Diocese of Iba - St. Anne Parish

Diocese of Iba - St. Anne Parish Ang Parokya ni Santa Ana ay isang katolikong komunidad na nagkakaisang naglalakbay upang ipahayag at

ANG PANGARAP NG PAROKYA NG SANTA ANA
Tayong bumubuo ng Parokya ng Santa Ana ay nangangarap na maging isang huwarang Katolikong Sambayanan na nagkakaisa sa Diyos Ama, Diyos Anak, at Diyos Espiritu Santo, nililiwanagan ng Salita ng Diyos at pinapatnubayan ng mga Banal na Aral ng Inang Simbahan, pinababanal ng Banal na Eukaristiya, masunuring nagpapaakay sa Mahal na Birheng Maria at San Jose, Sta. An

a at San Joaquin patungo sa matatag at mabungang Pananampalataya sa Diyos na namamalas sa aktibong pagpapanibago ng lipunan upang ito ay maging tunay na Kaharian ng Diyos. ANG MISYON NG PAROKYA NG SANTA ANA
Tungo sa kaganapan ng ating Pangarap, na namamalas at nararanasan sa aktibong pagbabago ng lipunan upang ito ay maging tunay na Kaharian ng Diyos, tayo ay matibay na nagtatalaga ng sarili sa mga sumusunod ng Misyon:
1. Pagtataguyod ng masigla ay kaakit-akit na pagdiriwang ng Banal na Misa at mga Pagsamba; (to promote the dynamic and satisfying celebration of the Eucharist and para-liturgies)
2. Pagpapasigla sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita at Katesismo ng Simbahang Katoliko sa Simbahan, mga paaralan, kapitbahayan, at tahanan; (to promote the renewed integral evangelization of the Church, schools, communities and families through the Bible and the Catechism of the Catholic Church)
3. Paglilingkod sa Sambayananng Diyos tungo sa kapayapaan at Katarungan lalo na para sa mga mahihirap at walang katayuan sa lipunan; (to promote peace and justice especially for the poor and the marginalized in the spirit of service)
4. Pangangalaga ng wasto sa yaman ng parokya na ipinagkatiwala ng Diyos; (to exercise responsible stewardship over the temporal goods of the Parish)
5. Pagsusulong ng kahalagahan ng buhay mula sa paglilihi hanggang sa pagtanda; (to promote and defend the gift of Life from womb to tomb)
6. Paghubog sa mga Kabataan bilang Kinabukasan ng Simbahan; (to mold the Youth as the future of the Church)
7. Pagtatatag at pagtataguyod ng mga Simbahayang Mumunti ni Kristo (SMK/BEC) sa buong parokya; (to establish and maintain Basic Ecclesial Communities in the whole Parish)
8. Pangangalaga at pagtataguyod ng mga Bokasyon sa pagpapari, pagmamadre, pagkakatekista, pag-aasawa at pag-iisa. (to encourage and nourish vocations to the priesthood, religious life, catechetical apostolate, marriage and singlehood)
9. Pangangalaga at pagtatanggol sa kapakanan ng kalikasan; (to promote and defend the integrity of nature)

TIGNAN | MGA KUHANG LARAWAN LINGGO NG BANAL NA AWA at IKALAWANG LINGGO NG PASKO NG MULING PAGKABUHAYSa pagdiriwang ng Ka...
12/04/2026

TIGNAN | MGA KUHANG LARAWAN LINGGO NG BANAL NA AWA at IKALAWANG LINGGO NG PASKO NG MULING PAGKABUHAY

Sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Banal na Awa, sama-sama tayong nagtipon upang alalahanin ang walang hanggang habag at pagmamahal ng Panginoon.

Patuloy nawa nating damhin ang habag ng Diyos sa bawat araw ng ating buhay.

