Santa María de Chipre, Madre de San Juan Marcos Evangelista

Santa María de Chipre, Madre de San Juan Marcos Evangelista Si Santa Maria ay babaeng tagasunod ni Kristo na naglaan ng kanyang tahanan para sa Huling Hapunan

09/04/2026
SALUBONG 2026 kasama si Santa Maria de Chipre, Madre de San Juan Marcos sa Prokya nina San Pedro at San Pablo, Calungusa...
05/04/2026

SALUBONG 2026 kasama si Santa Maria de Chipre, Madre de San Juan Marcos sa Prokya nina San Pedro at San Pablo, Calungusan, Orion, Bataan.

Maingat na naghanda at nag-alay ng sakripisyo at panalangin ang tagapangalaga, G. Brian John Q. Rodriguez at ng buong Pamilya Rodriguez.

Taos-pusong pasasalamat po sa lahat ng nagpaabot ng tulong at suporta na dina po namin babanggitin sa kanilang kahilingan… Pagpalain po kayong lahat at biyayaan ng Poong Maykapal.

Mabuhay si Kristong Muling Nabuhay!!!!

Prusisyon ng Viernes Dolores kasama si Santa Maria de Chipre, Madre de San Juan Marcos sa Prokya nina San Pedro at San P...
05/04/2026

Prusisyon ng Viernes Dolores kasama si Santa Maria de Chipre, Madre de San Juan Marcos sa Prokya nina San Pedro at San Pablo, Calungusan, Orion, Bataan.

Maingat na naghanda at nag-alay ng sakripisyo at panalangin ang tagapangalaga, G. Brian John Q. Rodriguez at ng buong Pamilya Rodriguez.

Taos-pusong pasasalamat po sa lahat ng nagpaabot ng tulong at suporta na dina po namin babanggitin sa kanilang kahilingan… Pagpalain po kayong lahat at biyayaan ng Poong Maykapal.

03/04/2026

“Oh Maria, Ina ni Marcos na Mahal”

Ang awit na ito ang pumukaw sa paglalakbay sa prusisyon ng Viernes Dolores sa muling pagsalida ni Santa Maria Ina ni San Juan Marcos.

Ang awit na ito ang opisyal na awit at himno ni Sta. Maria, Ina ni San Juan Marcos ng Sto. Domingo, Orion, Bataan sa pangangalaga ng Pamilya Rodriguez.

Ang lyrics/titik ay nilikha ni: G. Brian John Quicho Rodriguez, MPA

Ang Digital Score ay isinaayos ni: G. Harold Javier Santiago

“O Maria, Ina ni Marcos na Mahal”
(Himno Kay Santa Maria, Ina ni San Juan Marcos)

(Para sa SATB Choir)

Verse 1:
Santa Maria… mapalad ka’t banal
Puso mo’y ibinukas sa Poong Maykapal…
Sa tahanan mo, Poong Hesus ay tinanggap,
Kasama ang hirang, sa hapag na ganap

Tinapay at alak, naging banal na tanda,
Ng tipan ng Diyos sa inalay sa madla
Kopa ng buhay, tangan mong sagisag,
Pag-ibig ni Kristo’y sa amin ay ganap.

Koro:
O Maria, Ina ni Marcos na mahal,
Susi ng awa’y tangan mong banal;
Puso’t tahanan mong laging bukás,
Sa Diyos at tao’y inialay mong wagas.
Kalis ng tipan, ilaw ng pag-asa,
Sa iyong kamay ay biyaya’y pagtalima.
Kami’y akayin sa landas ng buhay.
Buong puso at buhay kay Kristo’y inialay.

Verse 2:
Sa iyong tahanan, dukha’y kinupkop mo,
Mga unang Kristyano’y kinalinga mo
Sa gitna ng dilim at takot ng mundo,
Iyong pag-ibig ang naging kublihang totoo

Espiritu Santo, doo’y bumaba,
Kay Birheng Maria’t apostol na hirang;
Apoy ng langit, nagliyab sa puso,
Simbahan ni Kristo’y doon isinilang.

