Minor Basilica and Shrine Parish of Our Lady of the Rosary of Orani

Minor Basilica and Shrine Parish of Our Lady of the Rosary of Orani Official page of Minor Basilica and Shrine Parish of Our Lady of the Rosary of Orani.

๐’๐‚๐‡๐„๐ƒ๐”๐‹๐„ ๐Ž๐… ๐Œ๐€๐’๐’๐„๐’:
๐‘€๐‘œ๐‘›๐‘‘๐‘Ž๐‘ฆ: 6:00 AM
๐‘‡๐‘ข๐‘’๐‘ ๐‘‘๐‘Ž๐‘ฆ: 5:15 PM
๐‘Š๐‘’๐‘‘๐‘›๐‘’๐‘ ๐‘‘๐‘Ž๐‘ฆ: 6:00 AM | 5:15 PM
*** 4:30 PM - Novena to OMPH
๐‘‡โ„Ž๐‘ข๐‘Ÿ๐‘ ๐‘‘๐‘Ž๐‘ฆ: 6:00 AM
๐น๐‘Ÿ๐‘–๐‘‘๐‘Ž๐‘ฆ: 6:00 AM | 5:15 PM
*** 6:00 PM - Holy Hour (First Friday)
๐‘†๐‘Ž๐‘ก๐‘ข๐‘Ÿ๐‘‘๐‘Ž๐‘ฆ: 6:00 AM | 5:00 PM
*** 5:00 AM - DAWN PROCESSION
๐‘†๐‘ข๐‘›๐‘‘๐‘Ž๐‘ฆ: AM 5:00 | 6:30 | 8:00 | 9:30
PM 3:30 | 5:00 | 6:30
------------------------------
๐˜๐จ๐ฎ ๐œ๐š๐ง ๐ฌ๐ž๐ง๐ ๐ฒ๐จ๐ฎ๐ซ ๐๐จ๐ง๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐ญ๐ก๐ž ๐‚๐ก๐ฎ๐ซ๐œ๐ก ๐๐ซ๐จ๐ฃ๐ž๐œ๐ญ๐ฌ (๐’๐ž๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ซ๐ข๐š๐ง; ๐‚๐š๐ญ๐ž๐œ๐ก๐ž๐ญ๐ข๐œ๐š๐ฅ ๐š๐ง๐ ๐…๐ž๐ž๐๐ข๐ง๐  ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ ๐…๐ฎ๐ง๐) ๐ญ๐จ ๐ญ๐ก๐ž ๐Ÿ๐จ๐ฅ๐ฅ๐จ๐ฐ๐ข๐ง๐  ๐€๐œ๐œ๐จ๐ฎ๐ง๐ญ๐ฌ:
PNB
Account Name: The Roman Catholic Bishop of Balanga, Inc. Account Number : 2060-7000-0999

------------------------------
๐๐€๐‘๐ˆ๐’๐‡ ๐Ž๐…๐…๐ˆ๐‚๐„
Tuesday-Saturday
8:30 AM - 12:00 NN
2:00 PM -5:00 PM
Sunday
9:00 AM - 12:00 NN
No Office Every Monday

๐“๐š๐ญ๐š๐ค ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐š ๐‘๐ž๐ฅ๐ข๐ ๐ข๐จ๐ฎ๐ฌ ๐’๐ญ๐จ๐ซ๐ž
Tuesday-Saturday
8:30 AM - 12:00 NN
2:00 PM -5:00 PM
Sunday
7:00 AM - 12:00 NN
4:00 PM - 6:30 PM
Closed Every Monday and Thursday Afternoon

Kapistahan ni Apostol Santiago2 Corinto 4, 7-15Salmo 125, 1-2ab, 2kd-3. 4-5. 6Ang nagtanim namay luha ay aaning natutuwa...
24/07/2026

Kapistahan ni Apostol Santiago

2 Corinto 4, 7-15
Salmo 125, 1-2ab, 2kd-3. 4-5. 6

Ang nagtanim na
may luha ay aaning natutuwa.

Mateo 20, 20-28

UNANG PABGASA
2 Corinto 4, 7-15

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, kaming pinagkalooban ng kayamanang espirituwal na ito ay hamak โ€” kung baga sa sisidlan ay palayok lamang โ€” upang ipakilalang ang di malirip na kapangyarihan ay sa Diyos, at hindi amin. Ginigipit kami sa kabi-kabila ngunit di nagagapi. Kung minsaโ€™y nag-aalinlangan kami ngunit di nawawalan ng pag-asa. Pinag-uusig kami ngunit di nawawalan ng kaibigan; naibubuwal ngunit di tuluyang nailulugmok. Lagi kong taglay sa aking katawan ang kamatayan ni Hesus upang sa pamamagitan ng katawan koโ€™y mahayag ang kanyang buhay. Kamiโ€™y laging nabibingit sa kamatayan alang-alang kay Kristo upang sa aming katawang may kamatayan ay mahayag ang kanyang buhay. Anupat habang akoโ€™y dahan-dahang namamatay, nagkakaroon naman kayo ng buhay na walang hanggan.

