Sts. Peter and Paul Parish - Calungusan

Sts. Peter and Paul Parish - Calungusan 1999-2024
Dalawampu't limang taong pagkakatatag ng Parokya nina San Pedro at San Pablo, Calungusan, Orion, Bataan

30/05/2026

Si Reberendo John Carlo Mahinan Vizon ay mula sa Basilika Menor at Dambanang Parokya ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo ng Orani sa Orani, Bataan. Siya ay anak ni G. Jose Cura Vizon, Jr. at Gng. Jennifer Mahinan Vizon. Siya ay isinilang noong ika-19 ng Mayo taong 1998 sa Orani, Bataan. Ang kaniyang kasalukuyang tirahan ay sa Bagong Paraiso, Orani, Bataan. Siya ay bininyagan sa Basilika Menor at Dambanang Parokya ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo ng Orani noong ika-19 ng Hulyo taong 1998 ni Reb. P. Edgardo S. Sigua at tumanggap ng Sakramento ng Kumpil noong ika-5 ng Abril taong 2008 mula sa Lubhang Kagalang-galang Socrates B. Villegas, D.D. sa nabanggit ding Parokya. Siya ay
inordenang diyakono noong ika-18 ng Enero taong 2025 ng Lubhang Kagalanggalang Florentino Lavarias, D.D., Apostolikong Tagapangasiwa ng Diyosesis ng Balanga, sa Katedral at Dambanang Parokya ng San Jose sa Lungsod ng Balanga. Nag-aral siya ng elementarya (2004-2010) sa Orani North Elementary School sa bayan ng Orani at sekondarya naman (2010-2014) sa Holy Rosary Parochial Institute, sa bayan ding itoNoong 2014, nagdesisyon siyang pumasok sa Immaculate Conception Major Seminary (2014-2024) kung saan nakapagtapos siya ng apat na taong Kurso sa Pilosopiya noong taong 2019 at nakapagtapos ng Teolohiya (Master of Arts in Theology, Major in Moral Theology at Master of Arts in Pastoral Ministry, Major in Family Ministry and Counseling) na kailangan para sa mga kandidato para sa Banal na Orden, noong Marso ng taong 2024. Sa darating na ika-24 ng Hunyo taong 2026, Miyerkules, alas nuwebe at kalahati ng umaga (9:30 A.M.), si Reb. Carlo ay nakatakda kong ordinahang Pari sa Basilika Menor at Dambanang Parokya ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo ng Orani sa Orani, Bataan.

Hinihiling ko sa inyo, aking mga kapatid sa pananampalataya, na ipanalangin natin siya na nawa ay puspusin siya ng Banal na Espiritu upang lubusan niyang maitalaga ang kanyang sarili sa kanyang parating na ordinasyon. Kung sakali mang mayroon kayong anumang kaalaman na maaaring makasagabal sa kanyang ordinasyon ay maaari ninyo itong ipagbigay-alam sa kanyang Kura Paroko na si Reb. P. Antonio M. Quintos, Jr. sa pamamagitan ng tanggapan ng kaniyang Parokya (047) 431 4008, o sa akin, sa numerong ito: Tel./fax 047-237-5705 (Chancery). Maraming salamat po.

RUFINO C. SESCON, JR, D.D.
Obispo ng Balanga

Address

Sts. Peter And Paul Parish/Calungusan
Orion
2102

Opening Hours

Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sts. Peter and Paul Parish - Calungusan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Sts. Peter and Paul Parish - Calungusan:

Share