Koro:
O Maria, Ina ni Marcos na mahal,
Susi ng awa’y tangan mong banal;
Puso’t tahanan mong laging bukás,
Sa Diyos at tao’y inialay mong wagas.
Kalis ng tipan, ilaw ng pag-asa,
Sa iyong kamay ay biyaya’y pagtalima.
Kami’y akayin sa landas ng buhay.
Buong puso at buhay kay Kristo’y inialay.

Bridge:
Sa iyong tahanan, Ina’y tumahan…
Mahal na Birhen, iyong kinanlungan…
Si Pedro’y lumaya, doon sumilong,
Sa iyong piling, doon kumanlong.
Ikaw ang tahanan ng lingkod ng Diyos,
Kanlungan ng buhay na lubos at taos.

Koro:
O Maria, Ina ni Marcos na mahal,
Susi ng awa’y tangan mong banal;
Puso’t tahanan mong laging bukás,
Sa Diyos at tao’y inialay mong wagas.
Kalis ng tipan, ilaw ng pag-asa,
Sa iyong kamay ay biyaya’y pagtalima.
Kami’y akayin sa landas ng buhay.
Buong puso at buhay kay Kristo’y inialay.

Coda:
Santa Maria… aming tanglaw…
Puso nami’y bigyang ilaw
Upang kay Kristo’y di maligaw.
Amen… Amen…

Ang pag-aayos ng karo ni Santa Maria, Ina ni San Juan Marcos para sa kanyang salida sa Viernes Dolores, April 03, 2026… ...
02/04/2026

Ang pag-aayos ng karo ni Santa Maria, Ina ni San Juan Marcos para sa kanyang salida sa Viernes Dolores, April 03, 2026… Maraming salamat po s mga taong tumulong upang matustusan ang banal na gawaing ito. Pagpalain at ipanalangin nawa tayo ni Santa Maria sa ating Panginoong Diyos, amen.

Handa na ang ipamimigay na Istampita ni Sta. Maria de Chipre, Ina ni San Juan Marcos…
23/03/2026

Handa na ang ipamimigay na Istampita ni Sta. Maria de Chipre, Ina ni San Juan Marcos…

May nagpapanggap po na isang donor mula daw sa Team Katagumpay na balak po tayong i-scam…. Kapag tinawagan po kau ng num...
17/03/2026

May nagpapanggap po na isang donor mula daw sa Team Katagumpay na balak po tayong i-scam…. Kapag tinawagan po kau ng number na ito huwag na huwag po kayong magpapaloko….SCAMMER po ang taong ito…. Heto po ang number ng SCAMMER na ito…. Nakakahiya na pati sa gawaing banal ay magagawa mong mang scam… Diyos napo ang bahala sa inyo.

Tulungan po ninyong maisakatuparan ang matagal na naming pangarap… ang mapagawan ng disenteng karo at mabilhan ng sarili...
17/03/2026

Tulungan po ninyong maisakatuparan ang matagal na naming pangarap…
ang mapagawan ng disenteng karo at mabilhan ng sariling generator
si Santa Maria, Ina ni San Juan Marcos Evangelista.

Sa mga nagnanais magpaabot ng tulong, maari po kayong magmessage sa page na ito at magpadala ng tulong gamit ang GCash QR Code sa ibaba…

Sa magpapaabot ng kanilang tulong, maari po kayong magiwan ng inyong prayer request via messenger o di kaya’y isend gamit ang email at ipadala sa address na ito: [email protected].

Simula na muli ng paghahanda para sa muling pagsalida ni Sta. Maria.
17/03/2026

Simula na muli ng paghahanda para sa muling pagsalida ni Sta. Maria.

Ika-apat na Salida (Pasko ng Pagkabuhay)
13/03/2026

Ika-apat na Salida (Pasko ng Pagkabuhay)

Address

Sto. Domingo
Orion
2102

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Santa María de Chipre, Madre de San Juan Marcos Evangelista posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share