Wesley United Methodist Church, Olongapo City

Wesley United Methodist Church, Olongapo City Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Wesley United Methodist Church, Olongapo City, Religious organisation, Olongapo.

14/08/2026
14/08/2026
14/08/2026
13/08/2026

08/09/2026
Midweek Service

๐—ช๐—˜๐—Ÿ๐—–๐—ข๐— ๐—˜ ๐—ง๐—ข ๐—–๐—›๐—จ๐—ฅ๐—–๐—›!

We're so glad you're here. Share this video and invite your family and friends to worship with us. God bless everyone!
Family

Bayanihan at pagmamahal sa gitna ng unos! ๐ŸŒง๏ธโžก๏ธโ˜€๏ธHanda na po ang mga relief packs mula sa ating Outreach Ministry para ma...
13/08/2026

Bayanihan at pagmamahal sa gitna ng unos! ๐ŸŒง๏ธโžก๏ธโ˜€๏ธ

Handa na po ang mga relief packs mula sa ating Outreach Ministry para maihatid sa ating mga kapatid na naapektuhan ng baha at bagyo.

Isang malaking PASASALAMAT po sa ating bukas-palad na donors at sa ating ever-reliable WSCS na nag-pack at nag-ayos ng lahat ng ito! Ang inyong kabutihan ay magdadala ng pag-asa at ngiti sa maraming pamilya.

Pagpalain pa po kayo lalo ng Panginoon! โค๏ธ

12/08/2026

MENSAHE NG PAKIKIISA PARA SA PAGDIRIWANG NG ARAW NG MGA AYTA
Agosto 10, 2026

Mapagpalang araw po sa inyong lahat na nakikiisa sa ating mga kapatid na katutubong Ayta para sa napakahalagang araw na ito.
Bilang Obispo ng United Methodist Church, nakikiisa ako, kasama ang aming mga pastor at layko na nandirito ngayon, sa panawagan na hadlangan ang Pax Silica Initiative, maging ang planong pagtayo ng Economic Security Zone sa New Clark City, sa probinsya ng Tarlac.

Ang Pax Silica ay ipinakikilala bilang pintuan tungo sa modernisasyon at trabaho. Ngunit sa liwanag ng ebanghelyo na nagtuturo sa atin ng katarungan para sa maralita, paggalang sa lupang ipinamana ng Diyos, at proteksyon ng mga abaโ€™t api, hindi natin maaaring hindi tanungin kung sino ba talaga ang makikinabang sa development na ito.

Kinikilala namin ang mga sumusunod na alalahanin:

๐˜’๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜’๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ฐ
Libo-libong Ayta at katutubong pamayanan, gayundin ang mga magsasaka ang nanganganib mapaalis sa kanilang ancestral domain at lupang pinagmumulan ng kanilang kabuhayan.

๐˜š๐˜ฐ๐˜ฃ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ข๐˜ฏ๐˜บ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‰๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ
Ang tinatawag na โ€œjoint governance arrangement,โ€ na maaaring maglagay ng bahagi ng ating teritoryo sa labas ng saklaw ng batas ng Pilipinas, ay banta sa ating kasarinlan bilang bansa.

๐˜’๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜”๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข
Ang mga trabahong ipinangako ay pansamantala at kontraktwal, walang seguridad, at walang sapat na proteksyon.

๐˜’๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜จ๐˜ช๐˜ณ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜—๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜’๐˜ข๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ
Ang malawakang paggamit ng tubig, enerhiya, at lupa para sa mga dayuhang interes ay hindi katumbas ng tunay na industriyalisasyong nagsisilbi sa sambayanang Pilipino.

Ang United Methodist Church ay may mahabang kasaysayan ng panunuligsa sa anumang porma ng pananamantala at pananakop mula sa panahon ng kolonyalismo hanggang sa kasalukuyang anyo ng globalisasyong pinamumunuan ng malalaking kapangyarihan.

๐™†๐™–๐™ฎ๐™– ๐™จ๐™– ๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ก๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ง๐™ช๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ฃ, ๐™ ๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฅ๐™–๐™–๐™ฃ, ๐™–๐™ฉ ๐™ฅ๐™–๐™œ๐™ข๐™–๐™ข๐™–๐™๐™–๐™ก ๐™จ๐™– ๐™—๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ, ๐™ฃ๐™–๐™ ๐™ž๐™ ๐™ž๐™ž๐™จ๐™– ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™๐™ฃ๐™ž๐™ฉ๐™š๐™™ ๐™ˆ๐™š๐™ฉ๐™๐™ค๐™™๐™ž๐™จ๐™ฉ ๐˜พ๐™๐™ช๐™ง๐™˜๐™ ๐™จ๐™– ๐™ก๐™–๐™—๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™ข๐™–๐™ข๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™ค ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™จ๐™– ๐™ฉ๐™ช๐™ฃ๐™–๐™ฎ ๐™ฃ๐™– ๐™ฅ๐™–๐™ข๐™—๐™–๐™ฃ๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ช๐™จ๐™ฉ๐™ง๐™ž๐™ฎ๐™–๐™ก๐™ž๐™จ๐™–๐™จ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ, ๐™๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ž ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™จ๐™– ๐™™๐™–๐™ฎ๐™ช๐™๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ž๐™ฃ๐™ฉ๐™š๐™ง๐™š๐™จ, ๐™ ๐™ช๐™ฃ๐™™๐™ž ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™จ๐™– ๐™Ž๐™–๐™ข๐™—๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™ค.

Patuloy po tayong manalangin, manampalataya at kumilos para sa buhay na ipinangako ng Diyos hindi lamang sa ating mga tao kundi sa buong sangnilikha - buhay na ganap at kasiya-siya para sa lahat.

Kasama ninyo sa paglilingkod,
(SGD) REV. RUBY-NELL M. ESTRELLA
Resident Bishop
Manila Episcopal Area
Philippines Regional Conference
The United Methodist Church

Click here to see the PDF version of the statement:
https://drive.google.com/file/d/1b6fcY2lHMFhCYZfzOIJ2BVg0nPugBmqG/view?usp=sharing

Midweek refresher kailangan mo ba? Come and join us this Thursday evening for our Midweek Service at Wesley UMC!๐Ÿ“… Aug 13...
12/08/2026

Midweek refresher kailangan mo ba? Come and join us this Thursday evening for our Midweek Service at Wesley UMC!

๐Ÿ“… Aug 13, 2026 at 6:00 PM
๐Ÿ‘ค Preacher: Bro. John Y. Reyes
๐Ÿ“ 890 Rizal Ave., East Tapinac, Olongapo City
๐Ÿค Led by WSCS & UMM

Invite your family and friends. See you all! ๐Ÿ™Œโค๏ธ

Address

Olongapo
2200

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Wesley United Methodist Church, Olongapo City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share