabagay,
at wala ring naririnig na kahit na anong ingay;
gayun pa man, sa daigdig ay laganap yaong tinig,
ang balita’y umaabot sa duluhan ng daigdig.

Tugon: Laganap na sa daigdig ang kanilang mga tinig.

ALELUYA

Aleluya! Aleluya!
Mga tapat na apostol
ay nagpupuri sa P**n
sa langit habang panahon.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 6, 12-19

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong mga araw na iyon, umahon si Hesus sa isang burol at magdamag doong nanalangin. Kinaumagahan, tinawag niya ang kanyang mga alagad, at pumili siya ng Labindalawa sa kanila, na tinawag niyang mga apostol: si Simon na pinangalanan niyang Pedro, at si Andres na kanyang kapatid; sina Santiago, Juan, Felipe, Bartolome, Mateo, Tomas, at Santiago na anak ni Alfeo, si Simon ang Makabayan; si Judas na anak ni Santiago, at si Judas Iscariote, na naging taksil.

Bumaba si Hesus, kasama sila, at tumayo sa isang patag na lugar. Naroon ang marami sa kanyang mga alagad at ang napakaraming tao buhat sa Judea at Jerusalem, at sa mga bayan sa baybaying-dagat ng Tiro at Sidon. Pumaroon sila upang makinig sa kanya at mapagaling sa kanilang mga karamdaman. Pinagaling din niya ang mga pinahihirapan ng masasamang espiritu. At sinikap ng lahat ng tao na mahipo siya sapagkat may taglay siyang kapangyarihang makapagpagaling ng lahat.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

27/10/2021
26/10/2021

𝙏𝙃𝙀 𝙏𝙒𝙊 𝙏𝙔𝙋𝙀𝙎 𝙊𝙁 𝙀𝙓𝙊𝙍𝘾𝙄𝙎𝙈

We are about to enter the Hallowtide season. And as part of our contribution to the Celebration, we present to you our special segment explaining the different topics concerning the Catholic view on Exorcism part 2!

Exorcism in the Catholic Church is a much wider topic than what most people think. In general, exorcism is viewed by many as a complicated rite that is performed by a priest over someone possessed by the devil.

It is an easy assumption to make, but it is not the truth. In fact, exorcisms are a multi-faceted part of the Church’s ministry. They are usually performed on a much smaller scale and on a regular basis.

In the Catholic Church this ministry is expressed in two primary forms, called “minor” exorcisms and “major” exorcisms.

The USCCB explains how minor exorcisms are “found in two places: first, for those preparing for Baptism, the Rite of Christian Initiation of Adults (RCIA) and the Rite of Baptism for Children both call for minor exorcisms; secondly, the appendix of Exorcisms and Related Supplications includes a series of prayers which may be used by the faithful.”

• MINOR EXORCISM

This type of exorcism does not deal with the full possession of a person by a demon, but with the expulsion of evil spirits that are trying to negatively influence a person. This is especially important for those who are not baptized as they do not have the grace of baptism and are more vulnerable to the assaults of the devil.

Nevertheless, the language of the prayers can still be quite powerful, commanding any demons to be cast out of the person to be baptized. For example, here is one of the exorcism prayers found in the Rite of Baptism in the Extraordinary Form of the Roman Rite.

I cast you out, unclean spirit, in the name of the Father, + and of the Son, + and of the Holy + Spirit. Depart and stay far away from this servant of God, N., For it is the Lord Himself who commands you, accursed and doomed spirit, He who walked on the sea and reached out His hand to Peter as he was sinking. So then, foul fiend, recall the curse that decided your fate once for all. Indeed, pay homage to the living and true God, pay homage to Jesus Christ, His Son, and to the Holy Spirit. Keep far from this servant of God, N., for Jesus Christ, our Lord and God, has freely called him to His holy grace and blessed way and to the waters of baptism.

These minor exorcisms are performed every time a child or adult is baptized in the Catholic Church and occur regularly, though they usually don’t look like anything from The Exorcist.

