Diocesan Shrine of St. Mary Magdalene - Parish of San Lorenzo Ruiz

Diocesan Shrine of St. Mary Magdalene - Parish of San Lorenzo Ruiz Roman Catholic Church, Diocese of Iba

23/08/2026

๐—œ๐—ธ๐—ฎ-๐Ÿ‘๐Ÿ” ๐—ป๐—ฎ ๐—”๐—ป๐—ถ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ฎ๐—ฟ๐˜†๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ผ๐—น๐˜† ๐—ก๐—ฎ๐—บ๐—ฒ ๐—ฆ๐—ผ๐—ฐ๐—ถ๐—ฒ๐˜๐˜† | Sumasalamin sa masayang pagdiriwang ng pananampalataya, pagkakaisa, paglilingkod, at matibay na debosyon sa Banal na Pangalan ni Hesus.

Sa loob ng 36 na taon, patuloy na naging buhay na saksi ang Holy Name Society sa pagmamahal sa Diyos at paglilingkod sa kapwa. Nawaโ€™y patuloy tayong pagpalain at gabayan sa bawat hakbang ng ating bokasyon sa paglilingkod. โœจ

Mabuhay ang Holy Name Society!

Ad Majorem Dei Gloriam!






๐—œ๐—ธ๐—ฎ-๐Ÿ‘๐Ÿ” ๐—ป๐—ฎ ๐—”๐—ป๐—ถ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ฎ๐—ฟ๐˜†๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ผ๐—น๐˜† ๐—ก๐—ฎ๐—บ๐—ฒ ๐—ฆ๐—ผ๐—ฐ๐—ถ๐—ฒ๐˜๐˜† | Mga kuhang larawan na sumasalamin sa masayang pagdiriwang ng pananampalatay...
23/08/2026

๐—œ๐—ธ๐—ฎ-๐Ÿ‘๐Ÿ” ๐—ป๐—ฎ ๐—”๐—ป๐—ถ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ฎ๐—ฟ๐˜†๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ผ๐—น๐˜† ๐—ก๐—ฎ๐—บ๐—ฒ ๐—ฆ๐—ผ๐—ฐ๐—ถ๐—ฒ๐˜๐˜† | Mga kuhang larawan na sumasalamin sa masayang pagdiriwang ng pananampalataya, pagkakaisa, paglilingkod, at matibay na debosyon sa Banal na Pangalan ni Hesus.

Sa loob ng 36 na taon, patuloy na naging buhay na saksi ang Holy Name Society sa pagmamahal sa Diyos at paglilingkod sa kapwa. Nawaโ€™y patuloy tayong pagpalain at gabayan sa bawat hakbang ng ating bokasyon sa paglilingkod. โœจ

Mabuhay ang Holy Name Society! Holy Name Society - Diocesan Shrine of St. Mary Magdalene, PSLR

Ad Majorem Dei Gloriam!








๐—ฆ๐—ฎ ๐—œ๐—ธ๐—ฎ-๐Ÿ๐Ÿ ๐—Ÿ๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ต๐—ผ๐—ป, nawaโ€™y patuloy tayong maging matatag sa pananampalataya, mapagpakumbaba sa pagli...
23/08/2026

๐—ฆ๐—ฎ ๐—œ๐—ธ๐—ฎ-๐Ÿ๐Ÿ ๐—Ÿ๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ต๐—ผ๐—ป, nawaโ€™y patuloy tayong maging matatag sa pananampalataya, mapagpakumbaba sa paglilingkod, at bukas ang puso sa biyaya ng Panginoon.

Sa bawat Banal na Misa, muli nating nararanasan ang presensya at pagmamahal ng Diyos.

