11/05/2026
Maraming salamat, Sem. Brian Earl P. Ramilo at Sem. Sammie Perri E. Mananquil.
Sa maikling panahon ng inyong pananatili sa Parokya ng Banal na Krus, hindi lamang serbisyo ang inyong iniwan kundi mga alaala at pagmamahal na mananatili sa puso ng bawat isa.
Taos-pusong pasasalamat ang ipinapaabot ng buong Parokya ng Banal na Krus, sa pangunguna ni Rev. Fr. Jude Paquito S. Moreno, sa inyong walang sawang paglilingkod at taimtim na paggabay, lalo na sa mga kabataan ng aming parokya. Sa simpleng paraan ng inyong pakikisalamuha, pangungumusta, pakikinig, at pagbabahagi ng inyong pananampalataya, marami kayong pusong naantig at buhay na nabigyang inspirasyon upang higit pang mapalapit sa Diyos.
Hindi madali ang pamamaalam, sapagkat naging bahagi na kayo ng aming tahanan, pananampalataya, at buhay sa simbahan. Bagamat matatapos man ang inyong misyon dito sa aming parokya, habang buhay naman kayong mananatiling bahagi ng aming mga alaala at panalangin. Maraming salamat, Brothers. Nawaโy patuloy kayong gabayan ng Diyos sa landas na inyong tatahakin. ๐คโ๏ธ
โ๐ผ: Dannise T. Eroles