Queen of the Most Holy Rosary Chapel

Queen of the Most Holy Rosary Chapel Ang tahanan ng Nuestra Señora del Santísimo Rosario de Olongapo - Coronada Episcopal. KAPISTAHAN: Tuwing Unang Linggo ng Oktubre.

Kinoronahan noong Oktubre 3, 2021.

LUNES PAGKATAPOS NG LINGGO NG PENTEKOSTESPAGGUNITA KAY MARIA, INA NG SIMBAHANO Mahal na Birheng Maria, Ina ng Simbahan,I...
25/05/2026

LUNES PAGKATAPOS NG LINGGO NG PENTEKOSTES

PAGGUNITA KAY MARIA, INA NG SIMBAHAN

O Mahal na Birheng Maria, Ina ng Simbahan,
Ina ni Kristo at Ina naming lahat, sa iyong kababaang-loob ay tinanggap mo ang tawag ng Diyos upang maging ina ng Kanyang Anak, at sa ilalim ng krus ay naging ina ng sambayanang Kristiyano.

Ina ng pananampalataya, samahan mo kami sa aming paglalakbay bilang sambayanan ng Diyos. Ituro mo sa amin ang pagsunod at pagtitiwala, tulad ng iyong ipinamalas sa buhay mo bilang alagad ni Kristo.

Sa gitna ng kaguluhan, pagkakahati-hati, at mga pagsubok, ipanalangin mo kami upang manatili kaming matatag, mapagkumbaba, at mapag-isa bilang isang Simbahan, na tunay na katawan ni Kristo sa daigdig.

Ina ng awa, yakapin mo ang mga nawawala sa pananampalataya, ang mga nasasaktan at nawawalan ng pag-asa. Idulog mo sila sa iyong Anak upang sila’y makatagpo ng paghilom at kapayapaan.

O Maria, Ina ng Simbahan, ipanalangin mo kami ngayon at magpakailanman. AMEN.

IKADALAWAMPU'T LIMANG ARAW NG FLORES DE MAYONUESTRA SEÑORA DE SALVACION DE MANILAO Nuestra Señora de Salvacion Ina ng tu...
25/05/2026

IKADALAWAMPU'T LIMANG ARAW NG FLORES DE MAYO

NUESTRA SEÑORA DE SALVACION DE MANILA

O Nuestra Señora de Salvacion Ina ng tunay na Diyos at Ina rin ng Santa Iglesia. Dumudulog kami sa iyo upang ilaan ang aming mga mag-anak sa iyong maka-Inang pag-aalaga. Inihahandog namin ang aming tahanan sa iyo. Loobin mong ito'y maging punlaan ng pananampalataya, duyan ng buhay, paaralan ng panalangin at luklukan ng iyong pag-ibig, tulad ng iyong tahanan sa Nazareth, na pinaghaharian ng takot sa Diyos at pagmamahal sa kapwa, kung saan tinatanggap si Kristo sa bawat tao, mula sa pagsilang hanggang kamatayan.

Tignan kami ng buong awa, patnubayan lagi sa pagsunod kay Hesus at kung madapa saklolohan kami upang magbalik-loob sa pamamagitan ng sakramento ng kumpisal, na siyang magdudulot ng kapayapaan.

O Nuestra Señora de Salvacion, sa pamamagitan mo, nawa ang pagtatalagang ito ng aming mag-anak ay maging kalugod lugod sa Ama, kaisa ni Hesukristong aming Panginoon at ng Espiritu Santo, magpakailanman Amen.

Nuestra Señora de Salvacion
Ipanalangin mo Kami

IKADALAWAMPU'T APAT NA ARAW NG FLORES DE MAYOMARIA AUXILIADORA DE LOS CRISTIANOS DE MAYPAJOO Kalinis-linisang Birheng Ma...
24/05/2026

IKADALAWAMPU'T APAT NA ARAW NG FLORES DE MAYO

MARIA AUXILIADORA DE LOS CRISTIANOS DE MAYPAJO

O Kalinis-linisang Birheng Maria, niloob ng Diyos na ikaw ay maging Tagapag-ampon ng mga Kristiyano. Ngayon ay itinatalaga at iniuukol namin ang aming sarili at ang aming parokya sa iyong Kalinis-linisang Puso. Pangalagaan mo, Inang kaibig-ibig, ang aming abang buhay. Pabanalin mo kami na sa iyo'y nagmamahal. Ilayo mo kami sa anumang kapahamakan: sa bawat nakapipinsalang sunog, baha, kidlat at lindol, sampu ng mga magnanakaw at masasamang-loob.

