Tambag Bisaya Dawah

Tambag Bisaya Dawah Be creative, be responsible, be honest, be respectful and love everyone.
(2)

11/08/2023

Isang babae ang nagtanong kay M***i isang scholar: Ano ang dapat kong gawin sa aking mga anak upang magising sila para sa Fajr (madaling araw na pag darasal) dahil sa kanilang mahimbing na pagtulog?

Sabi niya "Ano ang gagawin mo kung may sunog sa bahay at natutulog sila?

Sabi niya: Gigisingin ko sila.

Ang M***i ay nagsabi: Ngunit doon ay mahimbing ang pagtulog nila.

Ang babae ay nagsabi: Sa pamamagitan ng Allah ay gigisingin ko sila o kaladkarin sila sa kanilang mga leeg.

Pagkatapos ay sinabi sa kanya: Kung ito ang iyong gagawin upang iligtas sila mula sa apoy ng Duniya
(Mundo) ay ito rin gawin mo upang iligtas sila mula sa naglalagablab na apoy ng Impiyerno.

English

Isang babae ang nagtanong kay M***i: Ano ang dapat kong gawin sa aking mga anak upang magising sila para sa Fajr dahil sa kanilang mahimbing na pagtulog?

Sabi niya "Ano ang gagawin mo kung may sunog sa bahay at natutulog sila?

Sabi niya: Gigisingin ko sila.

Ang M***i ay nagsabi: Ngunit doon ay mabigat ang pagtulog.

Ang babae ay nagsabi: Sa pamamagitan ng Allah ay gigisingin ko sila o kaladkarin sila sa kanilang mga leeg.

Pagkatapos ay sinabi sa kanya: Kung ito ang iyong gagawin upang iligtas sila mula sa apoy ng Duniya pagkatapos ay gawin din ito upang iligtas sila mula sa naglalagablab na apoy ng JannamahA woman asked M***i: What should I do to my kids to wake them up for Fajr due to their heavy sleep?

He said "What will you do if there's a fire in the house and they are sleeping?

She said: I will wake them up.

The M***i said: But there sleep is heavy.

The woman said: By Allah I will wake them up or drag them by their necks.

Then he is said : If this is what you are going to do to save them from the fire of the Duniya then do the same to save them from the blazing fire of the Jahannam

11/08/2023

Hindi mo ba na aalala ang ginawa mo……❗️❗️❗️ sinabi ni Alhasan Albasri kaawaan siya ni Allah :
“Sinuman ang mamahiya ng kanyang kapatid sa kasalanan na kanyang pinagsisihan na ( pinag tawbahan ) susubuhan siya ni Allah sa kasalanan na yun”
Kaya Huwag ng babalikan ang mga kasalanan ng iba Kapag nag tawbah na at nag sisi,kung hindi baka bumalik sa iyo ang iyong sinasabi kung paano ka nangutang siya din ang uutangin sa iyo kung ano ang ginawa mo gagawin din sa iyo.

22/03/2023
22/03/2023

IPINAHINTULOT SA KANILA NA HINDI MAG-AYUNO!!

Kabilang sa kaluwagan na ipinagkaloob ni Allâh sa Kanyang alipin ay hindi Niya ito pinag-utusang mag-ayuno maliban lamang sila na may kakayahang mag-ayuno.

Kaya, ipinahintulot sa batas ng Islam na hindi mag-ayuno ang taong walang kakayahan at sa mga kadilanan na sinang-ayunan ng batas ng Islam.

MGA KADAHILANAN NA IPINAHINTULOT SA TAO NA HINDI PAG-AAYUNO;

1. MGA BUNTIS AT NAGPAPASUSO

Ang mga Pantas ay nagkaisa na ang buntis at nagpapasuso ay ipinahintulot sa kanila na hindi mag-ayuno sa kundisyon na sila ay nangangamba kung sila ay mag-ayuno ay maaaring makapinsala sa kanila, sa kanilang kalusugan, sa kanilang ipinagbubuntis o sa sanggol na kanilang pinapasuso.

