Santa Maria Magdalena

Santa Maria Magdalena Apostola Apostolorum

Ash Wednesday- A day of penance when the devout customarily receive ashes in the shape of a cross etched on their forehe...
18/02/2026

Ash Wednesday

- A day of penance when the devout customarily receive ashes in the shape of a cross etched on their foreheads to remind them of their mortality. In Western churches, it occurs six and a half weeks before Easter.

This day marks the beginning of the Lenten season. The Lenten season commemorates the 40-day period of Jesus' fasting in the desert. It is a somber season of penance, abstinence, and fasting.

Sundays are not included in the 40 days of Lent because they are set aside for feasting rather than fasting and penance.

The last day of the 40 days of Lent in the Catholic Church is the Wednesday before Easter, as the next day, Thursday, begins the shortest liturgical season in the Catholic Church: the Easter Triduum, which comprises Holy Thursday, Good Friday, and Holy Saturday.
The next day, Sunday is Easter.

Santa Maria Magdalena
- Apostola Apostolorum

In the traditional Christian liturgical calendar, Septuagesima Sunday is the first of three Sundays that serve as a "pre...
01/02/2026

In the traditional Christian liturgical calendar, Septuagesima Sunday is the first of three Sundays that serve as a "pre-Lent" or "shrove" season. It acts as a bridge between the joy of Epiphany and the penitential rigor of Lent.

HULYO 21 | IKA - SIYAM NA ARAW NG PAGSISIYAM PARA SA KAPISTHAN NI SANTA MARIA MAGDALENAMapagmahal na Santa Maria Magdale...
21/07/2025

HULYO 21 | IKA - SIYAM NA ARAW NG PAGSISIYAM PARA SA KAPISTHAN NI SANTA MARIA MAGDALENA

Mapagmahal na Santa Maria Magdalena, huwaran ng wagas na pagmamahal kay Hesus at sa simbahan, turuan mo akong magmahal. Tulungan mo ako na umibig kay Hesus at sa kanyang turo tulad ng iyong ginawa.

Maisabuhay ko nawa ang wagas na pag-ibig ng Diyos sa akin. Akayin mo ang aking kalooban na magdesisyong magmahal sa Diyos at sa aking kapwa, isang pagmamahal na nakabatay sa desisyon at hindi sa emosyon

Tulad mo aking Patrona,hayaan mong umiral ako sa araw - araw na umiibig at nagmamahal kay Hesus at sa simabahan. Itulot mong maibahagi ko sa simbahan at sa mga nangangailangan ang aking oras, talino at yaman.

Gawin mong maging bahagi ng aking bugay ang pagtulong sa simbahan at gawang kabanalan dahng aking buhay ang pagtulong Santa Maria Magdalena, tulungan mo akong mabuhay sa pag-ibig at pagmamahal.

Amen.

HULYO 20| IKAWALONG ARAW NG PAGSISIYAM PARA SA KAPISTAHAN NI SANTA MARIA MAGDALENATapat na Santa Maria Magdalena, huwara...
20/07/2025

HULYO 20| IKAWALONG ARAW NG PAGSISIYAM PARA SA KAPISTAHAN NI SANTA MARIA MAGDALENA

Tapat na Santa Maria Magdalena, huwaran ka ng taos pusong pagsamba kay Hesus sa Eukaristiya. Kasalo ka ng mga apostol ni Hesus sa pag-alala at pagdiriwang ng huling hapunan ng Panginoon. Turuan
mo akong sambahin at mahalin si Hesus sa Banal na Eukaristiya. Tulungan mo akong hangaring laging matuklasan ang halaga ng pagkaing nagbibigay buhay, ang Eukaristiya.

Tipunin mo kami bilang pamilya sa patnubay ng Espiritu Santo sa lisang hapag ng Panginoon. Akayin mo kami Santa Maria Magdalena, linggo-linggo patungong simbahan upang dumalo at makipagdiwang sa Banal na Misa dahil dito ang pinakamataas na pagsamba sa Diyos.

Mapaglaanan ko nawa ng isang oras bawat linggo ang pakikinig sa iyong salita at pagtanggap ng Banal na Komunyon. Pahalagahan nawang aking pamilya ang sama-samang pagdarasal at pagdalo sa Misa upang kami ay manatiling matatag kay Hesus at sa buhay, nawa'y buklurin mo kami sa pananalangin, at itulol mo aking Patrona, na ang aming mga pagdiriwang sa Misa ay maging pagdiriwang ng aming buhay.

Amen.