โ€œPanginoon, turuan Mo kaming pumasok sa Iyong pintuan nang may pananampalataya at pusong handang sumunod sa Iyong kalooban.โ€ โค๏ธ










๐—›๐—ข๐— ๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฌ๐—” | Ika-20 na Linggo sa Karaniwang Panahon | Agosto 16, 2026โ€œMayroong tamang panahon ang Diyos para ibigay ang at...
17/08/2026

๐—›๐—ข๐— ๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฌ๐—” | Ika-20 na Linggo sa Karaniwang Panahon | Agosto 16, 2026

โ€œMayroong tamang panahon ang Diyos para ibigay ang ating mga dinarasal. Always trust in Godโ€™s perfect timing. May tamang panahon para sa lahat mula sa ating Panginoon.โ€





๐—”๐—น๐˜๐—ฎ๐—ฟ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐——๐—ฎ๐˜† ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | Bilang bahagi ng Altar Servers Day, isinagawa ang Formation para sa mga aktibong Lingkod Damban...
15/08/2026

๐—”๐—น๐˜๐—ฎ๐—ฟ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐——๐—ฎ๐˜† ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | Bilang bahagi ng Altar Servers Day, isinagawa ang Formation para sa mga aktibong Lingkod Dambana na pinangunahan ni Bro. Jerico Mancao.

Bago ito, dumalaw ang ating mga Lingkod Dambana kay Nanay Manay Batara bilang pasasalamat sa kanyang naging bahagi at paggabay sa ating ministry.

Isinagawa rin ang pagdalaw sa pamilya ni Kierbhen Aglibot, bilang pakikiramay at pag-alala sa ating dating aktibong miyembro ng Ministry of Altar Servers.

Isang araw ng paghubog, pasasalamat, at pag-alala.




15/08/2026
๐๐€๐†๐๐€๐’๐€ ๐’๐€ ๐€๐‘๐€๐–-๐€๐‘๐€๐–:Miyerkules, Agosto 12, 2026Miyerkules ng Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)o kaya Paggunita k...
11/08/2026

๐๐€๐†๐๐€๐’๐€ ๐’๐€ ๐€๐‘๐€๐–-๐€๐‘๐€๐–:
Miyerkules, Agosto 12, 2026

Miyerkules ng Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

o kaya Paggunita kay Santa Juana Francisca de Chantal, namanata sa Diyos

UNANG PAGBASA
Ezekiel 9, 1-7; 10, 18-22

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel

Sumisigaw ang Panginoon, โ€œHalikayo, mga itinalaga upang magpahirap sa lungsod. Dalhin ninyo ang inyong mga sandata.โ€ Mula sa pintunan sa hilaga ay pumasok ang anim na taong tigi-tig-isa ng sandata. May kasama silang nakasuot ng kayong lino at may panulat sa baywang. Tumayo sila sa may altar na tanso.

Noon, ang kaningningan ng Panginoon ay lumagay sa itaas ng kerubin sa may pagpasok ng Templo. Tinawag niya ang lalaking nakadamit ng kayong lino at may panulat sa baywang. Sinabi niya rito, โ€œLibutin mo ang lungsod ng Jerusalem at lagyan mo ng tanda sa noo ang lahat ng nagdalamhati dahil sa mga kasuklam-suklam na ginawa roon.โ€ Sa iba naman ay narinig kong sinabi niya, โ€œSumunod kayo sa kanya at patayin ninyo ang mga tagaroon. Huwag kayong magtitira maliban sa mga may tanda sa noo. Patayin ninyong lahat ang mga tagaroon: matanda, binata, dalaga, babae at bata. Umpisahan ninyo sa santwaryo.โ€ Inuna nga nilang patayin ang matatanda ng bayan sa harap ng bahay. Sinabi niya sa kanila, โ€œParumihin ninyo ang Templo at punuin ninyo ng bangkay ang patyo. Lakad na kayo!โ€ Lumakad sila at pumatay nang pumatay sa lungsod.

Ang kaningningan ng Panginoon ay umalis sa may pagpasok ng Templo at lumagay sa may ulunan ng kerubin. Lumipad ang mga kerubin kasama ang mga gulong, at tumigil sa may pintuan ng Templo sa gawing silangan. Nasa ulunan pa rin nila ang kaningningan ng Diyos ng Israel.

Ang mga ito ay siya ring apat na nilalang na nakita ko sa may Ilog Kebar at nalaman kong silaโ€™y mga kerubin. Silaโ€™y tig-aapat ng mukha at tig-aapat din ng pakpak at may mga tila kamay sa ilalim ng kanilang mga pakpak. Ang mukha nilaโ€™y tulad din nang makita ko sila sa may Ilog Kebar. Kung saan gumawi yaong isa ay doon din yaong iba.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 112, 1-2. 3-4. 5-6

Laganap sa sansinukob
ang kadakilaan ng Dโ€™yos.