Pagpalain at patnubayan mo kami sa lahat ng sandali. Pagindapatin mo kaming lahat, narito man o wala, ay mailigtas sa lahat ng masasamang palad. At higit sa lahat, ipag-adya mo kaming lahat sa tukso at kasalanan. Ikaw sana ay maging Reyna ng aming buhay, na magmula ngayon ay iyong-iyo, magpasawalang-hanggan. AMEN.

𝗠𝗮𝗿𝗶𝗮 𝗔𝘂𝘅𝗶𝗹𝗶𝗮𝗱𝗼𝗿𝗮, 𝗜𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗽𝗮𝗴-𝗮𝗺𝗽𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗞𝗿𝗶𝘀𝘁𝗶𝘆𝗮𝗻𝗼, ipanalangin mo kami!

IKADALAWAMPU'T TATLONG ARAW NG FLORES DE MAYONUESTRA SEÑORA DEL ROSARIO DE ECHAGUEPANALANGIN: Binabati po kita kasanta s...
23/05/2026

IKADALAWAMPU'T TATLONG ARAW NG FLORES DE MAYO

NUESTRA SEÑORA DEL ROSARIO DE ECHAGUE

PANALANGIN:
Binabati po kita kasanta santahang Birheng Maria, maningning na liriong kasayahan ng kasalukuyang pamumukadkad. Binabati po kita Oh masamyong bulaklak na pinagtipunan ng buong bango ng kaluwalhatian. Binabati po kita Oh kaaya-ayang rosas sa hardin ng kalangitan, piniling maging Ina at sinusuhan ng gatas ni Jesucristo, hari sa langit at liwanag ng kaluwalhatian ng Dios Ama.

Ipinagmamakaamo ko po sa iyo Ina,mangyaring hilingin mo po sa iyong mahal na anak ang lahat ng talastas niyang nauukol sa aking kahinaan sa paglaban sa mga tukso at iba pang karalitaan. Nawa sa tulong niya at saklolo ay magkamit ng katiwasayan doon sa kahambal at kahulihulihang pagdawis ng aking kaluluwa ang kalinisan mo'y purihin.

P**n kong Dios ay inaaliw sa gandang walang kahambing. Sa iyo po dakilang prinsesa o maawaing Virgen Maria, iniaalay ko sa iyo ngayon ang buhay, puso at kaluluwa Lingunin mo kami at kahabagan Ina ko, huwag kaming iiwan hanggang sa oras ng kamatayan.

Oh Ina Kol Lubos po akong napaampon sa iyo at sa katunayan inihahandog ko po sa araw na ito ang aking mata, ang aking ipinakikinig, ang aking dila, ang aking puso, ang aking buong pagkatao, yaman ako ay iyong- iyo na

Oh Ina ng kagalingan kami'y iyong ipagmalasakit na parang pag-aari mong tunay, Bendicionan mo kami Ina, alang-alang sa pag-ibig ng Ama, Bendicionan mo kami Ina, alang-alang sa pag-ibig ng Anak, Bendicionan mo kami Ina, alang-alang sa Pag-ibig ng Dios Espiritu Santo, Dios na magpasawalang Hanggan. AMEN.

IKADALAWAMPU'T DALAWANG ARAW NG FLORES DE MAYNUESTRA SEÑORA DE LOS REMEDIOS DE MALATEPANALANGIN: O Mahal na Birhen ng mg...
22/05/2026

IKADALAWAMPU'T DALAWANG ARAW NG FLORES DE MAY

NUESTRA SEÑORA DE LOS REMEDIOS DE MALATE

PANALANGIN:

O Mahal na Birhen ng mga Remedios,
mapagkalingang Ina ng kagalingan at pag-asa,
kami ay lumalapit sa iyo nang may buong pagtitiwala.

Sa aming mga karamdaman at kahinaan,
ikaw ang aming kanlungan at pag-asa.
Hawakan mo kami sa gitna ng aming pagdurusa, at pagalingin mo ang aming katawan, isip, at kaluluwa.

