30/08/2026
HOMILY TRANSCRIPT | DON’T SKIP THE CROSS
Fr. Jomar Burgos Parish Priest of St. Peter the Apostle Parish, Manila
Aug. 30, 2026 22nd Sunday in Ordinary Time
HOMILY LINK: https://youtu.be/lOHZLOBDWi4
Magandang umaga sa ating lahat. Siguro magsimula ako sa isang tanong. Sa isang araw, gaano katagal tayo gumagamit ng cellphone? Gaano katagal ka nakatitig sa screen ng iyong cellphone? At habang gumagamit ka ng cellphone, gaano kadalas ka nag-i-skip, nag-mu-mute, nagba-block, o nag-a-unsubscribe? Diba madali nating gawin yan. We have the control over our cell phone. Kapag di natin gusto yung content, skip na yan. Kapag ka nakaka-inis, i-mu-mute natin yan. Kapagka ayaw natin sa isang tao, i-a-unfollow ko yan. At kapag ka hindi na nakakatuwa, i-a-unsubscribe ko yan.
And my dear friends who live in a world where we can customize practically everything according to our preferences. Diba? Kaya nating gawin yan ngayon kahit sa mga plans, sa mga cellphone, o sa mga communications. Kaya nating mag-customize depending on our own need. And sometimes, kapag hindi natin napapansin, we begin to treat our faith the same way. Ganon din yung ginagawa natin sa pananampalataya natin. Minsan gusto natin si Jesus kapag madali yung sinasabi niya at gusto natin yung sinasabi niya.
When the Lord tells us, Do not be afraid, ayan, gusto ko yan. When the Lord tells us, I will be with you, yan, gusto natin yan. When the Lord tells us, Ask and you shall receive, yan, gusto-gusto natin yan. Pero kapag medyo challenging na yung sinasabi ni Jesus, medyo reactive tayong konti. Pag sinabi niyang, Love your enemies, anong sagot ninyo? Kapag sinabi niyang, Forgive seventy times seven, oops! O pag sinabi niyang, Sell your belongings and give it to the poor, ano ang reply natin? Minsan gusto nating sabihin, Lord, wait lang, pwede bang skip muna yung part na yan?
But our faith is not like that. Jesus does not offer us a faith that is always convenient. Hindi siya nagbibigay o nag-o-offer ng pananampalataya na laging maginhawa. That is why in our gospel reading today, Jesus reminds us. Sabi niya, Kung ibig ninyong sumunod sa akin, limutin ang ukol sa kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin.
Tatlong bagay: deny yourself, carry your cross, and follow me. Tandaan natin, hindi niya sinabi, Kung gusto ninyong sumunod sa akin, piliin nyo lang kung ano yung gusto ninyong piliin o sundin sa sinasabi ko. Hindi niya sinabi ganoon. Hindi niya rin sinabi, Sumunod lang kayo kapag ka madali ang buhay at walang problema. Rather, he takes us, carry your cross. Walang condition.
My dear friends, Christianity is not simply about receiving blessings from God. Also, Christianity is about the willingness to give something. And what is that? To give love even when it is difficult. Kahit mahirap. And that is where the cross becomes real. Ipinakita ni Jesus yung pagmamahal kahit sa krus. Hindi madali. Kahit mahirap. And so, madalas natin maririnig, meron tayong krus na pinapasan sa buhay araw-araw. Ito yung krus natin. Sinasabi natin. And usually kapag binanggit yung krus, iniisip natin, ito yung mga hirap na dinadanas natin sa buhay. Partly, that's true. Kapag ka mataas yung bilihin, sabihin ng nanay, Ah, krus ko yan ngayon. Kapag mataas yung gasolina, presyo ng gasolina, Ah, krus yan ng mga motorista. Kapag ka may baha, krus yan, kaya hindi ako nakadating kagabi, ang taas ng tubig sa dadaanan, krus ko yun kagabi.
And pag sinabi, Ang hirap ng kasambahay ko, ang hirap ng mga kaibigan ko, yan yung krus natin araw-araw.
Yes, my dear friends, these can certainly become crosses. But Jesus is also talking about something deeper. May mas malalim siyang sinasabi. At ano yun? The cross is not only what happens to us. Hindi lang yun kung anong mabigat o mahirap na nangyayari sa atin. Because the cross is also what we choose to carry because we love. Yung mga krus natin, yan yung mga pinipili nating buhatin kasi umiibig o nagmamahal tayo. Kaya ang sinabi ni Jesus, take up your cross, merong choice na involved doon. Pwede oo, pwede hindi. Hindi natin bubuhatin kasi pinapabuhat to sa akin. Pero pipiliin kong buhatin to kasi nagmamahal ako. Di ba ganyan yung taong nagmamahal? Diba? Naglalaro kayo lagi diyan, ano nilalaro ninyo ML ba? Naririnig ko yung mga... eto, pabuhat talaga to. Di ba? Pero bakit sinasali niyo pa rin sa game niyo? Kasi mahal yung kaibigan nyo. Kahit pabuhat siya palagi, makikipaglaro pa rin kayo. And so my dear friends, there are moments when it would be easier to walk away, to shout at people, to give up, or to simply say bahala ka na, suko na ako. But instead, you choose patience. Pinipili n'yong maging pasensyoso. And that is embracing your cross. That is carrying your cross.