TIGNAN | Mga Kuhang larawan : ika-11 Anibersaryo ng Pagkapari ni Rev. Fr. Arlie Q. VentoTignan ang mga kuhang larawan mu...
09/04/2026

TIGNAN | Mga Kuhang larawan : ika-11 Anibersaryo ng Pagkapari ni Rev. Fr. Arlie Q. Vento

Tignan ang mga kuhang larawan mula sa spagdiriwang ng Banal na Misa bilang pasasalamat sa ika-11 Anibersaryo ng Pagkapari ni Rev. Fr. Arlie Q. Vento, na sinundan ng isang simpleng agahan at salu-salo kasama ang ating mga kaparokya at mga kabataan.

Patuloy naming ipinagpapasalamat ang iyong tapat na paglilingkod bilang mabuting pastol na gumagabay sa aming parokya sa pananampalataya, pagkakaisa, at pagmamahal sa Diyos. Maraming salamat po, Fr. Arlie, sa inyong walang sawang pag-aaruga at paggabay sa amin.

Dalangin namin na patuloy kayong pagkalooban ng mabuting kalusugan, lakas ng pangangatawan, kapayapaan ng puso, at masaganang biyaya upang maipagpatuloy ninyo ang inyong banal na misyon. Nawa’y pagpalain pa kayo ng Panginoon ng marami pang taon ng masaya at mabungang paglilingkod.

Mula sa iyong pamilya dito sa Parokya ni Sta. Ana, taos-pusong pasasalamat at pagbati sa inyong ika-11 Anibersaryo ng Pagkapari!

TIGNAN | Mga kuhang larawan mula sa Ika-41 Anibersaryo ng Pagtatalaga ng Parokya ni Sta. AnaNasaksihan ang isang taimtim...
09/04/2026

TIGNAN | Mga kuhang larawan mula sa Ika-41 Anibersaryo ng Pagtatalaga ng Parokya ni Sta. Ana

Nasaksihan ang isang taimtim at banal na pagdiriwang ng Banal na Misa sa panunugna ng ating Kura Paroko Reb. Pde. Arlie Q. Vento, bilang pasasalamat sa patuloy na paggabay ng Diyos sa ating mahal na parokya sa loob ng apatnapu’t isang taon.

Matapos ang pagdiriwang ng Misa, nagsalo-salo ang sambayanan sa isang simple ngunit makabuluhang salu-salo, tanda ng pagkakaisa at pagbubuklod bilang isang pamilya ng pananampalataya.

Sa pagdiriwang na ito, taus-puso rin nating ipinapaabot ang pasasalamat sa lahat ng naging tagapagtaguyod at katuwang sa patuloy na paglago at pag-unlad ng ating simbahan. Ang kanilang malasakit at paglilingkod ay nananatiling haligi ng ating pamayanan.

Purihin ang Diyos sa Kanyang katapatan sa ating parokya sa nagdaang apatnapu’t isang taon!

PAGBATI | ANIBERSARYO NG PAGKAPARIBuong galak at pasasalamat naming ipinagdiriwang, ating binabati si Rev. Fr. Arlie Q. ...
09/04/2026

PAGBATI | ANIBERSARYO NG PAGKAPARI

Buong galak at pasasalamat naming ipinagdiriwang, ating binabati si Rev. Fr. Arlie Q. Vento sa kanyang ika-11 Anibersaryo ng Pagkapari.

Sa loob ng labing-isang taon, naging tapat siyang lingkod ng Diyos at ng Kanyang sambayanan—isang mabuting pastol na patuloy na gumagabay, nag-aaruga, at nag-aalay ng kanyang buhay para sa kapakanan ng kanyang kawan. Sa kanyang pagtuturo, paggabay, at paglilingkod, marami ang napalapit sa Panginoon at napalakas ang pananampalataya.

Nawa’y patuloy kang pagkalooban ng Panginoon ng lakas, karunungan, at biyaya upang maipagpatuloy ang iyong banal na misyon bilang mabuting pastol ng Kanyang bayan.

Mula sa Parokya ni Sta. Ana, taus-pusong pasasalamat po sa inyong tapat at mapagmahal na paglilingkod. Maraming salamat po, Fr. Arlie!