HULYO 19 | IKAPITONG ARAW NG PAGSISIYAM PARA SA KAPISTAHAN NI SANTA MARIA MAGDALENASanta Maria Magdalena, pangalawa sa M...
19/07/2025

HULYO 19 | IKAPITONG ARAW NG PAGSISIYAM PARA SA KAPISTAHAN NI SANTA MARIA MAGDALENA

Santa Maria Magdalena, pangalawa sa Mahal na Birheng Maria na mahalagang babae sa Bagong Tipan, akayin mo ako sc Mahal na Ina Mariang laging Birhen. Hayaan mong tulad niya ako ay maging mababa ang loob at maging matulungin.

Tulungan mo akong magsumikap na maging masunurin sa kalooban ng Diyos tulad mo at no Mahal na Birhen. Maging bukal nawa ng kabanalan ko ang salita ng Diyos

Turuan mo ako Santa Maria Magdalena na makiisa at makiramay sa paghihirap ng iba, lalo na ng mga kabataan at mga dukha. Itulot mong magkaroon ako pusong marunong dumamay tulad ng sa iyo at sa Mahal na Birhen.

Huwag mong ipahintulot Mahal kong Patrona na maging matigas ang aking kalooban at maging walang pakialam sa aking kapwa. Gawin mo na ang mga karanasan ko sa buhay ay maging paglilingkod ko balang araw sa aking sambayanan. Maging lakas at buhay ko sana ang pagdamay at paglilingkod sa mga nangan-gailangan.

Amen.

HULYO 18 | IKAANIM NA ARAW NG PAGSISIYAM PARA SA KAPISTAHAN NI SANTA MARIA MAGDALENAO masintahing Patrona Santa Maria Ma...
18/07/2025

HULYO 18 | IKAANIM NA ARAW NG PAGSISIYAM PARA SA KAPISTAHAN NI SANTA MARIA MAGDALENA

O masintahing Patrona Santa Maria Magdalena, Apostol ng
paulit ulit mong ipahayag sa akin na nakita mo ang
panginoon. Salamat sa pagbabalita mo na si Hesus ay Muling Nabu lay. Simula sa mga Apostoles hanggang sa kasalukuyan saksi ka kay Hesus na nagtagumpay sa kadiliman. Pagliwanagin mo sa aming piling ang liwanag ni Hesus, liwanag ng buhay.

Salamat po sa pagpapanatili mo nitong aming Parokya kay Jesus, ang mabuting pastol. Gawin mo Santa Maria Magdalena na tagapagpahayag ng Mabuting Balita ang bawat isang katoliko dito sa aming bayan.

Bigyan mo kami ng tapang at lakas ng loob na iparangal si Hesus sa aming kapwa at pamilya. Huwag mong itulot na makaligaan naming isa puso at isabuhay ang mga turo at aral ni Hesus. Nawa'y maging bukambibig din namin ang tungkol kay Hesus, upang sa bawat sulok ng aming mga puso siya ay manahan at mabuhay.

Amen.

HULYO 17 | IKALIMANG ARAW NG PAGSISIYAM PARA SA KAPISTAHAN NI SANTA MARIA MAGDALENAPinagpalang Santa Maria Magdalena una...
17/07/2025

HULYO 17 | IKALIMANG ARAW NG PAGSISIYAM PARA SA KAPISTAHAN NI SANTA MARIA MAGDALENA

Pinagpalang Santa Maria Magdalena unang nakakausap kay Hesus pagkatapos ng kanyang muling pagkabuhay. Pag-alabin mo sa aking puso ang kaligayahang dulot Hesus na nabuhay muli.

Tulad mo, tulungan mo akong ipagdiwang at isabuhay ang biyaya ng muling pagkabuhay ng ating Panginoon. Maging instrumento nawa ako ng kaligayahan ng iba dahil kay Hesus, lalo na ang mga nahihirapan sa buhay.

Sa tulong mo, mapagtatagumpayan ko sa bawat araw ng aking mga kahinaan upang ako'y maging buhay na saksi ni Hesus. Si Hesukristo nawa na muling nabuhay ang aking maging tanging kayamanan. Aking Ina at Patrona sa iyong gabay, si Hesus nawa ang maging liwanag at hari ng aking buhay

Amen

HULYO 16 | IKAAPAT NA ARAW NG PAGSISIYAM PARA SA KAPISTAHAN NI SANTA MARIA MAGDALENASaksing Santa Maria Magdalena sa lib...
16/07/2025

HULYO 16 | IKAAPAT NA ARAW NG PAGSISIYAM PARA SA KAPISTAHAN NI SANTA MARIA MAGDALENA

Saksing Santa Maria Magdalena sa libingan ni Hesus na walang laman. Tulad mo ikagulat ko din nawa ang pagkawala ni Hesus sa libingan upang hanapin ko siya at matagpuan. Siya ang aking G**o at Patnubay, kaya kailangang siya ay lagi kong matunghayan.

