30/05/2024
RYC4 | RELATIONSHIP WITH GOD: PINAGSISIKAPAN O TINATANGGAP?
“Kailangan nating magkaroon ng relasyon sa Diyos”
Narinig mo na ba ito? Kadalasan na itong itnituro ngayon sa mga pulpits, campings or anumang religious gatherings na ninanais ang isang revival ng spiritual life at itaas si Jesus. Tinatawag ito kadalasan na “saving relationship” with God.
Pero what if ang ganitong concept or idea ay “patago” or subtle form ng righteousness by works of self? What if patago itong form ng legalism?
Oo, tama ang iyong nabasa, kasi may tendency na pwede itong maipagmalaki as, “worthy ako sa langit kasi nag-establish ako ng relationship ko sa Panginoon” or “may relasyon kasi ako sa Panginoon kaya maliligtas ako”
Alam ko di ka maniniwala agad, OK lang yan. Pero payagan mo muna kaming magexplain.
Let's be clear!
Need ba ng tao ang relasyon sa Dios?
Yes absolutely! No question na dun.
Pero ang tanong, kaya ba ng tao na mag build or magestablish ng relasyon sa Diyos?
Absolutely no! Bakit? Romans 3:11 says “There is none that understandeth, there is none that seeketh after God.”
Malinaw na wala naman talagang gumagawa nito sa Diyos and therefore lahat ay bagsak or hindi pasado na maka-establish ng relationship sa Diyos.
Eh hindi ba required ng Diyos na magkaroon tayo ng relasyon sa Kanya, kung titingnan ang Isaiah 55: 7; Jer. 29:13 at Prov. 8:17?
Yes, tama ung mga talata, pero ang tanong able ba ng tao?
Sad to say no, bakit? Romans 8: 7 says “Because the carnal mind is enmity against God: for it is not subject to the law of God, neither indeed can be.” Kaya “they that are in the flesh cannot please God.” (v. 8)
Teka, hindi ba pwedeng by faith, by the grace of God or I can do all things through Christ, makakapagestablish tayo ng relationship sa Kanya?
Naiintindihan namin ang sinasabi mo, pero kadalasan palamuti or decoration lang ang mga phrases na ito eh pero in the end failed pa rin kasi “the flesh lusteth against the Spirit, and the Spirit against the flesh: and THESE ARE CONTRARY THE ONE TO THE OTHER: so that ye cannot do the things that ye would.” (Gal. 5:17).
E kung ganun pala, eh bakit pa tayo hinihikayat ng Bible na magkaroon ng personal devotion or personal bible study (see 2 Tim. 2:15; 3:16,17), magpray (1 Thessa. 5:17) or do witnessing (Matt. 28:19-20), eh hindi pala naman nito kayang magestablish ang relasyon natin sa Panginoon?
Teka, para masagot natin ang tanong na ito, mas maganda sigurong itanong, bakit ka nga ba nagppray, bakit ka nag-nanais na magkaroon ng personal study ng Bible, at bakit ka sumasali sa pag witness?
Ginagawa mo ba ito para magestablish ng relationship sa Panginoon (as if ang Diyos ay naghihintay lang sa initiative mo) or ang mga ito ay evidence lang na tinatanggap mo ang “already established” relationship ni Jesus with the Father para sayo (see 2 Cor. 5:19) ?
Ang sagot po ay, may personal study tayo ng Bible, nagppray tayo and we are witnessing for Him kasi tinatanggap natin ang “already established” relationship ni Jesus with the Father. Kaya nga “we are accepted IN the Beloved” (Eph. 1:6). Sabi pa nga sa Colossians 2
10 “ye are complete in Him,”
Hindi mo na kailangan na magestablish pa ng relationship sa Diyos kasi already established na un “in Christ”
Kaya ang dahilan kaya tayo nagba-bible study personally, bakit tayo nagppray earnestly or do witnessing is that:
1. Patay na or tinanggap na nating patay na si old self (see Rom. 6:6; Gal. 2:20), kaya kahit pagsurrender mo sa Kanya ay walang merit or hindi fucos na parang mas mahal ka na ng Diyos ngayon dahil nagsurrender ka (bagaman mahalaga ang self surrender). Mahal ka na ng Diyos bago ka pa magsurrender.
2. Si Cristo na ang nabubuhay sa atin (Gal. 2:20; Col. 1:27) or Christ is our life (Col. 3:4) kaya nga “we are saved by His life” (Rom. 5:10). At ung life Nya ay already may relationship na with the Father. Ayaw mo ba nun nakapackage na ung mga need mo in Christ?
Ibig sabihin natural nalang na papayag ka na magkaroon ng personal bible study, prayerful life at witnessing, hindi para magestablish ng isa pang relationship sa Diyos kundi dahil ang buhay ni Cristo ay nasa iyo na (Gal. 4:19) at ang buhay ni Cristo ay talagang may personal devotion, prayerful at may mission to be a witness and “by the obedience of one [Christ] shall many be made righteous” (Rom. 5:19). At syempre ang lahat ng nakay Cristo ay mga new creature na (Eph. 2:10; 2 Cor. 5:17).
Matagal ng may relasyon ang Diyos sayo dahil kay Cristo, bago ka pa makapagisip na mag-bible study, magpray at magwitness para sa Kanya (Rom. 5:6, 8). Kaya wag mo ng pahirapan ang sarili mo na magestablish pa ng another relationship sa Kanya. Day by day ay tanggapin mo at payagan ang already established relationship ng Diyos sayo in Christ na possible na mangyayari dahil sa creative power of the Word (Ps. 33:9; Isaiah 55:11).