Maligayang ika-11 Anibersaryo ng Pagkapari!

PAANYAYA | IKA-41 ANIBERSARYO NG PAGTATALAGA NG PAROKYA NI STA. ANAMalugod na inaanyayahan ang buong sambayanan ng Parok...
06/04/2026

PAANYAYA | IKA-41 ANIBERSARYO NG PAGTATALAGA NG PAROKYA NI STA. ANA

Malugod na inaanyayahan ang buong sambayanan ng Parokya ni Sta. Ana na makiisa sa taimtim na pagdiriwang ng Ika-41 Anibersaryo ng Pagtatalaga ng Parokya ni Sta. Ana.

Sa loob ng apatnapu’t isang taon, patuloy na naging daluyan ng biyaya at saksi sa paglago ng pananampalataya ng sambayanan ang ating mahal na parokya. Sama-sama tayong magpasalamat sa Poong Maykapal sa Kanyang walang humpay na paggabay at paglingap sa ating pamayanan sa nagdaang mga taon.

Martes | Abril 07, 2026
06:30 N.U.
Punong Tagapagdiwang : Reb. Padre Arlie Q. Vento

Inaanyayahan ang lahat na makibahagi sa Banal na Misa bilang isang sama-samang paghahandog ng pasasalamat at pagpupugay sa patuloy na presensya ng Diyos sa buhay ng ating parokya.

Makibahagi tayo nang may taimtim na puso at diwang mapagpasalamat sa makasaysayang pagdiriwang na ito.

𝙏𝙄𝙂𝙉𝘼𝙉 | Mga Kuhang Larawan: Linggo ng PagkabuhayTignan ang mga kuhang larawan mula sa masayang pagdiriwang ng Linggo ng...
06/04/2026

𝙏𝙄𝙂𝙉𝘼𝙉 | Mga Kuhang Larawan: Linggo ng Pagkabuhay

Tignan ang mga kuhang larawan mula sa masayang pagdiriwang ng Linggo ng Pagkabuhay sa ating Parokya.

Sa pagdiriwang ng Salubong at ng Misa ng Pasko ng Pagkabuhay, sama-sama nating ipinahayag ang tagumpay ni Kristo laban sa kasalanan at kamatayan. Ang Kanyang muling pagkabuhay ay paalala ng bagong buhay at pag-asa para sa ating lahat.

Nawa’y ang galak ng muling pagkabuhay ni Kristo ay manatili sa ating mga puso at magbigay-liwanag sa ating pananampalataya.

𝙏𝙄𝙂𝙉𝘼𝙉 | Mga Kuhang Larawan: Sabado de GloriaAng mga kuhang larawan mula sa taimtim na paggunita ng Sabado de Gloria sa ...
06/04/2026

𝙏𝙄𝙂𝙉𝘼𝙉 | Mga Kuhang Larawan: Sabado de Gloria

Ang mga kuhang larawan mula sa taimtim na paggunita ng Sabado de Gloria sa ating Parokya.

Ang magdamagang pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay, sa paghahanda ng apoy at pag-iilaw ng kandila, at sa taimtim na pagbabantay, sama-sama nating inantabayanan ang maluwalhating muling pagkabuhay ni Kristo—ang liwanag na nagtatagumpay laban sa kadiliman.

𝙏𝙄𝙂𝙉𝘼𝙉 | 𝘿𝘼𝘼𝙉 𝙉𝙂 𝙆𝙍𝙐𝙎 2026: 𝙇𝙖𝙠𝙗𝙖𝙮 𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙜-𝙞𝙗𝙞𝙜, 𝙋𝙖𝙣𝙖𝙣𝙖𝙢𝙥𝙖𝙡𝙖𝙩𝙖𝙮𝙖 𝙖𝙩 𝙋𝙖𝙜𝙩𝙪𝙗𝙤𝙨Tignan ang mga kuhang larawan mula sa taimtim...
06/04/2026