Dapat na magpuri ang mga alipin,
ang ngalan ng P**n ay dapat purihin.
Ang kanyang pangalan ay papurihan,
magmula ngayoโ€™t magpakailanman.

Laganap sa sansinukob
ang kadakilaan ng Dโ€™yos.

Buhat sa silangan, hanggang sa kanluran,
ang ngalan ng P**n, pupurihing tunay.
Siyaโ€™y naghahari sa lahat ng bansa,
lampas pa sa langit ang pagkadakila.

Laganap sa sansinukob
ang kadakilaan ng Dโ€™yos.

Walang makatulad ang Panginoong Diyos,
na sa kalangitan doon naluluklok;
buhat sa itaas siyaโ€™y tumutunghay,
ang lupa at langit kanyang minamasdan.

Laganap sa sansinukob
ang kadakilaan ng Dโ€™yos.

ALELUYA
2 Corinto 5, 19

Aleluya! Aleluya!
Pinagkasundo ni Kristo
ang Diyos at mga tao;
kayaโ€™t napatawad tayo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 18, 15-20

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: โ€œKung magkasala sa iyo ang kapatid mo, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan. Kapag nakinig siya sa iyo, ang pagsasama ninyong magkapatid ay napapanauli mo sa dati at napapanumbalik mo siya sa Ama. Ngunit kung hindi siya makinig sa iyo, magsama ka pa ng isa o dalawang tao upang ang lahat ng pinag-usapan ninyo ay mapatunayan ng dalawa o tatlong saksi. Kung hindi siya makinig sa kanila, sabihin mo ito sa pagtitipon ng simbahan. At kung hindi pa siya makinig sa natitipong simbahan, ituring mo siyang Hentil o isang publikano.

Sinasabi ko sa inyo: anumang ipagbawal ninyo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at anumang ipahintulot ninyo sa lupa ay ipahihintulot sa langit.

Sinasabi ko pa rin sa inyo: kung ang dalawa sa inyo rito sa lupa ay magkaisa sa paghingi ng anumang bagay sa inyong panalangin, ipagkakaloob ito sa inyo ng aking Amang nasa langit. Sapagkat saanman may dalawa o tatlong nagkakatipon dahil sa akin, naroon akong kasama nila.โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Sinabi ni Jesus sa atin, โ€œKung dito sa lupa ay may dalawa sa inyo na nagkakaisang humihingi ng anuman, gagawin ito para sa kanila ng aking Amang nasa Langit.โ€ (Mt 18:19) Kaya manalangin tayo ngayon nang sama-sama,

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Punuin nawa kami ng iyong presensya, Panginoon.

Ang mga miyembro ng Simbahan nawaโ€™y maging malapit ang kalooban sa isaโ€™t isa at mamuhay sa kapayapaan at pagkakasunduan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng bansa nawaโ€™y igalang ang karapatan ng bawat tao at iwaksi ang pag-uusig at pananakit, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawaโ€™y makapagsalita ng katotohanan nang may katatagan at pagmamahal, at tanggapin ang anumang pagtatama ng iba nang may kagandahang-loob, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, matatanda, at ang mga nakaratay na sa kanilang tahanan nawaโ€™y makita nila ang kaginhawahan at kasiyahan sa kagandahang-loob ng mga nag-aaruga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawaโ€™y maging malinis ang budhi at maihanda sa walang hanggang pakikiisa kay Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, kapiling namin ang iyong Anak, hinihiling namin na tulungan mo kaming manalig sa kabutihan ng bawat tao at maging mahinahon kami sa isaโ€™t isa tulad ng pagiging mabuti mo sa amin. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.







***************
๐๐š๐ง๐ ๐ ๐ข๐ญ-๐ฉ๐š๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ญ:

๐—ก๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป:
https://www.awitatpapuri.com/2026/08/12/miyerkules-agosto-12-2026/

๐—Ÿ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป:
http://criticayopinioncultural.blogspot.com/2023/09/un-pastor-que-creese-un-dios-in-via.html

๐“Ÿ๐“ช๐“ซ๐“ช๐“ฝ๐“ฒ๐“ญ:
Ang lahat ng mga nilalaman at larawang ginamit sa post ay nabibilang sa kani-kanilang mga may-ari at ang pahina na ito ay hindi naghahabol ng anumang karapatan sa kanila.