• MAJOR EXORCISM

On the other hand, major or “solemn” exorcisms are performed principally over people who have been found possessed by a demon. These exorcisms can only be performed with the permission of the local bishop and by a trained exorcist priest. They should never be attempted by a member of the Christian faithful as that creates more harm than good and opens up more pathways for the devil.

Major exorcisms are very rare and typically a long process. A major exorcism may take months or a full year to be performed. It includes a proper medical evaluation and several meetings with qualified professionals to determine if the person is indeed possessed by a demon. An exorcist typically will only perform a small handful of exorcisms in a year, with some exorcists performing only one or two on an annual basis.

Exorcisms remain a vital part of the ministry of the Church, though they often aren’t as sensational as what is seen in movies or television.








Sources:

(1) Exorcism 101: There are two main types of exorcism—Aleteia (Retrieved on October 23, 2021);

(2) Exorcism— United States Conference of Catholic Bishops (Retrieved on October 23, 2021)

(3) 📷 Pinterest, Licas News

25/10/2021

Oktubre 26 2021
Martes ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
Roma 8, 18-25

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Mga kapatid, sa ganang akin, ang mga pagtitiis sa kasalukuyan ay hindi maihahambing sa ihahayag ng kaluwalhatiang sasaatin. Nananabik ang sangnilikha na ihayag ng Diyos ang kanyang mga anak. Nabigo ang sangnilikha, hindi sa kagustuhan nito, kundi dahil sa ito ang niloob ng Diyos. Gayunman, may pag-asa pa, sapagkat ang sangnilikha ay palalayain sa pagkaalipin nito sa kabulukan, at makakahati sa maluwalhating kalagayan ng mga anak ng Diyos. Alam natin na hanggang ngayon ang sangnilikha ay dumaraing sa paghihirap. Hindi lamang sila! Tayo mang tumganggap ng Espiritu bilang unang kaloob ng Diyos ay napapahimutok samantalang hinihintay natin ang pag-ampon sa atin ng Diyos, ang pagpapalaya sa ating mga katawan. Ligtas na tayo at inaasahan natin ang kaganapan nito. Ngunit ang pag-asa ay hindi pag-asa kapag nakikita na ang inaasahan. Sapagkat sino ang aasa sa nakikita na? Ngunit kung umaasa tayo sa hindi natin nakikita, ito’y hihintayin natin nang buong tiyaga.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 125, 1-2ab. 2kd-3. 4-5. 6

Tugon: Gawa ng D’yos ay dakila kaya tayo’y natutuwa.

Nang lingapin tayo ng Diyos at sa Sion ay ibalik,
ang nangyari’y kasaysaya’y parang isang panaginip.
Lahat tayo ay natuwa, masasayang nagsiawit.

Tugon: Gawa ng D’yos ay dakila kaya tayo’y natutuwa.

Ang sabi ng mga bansang nagmamasid sa paligid,
“Ang ginawa ng Diyos nila ay dakila, anong rikit!”
Dakila ngang masasabi, pambihira ang ginawa,
kaya naman kami ngayon, kagalaka’y di kawasa!

Tugon: Gawa ng D’yos ay dakila kaya tayo’y natutuwa.

Kung paanong inuulan yaong mga tuyong batis,
sa sariling bayan namin, kami, P**n, ay ibalik.
Silang mga nagbubukid na nagtanim na may luha,
bayaan mo na mag-aning masasaya’t natutuwa.

Tugon: Gawa ng D’yos ay dakila kaya tayo’y natutuwa.

Yaong mga nagsihayong dala’y binhi’t nananangis,
ay aawit na may galak, dala’y ani pagbalik!

Tugon: Gawa ng D’yos ay dakila kaya tayo’y natutuwa.

ALELUYA
Mateo 11, 25

Aleluya! Aleluya!
Papuri sa Diyos Ama
pagkat ipinahayag n’ya
Hari s’ya ng mga aba.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 13, 18-21

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, “Ano ang katulad ng paghahari ng Diyos? Saan ko ihahambing ito? Katulad ito ng isang butil ng mustasa na itinanim ng isang tao sa kanyang halamanan. Ito’y lumaki hanggang sa maging punongkahoy at namugad ang mga ibon sa mga sanga nito.”

