Diocese of Iba - Queen of the Most Holy Rosary Chapel, Olongapo City

Diocese of Iba - Queen of the Most Holy Rosary Chapel, Olongapo City Ang tahanan ng Nuestra Señora del Santísimo Rosario de Olongapo - Coronada Episcopal. KAPISTAHAN: Tuwing Unang Linggo ng Oktubre.

Kinoronahan noong Oktubre 3, 2021.

AGOSTO 25, 2026PABATID: 40 ARAW NA LAMANG!Atin nang ipagdiriwang ang Ika-70 Taong Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Queen o...
25/08/2026

AGOSTO 25, 2026

PABATID: 40 ARAW NA LAMANG!

Atin nang ipagdiriwang ang Ika-70 Taong Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Queen of the Most Holy Rosary Chapel at Ika-5 taong Anibersaryo ng Episcopal Coronation ng Nuestra Señora del Santísimo Rosario de Olongapo sa Oktubre 4, 2026.
_______________________________________________Para po sa inyo mga:

*Katanungan

*Mga kuwento ng himala ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo ng Olongapo

*Mag-alay ng regalo

*Dumalaw sa ating kapilya

*at iba pang katanungan:

Makipag-ugnayan lamang po rito sa ating page o tumawag sa 09473253106.

15/08/2026

AGOSTO 15, 2026

PABATID: 50 ARAW NA LAMANG!

AGOSTO 15|DAKILANG KAPISTAHAN NG PAG-AAKYAT SA LANGIT SA MAHAL NA BIRHENG MARIA.OREMVS: Ama naming makapangyarihan sa Iy...
15/08/2026

AGOSTO 15|
DAKILANG KAPISTAHAN NG PAG-AAKYAT SA LANGIT SA MAHAL NA BIRHENG MARIA.

OREMVS:
Ama naming makapangyarihan sa Iyong kaningningan naakit ang Mahal na Birheng Maria, sa tulong ng iyong mga biyaya, namuhay Siyang kalinis-linisan at karapat-dapat sa Iyong mga itinakda kaya’t pinagpala Mo Siyang iniakyat sa kalangitan taglay ang kaluluwa at katawan.

Ibinigay Mo siya sa aming Ina at huwaran, sa tulong ng kanyang mga panalangin at sa pagsasaloob namin ng mga bagay sa kaitaasan, pagindapatin Mong kami’y mamuhay rin sa kalinisan at karapat-dapat sa Iyong mga itinakda at kaisa Niya’y magtamasa sa Iyong piling ng kaningningang walang maliw sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. AMEN.

_______________________________________________Para po sa inyo mga:

*Katanungan

*Mga kuwento ng himala ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo ng Olongapo

*Mag-alay ng regalo

*Dumalaw sa ating kapilya

*at iba pang katanungan:

Makipag-ugnayan lamang po rito sa ating page o tumawag sa 09473253106.

PAANYAYA: Bukas, Agosto 15, araw ng Sabado ay araw din ng ating Pamimintuho sa Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo ng Olong...
14/08/2026

PAANYAYA: Bukas, Agosto 15, araw ng Sabado ay araw din ng ating Pamimintuho sa Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo ng Olongapo. Kasabay nito, ating ipagdidiwang din ang Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa langit sa Mahal na Birheng Maria.

Kaugnay po nito, inaanyayahan po namin kayong makiisa sa ating mga gawain sa ating kapilya.

6:30AM - Pagdarasal ng Santo Rosaryo at Nobena sa Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo.

7:30AM - Pagdirirwang ng Banal na Misa.

Magkita kita po tayo. Maraming Salamat po!

_______________________________________________Para po sa inyo mga:

*Katanungan

*Mga kuwento ng himala ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo ng Olongapo

*Mag-alay ng regalo

*Dumalaw sa ating kapilya

*at iba pang katanungan:

Makipag-ugnayan lamang po rito sa ating page o tumawag sa 09473253106.

SABADONG PAGDEDEBOSYON SA NUESTRA SEÑORA DEL SANTÍSIMO ROSARIO DE OLONGAPO.Sa Ngalan ng (†) Ama at ng Anak at ng Espirit...
08/08/2026

SABADONG PAGDEDEBOSYON SA NUESTRA SEÑORA DEL SANTÍSIMO ROSARIO DE OLONGAPO.

Sa Ngalan ng (†) Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. AMEN.