Tulungan mo kaming tanggapin ang kalooban ng Diyos, at palakasin ang aming pananampalataya sa gitna ng pagsubok.
Ilapit mo kami sa iyong Anak na si Hesus,
ang tunay na manggagamot ng aming buhay.

O Ina ng mga Remedios, ipanalangin mo kami ngayon at magpakailanman. AMEN.

IKADALAWAMPU'T ISANG ARAW NG FLORES DE MAYOVIRGEN SA BARANGAY DE BACOLODO my Lord, through the intercession Of the Virge...
21/05/2026

IKADALAWAMPU'T ISANG ARAW NG FLORES DE MAYO

VIRGEN SA BARANGAY DE BACOLOD

O my Lord, through the intercession
Of the Virgen sang Barangay,
Sweet Virgen Mary, dear Lady,
Mother of Love, hear the prayers of
your beloved people for the forgiveness
of our sins and for our spiritual
and temporal needs.

Sweet Mary, Mother of us all,
inspire us to pray the Holy Rosary daily
so that our AVES the gifts of peace,
Love and prosperity may be with us all.

Oh Mother Mary, Virgen sang Barangay,
stand by us in our trials, hear our prayers now and forever. Amen.

Our Lady of the Barangay
- pray for us

Virgen sang Barangay
- protect our country

Birhen sa Barangay
- bless the whole world. Amen.

IKADALAWAMPUNG ARAW NG FLORES DE MAYOMARIA INMACULADA DE SALAWAGPANALANGIN:O Virgen de Salawag, kaibig-ibig na anak ng D...
20/05/2026

IKADALAWAMPUNG ARAW NG FLORES DE MAYO

MARIA INMACULADA DE SALAWAG

PANALANGIN:
O Virgen de Salawag, kaibig-ibig na anak ng Diyos Ama, Kalinislinisang Ina ng Diyos Anak, at kabanal-banalang esposa ng Espiritu Santo, inihahandog namin sa iyo ang panalangin na ito bilang parangal sa mga biyayang ipinagkaloob ng Diyos, lalong-lalo na sa kalinis-linisang paglilihi sa iyo ni Santa Ana.

Loobin mong magunita namin at isabuhay ang iyong tuwa, liwanag, hapis, at luwalhati sa misteryo ng buhay at misyon ng Panginoong Hesukristo.
Itulot mong matularan namin ang iyong kalinisan at kabanalan upang makamit ang iyong awa at kalinga sa ikararangal ng Diyos at ikabubuti ng aming kaluluwa, alang-alang kay Kristong aming Panginoon. AMEN.

(1 Ama Namin, 1 Aba Ginoong Maria, at 3 Luwalhati bilang pasasalamat sa mga grasyang ipinagkaloob ng Santisima Trinidad)

IKALABING-SIYAM NA ARAW NG FLORES DE MAYONUESTRA SEÑORA DE LA INMACULADA CONCEPCION DE SALAMBAOPANALANGIN: Mahal na Birh...
19/05/2026

IKALABING-SIYAM NA ARAW NG FLORES DE MAYO

NUESTRA SEÑORA DE LA INMACULADA CONCEPCION DE SALAMBAO

PANALANGIN:
Mahal na Birhen ng Salambao, ipanalangin mo kaming naririto sa iyong harapan na nagsusumamo na kami ay maging marapat sa iyong pagkalinga sa bawat sandali ng aming buhay.

Sa pamamagitan mo aming Birhen ng Salambao ay patnubayan at subaybayan mo ang mga taong nabubuhay sa pamamagitan ng pangingisda at lahat ng taong umaasa sa iyong kalinga at tulong.

Nawa ang kababaang loob mo ay aming tularan at harapin ang daluyong ng dagat sa aming buhay upang maging matatag ang aming pananalig sa anak mong si Hesus. Sa aming abang panalangin na ito ang kapatawaran ay aming hiling na manaig sa buong daigdig upang makamtan ang inaasam na kapayapaan. Iniluluhog namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon ngayon at magpasawalang hanggan. AMEN.

IKALABING-WALONG ARAW NG FLORES DE MAYOLA PURISIMA CONCEPCION DE BALIUAG  O Santa Maria, aming Reyna at Ina, idalangin m...
18/05/2026

IKALABING-WALONG ARAW NG FLORES DE MAYO

LA PURISIMA CONCEPCION DE BALIUAG

O Santa Maria, aming Reyna at Ina, idalangin mo kami sa Panginoon upang kami'y mag-alay ng buong pag-ibig sa Kanya sa pamamagitan ng panalangin, pagsunod sa Kanyang mga utos, at paglilingkod sa lahat ng paraang abot-kaya namin.