Sinabi pa ni Hesus, “Saan ko itutulad ang paghahari ng Diyos? Katulad ito ng lebadurang inihalo ng isang babae sa tatlong takal na harina, anupat umalsa ang buong masa.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

25/10/2021

MGA PAGBASA— LUNES OKTUBRE 25, 2021

Lunes ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Roma 8, 12-17
Salmo 67, 2 at 4. 6-7ab. 20-21

Ang ating Panginoong D’yos
gawa’y magligtas na lubos.

Lucas 13, 10-17

Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel

Monday of the Thirtieth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Roma 8, 12-17

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Mga kapatid, hindi na tayo alipin ng likas na hilig ng laman, kaya hindi na tayo dapat mamuhay ayon sa laman. Sapagkat mamamatay kayo kung namumuhay kayo sa laman ngunit kung pinapatay ninyo sa pamamagitan ng Espiritu Santo ang mga gawa ng laman, mabubuhay kayo. Ang lahat ng pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay mga anak ng Diyos. Sapagkat hindi kayo tumanggap ng espiritu ng pagkaalipin upang muling matakot. Ang tinanggap ninyo ay espiritu ng pagiging anak, at ito ang nagbibigay sa atin ng karapatang tumawag ng “Ama! Ama ko!” Ang Espiritu nga ang nagpapatotoo, kasama ng ating espiritu, na tayo’y mga anak ng Diyos. At yamang mga anak, tayo’y mga tagapagmana ng Diyos at kasamang tagapagmana ni Kristo. Sapagkat kung tayo’y nakikipagtiis sa kanya, tayo’y dadakilain ding kasama niya.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 67, 2 at 4. 6-7ab. 20-21

Ang ating Panginoong D’yos
gawa’y magligtas na lubos.

O mag-alsa sana ang Diyos, ang kaaway pakalatin,
at ang mga namumuhi’y tumakas sa kanyang piling!
Ang lahat ay nagagalak, natutuwa ang matuwid;
sa harapan nitong Diyos, galak nila’y di malirip.

Ang ating Panginoong D’yos
gawa’y magligtas na lubos.

Ang Diyos na naroon sa tahanan niyang templo,
tumitingin sa ulila’t sanggalang ng mga balo.
May tahanan siyang laan sa sinumang nalulungkot,
ang bilanggo’y hinahango upang sila ay malugod.

Ang ating Panginoong D’yos
gawa’y magligtas na lubos.

Purihin ang Panginoon, ang Diyos nating nagliligtas
at may dala araw-araw, ng pasanin nating hawak.
Ang ating Diyos ay isang Diyos na ang gawa ay magligtas,
ang Diyos ang Panginoon, Panginoon nating lahat!
Sa bingit ng kamataya’y hinahango tayo agad.

Ang ating Panginoong D’yos
gawa’y magligtas na lubos.

ALELUYA
Juan 17, 17b. a

Aleluya! Aleluya!
Amang D’yos ni Hesukristo,
ang salita mo’y totoo
kami ay pabanalin mo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 13, 10-17