Gabayan mo ako aking Patrona sa pagsasaliksik ng kalooban ng Diyos sa akin upang hindi ako maligaw ng landas at mapahamak

Matuklasan ko rin nawa si Hesus lalo na sa mga pagkakataon sa aking buhay na mistulang iniwan ako ng Diyos at pinabayaan. Lagi ko nawang makita at madama ang kanyang banal na presensya sa Bibliya at Eukaristiya.

Santa Maria Magdalena, tulungan mo po ako at ang buo kong pamilya, na patuloy na manampalatay na kahit minsan ay hindi kami tinalikuran ng Diyos, sapagkat lubos niya kaming minamahal

Amen.

HULYO 15 | IKATLONG ARAW NG PAGSISIYAM PARA SA KAPISTAHAN NI SANTA MARIA MAGDALENAMatiising Santa Maria Magdalena, saksi...
15/07/2025

HULYO 15 | IKATLONG ARAW NG PAGSISIYAM PARA SA KAPISTAHAN NI SANTA MARIA MAGDALENA

Matiising Santa Maria Magdalena, saksi sa pagkamatay ni Hesus sa Krus. Gaya mo, tulungan mo akong tanggapin ang pagkamatay sa krus ni Hesus at aking sariling kamatayan. Ipaunawa mo sa akin na ang kamatayan ni Hesus ay pagtawid lamang tungo sa Muling Pagkabuhay.

Bigyan mo ako ng tapang upang huwag katakutan ang aking sariling kamatayan at kamatayan ng mga mahal sa buhay. Sa iyong patnubay, hayaan mong harapin ko ito at paghandaan upang ang bawat araw at oras ng aking buhay ay mailaan sa paghahangad sa buhay na walang hanggan.

Santa Maria Magdalena, hiram din ang aking buhay sa Diyos, at gaya ng iyong ginawa hayaan mong maialay ko rin ito sa kanya magpakailan man.

Amen

HULYO 14 | IKALAWANG ARAW NG PAGSISIYAM PARA SA KAPISTAHAN NI SANTA MARIA MAGDALENAKahanga-hangang Sta Maria Magdalena, ...
14/07/2025

HULYO 14 | IKALAWANG ARAW NG PAGSISIYAM PARA SA KAPISTAHAN NI SANTA MARIA MAGDALENA

Kahanga-hangang Sta Maria Magdalena, aking huwaran sa pagyakap sa Krus ni Hesus. Tulad mo, mahanap at matanggap ko rin nawa ang krus ng ating Panginoon. Bigyan mo ako ng matapang na loob upang sa kabila mg hirap at sakit na dulot ng pagsunod kay Hesus, magpatuloy ako sa paglilingkod sa kanya. Bukas - palad ko nawang maibigay ang aking sarili sa Diyos at sa aking kapwa habnag ako'y nabubuhay

Hayaan mo Santa Maria Magdalena, na tulad mo ay maging bukal ng kaligayahan mo ang Krus ni Hesus. Pasanin ko at huwag ko nawang iwasan ang krus sa araw - araw na buhay. Makita ko nawa ang mga pang araw - araw na hirap ng aking buhay ay bahagi ng aking pagsunod sa kalooban ng Diyos. Matunghayan ko nawa ang kaligtasan at kaligayahan kay Hesus na nag - alay ng buhay para sa akin.

Amen

HULYO 13 | UNANG ARAW NG PAGSISIYAM PARA SA KAPISTAHAN NI SANTA MARIA MAGDALENASanta Maria Magdalena aking Ina at Patron...
13/07/2025

HULYO 13 | UNANG ARAW NG PAGSISIYAM PARA SA KAPISTAHAN NI SANTA MARIA MAGDALENA

Santa Maria Magdalena aking Ina at Patrona, halimbawa ka ng taos pusong pagsisisi at pag sasa-ayos ng buhay. Nang magbalik loob ka ay naging mapagmahal at tapat na alagad ka ni Hesus. Salamat po sa iyong pagsaksi na si Hesus ay muling nabuhay at siyang Diyos na mapagpatawad at mapagmahal.

Ngayon ikaw ay nasa walang hanggang kaligayahan sa kanyang maluwalhating presensya, ipinakiki-usap ko po na inyong ipamagitan, Ako na isang mahina at makasalanan, upang dito at sa buhay sa kabila, si Hesus na mahal ang aking maging buhay at dahilan.

Santa Maria Magdalena, Ipanalangin mo Kami.

Domingo de ResurreccionSanta Maria MagdalenaApostola ApostolorumParokya ng San Miguel Arkanghel - Orion, BataanCAMARERO ...
21/04/2025

Domingo de Resurreccion

Santa Maria Magdalena
Apostola Apostolorum
Parokya ng San Miguel Arkanghel - Orion, Bataan

CAMARERO | Christian Pineda Dimla

Address

San Vicente, Bataan
Orion
2102

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Santa Maria Magdalena posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share