ANG PAGSISISI:
O Diyos ko, ikinalulungkot ko nang buong puso ang pagkakasala ko sa iyo. Kinasusuklaman ko ang lahat kong kasalanan dahil sa takot sa iyong makatarungang hatol, ngunit higit sa lahat, dahil ito’y nakakasakit sa iyong kalooban, Diyos na walang hanggan ang kabutihan at nararapat na ibigin nang walang katapusan. Matibay akong nagtitika na ikukumpisal ko ang aking mga kasalanan, tutuparin ang tagubiling pagsisisi, at sa tulong ng iyong biyaya ay magbabagong-buhay. AMEN.

MEMORARE:
Alalahanin mo, lubhang mapagbigay-loob na Birheng Maria, ni kailanman ay di narinig na may dumulog sa iyong pagpapaampon, na lumuhog sa iyong tulong o humingi ng iyong pamamagitan, ay hindi mo pinabayaan.
Taglay ang pag-asang ito, ako'y sumasamo sa iyo, o Birhen ng mga birhen at aking Ina. Sa iyo ako'y lumalapit, sa harap mo ako'y titindig, isang makasalanan at puno ng dalamhati; O Ina ng Verbong nagkatawang-tao, huwag mo nawang tanggihan ang aking kahilingan, kundi sa iyong mahabaging puso, ako'y iyong dinggin at sagutin. AMEN.

PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHENG MARIA, REYNA NG KABANAL-BANALANG ROSARYO

Mahal naming Ina, Birhen ng Kabanal-banalang Rosaryo, ipinahayag mo sa tatlong bata sa Fatima na upang di magwagi ang kasamaan ay kinakailangan naming dasalin ng walang humpay ang Banal na Rosaryo.

Nababatid mo na tanging sa pamamagitan lamang ng panalangin kami ay magtatagumpay sa aming pang araw- araw na pagharap sa mga hamon ng buhay laban sa tukso at kasalanan, na kung wala ang tulong ng lyong Anak na si Hesus, kami ay madaling masisila ng tukso.

Ang alalahanin Ka at ang Iyong pagkamasunurin sa Diyos ang nagpapasigla sa aming pasya na manatiling nagpapakumbaba, dukha at nakakiling sa panig ng Diyos, bagamat ito'y nangangahulugan nang pagiging salat sa mga bagay na maka-sanlibutan ngunit ganap sa pagsasakripisyo.

Minamahal naming Ina, ang katiyakang kapiling Ka namin sa pagninilay-nilay sa Banal na Rosaryo ay nagpapalakas ng aming loob na batahin ang lahat ng hirap sa buhay na ito ang aming mga karamdaman at kabiguan sapagkat ipinagsasanggalang Mo kami laban sa aming mga pagkabalisa at binibigyan kami ng pag-asa at liwanag. Patuloy mo kaming ipanalangin at ilapit sa lyong anak na si Hesus na aming Panginoon. AMEN.

NAMUMUNO: O Mahal na Birhen, Reyna ng Kabanal-banalang Rosaryo, kagalakan at kapayapaan ng aming mga puso.

TUGON: Ipanalangin mo kami at ang aming pamayanan.

PAGTATALAGA NG SARILI SA KALINIS-LINISANG PUSO NI MARIA, REYNA NG KABANAL-BANALANG ROSARYO:

O Mahal na Birheng Maria, Reyna ng Kabanal-banalang Rosaryo, itinatalaga namin ang aming sarili at lubos na ipinagkakatiwala sa Iyong kalinis-linisang puso upang maitalaga rin naman sa Kamahal-mahalang Puso ng Iyong Anak na si Hesus at aming Panginoon.

Kami ay patnubayan mo patungo kay Kristong Iyong Anak at Bugtong na Anak ng Ama, at sa Kanya naman at kasama Niya, sa Diyos Amang walang hanggan ang kaluwalhatian.

Puspos ng biyaya ng Banal na Espiritu, kami'y maglalakbay sa liwanag ng pananampalataya, ng pag-asa at ng pag-ibig upang ang aming sambayanan ay manalig na si Kristo ay isinugo ng Ama upang ihatid ang Paghahari ng Diyos dito sa lupa.

Samahan Mo kami sa pagpapahayag ng hiwaga ng buhay, kamatayan at muling pagkabuhay ni Kristo sa pamamagitan ng pagtuturo at pagdarasal ng Iyong Kabanal-banalang Rosaryo ng naayon sa Salita ng Diyos at aral ng Santa Iglesiya na magbubunsod sa aming magmalasakit at magmahal sa aming kapwa.