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, si Hesus ay nagtuturo sa isang sinagoga sa Araw ng Pamamahinga. May isang babae roon na labingwalong taon nang may karamdaman, gawa ng masamang espiritung nasa kanya. Siya’y hukot na hukot at hindi na makaunat. Nang makita ni Hesus ang babae, tinawag niya ito at sinabi, “Magaling ka na sa iyong karamdaman!” At ipinatong ni Hesus and kanyang mga kamay sa babae; noon di’y nakaunat ito at nagpuri sa Diyos. Ngunit nagalit ang tagapamahala ng sinagoga sapagkat nagpagaling si Hesus sa Araw ng Pamamahinga. Kaya’t sinabi niya sa mga tao, “May anim na araw na inilaan upang ipagtrabaho. Pumarito kayo sa mga araw na iyan upang magpagaling, at huwag sa Araw ng Pamamahinga.” Sinagot siya ng Panginoon, “Mga mapagpaimbabaw! Hindi ba’t kinakalag ninyo sa sabsaban ang inyong baka o a**o at dinadala sa painuman kahit Araw ng Pamamahinga? Ang babaing ito na mula sa lipi ni Abraham ay ginapos ni Satanas sa loob ng labingwalong taon. Hindi ba dapat na siya’y kalagan kahit na Araw ng Pamamahinga?” Napahiya ang lahat ng kalaban ni Hesus sa sagot niyang ito; at nagalak naman ang madla sa mga kahanga-hangang bagay na ginawa niya.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Higit nating nauunawaan ang ating pangangailangan sa Diyos habang mas nakikilala natin siya nang lubos. Mulat sa ating kakulangan, manalangin tayo sa ating pangangailangan sa Diyos Ama.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Palayain mo kami sa aming mga kahinaan, O Panginoon.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y ibahagi nang buo ang kanilang buhay sa paglilingkod kay Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y maging bukas ang puso at makawala tayo sa ating pagkamakasarili upang sikapin nating iabot ang kamay natin sa ating kapwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang makita ang mukha ni Kristo sa mga dukha at naghihirap, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at yaong may mga suliranin nawa’y mabigyang aliw at kasiyahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y mabuhay magpakailanman sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, itinataas namin sa iyong pagkalinga ang aming mga intensyon. Pakinggan mo ang aming mapagkumbabang panalangin at gawin mo kaming mga lingkod mo na tulad ni Jesus na nakaririnig sa hinaing ng mga nangangailangan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.🙏

24/10/2021

Oktubre 25 2021
Lunes ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
Roma 8, 12-17

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Mga kapatid, hindi na tayo alipin ng likas na hilig ng laman, kaya hindi na tayo dapat mamuhay ayon sa laman. Sapagkat mamamatay kayo kung namumuhay kayo sa laman ngunit kung pinapatay ninyo sa pamamagitan ng Espiritu Santo ang mga gawa ng laman, mabubuhay kayo. Ang lahat ng pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay mga anak ng Diyos. Sapagkat hindi kayo tumanggap ng espiritu ng pagkaalipin upang muling matakot. Ang tinanggap ninyo ay espiritu ng pagiging anak, at ito ang nagbibigay sa atin ng karapatang tumawag ng “Ama! Ama ko!” Ang Espiritu nga ang nagpapatotoo, kasama ng ating espiritu, na tayo’y mga anak ng Diyos. At yamang mga anak, tayo’y mga tagapagmana ng Diyos at kasamang tagapagmana ni Kristo. Sapagkat kung tayo’y nakikipagtiis sa kanya, tayo’y dadakilain ding kasama niya.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 67, 2 at 4. 6-7ab. 20-21

Tugon: Ang ating Panginoong D’yos gawa’y magligtas na lubos.

O mag-alsa sana ang Diyos, ang kaaway pakalatin,
at ang mga namumuhi’y tumakas sa kanyang piling!
Ang lahat ay nagagalak, natutuwa ang matuwid;
sa harapan nitong Diyos, galak nila’y di malirip.

Tugon: Ang ating Panginoong D’yos gawa’y magligtas na lubos.

Ang Diyos na naroon sa tahanan niyang templo,
tumitingin sa ulila’t sanggalang ng mga balo.
May tahanan siyang laan sa sinumang nalulungkot,
ang bilanggo’y hinahango upang sila ay malugod.

Tugon: Ang ating Panginoong D’yos gawa’y magligtas na lubos.

Purihin ang Panginoon, ang Diyos nating nagliligtas
at may dala araw-araw, ng pasanin nating hawak.
Ang ating Diyos ay isang Diyos na ang gawa ay magligtas,
ang Diyos ang Panginoon, Panginoon nating lahat!
Sa bingit ng kamataya’y hinahango tayo agad.