Minsan di ba yung magulang natin, pagod na sa trabaho, pag-uwi sa bahay magluluto, maglilinis, aasikasuhin yung mga anak. Yun yung krus nila. Pero willing nilang buhatin yung mga krus na yun. Kung meron kang isang magulang na medyo may edad o may sakit, inaalagaan mo, galing ka sa trabaho, wala ka nang magawa, aasikasuhin mo, hindi ka makagimik kasama ng mga kaibigan mo, kasi binabantayan mo at inaasikaso. That is your cross. But a kind of cross that you willingly carry. Na gusto naman nating buhatin, pero kung titingnan natin, these actions are not really heroic. They are not even dramatic. Wala naman camera. Walang pumapalapak sa atin. Walang award. But sometimes, the greatest crosses are found not in dramatic moments but in ordinary moments when we choose love over convenience. Mas pinipili mong kahit hindi masyadong maginhawa kasi nagmamahal ako, pipiliin ko pa rin ito.
And perhaps, one of the most difficult crosses today is learning when not to react. Ito yung isa sa madaling makita natin, ang bilis mag-react ng mga tao. Pag may narinig kang hindi maganda, sasagot ka agad yan. At sa mga kabataan tulad ninyo, di ba? Asan kayo magaling mag-react? Online. Magaling mag-reply. Magaling minsan tayong sumagot or even magparinig. Mag-post ng cryptic posts. Minsan may nakikita tayong post na nakaka-inis. Minsan may comment na hindi naman totoo. Minsan may naninira sa atin, may nagba-bash sa atin. And immediately, ano ang pakiramdam natin? nangangati na yung daliri natin. Kailangan replyan ko yan. Kating-kati yung daliri.
But my dear friends, sometimes the Christian response is not to reply at all. Sometimes the cross is the difficult decision na iniisip natin. Pwede ko naman siyang barahin, pero hindi ko siya babarahin. Pwede ko naman siyang ipahiya, pero hindi ko siya ipapahiya. Pwede ko naman siyang patulan. Pero pipilitin kong manahimik.
And that, my friends, is called self-denial. Hindi dahil mahina tayo but because we love God more than we love winning an argument. Kaya ito yung paalala sa atin. Perhaps this is a challenge of today's gospel: do not unsubscribe from Jesus when discipleship becomes difficult. May mga taong ganyan. Madaling mag-unsubscribe sa Diyos. Lord, di mo naman binibigay yung hinihiling ko. Lord, ba't di pa rin ako gumagaling? Lord, ba't wala pa rin akong boyfriend o girlfriend? Lord, ba't bumabagsak pa rin ako kahit na nag-aaral ako? Unsubscribe. Yes, wala tayong pinipindot na button, pero lumalayo tayo. We unfollow God.
Let us not follow Jesus only when he gives us what we want. Kapag ka kasi binibigay yung gusto natin, ang dali sumunod. Let us not follow Jesus kapag ka lang may blessing. Huwag lang kapag answered prayer. Huwag lang kapag masaya o payapa yung buhay. Because there will be moments when following Jesus entails sacrifices. Kaya nga bilib ako sa mga nanglilingkod sa simbahan, pagkatapos sa klase, maglilingkod pa sa simbahan. Napuyat kagabi, magsisimba pa rin kinabukasan. It entails sacrifices. It entails commitment.
But let us remember, ang paalala at pangako ni Jesus: Whoever loses his life for my sake will find it. 'Di ba? Mahahanap natin kahit pinapractice natin yung self-denial. So the world tells us, Preserve yourself, but Jesus tells us, Give yourself. The world tells us, Be comfortable in life, but Jesus tells us, Take up your cross. The Lord tells us, Unsubscribe when it becomes difficult, but Jesus reminds us, Remain with me and follow me.
And so this week, what is your invitation? Kapag kami sumusubok sa pasensya nyo, kapag ka natatempt kayong gumanti, kapag ka mahirap magpatawad, at kapag ka yung paggawa ng mabuti ay napakahirap din gawin, do not look for the unsubscribe button. Instead, pause for a while. Hanapin na lang yung embrace na emoji, yung heart na emoji. Pause, take a breath, and let us tell the Lord, Lord, this is my cross today. I may not like it, but I choose to carry it. Please grant me the strength to carry it with love. Sana po bigyan tayo ng lakas ng Diyos buhatin ang ating kanya-kanyang cross. Hindi dahil napipilitan tayo, kundi dahil nagmamahal tayo. Amen.