๐—ฃ๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—œ๐—— ๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—ž๐—ข | Lingkod at Pagmamahal ng Dambana Para sa mga Kapatid nating apektado ng Kalamidad.Bilang pagtugon sa p...
10/08/2026

๐—ฃ๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—œ๐—— ๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—ž๐—ข | Lingkod at Pagmamahal ng Dambana Para sa mga Kapatid nating apektado ng Kalamidad.

Bilang pagtugon sa panawagan ng Social Action Center of Zambales, ang ating Dambana ay tumatanggap na po ng mga donasyon para sa ating mga kapatid na naapektuhan ng kalamidad.

Maaari po tayong magbahagi ng sumusunod:

1. ๐Ÿš Food Packs
2. ๐Ÿ‘• Damit
3. ๐Ÿ’Š Basic na Gamot
4. ๐Ÿงผ Hygiene Kits
5. ๐Ÿ’ต Cash Donation

Sa mga nais pong magpaabot ng tulong, maaari lamang po itong dalhin sa Opisina ng ating Dambana.

Anuman pong halaga o uri ng tulong ay malaking bagay para sa ating mga kapatid na nangangailangan. Sama-sama po tayong maging instrumento ng pag-asa, malasakit, at pagmamahal.

Maraming salamat po sa inyong bukas-palad na pagtulong. Nawaโ€™y pagpalain po tayo ng P**ng Maykapal!

Photo Credits: Batang Gapo & Go Zambales.








๐๐€๐†๐๐€๐’๐€ ๐’๐€ ๐€๐‘๐€๐–-๐€๐‘๐€๐–:Martes, Agosto 11, 2026Mga Pagbasa mula saMartes ng Ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)UNAN...
10/08/2026

๐๐€๐†๐๐€๐’๐€ ๐’๐€ ๐€๐‘๐€๐–-๐€๐‘๐€๐–:
Martes, Agosto 11, 2026

Mga Pagbasa mula sa
Martes ng Ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

UNANG PAGBASA
Ezekiel 2, 8 โ€“ 3, 4

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel

Ito ang sinasabi ng Panginoon, โ€œTao, pakinggan mo ang sinasabi ko sa iyo. Huwag kang tutulad sa kanila na naghimagsik sa akin. Ngumanga ka. Kanin mo ito.โ€ Nang akoโ€™y tumingala, may nag-abot sa akin ng isang aklat na nakabalumbon. Iniladlad ito at nabasa ko sa magkabila ang mga panambitan, pagdadalamhati, at sumpa.

Sinabi pa sa akin, โ€œโ€˜Kanin mo ang aklat na ito. Pagkatapos, magpahayag ka sa sambahayan ni Israel.โ€

Ngumanga ako upang kanin ang aklat. Sinabi niya sa akin, โ€œKanin mo ito at magpakabusog ka.โ€ Kinain ko nga ang aklat. Ang lasa koโ€™y parang pulot-pukyutan.

Sinabi niya sa akin, โ€œTao, pumunta ka sa sambayanang Israel at sabihin mo ang ipinasasabi ko sa iyo.โ€

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 118, 14. 24. 72. 103. 111. 131

O kay tamis na namnamin
ang utos mong bigay sa โ€˜min.

Nagagalak na susundin yaong iyong kautusan
higit pa sa pagkagalak na dulot ng kayamanan.

O kay tamis na namnamin
ang utos mong bigay sa โ€˜min.

Ang buo mong kautusan sa akin ay umaaliw,
siyang gurong nagpapayo sa lahat kong suliranin.

O kay tamis na namnamin
ang utos mong bigay sa โ€˜min.

Higit pa sa gintoโ€™t pilak nitong buong sanlibutan,
ang mabuting idudulot ng bigay mong kautusan.

O kay tamis na namnamin
ang utos mong bigay sa โ€˜min.

O kay tamis na namnamin ang utos mong ibinigay,
matamis pa kaysa pulot yaong lasang tinataglay.

O kay tamis na namnamin
ang utos mong bigay sa โ€˜min.