Sinasabi sa Kasulatan, โ€œNagsasalita ako sapagkat akoโ€™y sumasampalataya.โ€ Bunga ng gayong diwa ng pananampalataya, nagsasalita rin ako sapagkat ako maโ€™y sumasampalataya. Sapagkat nalalaman kong ang Diyos na muling bumuhay sa Panginoong Hesus ang siya ring bubuhay sa akin kasama niya, at magdadala sa inyo at sa akin sa kanyang piling. Ang lahat ng pagtitiis ko ay sa kapakanan ninyo upang sa pagdami ng mga nakatatanggap ng mga kaloob ng Diyos, lalo namang dumami ang magpapasalamat at magpupuri sa kanya.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 125, 1-2ab, 2kd-3. 4-5. 6

Ang nagtanim na may luha
ay aaning natutuwa.

Nang lingapin tayo ng Diyos at sa Sion ay ibalik
ang nangyaring kasaysayaโ€™y parang isang panaginip.
Lahat tayo ay natuwa, masasayang nagsiawit.

Ang nagtanim na may luha
ay aaning natutuwa.

Ang sabi ng mga bansang nagmamasid sa paligid,
โ€œAng ginawa ng Diyos nila ay dakila, anong rikit!โ€
Dakila ngang masasabi, pambihira ang ginawa,
kaya naman kami ngayon, kagalakaโ€™y di kawasa!

Ang nagtanim na may luha
ay aaning natutuwa.

Kung paanong inuulan yaong mga tuyong batis,
sa sariling bayan namin, kami, P**n, ay ibalik.
Silang mga nagbubukid na nagtanim na may luha,
bayaan mo na mag-aning masasayaโ€™t natutuwa.

Ang nagtanim na may luha
ay aaning natutuwa.

Yaong mga nagsihayong dalaโ€™y binhiโ€™t nananangis,
ay aawit na may galak, dalaโ€™y ani pagbalik!

Ang nagtanim na may luha
ay aaning natutuwa.

ALELUYA
Juan 15, 16

Aleluya! Aleluya!
Hinirang tayo ni Kristo
upang mamungang totoo
bilang mabubuting tao.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 20, 20-28

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, lumapit kay Hesus ang asawa ni Zebedeo, kasama ang kanyang mga anak. May ibig siyang hilingin, kayaโ€™t lumuhod siya sa harapan ni Hesus. โ€œAno ang ibig mo?โ€ Tanong ni Hesus. Sumagot siya, โ€œSanaโ€™y ipagkaloob ninyo sa dalawa kong anak na ito ang karapatan na makaupong katabi ninyo sa inyong kaharian โ€” isa sa kanan at isa sa kaliwa.โ€ โ€œHindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi,โ€ sabi ni Hesus sa kanila. โ€œMababata ba ninyo ang hirap na babatahin ko?โ€ โ€œOpo,โ€ tugon nila. Sinabi ni Hesus, โ€œAng hirap na babatahin koโ€™y batatahin nga ninyo. Ngunit wala sa akin ang pagpapasiya kung sino ang mauupo sa aking kanan at sa aking kaliwa. Ang mga luklukang sinasabi ninyoโ€™y para sa mga pinaghandaan ng aking Ama.โ€

Nang marinig ito ng sampung alagad, nagalit sila sa magkapatid. Kayaโ€™t pinalapit sila ni Hesus at sinabi sa kanila, โ€œAlam ninyo na ang pinuno ng mga Hentil ay naghahari sa kanila, at ang mga dinadakila ang siyang nasusunod. Ngunit hindi ganyan ang dapat umiral sa inyo. Sa halip, ang sinuman sa inyo na ibig maging dakila ay dapat maging lingkod. At sinumang ibig maging pinuno ay dapat maging alipin ninyo, tulad ng Anak ng Tao na naparito, hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at ialay ang kanyang buhay upang matubos ang marami.โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

24/07/2026
Panalangin kay San Sharbel MakhlufO makapangyarihang Diyos, Ikaw na nagpapalaganap ng kapangyarihan ng panghihingi-ng-tu...
23/07/2026

Panalangin kay San Sharbel Makhluf

O makapangyarihang Diyos, Ikaw na nagpapalaganap ng kapangyarihan ng panghihingi-ng-tulong ni Santo Sharbel sa pamamagitan ng maraming himala at kagila-gilalas na mga kababalaghan, bigyan Mo kami, sa pamamagitan ng kanyang panghihingi-ng-tulong, ng biyaya na hinahangad namin. Amen.

