09/11/2025
ππππππ ππππππππ πππππ ππ πππππ
O Makapangyarihang Diyos, aming ama, sa gitna ng bagyo at panganib, kamiβy lumalapit sa iyo. Ilayo mo po kami sa kapahamakan, baha, at sakuna. Pahupain mo ang hangin at ulan, at iligtas mo ang aming mga pamilya at komunidad mula sa panganib.
Punuin mo ng lakas at pag-iingat ang aming mga tagapaglingkod at kusang-loob na tumutulong. Ibigay mo sa amin ang kapanatagan ng loob at tibay ng pananalig,upang sa gitna ng unos ay mahigpit kaming makasandig sa iyong pag-ibig at habag.
Sa tulong ni San Jose, na aming patron, tagapagtanggol at g**o, idinadalangin namin ito sa ngalan ni Hesus, aming Panginoon.
Amen.