Kaya't kaming pinagbuklod ng Banal na Espiritu, na nasa ilalim ng maka-inang pag-aaruga ng Iyong Kalinis-linisang Puso, ay gawin mong isang sambayanan kay Kristo, sumasaksi sa Kanyang muling pagkabuhay.

Akayin mo kami patungo sa landas ng kaligtasan at kabanalan para sa lalong ikadarakila ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu magpasawalang hanggan. AMEN.

Nuestra Señora del Santísimo Rosario de Olongapo, Ipanalangin mo kami!

Sa Ngalan ng (†) Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. AMEN.
_______________________________________________Para po sa inyo mga:

*Katanungan

*Mga kuwento ng himala ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo ng Olongapo

*Mag-alay ng regalo

*Dumalaw sa ating kapilya

*at iba pang katanungan:

Makipag-ugnayan lamang po rito sa ating page o tumawag sa 09473253106.

PABATID: Ang ating Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo ng Olongapo ay nakabihis na para sa Pagdiriwang ng Dakilang Kapistah...
06/08/2026

PABATID: Ang ating Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo ng Olongapo ay nakabihis na para sa Pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Mahal na Birhen sa langit hanggang sa Pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

_________________________________________Para po sa inyo mga:
*Katanungan

*Mga kuwento ng himala ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo ng Olongapo

*Mag-alay ng regalo

*Dumalaw sa ating kapilya

*at iba pang katanungan:

Makipag-ugnayan lamang po rito sa ating page o tumawag sa 09473253106.

AGOSTO 5, 2026PABATID: 60 ARAW NA LAMANG!Atin nang ipagdiriwang ang Ika-70 Taong Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Queen of...
05/08/2026

AGOSTO 5, 2026

PABATID: 60 ARAW NA LAMANG!

Atin nang ipagdiriwang ang Ika-70 Taong Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Queen of the Most Holy Rosary Chapel at Ika-5 taong Anibersaryo ng Episcopal Coronation ng Nuestra Señora del Santísimo Rosario de Olongapo sa Oktubre 4, 2026.
_______________________________________________Para po sa inyo mga:

*Katanungan

*Mga kuwento ng himala ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo ng Olongapo

*Mag-alay ng regalo

*Dumalaw sa ating kapilya

*at iba pang katanungan:

Makipag-ugnayan lamang po rito sa ating page o tumawag sa 09473253106.

PAANYAYA: Bukas, Agosto 4, Unang Martes ng Buwan ay araw din ng ating Pagdarasal ng 2000 Ave Maria sa karangalan ng Nues...
03/08/2026

PAANYAYA: Bukas, Agosto 4, Unang Martes ng Buwan ay araw din ng ating Pagdarasal ng 2000 Ave Maria sa karangalan ng Nuestra Señora del Santísimo Rosario de Olongapo.

Magsisimula po ang pagdarasal sa ating kapilya sa ganap na Ika-6:00 ng Umaga. Inaanyayahan po namin kayong makiisa sa gawaing ito. Maraming Salamat po!

_______________________________________________Para po sa inyo mga:

*Katanungan

*Mga kuwento ng himala ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo ng Olongapo

*Mag-alay ng regalo

*Dumalaw sa ating kapilya

*at iba pang katanungan:

Makipag-ugnayan lamang po rito sa ating page o tumawag sa 09473253106.

PAANYAYA: Sa Hulyo 25, araw ng Sabado ay araw din ng ating Pamimintuho sa Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo ng Olongapo. ...
23/07/2026

PAANYAYA: Sa Hulyo 25, araw ng Sabado ay araw din ng ating Pamimintuho sa Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo ng Olongapo. Kaugnay po nito, inaanyayahan po namin kayong makiisa sa ating mga gawain sa ating kapilya.

6:30AM - Pagdarasal ng Santo Rosaryo at Nobena sa Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo.

7:30AM - Pagdirirwang ng Banal na Misa.

Magkita kita po tayo. Maraming Salamat po!

_______________________________________________Para po sa inyo mga:

*Katanungan

*Mga kuwento ng himala ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo ng Olongapo

*Mag-alay ng regalo

*Dumalaw sa ating kapilya

*at iba pang katanungan:

Makipag-ugnayan lamang po rito sa ating page o tumawag sa 09473253106.

Address

2nd Street Corner Esteban Street, New Kababae
Olongapo
2200

Telephone

+639955223928

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Diocese of Iba - Queen of the Most Holy Rosary Chapel, Olongapo City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share