20/01/2026
{๐๐๐๐๐๐๐}
Ngayong araw, ika-20, inaalala natin ang kapistahana ni San Sebastian Martir. Pagbati sa Parokya ng San Sebastian, San Narciso, Zambales. Naragsak a Panagpiyesta Apo Sebastian!
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Maluwalhating martir na si San Sebastian, tapat na sundalo ni Kristo at huwaran ng tunay na Kristiyano, buong kababaang-loob kaming lumalapit sa iyo upang humiling ng iyong pamamagitan sa harap ng ating Panginoong Hesukristo, ang ating Tagapagligtas, na iyong pinaglabanan at pinag-alayan ng iyong buhay.
Ikaw na namuhay sa matibay na pananampalataya at nagtiis hanggang sa wakas, idalangin mo kami kay Hesus upang kami ay maging matatapat na saksi ng pag-ibig ng Diyos sa mundo. Ikaw na buong pagtitiwalang nakinig at sumunod sa mga salita ng Panginoon, ipagkaloob mo sa amin ang mas matibay na pag-asa sa muling pagkabuhay. Ikaw na namuhay sa ganap na kawanggawa at pag-ibig sa iyong kapwa, ipanalangin mo na pag-alabin pa ng Panginoon ang aming pag-ibig para sa lahat.
Sa wakas, maluwalhating martir na si San Sebastian, ipagsanggalang mo kami laban sa salot, kagutuman, at digmaan. Ingatan mo ang aming mga pananim at mga alagang hayop, mga biyayang kaloob ng Diyos para sa aming ikabubuti at sa ikabubuti ng lahat. Higit sa lahat, ipagtanggol mo kami laban sa kasalanan, ang pinakaugat ng lahat ng kasamaan.
Amen.
๐บ๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐!
โโโโโโโโโโโโโโโ
*For Inquiries and questions, you may message this page so that admins and moderators can respond to your question/s
*Parish office is open 8:00 am - 11:30 am in the morning and 1:00 pm - 4:00 pm in the afternoon Tuesday-Sunday.
โโโโโโโโโโโโโโโ
๐๐ข๐๐๐ข๐ช ๐๐ก๐ ๐ฆ๐จ๐ฃ๐ฃ๐ข๐ฅ๐ง ๐จ๐ฆ ๐ข๐ก ๐ข๐จ๐ฅ ๐ฆ๐ข๐๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ข๐จ๐ก๐ง๐ฆ:
๐๐ถ๐ผ๐ฐ๐ฒ๐๐ฒ ๐ผ๐ณ ๐๐ฏ๐ฎ - ๐๐บ๐บ๐ฎ๐ฐ๐๐น๐ฎ๐๐ฒ ๐๐ผ๐ป๐ฐ๐ฒ๐ฝ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐๐ต - ๐๐ฎ๐ฟ๐ฟ๐ฒ๐๐๐ผ:
https://www.facebook.com/icpbarretto/
๐๐๐ฃ ๐๐ผ๐บ๐บ๐ถ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ผ๐ป ๐ฌ๐ผ๐๐๐ต:
https://www.facebook.com/ICPBYM/
๐๐ผ๐ฟ๐ผ ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ฎ ๐๐ป๐บ๐ฎ๐ฐ๐๐น๐ฎ๐ฑ๐ฎ:
https://www.facebook.com/icpbarrettomusicministry/
๐ก๐๐ฒ๐๐๐ฟ๐ฎ ๐ฆ๐ฒ๐ป๐ผ๐ฟ๐ฎ ๐ฑ๐ฒ ๐น๐ฎ ๐ฆ๐ผ๐น๐ฒ๐ฑ๐ฎ๐ฑ ๐ฑ๐ฒ ๐ ๐ฎ๐พ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ฎ:
https://www.facebook.com/SoledadDeMaquinaya/