16/08/2026
Isang maringal at makasaysayang pagtitipon ng pananampalataya ang ating masasaksihan sa pagdating ng Ina Poonbato mula sa Hermandad de los Camareros de Olongapo
Sa Setyembre 5, 2026, sama-sama nating salubungin at samahan ang Mahal na Birhen sa Grand Marian Procession dito sa Minor Basilica & Shrine Parish of Our Lady of the Rosary of Orani.
Halina’t makiisa sa maringal na prusisyon ng mga deboto at parokya, bilang pagpapakita ng ating pagmamahal at debosyon sa Mahal na Birheng Maria.
Ina Poonbato, ipanalangin mo kami!
Birheng Milagrosa ng Orani, ipanalangin mo kami!