San Sharbel Makhluff, ipanalangin mo kami.
___________

SAN SHARBEL MAKHLUF
Pari
Kapistahan: Hulyo 24

Dating Kristiyanong bansa ang Lebanon subalit dahil sa migration at sa dahilang pulitikal, ngayon ay halos mas marami ang mga Muslim kaysa sa mga Kristiyano. Ito ang katayuan ng modernong bansang Lebanon kung saan nagmula ang ating santo sa araw na ito.
Ipinanganak noong 1828 si Youseff sa Biqa-Kafrasa Lebanon. Nagmula siya sa isang Kristiyanong pamilyang Maronite. Mahirap lamang ang kanilang pamilya. Dahil maagang namatay ang kanyang ama, inampon si Youssef ng kaniyang tiyuhin na siyang nagpalaki sa kanya.
Paglaki ni Youssef ay pumasok siya sa Monastery of OurLady of Lebanon at pagkatapos na maganap niya ang kanyang mga panata ng poverty, chastity at obedience, ay pinalitan ang kanyang pangalan bilang Sharbel.
Hiniling niyang mamuhay bilang isang ermitanyo at siya ay pinayagan. Ang isang ermitanyo ay isang namanata na namumuhay mag-isa sa katahimikan at pagdarasal at pagsasakripisyo. Dalawamput-tatlong taon siyang nanatili sa ganitong buhay kung saan ipinakita niya ang kanyang lubos na pagsuko sa Diyos.
Kahit na malayo siya sa mga tao, kumalat ang balita tungkol sa kanyang kabanalan at maraming mga tao ang lumapit sa kanya upang humingi ng bendisyon at ng kanyang mga panalangin. Pinagbigyan niya ang mga ito.
Palaging nag-aayuno si San Sharbel at malalim ang kanyang debosyon kay Kristo sa Banal na Sakramento. Namatay si San Sharbel noong 1898, sa bisperas ng Pasko. Itinanghal siyang santo noong 1977.
Isa sa mga himalang ginawa ng Diyos pagkatapos ng kamatayan ni San Sharbel ay ang pananatiling buo ng kanyang katawan hanggang sa kasalukuyan, mahigit isang-daang taon na ang nakalilipas. Maraming kuwento ng paggaling sa karamdaman at iba pang mga sagot sa panalangin ang naitala ng kanyang mga deboto.

PANALANGIN SA BUKANG LIWAYWAYHULYO 24, 2026Ama, punuin ang aming puso ng iyong pagmamahal sa pagdating ng umaga. Sa pags...
23/07/2026

PANALANGIN SA BUKANG LIWAYWAY
HULYO 24, 2026

Ama, punuin ang aming puso ng iyong pagmamahal sa pagdating ng umaga. Sa pagsasabuhay ng iyong atas, makamtan nawa namin ang iyong kapayapaan sa buhay na ito at sa darating na buhay na walang katapusan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.Amen.

Biyernes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)o kaya Paggunita kay San Sharbel Makhluf, PariJeremias 3, 14-17Je...
23/07/2026

Biyernes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

o kaya Paggunita kay San Sharbel Makhluf, Pari

Jeremias 3, 14-17
Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13

Pumapatnubay na Diyos
ang Pastol na kumukupkop.

Mateo 13, 18-23

UNANG PAGBASA
Jeremias 3, 14-17

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias

โ€œMagbalik kayo sa akin, kayong mga nagtaksil, pagkat ako ang inyong Panginoon,โ€ wika ng Panginoon. โ€œKukuha ako sa inyo ng isa sa bawat bayan at dalawa sa bawat angkan at ibabalik ko kayo sa Bundok ng Sion. Bibigyan ko kayo ng mga pinunong tatalima sa akin, at pamamahalaan nila kayo nang buong katalinuhan at pagkaunawa. At kung dumami na kayo sa lupaing iyon, hindi na pag-uusapan ng mga tao ang tungkol sa Kaban ng Tipan ng Panginoon. Hindi na nila ito kakailanganin ni iisipin o gugunitain. At hindi na rin sila gagawa ng ibang kaban. Pag sumapit na ang panahong iyon, ang Jerusalem ay tatawaging Luklukan ng Panginoon. Lahat ng bansaโ€™y magkakatipon doon upang parangalan ako. Hindi na nila gagawin ang balang maibigan.โ€

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13

Pumapatnubay na Diyos
ay Pastol na kumukupkop.