Tugon: Ang ating Panginoong D’yos gawa’y magligtas na lubos.

ALELUYA
Juan 17, 17b. a

Aleluya! Aleluya!
Amang D’yos ni Hesukristo,
ang salita mo’y totoo
kami ay pabanalin mo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 13, 10-17

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, si Hesus ay nagtuturo sa isang sinagoga sa Araw ng Pamamahinga. May isang babae roon na labingwalong taon nang may karamdaman, gawa ng masamang espiritung nasa kanya. Siya’y hukot na hukot at hindi na makaunat. Nang makita ni Hesus ang babae, tinawag niya ito at sinabi, “Magaling ka na sa iyong karamdaman!” At ipinatong ni Hesus and kanyang mga kamay sa babae; noon di’y nakaunat ito at nagpuri sa Diyos. Ngunit nagalit ang tagapamahala ng sinagoga sapagkat nagpagaling si Hesus sa Araw ng Pamamahinga. Kaya’t sinabi niya sa mga tao, “May anim na araw na inilaan upang ipagtrabaho. Pumarito kayo sa mga araw na iyan upang magpagaling, at huwag sa Araw ng Pamamahinga.” Sinagot siya ng Panginoon, “Mga mapagpaimbabaw! Hindi ba’t kinakalag ninyo sa sabsaban ang inyong baka o a**o at dinadala sa painuman kahit Araw ng Pamamahinga? Ang babaing ito na mula sa lipi ni Abraham ay ginapos ni Satanas sa loob ng labingwalong taon. Hindi ba dapat na siya’y kalagan kahit na Araw ng Pamamahinga?” Napahiya ang lahat ng kalaban ni Hesus sa sagot niyang ito; at nagalak naman ang madla sa mga kahanga-hangang bagay na ginawa niya.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

23/10/2021

MGA PAGBASA— LINGGO OKTUBRE 24, 2021

Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (B)

Thirtieth Sunday in Ordinary Time (Green)
World Mission Sunday
Prison Awareness Sunday

UNANG PAGBASA
Jeremias 31, 7-9

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias

Ito ang sinasabi ng Panginoon:
“Umawit kayo sa kagalakan alang-alang kay Jacob,
ipagbunyi ninyo ang pinakadakilang bansa;
magpuri kayo at inyong ipahayag na iniligtas ng Panginoon ang kanyang bayan, ang mga nalabi sa Israel.
Narito, sila’y ibabalik ko mula sa hilaga;
titipunin ko sila mula sa mga sulok ng sanlibutan,
kasama ang mga bulag at mga pilay, ang mga inang may pasusuhin,
pati yaong malapit nang manganak; sila’y talagang napakarami!
Uuwi silang nag-iiyakan habang daan, nananalangin samantalang inaakay ko.
Dadalhin ko sila sa mga bukal ng tubig, pararaanin sa maayos na landas upang hindi sila madapa.
Pagkat ang Israel ay para kong anak, at si Efraim ang aking panganay.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 125, 1-2ab. 2kd-3. 4-5. 6

Gawa ng D’yos ay dakila
kaya tayo’y natutuwa.

Nang lingapin tayo ng Diyos at sa Sion ay ibalik,
ang nangyaring kasaysaya’y parang isang panaginip.
Lahat tayo ay natuwa, masasayang nagsiawit.

Gawa ng D’yos ay dakila
kaya tayo’y natutuwa.

Ang sabi ng mga bansang nagmamasid sa paligid,
“Ang ginawa ng Diyos nila ay dakila, anong rikit!”
Dakila ngang masasabi, pambihira ang ginawa,
kaya naman kami ngayon, kagalaka’y di kawasa!

Gawa ng D’yos ay dakila
kaya tayo’y natutuwa.

Kung paanong inuulan yaong mga tuyong batis,
sa sariling bayan namin, kami, P**n, ay ibalik.
Silang mga nagbubukid na nagtanim na may luha,
bayaan mo na mag-aning masasaya’t natutuwa.

