28/05/2026
Spoken Poetry
“Pag-ibig na Dakila
📝MAKINIG2X
MAY GUSTO KAMING IPARINIG
ITOY TUNGKOL SA PAG_IBIG
Sa krus ng pag-ibig, doon nagsimula ang himala,
Sakripisyo ni Kristo, handog Niya’y dakila.
Hindi Niya hinintay na ako’y maging karapat-dapat pa,
Sa gitna ng dilim ko, liwanag Niya’y dala.
Hindi Niya sinukat ang bigat ng aking pagkakasala,
Pag-ibig ang pinili Niya, ako’y Kanyang pinatawad na kusa.
Sa bawat pagluha, sa bawat sugat ng kaluluwa,
Nariyan Siya lagi, umaakay na may pag-asa.
Mga latay sa likod, tanda ng hirap at pagdurusa,
Sakit na tiniis Niya, upang ako’y mapalaya.
Koronang tinik, sa ulo Niya’y ipinatong na tila sumpa,
Hari ng langit, nagpakumbaba para sa madla.
Dugo’y umagos, parang ilog ng biyaya,
Bawat patak nito, naghugas ng sala.
Mga pako sa kamay, hapdi’y hindi maikakaila,
Ngunit pag-ibig Niya, higit sa sakit na nadarama.
Sa krus Siya’y itinaas, nakita ng sanlibutan na Siya’y totoo at dakila,
Upang iligtas tayo, inalay Niya ang buhay na kusa.
Habang Siya’y nasasaktan, ako’y Kanyang iniisip pa,
Pag-ibig na walang hanggan, hindi kailanman mawawala.
Sigaw na “Tapos na!” umalingawngaw na may hiwaga,
Hindi iyon wakas, kundi simula ng pag-asa.
Sa Kanyang pagkamatay, may bagong buhay na handa,
Pag-asa’y sumibol, liwanag ay sumikat na tila umaga
Libingan ay nabuksan, tagumpay ay nadama,
Muling nabuhay Siya—patunay ng Kanyang dakila.
Kamatayan ay natalo, kasalanan ay nagiba,
Sa Kanyang pagbangon, kalayaan ay sumikla
Pag-ibig Niya’y walang hanggan, hindi kayang masukat pa,
Sa krus Niya pinatunayan—ako’y mahalaga.
Kaya ako’y sasagot, buhay ko’y iaalay ko na,
Susunod at maglilingkod, para sa Kanya habambuhay na.
TAPOS NA! TAPOS NA!
HALINA'T HUMAYO AT MAGLINGKOD NG TAPAT SA KANYA!