Nababatid po naming mahalaga ang ibayong pagtingin sa kapwang nangangailangan, kaya nga't hinihiling namin sa iyong ipagkamit mo kami ng biyayang makapaglingkod sa mga taong nangangailangan ng aming tulong. Ayon nga sa kasabihan, "kung iniibig namin ang Diyos ay nararapat din naming ibigin ang mga taong ipinagkatiwala Niya sa amin."

O La Purísima Concepción de Baliuag, ibaling mo sa amin ang iyong paningin upang ang mga pagkukulang at kasalanan namin ay aming makilala at maamin sa iyong Anak nang kami'y magtamo ng kapatawaran sa iyong pamamagitan; at bilang pagbabayad-puri, kami'y nangangakong iibig sa Diyos at sa iyo, sa pamamagitan ng tapat na paglilingkod sa inyo at sa aming kapwa.

O Mahal na Ina, ilapit mo kami kay Hesukristong aming Panginoon. Amen.

(Banggitin ang pasasalamat para sa mga panalanging ipinagkaloob,
at gayundin ang mga kahilingan at mga intensyon.)

Ama Namin... Aba Ginoong Maria... Luwalhati...

𝐋𝐚 𝐏𝐮𝐫í𝐬𝐢𝐦𝐚 𝐂𝐨𝐧𝐜𝐞𝐩𝐜𝐢ó𝐧 𝐝𝐞 𝐁𝐚𝐥𝐢𝐮𝐚𝐠,
ang Birhen sa Patio, ipanalangin mo kami.

IKALABING-PITONG ARAW NG FLORES DE MAYONUESTRA SEÑORA DE SALVACION DE LA LOMAPANALANGIN: O Pinakabanal na Birhen, walang...
17/05/2026

IKALABING-PITONG ARAW NG FLORES DE MAYO

NUESTRA SEÑORA DE SALVACION DE LA LOMA

PANALANGIN:
O Pinakabanal na Birhen, walang dungis sa katawan at espiritu, lingunin mo ako nang may kabutihan habang ako'y humihiling ng iyong makapangyarihang pamamagitan.

O Pinakabanal na Ina, tanggapin mo ang aking mga panalangin habang inihaharap ko ang mga ito sa Diyos.

O Maria, Ina ni Hesus at aming Ina, ikaw ang namamagitan para sa amin sa iyong Anak. AMEN.

O Maria, ipinaglihing walang kasalanan, ipanalangin mo kaming dumudulog sa iyo!

MALIGAYANG KAPISTAHAN sa Nuestra Señora de Salvacion de La Loma Chapel

16/05/2026

SABADONG PAGDEDEBOSYON SA NUESTRA SEÑORA DEL SANTÍSIMO ROSARIO DE OLONGAPO.

Sa Ngalan ng (+) Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. AMEN.

ANG PAGSISISI:
O Diyos ko, ikinalulungkot ko nang buong puso ang pagkakasala ko sa iyo. Kinasusuklaman ko ang lahat kong kasalanan dahil sa takot sa iyong makatarungang hatol, ngunit higit sa lahat, dahil ito’y nakakasakit sa iyong kalooban, Diyos na walang hanggan ang kabutihan at nararapat na ibigin nang walang katapusan. Matibay akong nagtitika na ikukumpisal ko ang aking mga kasalanan, tutuparin ang tagubiling pagsisisi, at sa tulong ng iyong biyaya ay magbabagong-buhay. AMEN.

MEMORARE:
Alalahanin mo, lubhang mapagbigay-loob na Birheng Maria, ni kailanman ay di narinig na may dumulog sa iyong pagpapaampon, na lumuhog sa iyong tulong o humingi ng iyong pamamagitan, ay hindi mo pinabayaan.
Taglay ang pag-asang ito, ako'y sumasamo sa iyo, o Birhen ng mga birhen at aking Ina. Sa iyo ako'y lumalapit, sa harap mo ako'y titindig, isang makasalanan at puno ng dalamhati; O Ina ng Verbong nagkatawang-tao, huwag mo nawang tanggihan ang aking kahilingan, kundi sa iyong mahabaging puso, ako'y iyong dinggin at sagutin. AMEN.

PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHENG MARIA, REYNA NG KABANAL-BANALANG ROSARYO

Mahal naming Ina, Birhen ng Kabanal-banalang Rosaryo, ipinahayag mo sa tatlong bata sa Fatima na upang di magwagi ang kasamaan ay kinakailangan naming dasalin ng walang humpay ang Banal na Rosaryo.

Nababatid mo na tanging sa pamamagitan lamang ng panalangin kami ay magtatagumpay sa aming pang araw- araw na pagharap sa mga hamon ng buhay laban sa tukso at kasalanan, na kung wala ang tulong ng lyong Anak na si Hesus, kami ay madaling masisila ng tukso.

Ang alalahanin Ka at ang Iyong pagkamasunurin sa Diyos ang nagpapasigla sa aming pasya na manatiling nagpapakumbaba, dukha at nakakiling sa panig ng Diyos, bagamat ito'y nangangahulugan nang pagiging salat sa mga bagay na maka-sanlibutan ngunit ganap sa pagsasakripisyo.

Minamahal naming Ina, ang katiyakang kapiling Ka namin sa pagninilay-nilay sa Banal na Rosaryo ay nagpapalakas ng aming loob na batahin ang lahat ng hirap sa buhay na ito ang aming mga karamdaman at kabiguan sapagkat ipinagsasanggalang Mo kami laban sa aming mga pagkabalisa at binibigyan kami ng pag-asa at liwanag. Patuloy mo kaming ipanalangin at ilapit sa lyong anak na si Hesus na aming Panginoon. AMEN.

NAMUMUNO: O Mahal na Birhen, Reyna ng Kabanal-banalang Rosaryo, kagalakan at kapayapaan ng aming mga puso.
TUGON: Ipananlangin mo kami at ang aming pamayanan.

PAGTATALAGA NG SARILI SA KALINIS-LINISANG PUSO NI MARIA, REYNA NG KABANAL-BANALANG ROSARYO:

O Mahal na Birheng Maria, Reyna ng Kabanal-banalang Rosaryo, itinatalaga namin ang aming sarili at lubos na ipinagkakatiwala sa Iyong kalinis-linisang puso upang maitalaga rin naman sa Kamahal-mahalang Puso ng Iyong Anak na si Hesus at aming Panginoon.

Kami ay patnubayan mo patungo kay Kristong Iyong Anak at Bugtong na Anak ng Ama, at sa Kanya naman at kasama Niya, sa Diyos Amang walang hanggan ang kaluwalhatian.

Puspos ng biyaya ng Banal na Espiritu, kami'y maglalakbay sa liwanag ng pananampalataya, ng pag-asa at ng pag-ibig upang ang aming sambayanan ay manalig na si Kristo ay isinugo ng Ama upang ihatid ang Paghahari ng Diyos dito sa lupa.

Samahan Mo kami sa pagpapahayag ng hiwaga ng buhay, kamatayan at muling pagkabuhay ni Kristo sa pamamagitan ng pagtuturo at pagdarasal ng Iyong Kabanal-banalang Rosaryo ng naayon sa Salita ng Diyos at aral ng Santa Iglesiya na magbubunsod sa aming magmalasakit at magmahal sa aming kapwa.

Kaya't kaming pinagbuklod ng Banal na Espiritu, na nasa ilalim ng maka-inang pag-aaruga ng Iyong Kalinis-linisang Puso, ay gawin mong isang sambayanan kay Kristo, sumasaksi sa Kanyang muling pagkabuhay.

Akayin mo kami patungo sa landas ng kaligtasan at kabanalan para sa lalong ikadarakila ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu magpasawalang hanggan. AMEN.

Nuestra Señora del Santísimo Rosario de Olongapo, Ipanalangin mo kami!

Sa Ngalan ng (+) Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. AMEN.
_______________________________________________Para po sa inyo mga:

*Katanungan

*Mga kuwento ng himala ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo ng Olongapo

*Mag-alay ng regalo

*Dumalaw sa ating kapilya

*at iba pang katanungan:

Makipag-ugnayan lamang po rito sa ating page o tumawag sa 09473253106.


Address

2nd Street Corner Esteban Street, New Kababae
Olongapo
2200

Telephone

+639955223928

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Queen of the Most Holy Rosary Chapel posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share