Mga bansa, pakinggan ninyo ang sabi ng P**n,
at ipahayag ninyo sa malalayong lupain:
โ€œPinapangalat ko ang mga anak ni Israel,
ngunit silaโ€™y muli kong titipunin at aalagaan,
gaya ng pagbabantay ng isang pastol sa kanyang mga tupa.โ€

Pumapatnubay na Diyos
ay Pastol na kumukupkop.

Sapagkat tinubos ng P**n si Jacob, at pinalaya sa kapangyarihan ng kaaway na lubhang makapangyarihan at malakas.
Aakyat silang nagsisigawan sa tuwa patungo sa Bundok ng Sion,
tigib ng kaligayahan dahil sa mga pagpapala ng P**n.

Pumapatnubay na Diyos
ay Pastol na kumukupkop.

Kung magkagayon, sasayaw sa katuwaan ang mga dalaga
makikigalak pati mga binataโ€™t matatanda;
ang kanilang dalamhati ay magiging tuwa,
papalitan ko ng kagalakan ang kanilang kalungkutan.

Pumapatnubay na Diyos
ay Pastol na kumukupkop.

ALELUYA
Lucas 8, 15

Aleluya! Aleluya!
Ang Salitang mula sa Dโ€™yos
kapag isinasaloob
ay mamumunga nang lubos.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 13, 18-23

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, โ€œPakinggan nga ninyo ang kahulugan ng talinghaga tungkol sa manghahasik. Ang mga nakikinig ng Salita tungkol sa paghahari ng Diyos ngunit hindi nakauunawa nito ay katulad ng mga binhing nahasik sa tabi ng daan. Dumarating ang Masama at inaagaw ang nahasik sa kanilang puso. Inilalarawan ng binhing nahasik sa kabatuhan ang nakikinig ng Salita at masayang tumatanggap nito kaagad. Ngunit hindi ito tumitimo sa puso nila kayaโ€™t hindi sila nananatili. Pagdating ng mga kapighatian o pag-uusig dahil sa Salita, agad silang nanlalamig. Inilalarawan naman ng naghasik sa dawagan ang nakikinig ng Salita, ngunit naging abala sa mga bagay ukol sa mundong ito, at naging maibigin sa mga kayamanan anupat ang Salitaโ€™y nawalan na ng puwang sa kanilang puso, kayaโ€™t hindi makapamunga. At inilalarawan ng naghasik sa matabang lupa ang mga nakikinig ng Salita at nakauunawa nito. Silaโ€™y namumunga: may tigsasandaan, may tig-aanimnapu, at may tigtatatlumpu.โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

MASDAN | Matapos ang tatlong araw ng biyaya, panalangin, at pagpapala, taimtim na lumisan ang Banal na Relikya ni San Fr...
23/07/2026

MASDAN | Matapos ang tatlong araw ng biyaya, panalangin, at pagpapala, taimtim na lumisan ang Banal na Relikya ni San Francisco ng Assisi sa Basilika.

Lubos ang aming pasasalamat sa kanyang makabuluhang pagdalaw na naging daan upang higit naming mapalalim ang aming pananampalataya, mapagnilayan ang kanyang halimbawa ng kababaang-loob, kapayapaan, at pag-ibig sa Diyos at sa buong sangnilikha.

Bagamaโ€™t lumisan na ang kanyang Relikya, nawaโ€™y manatili sa aming mga puso ang inspirasyon ng kanyang banal na pamumuhay at patuloy naming maisabuhay ang kanyang panawagan na maging mga kasangkapan ng kapayapaan ni Kristo.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa sa pagdiriwang sa loob ng tatlong araw.

San Francisco ng Assisi, ipanalangin mo kami.

23/07/2026

๐๐š๐ง๐š๐ฅ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐‰๐จ๐ฌ๐ž ๐๐ž ๐๐š๐ฅ๐š๐ง๐ ๐š (tuwing Araw ng Huwebes)

Alalahanin mo, O kalinis-linisang Kabiyak ng Birheng Maria, at matamis kong Tagapagtanggol, San Jose, na kailanmaโ€™y hindi narinig na may sinumang dumulog sa iyong saklolo o nagsumamo ng iyong tulong na iyong pinabayaan.

Dahil sa ganitong pagtitiwala, lumalapit ako sa iyo at buong alab na itinatagubilin ang aking sarili sa iyong pagkalinga.