Halos humihingal ako dahilan sa kasabikan,
na matamo yaong aking minimithing kautusan.

O kay tamis na namnamin
ang utos mong bigay sa โ€˜min.

ALELUYA
Mateo 11, 29ab

Aleluya! Aleluya!
Sabi ni Hesus na mahal:
Dalhin nโ€™yo ang aking pasan
Kaamuan koโ€™y tularan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 18, 1-5. 10. 12-14

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Nang mga sandaling iyon, lumapit kay Hesus ang mga alagad at nagtanong, โ€œSino po ang pinakadakila sa kaharian ng langit?โ€ Tinawag ni Hesus ang isang bata, pinatayo sa harapan nila, at sinabi, โ€œTandaan ninyo ito: kapag hindi kayo nagbago at tumulad sa mga bata, hinding-hindi kayo mabibilang sa mga pinaghaharian ng Diyos. Ang sinumang nagpapakababa na gaya ng batang ito ay siyang pinakadakila sa mga pinaghaharian ng Diyos. Ang sinumang tumanggap sa isang batang ganito dahil sa akin ay ako ang tinatanggap.

Ingatan ninyo na huwag hamakin ang isa sa maliliit na ito. Sinasabi ko sa inyo: sa langit, ang kanilang mga anghel ay laging nasa harapan ng aking Ama.

Ano sa akala ninyo ang gagawin ng isang taong may sandaang tupa kung maligaw ang isa sa mga iyon? Hindi kaya niya iiwan ang siyamnapuโ€™t siyam na nanginginain sa kaburulan upang hanapin ang naligaw? Sinasabi ko sa inyo: kapag nasumpungan niya ito, higit niyang ikinagagalak ang isang ito kaysa siyamnapuโ€™t siyam na hindi naligaw. Gayun din naman, hindi kalooban ng inyong Amang nasa langit na mapahamak ang isa sa maliliit na ito.โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Manalangin tayo sa Ama upang gawin niya tayong karapat-dapat na maging kanyang mga minamahal na anak.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Punuin nawa kami ng Iyong presenya, Panginoon.

Ang Simbahan nawaโ€™y maging epektibong instrumento sa pagpapalalim ng pananampalataya ng mga anak, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga lider ng gobyerno nawaโ€™y magpakita ng malalim na pagkalinga sa pagkakaroon ng magandang kinabukasan ang mga bata, at upang ang mga maliliit na ito ay maging ligtas sa lahat ng uri ng pang-aabuso, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga magulang nawaโ€™y mapalaki nang mabuti ang kanilang mga anak ayon sa pinahahalagahang moral at mabigyan sila ng tamang paghuhubog at edukasyon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, mga matatanda, at yaong mga nakaratay na sa kanilang tahanan nawaโ€™y mabanaag ang kalinga at kasiyahan ng Diyos mula sa mga nag-aaruga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawaโ€™y walang bahid ng kasalanan na makabalik sa tahanan ng Ama sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, pakinggan mo ang mga panalangin ng iyong mga anak na sumasampalataya sa iyo. Ipagkaloob mo sa amin ang kababaang-loob ng isang bata sapagkat sa mga tulad nila ang Kaharian ng Langit. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong ating Panginoon.







***************
๐๐š๐ง๐ ๐ ๐ข๐ญ-๐ฉ๐š๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ญ:

๐—ก๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป:
https://www.awitatpapuri.com/2026/08/11/martes-agosto-11-2026/

๐—Ÿ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป:
https://www.powerinthebook.com/posts/great-shall-be-the-peace-of-thy-children

๐“Ÿ๐“ช๐“ซ๐“ช๐“ฝ๐“ฒ๐“ญ:
Ang lahat ng mga nilalaman at larawang ginamit sa post ay nabibilang sa kani-kanilang mga may-ari at ang pahina na ito ay hindi naghahabol ng anumang karapatan sa kanila.

Address

117 Murphy Street
Olongapo
2200

Telephone

+63472225560

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Diocesan Shrine of St. Mary Magdalene - Parish of San Lorenzo Ruiz posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Diocesan Shrine of St. Mary Magdalene - Parish of San Lorenzo Ruiz:

Shortcuts

Share