𝙏𝙄𝙂𝙉𝘼𝙉 | 𝘿𝘼𝘼𝙉 𝙉𝙂 𝙆𝙍𝙐𝙎 2026: 𝙇𝙖𝙠𝙗𝙖𝙮 𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙜-𝙞𝙗𝙞𝙜, 𝙋𝙖𝙣𝙖𝙣𝙖𝙢𝙥𝙖𝙡𝙖𝙩𝙖𝙮𝙖 𝙖𝙩 𝙋𝙖𝙜𝙩𝙪𝙗𝙤𝙨

Tignan ang mga kuhang larawan mula sa taimtim na pagsasabuhay ng Daan ng Krus ng mga kabataan ng Parokya ni Sta. Ana.

Sa bawat hakbang ni Hesus patungo sa Krus, nasisilayan natin ang Kanyang wagas na pagmamahal sa sanlibutan—isang pag-ibig na handang magtiis ng hirap at sakit upang tayo ay maligtas. Ang Kanyang pagdurusa ay hindi lamang kwento ng sakit, kundi kwento ng pag-ibig na walang hanggan.

Ipinapalaala sa atin ng Daan ng Krus na ang tunay na pag-ibig ay hindi makasarili. Ang pagdurusa ni Kristo ay paanyaya sa atin na magnilay, magsisi, at mamuhay nang may kababaang-loob at pagtitiwala sa Kanyang kalooban. Nawa’y maging inspirasyon ang Kanyang sakripisyo upang higit nating mahalin ang Diyos at ang ating kapwa.

Lubos ang aming Pasasalamat sa aming Parish Priest – Rev. Fr. Arlie Q. Vento, Parish Pastoral Council, mga magulang ng ating mga kabataan sa kanilang suporta at pag-intindi, at mga sponsors na nagbigay ng suporta upang maisakatuparan ang makabuluhang pagsasabuhay na ito. Maraming salamat po sa lahat ng inyong sakripisyo at malasakit—kayo po ang ilaw at gabay ng aming kabataan. Nawa’y maibalik ng Panginoon sa inyo ang lahat ng biyaya, kabutihan, at kagalakang ipinagkaloob ninyo sa amin—siksik, liglig, at umaapaw!

05/04/2026
𝙏𝙄𝙂𝙉𝘼𝙉 | Mga Kuhang Larawan: Biyernes SantoTignan ang mga kuhang larawan mula sa taimtim na paggunita ng Biyernes Santo ...
05/04/2026

𝙏𝙄𝙂𝙉𝘼𝙉 | Mga Kuhang Larawan: Biyernes Santo

Tignan ang mga kuhang larawan mula sa taimtim na paggunita ng Biyernes Santo sa ating Parokya.

Sa pagninilay sa Pitong Huling Wika ng ating Panginoong Hesukristo, sa Pagpaparangal sa Krus na Banal, at sa banal na Prusisyon ng Paglilibing, sama-sama nating ginunita ang Kanyang dakilang sakripisyo at walang hanggang pag-ibig para sa sangkatauhan.

Nawa’y magsilbing paanyaya ang araw nanito upang higit nating mapagnilayan ang lalim ng pagdurusa ni Kristo at ang Kanyang handog na pagtubos para sa ating kaligtasan.

MGA KUHANG LARAWAN : HUWEBES SANTOMisa ng Huling Hapunan ng Panginoon, Visita Iglesia at Pagtatanod sa Banal na Santissi...
05/04/2026

MGA KUHANG LARAWAN : HUWEBES SANTO

Misa ng Huling Hapunan ng Panginoon, Visita Iglesia at Pagtatanod sa Banal na Santissimo Sakramento.

Address

Blk. 1 Federico Street Gordon Heights
Olongapo
2200

Opening Hours

Tuesday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Wednesday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Thursday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Friday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Saturday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Sunday 8:30am - 12pm

Telephone

+63472225904

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Diocese of Iba - St. Anne Parish posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share