O ikaw na itinuring na Ama ng Manunubos, huwag mong hamakin ang aking mga pagsusumamo, kundi sa iyong awa ay pakinggan mo ako at tugunin.

Amen.

๐’๐š๐ง ๐‰๐จ๐ฌ๐ž ๐๐ž ๐๐š๐ฅ๐š๐ง๐ ๐š,
- Ipanalangin mo kami!

Cathedral-Shrine Parish of Saint Joseph, Balanga City

MASDAN | Noong ika-21 ng Hulyo sa diwa ng pananampalataya at masayang pagtanggap, idinaos ang Pagdiriwang ng Banal na Mi...
23/07/2026

MASDAN | Noong ika-21 ng Hulyo sa diwa ng pananampalataya at masayang pagtanggap, idinaos ang Pagdiriwang ng Banal na Misa bilang bahagi ng pagdating ng Relikya ni San Francisco ng Assisi sa ating Basilika.

Pinangunahan ang pagdiriwang ni Reb. Pde. Antonio M. Quintos Jr., Rector at Parish Priest, kasama si Reb. Pde. Jhoen Buenaventura. Sa pamamagitan ng Banal na Eukaristiya, sama-sama nating ipinagpasalamat ang biyaya ng pagdalaw ng relikya ng dakilang banal na naging huwaran ng kababaang-loob, kapayapaan, at ganap na pagtitiwala sa Diyos.

Nawaโ€™y ang pagdalaw ng Relikya ni San Francisco ng Assisi ay magsilbing paanyaya sa bawat isa na higit pang isabuhay ang Ebanghelyo sa pamamagitan ng pag-ibig sa Diyos, sa kapwa, at sa buong sangnilikha.

โ€œPanginoon, gawin Mo akong kasangkapan ng Iyong kapayapaan.โ€

Ama naming mapagmahal, taos-puso kaming nagpapasalamat sa biyayang ipinagkaloob Mo sa amin sa pamamagitan ng pagdalaw ng...
23/07/2026

Ama naming mapagmahal, taos-puso kaming nagpapasalamat sa biyayang ipinagkaloob Mo sa amin sa pamamagitan ng pagdalaw ng Banal na Relikya ni San Francisco ng Assisi. Sa mga araw na ito, pinalakas Mo ang aming pananampalataya, pinasigla ang aming pag-asa, at pinagniningas ang aming pag-ibig sa Iyo at sa aming kapwa.

Habang kami ay nagpapaalam sa banal na relikyang ito, hindi kami nagpapaalam sa inspirasyong iniwan ni San Francisco. Nawaโ€™y manatili sa aming mga puso ang kanyang halimbawa ng kababaang-loob, pagiging instrumento ng kapayapaan, pagmamahal sa mga dukha, pag-aaruga sa sangnilikha, at ganap na pagtitiwala sa Iyong banal na kalooban.

Panginoon, gawin Mo kaming mga tagapagdala ng Iyong kapayapaan. Kung saan may pagkakahati, nawaโ€™y maghasik kami ng pagkakaisa; kung saan may p**t, pagmamahal; kung saan may dilim, liwanag; at kung saan may kawalan ng pag-asa, nawaโ€™y magdala kami ng pag-asa.

Sa pamamagitan ng panalangin ni San Francisco ng Assisi, pagkalooban Mo kami ng pusong marunong maglingkod nang may kababaang-loob, magmahal nang walang hinihintay na kapalit, at sumunod sa Iyo nang buong katapatan.

Patuloy Mong pagpalain ang aming parokya, ang bawat pamilya, at ang lahat ng debotong dumulog sa relikyang ito. Nawaโ€™y ang mga biyayang aming tinanggap ay magbunga ng mas malalim na pananampalataya at masiglang pamumuhay bilang mga tunay na alagad ni Kristo.

San Francisco ng Assisi, ipanalangin mo kami.

Amen.

  Noong Ika-18 ng Hulyo ay ginanap ang Pagdalaw ng Imahen ng Birheng Milagrosa ng Orani sa tahanan ng Pamilya Ventura. I...
23/07/2026

Noong Ika-18 ng Hulyo ay ginanap ang Pagdalaw ng Imahen ng Birheng Milagrosa ng Orani sa tahanan ng Pamilya Ventura. Ito ay bilang paghahanda para sa Kapistahan ng Ina, Reyna at Patrona ng Peninsula ng Bataan. Viva la Virgen!

Address

Centro 1
Orani
2112

Opening Hours

Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 12pm

Telephone

+63474314008

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Minor Basilica and Shrine Parish of Our Lady of the Rosary of Orani posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Minor Basilica and Shrine Parish of Our Lady of the Rosary of Orani:

Shortcuts

Share