Gawa ng D’yos ay dakila
kaya tayo’y natutuwa.

Yaong mga nagsihayong dala’y binhi’t nananangis,
ay aawit na may galak, dala’y ani pagbalik!

Gawa ng D’yos ay dakila
kaya tayo’y natutuwa.

IKALAWANG PAGBASA
Hebreo 5, 1-6

Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo

Ang bawat dakilang saserdote’y pinili sa mga tao at itinalagang maglingkod sa Diyos para sa kanila upang maghandog ng mga kaloob at mga hain dahil sa mga kasalanan. Mahinahon niyang napapakitunguhan ang mga mangmang at naliligaw ng landas, sapagkat siya’y mahina rin. At dahil sa kanyang kahinaan, kinakailangang siya’y maghandog ng hain, hindi lamang para sa kasalanan ng mga tao kundi para sa kasalanan din niya. Ang karangalan ng pagiging dakilang saserdote ay hindi maaaring kamtan ninuman sa kanyang sariling kagustuhan. Ang Diyos ang humihirang sa kanya, tulad ng pagkahirang kay Aaron.

Gayun din naman, hindi si Kristo ang nagtaas ng kanyang sarili sa pagiging dakilang saserdote. Siya’y hinirang ng Diyos na nagsabi sa kanya,
“Ikaw ang aking Anak,
Ako ang iyong Ama.”
Sinasabi rin niya sa ibang bahagi ng Kasulatan,
“Ikaw ay saserdote magpakailanman
Ayon sa pagkasaserdote ni Melkisedec.”

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
2 Timoteo 1, 10

Aleluya! Aleluya!
Si Kristo ay nagtagumpay
nalupig ang kamatayan
nagningning ang pagkabuhay.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 10, 46-52

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, dumating si Hesus sa Jerico, kasama ang kanyang mga alagad at marami pang iba. Nang umaalis na sila roon, may naraanan silang isang bulag na nakaupo sa tabi ng daan at namamalimos. Siya’y si Bartimeo, anak ni Timeo. Nang marinig niyang naroon si Hesus na taga-Nazaret, sumigaw siya ng ganito: “Hesus, Anak ni David, mahabag po kayo sa akin!” Pinagsabihan siya ng mga tao at pinatatahimik, ngunit lalo pa siyang nagsisigaw, “Anak ni David, mahabag po kayo sa akin!” Tumigil si Hesus at kanyang sinabi, “Tawagin ninyo siya.” At tinawag nga nila ang bulag. “Lakasan mo ang iyong loob,” sabi nila. “Tumindig ka. Ipinatatawag ka niya.” Iniwaksi niya ang kanyang balabal, paluksong tumayo at lumapit kay Hesus. “Ano ang ibig mong gawin ko sa iyo?” tanong sa kanya ni Hesus. Sumagot ang bulag, “G**o ibig ko po sanang makakita.” Sinabi ni Hesus, “Humayo ka; magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Noon di’y nakakita siya, at sumunod kay Hesus.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Patnubay sa Misa
Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (B)

Sa pagdiriwang natin sa Linggo ng Misyong Pandaigdig, alalahanin natin ang lahat ng ating kapatid sa mga misyon, at ipahayag natin ang ating pakikiisa sa kanila sa pamamagitan ng ating mga tapat na kahilingan. Maging tugon nati’y:

Amang butihin at mapangalaga, dinggin Mo ang Iyong mga anak!

Para sa Simbahang Katolika at mga namumuno rito: Nawa huwag nilang pabayaan ang kanilang bokasyon na mangaral ng Ebanghelyo sa lahat ng bansa. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng misyonero: Nawa gantimpalaan ng Panginoon ang kanilang dedikasyon sa paghahatid ng liwanag ng Mabuting Balita sa lahat sa pama- magitan ng maraming pagpapaniwala sa Diyos at pagpupunyagi sa mabuting gawa. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng mga pinuno ng ating pamahalaan: Nawa matanto nila na kasama ng kapangyarihan ang responsibilidad na maglingkod sa bayan nang buong katapatan, kalinisan, at dedikasyon. Manalangin tayo!