Naiulat mula kay Anas Bin Mallik Alka’abie na ang Sugo ni Allâh (ﷺ) ay nagsabi: ❝Katunayan binigyan ni Allâh ng kaluwagan sila na manlalakbay ng pagpapaliban ng ayuno at pinahintulutan silang paikliin ang kanilang Salah “Qasar” at gayundin sila na nagdadalang-tao at nagpapasuso na ipagpaliban ang ayuno.❞ Naiulat ng limang Imam sa Hadith at ito ay Hadith authentic ayon kay Albani sa aklat ni Abu Dawud

عن أنس بن مالك الكعبي أن رسول الله ﷺ قال : ❞ إن الله وضع عن المسافر الصوم وشطر الصلاة ، وعن الحبلى والمرضع الصوم ❝ رواه الخمسة والألباني في صحيح سنن أبي داود 2083

2. NAGLALAKBAY

Pinahintulutan lamang ang manlalakbay na hindi mag-ayuno kapag ang kanyang paglalakbay ay;

A. Malayong paglalakbay na pinahitulutang magsagawa ng Qasr “pagpaikli ng dasal”

B. Hindi hangad ng paglalakbay na manatili ng mahabang panahon upang makaiwas sa pag-aayuno maliban lamang kung kinakailangan.

C. Ang kanyang paglalakbay ay hindi sa gawaing masama, dahil ang pagpapahintulot na ito ay bilang kaluwagan sa kanila na gumagawa ng kabutihan at hindi para sa sumusuway kay Allâh.

3. MAY KARAMDAMAN (SAKIT)

Sinabi ni Ibn Quddama: ❝Nagkaisa ang lahat ng Pantas sa Islam na ang taong may karamdaman ay pinahintulutang huwag mag-ayuno.❞

Sinabi ni Allâh : ﴾At kung sinuman sa inyo ang may sakit “karamdaman” o naglalakbay, ay bilangin ang mga takdang araw “na hindi napag-ayunuhan” at ito ay bayaran “palitan” sa mga darating na panahon.﴿ Sûratul Baqarah, Âyah 184 | Qur’an 2:184

قول الله عز وجل : ﴿ فَمَن كَانَ مِنكُم مَّرِيضًا أَوْ عَلَىٰ سَفَرٍ فَعِدَّةٌ مِّنْ أَيَّامٍ أُخَرَ ۚ ﴾ سورة البقرة ، رقم الآية ١٨٤

Ang simpling karamdaman katulad ng sipon o kahalintulad nito ay hindi po kabilang sa pinahintulutang hindi mag-ayuno.

Sila na may karamdaman na kung sila ay mag-aayuno ay maaaring makapinsala sa kanilang kalusugan, magpatagal sa kanilang paggaling o lalong lulubha ang kanilang karamdaman, sa ganitong kalagayan ay pinahintulutan silang hindi mag-ayuno bagkus mas mainam na sila ay hindi mag-ayuno para iwas sa kapahamakan o kapinsalaan.

Sila na may maintenance na iniinom na gamot ay maaaring kunsultahin ang inyong mga Doktor sa inyong pag-ayuno.

4. MGA MATATANDANG WALANG KAKAYAHANG MAG-AYUNO

Sinabi ni Allâh: ﴾At sila na walang kakayahang mag-ayuno (matatanda), sila ay magbigay ng FIDYAH” sa pamamgitan ng pagpapakain sa mahirap.﴿ Sûratul Baqarah, Âyah 184 | Qur’an 2:184

قوله تعالى : ﴿ وَعَلَى الَّذِينَ يُطِيقُونَهُ فِدْيَةٌ طَعَامُ مِسْكِينٍ ﴾ سورة البقرة ، رقم الآية ١٨٤

5. SILA NA NAKAKARANAS NG MATINDING UHAW O GUTOM

Sinuman ang makaramdam ng matinding uhaw o gutom na maaaring makapinsala sa kanila ang nasabing gutom o uhaw o maaaring makapanghina sa kanila katulad ng nakikibaka sa landas ni Allâh sa ganitong kalagayan sila ay pinahintulutang sirain ang kanilang ayuno at kanilang papalitan lamang ito pagkatapos ng Ramadhan.

Kapag naramdaman ng nakikibaka sa landas ni Allâh ang panghihina higit sa lahat sa panahon ng labanan ay ipinahintulot sa kanila na sirain ang kanilang ayuno.

6. ANG PAGDURUGO SANHI NG REGLA AT PANGANGANAK

Nagkaisa ang lahat ng mga Ulama (pantas) na hindi obligado sa kanila na mga babaeng may regla o bagong panganak na mag-ayuno at kung sila ay mag-ayuno ay hindi ito tatanggapin mula sa kanila.

📚 Sinulat at inipon ni Shiekh Zulameen Sarento Puti (Hafidhahullâh)

_______________
🔎 (FaceBook | Twitter | Instagram | YouTube | SnapChat | Google)

Address

Ormoc City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tambag Bisaya Dawah posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share