Para sa ating parokya: Nawa tayo’ y maging isang tunay na mapag-arugang sambayanan na handang magbigay-saksi sa pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng pakikibahagi ng ating nampalataya at pagtulong sa ating kapwa. Manalangin tayo!

Para sa ating lahat: Nawa huwag tayong maghangad ng katungkulan upang magtamo ng karangalan, kundi upang higit na makapaglingkod sa ating mga kapatid nang buong kababaang-loob at pagkabukas- palad. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga pansariling kahilingan. (Tumigil saglit.) Manalangin tayo!

Panginoong Diyos, nawa palakasin ng Iyong biyaya ang aming mga misyonero, aliwin sila sa kanilang pagdadalamhati, at magbunga nawa ng kaligtasan ang kanilang mga pagsisikap para sa lahat. Isinasamo namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen 🙏

23/10/2021

October 31, November 1 and November 2 are SACRED days, not SCARED days. Let us observe the holy season solemnly and peacefully.

23/10/2021

Marcos 10, 46-52.. ""Ano ang ibig mong gawin ko sa iyo?" tanong sa kanya ni Hesus. Sumagot ang bulag, "G**o, ibig ko po sanang makakita." Sinabi ni Hesus, "Humayo ka; magaling ka na dahil sa iyong pananalig." Noon di'y nakakita siya, at sumunod kay Hesus."

Beloved sweetest Lord Jesus, aming "Luminous Cross of Grace," walang hanggang pagsamba't pasasalamat, parangal at pagmamahal po sa Iyo, sa Diyos Ama at Espiritu Santo! (Efeso 2 4-10... "Napakasagana ng habag ng Diyos at napakadakila ang pag-ibig na iniukol niya sa atin.") Batid Mo pong ang buong mundo, aming bansa't Simbahan ay nasa gitna ng kasamaa't kadiliman, pataya't kaharasan, bakterya't virus, delubyo't salot, peste't kalamidad; kahirapa't karamdaman, korapsyon at adiksyon, pangamba't kapighatian, pagkalito't pagtatalo-talo, pagdurusa't kabiguan, kawalang pag-asa't kapahamakan! Talagang panahon na ng pagkawasak at pagkagunaw. Hindi dahil sa kami'y Iyo pong pinabayaa't pinarusahan! Kundi dahil na rin po sa aming kasalanan at kabuktutan. Hinayaan po naming alipinin kami ni Satanas at kanyang kampon. Pinili po namin ang mga karumal-dumal na kultura ng laman - makamundong bagay: "live-in, divorce, abortion, same s*x marriage, po*******hy, fake news, s*x trafficking and tourism, materialism, commercialism; atheism, terrorism, invasion, colonization, war, narcissism, hedonism, euthanasia, artificial intelligence, nuclear race, modern gadgets' addiction, rebellion, vices,".. Kasama na po ang katakawan namin sa diyos-diyosang pulitika't oligarkiya, kapangyariha't kasikatan, bulok na sistema't istraktura, bisyo't sindikato. Kami po'y buong kababaang-loob na nagsisisi't nagbabalik-loob sa Iyo. Tibagin Mo po ng daglian at lubusan ang mga kasamaang ito. Ikaw po ang aming Liwanag at Kapayapaan, Pagmamahal at Kaligayahan. Iligtas Mo po kami bilang Simbahan ng mga Dukha alang-alang po sa mga nasalanta't walang-wala. Salamat po Sweetest Lord, we love You forever! Ikaw lang po ang aming tunay na pag-asa't kaligtasan! Amen! Aleluya! Amen!





Address

Sitio Bundok Brgy. Walay
Padre Burgos

Telephone

+639154091058

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sta. Rita De Cascia Parish, Walay, Padre, Burgos posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Sta. Rita De Cascia Parish, Walay, Padre, Burgos:

Share